Share

CHAPTER TWENTY-SIX

last update Huling Na-update: 2025-07-30 18:24:27

ISABELLA – POV

Tatlong linggo na akong nakakulong sa kwartong ito. Sa buong panahong iyon, tanging ang hardin lang ang naging takbuhan ko kapag gustong huminga ng kaunting kalayaan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ibinabalik sa akin ni Sebastian ang SIM card ko. Wala akong paraan para makausap sina Riley at Jane—walang tawag, walang kahit isang mensahe. Para akong pinutol sa lahat ng koneksyon sa labas ng mundong ‘to.

Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa gilid ng bintana ng kwarto ko, ang siko ko nakasandal sa malamig na bakal ng bintanang rehas, habang ang mga mata ko ay sumusunod sa pigura ni Sebastian sa hardin sa ibaba. Suot niya ang kanyang usual na all-black suit, mukhang pormal at matigas gaya ng dati, pero kakaiba ang galaw niya ngayon—tila may seryosong pinag-uusapan kasama ang tatlong lalaki na pawang mukhang mga negosyante o... sindikato.

Napakunot ang noo ko.

“Mukhang illegal business na naman ang iniisip mo,” bulong ko sa sarili, na may halong pait at pangungutya.

Tah
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER THIRTY-ONE

    THIRD PERSON:Hindi siya mapakali.Kanina pa siya nakaupo sa mahabang mesa ng pulong, kasama ang mga kapwa investors at arms suppliers, pero kahit anong pilit ay hindi niya maibalik ang focus sa usapan. Ang bawat detalye tungkol sa shipment, distribution, at bagong ruta ay lumalampas lang sa pandinig niya—dahil iisa lang ang laman ng isip niya:Isabella.Sa isla ba siya dapat manatili? Malayo iyon sa kaguluhan ng siyudad, mas tahimik, mas ligtas… pero alam niyang hindi habambuhay maikukulong si Isabella sa isang paraisong gawa ng kasalanan ng asawa nito.Paano kung matunton naman ng grupo ni Rocco ang isla habang wala siya?O ibabalik ba niya ito sa siyudad?Kung saan nandoon ang mga kaibigan nitong sina Riley at JanePero paano kung magkrus muli ang landas nila ni Ethan? Napapikit si Sebastian, mariing pinisil ang hawak niyang ballpen. Naririnig na niya sa loob ng ulo niya ang pangalan ng lalaking iyon. Ethan. Parang lason sa sistema niya. Parang multong handang bumalik para agawin

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER THIRTY

    ISABELLA POV: Pagmulat ng mga mata ko, malamig na ang puwesto sa tabi ko. Wala na si Sebastian. Tahimik ang buong silid—tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko, at ang mahinang ihip ng aircon na tila nanunuot sa balat kong basa pa ng pawis. Napailing ako nang mahina, at saka napakagat-labi. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya... o sa pagnanasa pa rin. Ginamit lang ba niya ako? O... ako ang nagpaubaya? Gumulong ako sa kama, tinititigan ang kisame habang hinihila ang manipis na kumot sa hubad kong katawan. Biglang bumalik sa isip ko ang bawat halik, ang bawat haplos, ang boses niyang paos habang bulong-bulong ang pangalan ko sa tenga ko. "You're mine tonight, Bella. Only mine." Napapikit ako, tinakpan ang mukha. Bakit ganito? Bakit ang katawan ko... parang nananabik pa rin sa kanya? At doon, hindi ko naiwasang maalala si Ethan. Ang asawa ko. Kung asawa ko pa ba siya... hindi ko na rin alam. Matagal na kaming hindi nagtatalik. Laging pagod, laging wala sa mood. Laging may dahi

