ISABELLA POV:
"A-anong ibig sabihin nito?!" Nalilitong tanong ko habang hawak ang mga papel na nakalatag sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala sa aking nababasa—mga resibo, kontrata, at listahan ng utang... lahat ay nasa pangalan ng aking asawa, si Ethan.
"Tsk! Di ka ba marunong magbasa?" sarkastikong tugon ng lalaking nakaupo sa madilim na couch, walang balak ipakita ang kanyang mukha. Hawak niya ang isang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, habang ang usok nito'y unti-unting sumasayaw sa hangin. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, para bang nalilibang siya sa kalagayan ko. Ang malamlam na ilaw sa silid ay nagbibigay ng anino sa kanyang matalim na panga at mapanuksong mga mata, na parang nagmamasid sa akin na tila isang biktimang nahulog sa kanyang patibong.
Mariin kong tinapunan siya ng tingin bago bumaling muli sa aking asawa. "Hindi ikaw ang kinakausap ko!" mataray kong tugon. Ngunit tila walang balak si Ethan na sumagot. Nakayuko lamang siya, animo'y isang batang nahuli sa paggawa ng kasalanan. Ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod, mahigpit na nakakuyom na para bang pinipigilan ang sarili na magsalita.
"Baka may hindi ka pa nalalaman, Mrs. Ramirez... O dapat bang tawagin kitang MISS Santiago?" Malamig at puno ng panunuya ang tono ng estrangherong lalaki. Muling naningkit ang aking mga mata, unti-unting pumipintig ang galit sa aking dibdib. Sino siya? Bakit parang mas marami pa siyang alam tungkol sa aking asawa kaysa sa akin?
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan, ha?!" bulyaw ko sa kanya, ngunit nanatili lang siyang nakangisi. Ang kanyang titig ay puno ng panunuya, tila ba ini-enjoy ang pagguho ng mundo ko.
"Hmm... Ano, Mr. Ramirez? Ako na ba ang magpapaliwanag sa kanya o ikaw na mismo?" patuloy niyang pang-uuyam kay Ethan. Ngunit hindi pa rin ito sumagot. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig, ni hindi niya ako magawang tingnan sa mata.
"Mukhang hindi niya kayang sabihin sa'yo, hmm?" Isang nakakalokong tawa ang lumabas mula sa lalaking ito. Muli siyang humithit sa sigarilyo, pagkatapos ay marahang bumuga ng usok na tila sinasadya pang iparamdam sa akin ang bigat ng kanyang presensya.
Mataas na ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Ang tahimik na silid ay parang lumiliit, tinatabunan ako ng bigat ng sitwasyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Umalis ka na—"
"Kung may aalis man sa kwartong ito, wala nang iba kundi ang asawa mo." Matigas at malamig ang kanyang boses, dahilan upang maputol ang aking sasabihin. Napaatras ako, nilamon ng kaba at pagtataka ang buong sistema ko.
"A-anong ibig mong sabihin...?" Muli akong bumaling kay Ethan, umaasang itatanggi niya ang anumang iniisip ko ngayon. Ngunit nanatili siyang tahimik, parang isang estatwang wala nang kaluluwa.
Napangisi ang estrangherong lalaki, saka lumapit sa akin, ang tingin niya'y para bang isa akong tropeong napanalunan niya. Napansin ko ang matipuno niyang tindig—ang paraan ng paglakad niya, puno ng kumpiyansa at bahagyang yabang, na para bang alam niyang walang makakatakas sa kanya. Sa bawat hakbang niyang palapit, ramdam ko ang bigat ng presensya niya, ang panganib na dala ng kanyang malamig na tingin. Hindi ko alam kung takot o galit ang nararamdaman ko, ngunit alam kong hindi ko dapat ipakita ang panghihina sa harapan niya.
Ramdam ko ang init ng kanyang hininga nang marahan niyang ibinulong ang mga salitang nagpatindig ng balahibo ko.
"Ibig sabihin, binenta ka na sa akin ng asawa mo. Ikaw ay akin na ngayon, my Bella."
Biglang nanlamig ako sa boses niya, at nanayo ang mga balahibo ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ang titig niya ay puno ng determinasyon, isang titig na nagsasabing wala akong kawala.
"From now on, just do what I want," bulong niya, habang ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking tenga. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang tensyong bumalot sa akin. Ang puso ko ay nag-uumalpas sa kaba at galit, ngunit ang katawan ko naman ay tila natutop sa presensiya niya.
"Hindi ako laruan na basta mo na lang kukunin," madiin kong sabi, pilit na pinatatag ang sarili ko.
Ngunit ngumisi lang siya, waring natutuwa sa sagot ko. "We'll see about that," aniya bago tumalikod saglit at humithit muli ng sigarilyo. "Dahil simula ngayon, wala ka nang ibang pagpipilian kundi ako."
Napaatras ako, ngunit kasabay noon ang lalo niyang paglapit. Ang katawan niya ay halos dumikit na sa akin, at ang amoy ng kanyang mamahaling pabango ay humalo sa usok ng sigarilyo. Ang init ng katawan niya ay tila nagpapaso sa akin, dahilan upang lalong lumakas ang pintig ng aking puso.
