THIRD PERSON:
Ilang araw nang halos hindi lumalabas ng kwarto si Isabella. Nakatulala lamang siya sa kawalan, habang yakap ang isang unan at nakaupo sa gilid ng kama. Mabigat ang dibdib niya, tila ba hindi na siya makahinga sa dami ng iniisip.
Biglang bumukas ang pinto, ni walang katok.
"Hoy! Ano 'yan? Ganyan ka na lang? Magmumukmok ka na lang habambuhay?"
Si Riley, mabilis na pumasok sa kwarto habang bitbit ang dalawang paper bag ng takeout. Kasunod niya si Jane, na agad namang naupo sa dulo ng kama."Hulaan mo, Riley..." sabi ni Jane, sabay kindat kay Isabella.
"Nahhh!" sabat agad ni Riley. "Nag-away na naman kayo ni Ethan, ‘no?"
Napabuntong-hininga si Isabella at pinikit ang mga mata. Hindi na niya sinagot agad. Tahimik. Hanggang sa marahang bumigkas siya ng, "Hindi naman kami nag-away..."
"Eh ano pala?" sabay na tanong ng dalawa, parehong nakakunot ang noo.
Bumuntong-hininga muli si Isabella bago muling nagsalita. "May mabigat kaming problema."
Nagkatinginan sina Jane at Riley, kapwa ramdam ang bigat sa tinig ng kaibigan.
"Isabella… ano bang nangyayari?" malumanay na tanong ni Jane, inilapit pa ang sarili sa kanya.
"Nalulugi ang kompanya namin," halos pabulong na sabi ni Isabella.
"Ano?!" halos sabay na bulalas ng dalawa, sabay-sabay na napaupo sa kama.
"Di ko alam kung paano nangyari. Akala ko kaya ni Ethan mamahala sa kompanya... akala ko okay ang lahat. Pero ang totoo pala, matagal na siyang may tinatago. Utang, mga nawawalang project, termination letters... at ngayon umaasa siya sa investors na hindi pa niya personal na nakakausap."
"Wait—what?!" gulat ni Riley. "Bakit hindi siya nagsabi agad? Dapat noon pa lang humingi na siya ng tulong!"
"Oo nga," sabay ng sang-ayon ni Jane. "Bakit hindi niya sinama ang board? O kahit man lang ikaw? Isa ka rin naman sa shareholders, ‘di ba?"
Napayuko si Isabella, mariing pinipigilan ang luha. "Ayokong isipin na sinadya niya... pero bakit parang ako lang palagi ang huling nakakaalam ng lahat?"
Tahimik ang dalawa. Sandaling katahimikan ang bumalot sa silid. Sa mata nina Jane at Riley, naroon ang pag-aalala—hindi lang dahil sa kompanya, kundi para sa kaibigan nilang unti-unting nauubos.
"Isabella," sabay na sabi ni Jane at Riley, "Hindi mo kailangang harapin 'to nang mag-isa. Andito kami. Kahit anong mangyari, hindi ka namin iiwan."
Napatingin si Isabella sa kanila. Sa gitna ng lungkot, isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
"Ang drama naman natin!" sabat ni Riley habang umiikot-ikot sa kwarto. "Tara, mag-party-party na lang tayo. Baka sakaling matauhan ka sa ingay at ilaw!"
Parang may biglang nabuhayan ng dugo sa loob ng silid. Nagkatinginan sina Jane at Riley, sabay sabay na sumigaw,
“Yowwwnnn!!! Tara na sa isang sikat na bar!”
"Bar?" tanong ni Isabella, bahagyang kunot ang noo.
"Oo ‘day! Mag-bar ka man!" sagot ni Jane na may halong Visayang accent. "Para maibsan man lang iyang kakaisip mo sa problema mo, ba!"
"Tama!" sabay sabat ni Riley. “Tigilan mo muna 'yang lungkot-lungkotan na vibes. Let's revive your soul! Isang gabi lang ‘to. Kami ang bahala.”
Napangiti si Isabella. Napailing nang marahan. Matagal-tagal na nga rin mula nang huli siyang pumunta sa bar kasama ang dalawa. Ilang beses na rin siyang niyaya ng mga ito, pero puro “next time” at “may aasikasuhin ako” lang ang laging
sagot niya. Lagi na lang siyang may dahilan para umiwas.
Pero ngayon... iba na. Kailangan niyang huminga. Kailangan niyang makalimot kahit sandali.