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER TWENTY-NINE

    ⚠️ WARNING: This chapter contains mature content intended for readers 18 and above. Read at your own discretion.ISABELLA POV:“Kapag sinabi mong itigil ko ‘to… titigil ako.” bulong niya, habang ang hinlalaki niya ay banayad na humaplos sa gilid ng labi ko. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa kanyang kamay, pero mas malakas ang alon ng tensyon na sumisiksik sa pagitan naming dalawa.Hindi ko na kinaya.“Ohh! F*ck!! Stop teasing me!!” gigil at nauupos na sabing lumabas sa labi ko—hindi ko na alintana kung kanino galing ang boses na iyon. Parang hindi na ako 'yon. Parang ibang babae na ang humalili sa akin—isang babaeng hindi na takot... kundi sabik.At bago pa siya muling makapagsalita, ako na mismo ang kumabig sa batok niya at hinalikan siya—matapang, mapang-angkin, at sabik.Hindi siya nag-atubili.Gumanti siya ng halik na parang gutom na gutom. Like he’d been starving for so long, and now… he finally had permission to devour me.Our breaths crashing into each other, bodies moving

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    ⚠️ This chapter contains mature themes. Reader discretion is advised. 18+ISABELLA POV:“Sa–salamat,” bulong ko, halos hindi marinig. Napayuko na lang ako, pilit iniiwas ang mata ko sa kaniya.Pero ilang segundo lang ang lumipas nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko.Napaangat ang tingin ko sa kaniya, at doon ko siya muling nasilayan nang malapitan—matatalim ang mga mata, bahagyang nakakunot ang noo, parang inaaral ang bawat reaksyon ko. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang hinlalaki, humagod sa gilid ng pisngi ko, pababa sa panga.“Bakit parang natatakot ka na naman sa’kin, Bella?” aniya sa mababa at paos na boses, halos bulong—pero diretso sa tenga ko, at tila may kakaibang epekto sa katawan ko.“Hi-hindi naman…” Mahina kong sagot, pero alam kong hindi siya naniniwala.“Hindi mo kailangang matakot…” bulong niya, habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang lumapat sa bewang ko. Hinila niya ako palapit—walang pwersa, pero sapat para mawala ang espasyo sa pagitan naming da

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    ISABELLA – POVKung ano-ano na lang talaga ang mga kalokohan ang lumalabas sa bibig ng dalawang ito. Napapahilot na lang ako sa sentido habang pinapakinggan ang walang preno nilang mga hirit. Wala pa ring pinagbago—pareho pa rin silang parang tambalang sirang plaka na puro kabastusan ang pinagsasabi."Kaya dapat paghandaan mo na 'yang sarili mo, girl," malanding hirit ni Riley habang tumatawa ng malakas. "Sa pangangatawan pa lang ni Hotty Boy mo, isang round pa lang baka mag-blackout ka na agad! HAHAHA!""Totoo! Para kang ilulublob sa jacuzzi na hindi mo na alam kung paano ka makakaahon!" dagdag ni Jane, halos mahulog na sa kakatawa habang sinisiko ako. "Saka, ‘diba sabi mo siya rin ‘yung guy sa bar? Hindi mo ba na-realize na nung gabi pa lang na ‘yon… kinidnap ka na pala niya dinala ka sa condo niya. OMG!"Napapikit na lang ako at napailing, habang pinipigilan ang ngiti sa labi ko. Gusto kong magtago sa ilalim ng kama, sa likod ng kurtina, o kahit saan basta hindi ako mapagtawanan pa

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER TWENTY-SIX

    ISABELLA – POVTatlong linggo na akong nakakulong sa kwartong ito. Sa buong panahong iyon, tanging ang hardin lang ang naging takbuhan ko kapag gustong huminga ng kaunting kalayaan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ibinabalik sa akin ni Sebastian ang SIM card ko. Wala akong paraan para makausap sina Riley at Jane—walang tawag, walang kahit isang mensahe. Para akong pinutol sa lahat ng koneksyon sa labas ng mundong ‘to.Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa gilid ng bintana ng kwarto ko, ang siko ko nakasandal sa malamig na bakal ng bintanang rehas, habang ang mga mata ko ay sumusunod sa pigura ni Sebastian sa hardin sa ibaba. Suot niya ang kanyang usual na all-black suit, mukhang pormal at matigas gaya ng dati, pero kakaiba ang galaw niya ngayon—tila may seryosong pinag-uusapan kasama ang tatlong lalaki na pawang mukhang mga negosyante o... sindikato.Napakunot ang noo ko.“Mukhang illegal business na naman ang iniisip mo,” bulong ko sa sarili, na may halong pait at pangungutya.Tah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status