"Natatakot ka ba?" bulong niya sa akin, bahagyang inianggulo ang kanyang mukha upang mas lalong idikit ang labi niya sa aking tainga. "O baka naman... natutukso ka?"
"Umalis ka sa harapan ko," mariin kong sabi, pilit na pinapalakas ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig ang aking tuhod.
Ngunit hindi siya natinag. Bagkus, bahagya pa niyang itinukod ang isang kamay sa dingding sa gilid ko, tuluyang inipit ako sa kanyang presensya. Napatingin ako kay Ethan, umaasang magsasalita na siya, na ipagtatanggol niya ako. Ngunit nanatili siyang tahimik, nakayuko, para bang hindi man lang niya kayang tingnan ang ginawa niyang pagkakanulo sa akin.
"Talagang iniiwasan mo ako, hmm?" Naramdaman kong dumaan ang kanyang daliri sa gilid ng aking panga, bahagyang iniangat ito upang mapatingin ako sa kanyang mga mata. "Pero paano kung sabihin kong wala ka nang ibang pupuntahan? Ako na ang bago mong mundo, Bella. At mas mabuting tanggapin mo na iyon bago pa maging mas mahirap para sa'yo."
Nanigas ang katawan ko. Ang pangungusap niyang iyon ay tila nagtataglay ng isang babala—isang banta na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Ngunit isang bagay ang malinaw: hindi ko basta-basta matatakasan ang lalaking ito.
Biglang nanlamig ako sa boses niya, at nanayo ang mga balahibo ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ang titig niya ay puno ng determinasyon, isang titig na nagsasabing wala akong kawala.
"From now on, just do what I want," bulong niya, habang ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking tenga. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang tensyong bumalot sa akin. Ang puso ko ay nag-uumalpas sa kaba at galit, ngunit ang katawan ko naman ay tila natutop sa presensiya niya.
"Hindi ako laruan na basta mo na lang kukunin," madiin kong sabi, pilit na pinatatag ang sarili ko.
Ngunit ngumisi lang siya, waring natutuwa sa sagot ko. "We'll see about that," aniya bago tumalikod saglit at humithit muli ng sigarilyo. "Dahil simula ngayon, wala ka nang ibang pagpipilian kundi ako."
Napatingin naman ako kay Ethan, ngunit tila ba wala na siyang emosyon. Blangko ang kanyang mukha, hindi ko mabasa kung may pagsisisi ba o wala. Nakatingin lamang siya sa aming dalawa, ngunit hindi man lang niya nagawang sumingit o lumaban. Wala siyang kahit anong pagtatangkang ipagtanggol ako—parang isang tau-tauhan na inalisan ng silbi. Nakuyom ko ang aking mga kamao, nagngingitngit sa galit at sakit.
"Ethan... Sabihin mong hindi totoo ‘to..." mahina kong usal, ngunit hindi siya gumalaw. Hindi niya ako magawang tingnan, hindi niya magawang itanggi.
THIRD PERSON:Biglang naputol ang usapan nilang tatlo nang biglang nag-ring ang cellphone ni Isabella. Sabay-sabay silang napalingon dito, at pansamantalang natahimik ang silid.Napatingin si Isabella sa screen. “Si Ethan...” bulong niya, halos hindi sigurado kung matutuwa ba o mas lalong kakabahan.“Sagutin mo na, girl,” sabi ni Riley habang marahang tinatapik ang balikat niya.Nagkatinginan pa sina Riley at Jane, parehong may halong kaba at kuryosidad sa mga mata. Pinipigil man nila ang sarili, halata sa mukha nila na gusto rin nilang marinig ang sasabihin ni Ethan.Napabuntong-hininga si Isabella bago niya pinindot ang sagot button.“Hey... Hon?” malamig ngunit pilit malambing na boses ni Ethan ang bumungad sa kabilang linya. “Where are you? We need to talk.”Napakunot ang noo ni Isabella. Sandali siyang napatitig sa sahig bago siya sumagot.“Talk about what?” tanong niyang diretso, may bahid ng lamig ang tinig niya.Nagkatinginan sina Jane at Riley, at sabay-sabay na sumenyas kay
ISABELLA POV:Napabalikwas ako ng bangon, habol-hininga at gulat na gulat."Oh, shit!"Napakapit ako sa ulo ko na tila pinupunit ng matinding sakit. Parang may naghahampasan sa loob ng bungo ko. Pilit kong inaaninag ang paligid kahit nanlalabo pa ang paningin."Wait... shit! Where am I?"Dahan-dahan kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko. Hindi rin ito kwarto ng condo nila Jane o Riley. Mamahalin ang interior—malinis, tahimik, may amoy ng bagong labang kumot at mamahaling air freshener. Napalunok ako.Ibang kwarto ‘to. Ibang kama. Ibang condo.Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, musika, ilaw, tawanan, mga bote ng alak. At... isang lalaki.Biglang nanlaki ang mga mata ko.“May… may nakasayaw ako kagabi…”Parang biglang bumalik ang eksena—ang matikas na katawan, ang malalim niyang boses, ang titig na tila tumagos sa pagkatao ko.“No… no, no…” bulong ko, napapalakas habang unti-unting tinatablan ng kaba ang buo kong katawan.Mabilis kong hinila ang kumot mula
THIRD PERSON:“Excuse me, this seat taken?” malamig ngunit banayad ang tono ng boses ng lalaki. Kasabay noon ang bahagyang ngiti na tila sanay magpakaba ng babae.Napatingin si Isabella, bahagyang kunot ang noo. Walang kagatol-gatol na sumimangot siya.“No,” mataray na tugon niya. Diretso, walang pasakalye.Ngumiti ang lalaki, halatang hindi naapektuhan. Sa halip, nag-angat pa ito ng kilay at akmang uupo na sa tabi niya.Pero agad siyang nagsalita muli, mas madiin ngayon ang boses.“No,...because I’m already taken. Kaya… chooooo!” sabay kaway ng kamay niya sa direksyon nito, parang nagtataboy ng langaw.Napatigil ang lalaki, bahagyang natawa, pero hindi umalis agad. “Wow. That’s the most creative rejection I’ve heard all night,” sabi nito, bahagyang natatawa habang umiling. “Noted, Miss Taken.”Tumalikod na ito para umalis, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo, sumulyap pa ito muli at nagbiro, “Kung magbago isip mo, nandiyan lang ako sa kabilang table. Hindi ako taken, just taken a ba
THIRD PERSON:Ilang araw nang halos hindi lumalabas ng kwarto si Isabella. Nakatulala lamang siya sa kawalan, habang yakap ang isang unan at nakaupo sa gilid ng kama. Mabigat ang dibdib niya, tila ba hindi na siya makahinga sa dami ng iniisip.Biglang bumukas ang pinto, ni walang katok."Hoy! Ano 'yan? Ganyan ka na lang? Magmumukmok ka na lang habambuhay?"Si Riley, mabilis na pumasok sa kwarto habang bitbit ang dalawang paper bag ng takeout. Kasunod niya si Jane, na agad namang naupo sa dulo ng kama."Hulaan mo, Riley..." sabi ni Jane, sabay kindat kay Isabella."Nahhh!" sabat agad ni Riley. "Nag-away na naman kayo ni Ethan, ‘no?"Napabuntong-hininga si Isabella at pinikit ang mga mata. Hindi na niya sinagot agad. Tahimik. Hanggang sa marahang bumigkas siya ng, "Hindi naman kami nag-away...""Eh ano pala?" sabay na tanong ng dalawa, parehong nakakunot ang noo.Bumuntong-hininga muli si Isabella bago muling nagsalita. "May mabigat kaming problema."Nagkatinginan sina Jane at Riley, ka
THIRD PERSON:Nagtatakang napapalingon si Isabella sa mga empleyado habang naglalakad sa loob ng opisina. Kakatapos lang siyang batiin ng ilan sa kanila, ngunit agad naman itong sinundan ng mahihinang bulungan na tila sinadya pang iparinig sa kanya.“Paano kaya kapag nalaman niya?”Napahinto siya saglit. Mabilis na tumingin sa direksyon ng mga nag-uusap—dalawang babaeng empleyado na halatang nagulat nang mahuli niyang nakatingin sa kanila. Agad silang ngumiti, pilit na pinagtatakpan ang tensyon.“G-Good morning po, Ma’am,” bati ng isa, sabay sabay na bahagyang yuko.Hindi na niya binigyan pa ng tanong ang nangyari. Gumanti na lamang siya ng mahinang ngiti at bahagyang yuko, ngunit dama niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. May kakaiba. May hindi siya alam.Tahimik siyang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ni Ethan. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya'y parang may bumabagsak na bigat sa kanyang dibdib. Ang dating masiglang paligid ng kompanya ngayon ay tila ba may
ISABELLA POV:"A-anong ibig sabihin nito?!" Nalilitong tanong ko habang hawak ang mga papel na nakalatag sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala sa aking nababasa—mga resibo, kontrata, at listahan ng utang... lahat ay nasa pangalan ng aking asawa, si Ethan."Tsk! Di ka ba marunong magbasa?" sarkastikong tugon ng lalaking nakaupo sa madilim na couch, walang balak ipakita ang kanyang mukha. Hawak niya ang isang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, habang ang usok nito'y unti-unting sumasayaw sa hangin. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, para bang nalilibang siya sa kalagayan ko. Ang malamlam na ilaw sa silid ay nagbibigay ng anino sa kanyang matalim na panga at mapanuksong mga mata, na parang nagmamasid sa akin na tila isang biktimang nahulog sa kanyang patibong.Mariin kong tinapunan siya ng tingin bago bumaling muli sa aking asawa. "Hindi ikaw ang kinakausap ko!" mataray kong tugon. Ngunit tila walang balak si Ethan na sumagot. Nakayuko lamang siya, animo'y i