"Sige na nga," tugon niya, sabay buntong-hininga ngunit may ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
"YEEES!!" sabay na sigaw nina Jane at Riley, halos magtalunan sa tuwa.
“Don't worry, kami ang bahala sa’yo!” masayang sabi ni Riley, sabay akbay kay Isabella.
"Oo, promise namin, no tears tonight! Puro sayaw, drinks, at chika lang. At kung papalarin..." sabay taas-kilay ni Jane, "...baka may masalubong pa tayong gwapo doon!"
****
Kumakawala ang malalakas na beat mula sa loob ng sikat na bar sa siyudad. Sa labas pa lang, ramdam na ang enerhiya ng musika—isang halo ng electronic dance at classic R&B. Kumukutitap ang neon lights sa signage, at bawat pagbukas ng pinto ay may kasamang bugso ng ingay, liwanag, at tawanan.
Pagpasok nina Isabella, Jane, at Riley, agad silang sinalubong ng makukulay na ilaw at nagsasayawang mga tao. Mabango ang hangin sa loob—halimuyak ng mamahaling pabango, alak, at usok ng fog machine.
“Yoooww! This is it! Welcome to the world, Isabella!” sigaw ni Riley habang humahataw ng sayaw kahit hindi pa sila nakaupo.
Natawa si Jane. “Kalma ka, girl! Maupo muna tayo—hindi pa umaabot ang cocktail!”
Si Isabella, kahit may alinlangan pa, ay napangiti habang pinagmamasdan ang kasiyahan sa paligid. It felt surreal. Parang ibang mundo ang kinasadlakan niya ngayong gabi—malayo sa lungkot ng opisina, sa katahimikan ng kwarto, at sa bigat ng problemang iniwan niya sa bahay.
Umupo sila sa isang high table malapit sa dance floor. Agad na dumating ang waiter, bitbit ang tatlong inumin.
“Cosmo para sa may hugot,” biro ni Jane sabay abot ng baso kay Isabella.
"Cheers muna tayo!” sigaw ni Riley, sabay taas ng baso. “Para sa bagong chapter ng buhay ni Isa!”
Nagkatamaan ang mga baso sa gitna ng tawanan. Si Isabella ay bahagyang napapikit bago uminom, lasap ang malamig na timpla ng alak—masarap, matapang, at may bahid ng kalayaan.
“Musta na? Medyo nabawasan ba ang bigat sa dibdib?” tanong ni Jane habang nakasandal sa upuan.
“Konti,” sagot ni Isabella habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw. “Pero at least, ngayon lang ulit ako huminga.”
“Hinga muna ngayon, bukas na ulit ang iyak,” sabat ni Riley, sabay tawa.
Nagsimula nang tumugtog ang isa sa mga paboritong kanta ni Jane, kaya bigla siyang hinila si Riley patayo. “Tara! Let’s burn the dance floor!”
"Isa, sama ka na!" yaya ni Riley.
Umiling si Isabella, ngumiti. “Kayo na muna. Gusto ko lang munang umupo at magpahinga.”
“Fineee! Pero kung may lumapit na pogi, entertain mo ha!” biro ni Jane bago sila nagtawanan at nagtungo sa gitna ng sayawan.
Naiwan si Isabella sa mesa, tahimik na nakatingin sa crowd. Sa likod ng ingay at ilaw, muli niyang naramdaman ang lungkot na pilit niyang nilulunok kanina. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit nanatiling mabigat ang dibdib.
Nang biglang...Isang lalaki ang lumapit sa kanya. Matangkad, matikas ang tindig, at nakasuot ng itim na long sleeves na may bahagyang bukas sa leeg. Hindi niya makita agad ang mukha dahil sa liwanag mula sa likod ng lalaki—pero pamilyar ang presensya.
“Excuse me, this seat taken?” malamig at kalmadong tanong ng lalaki, kasabay ng isang bahagyang ngiti.
The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansa—isang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punô ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasal—ito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): “Ngayong araw, saksi kayo sa kasaysayan—ito ang kasal ng taon!—ang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiago’s Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.” Ang
THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayon—abala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niya’y ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma
THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. “At please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang ‘Bella’,” madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdag—puno ng kirot, ngunit matapang: “Siya lang… siya lang ang may karapatang tumawag no’n sa akin…”Napayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastian—malumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.“Pa-pasensya na po…” mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon… parang
THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang
THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi
THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi