Share

CHAPTER ONE

last update Huling Na-update: 2025-07-10 17:09:43

THIRD PERSON:

Nagtatakang napapalingon si Isabella sa mga empleyado habang naglalakad sa loob ng opisina. Kakatapos lang siyang batiin ng ilan sa kanila, ngunit agad naman itong sinundan ng mahihinang bulungan na tila sinadya pang iparinig sa kanya.

“Paano kaya kapag nalaman niya?”

Napahinto siya saglit. Mabilis na tumingin sa direksyon ng mga nag-uusap—dalawang babaeng empleyado na halatang nagulat nang mahuli niyang nakatingin sa kanila. Agad silang ngumiti, pilit na pinagtatakpan ang tensyon.

“G-Good morning po, Ma’am,” bati ng isa, sabay sabay na bahagyang yuko.

Hindi na niya binigyan pa ng tanong ang nangyari. Gumanti na lamang siya ng mahinang ngiti at bahagyang yuko, ngunit dama niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. May kakaiba. May hindi siya alam.

Tahimik siyang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ni Ethan. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya'y parang may bumabagsak na bigat sa kanyang dibdib. Ang dating masiglang paligid ng kompanya ngayon ay tila ba may bahid ng panlalamig at pag-iwas. Parang lahat ng mata ay lihim na sumusunod sa bawat kilos niya.

Ano bang tinutukoy nila? Ano ang dapat kong malaman?

Habang papalapit siya sa pinto ng opisina ni Ethan, mas lalong tumindi ang kaba sa kanyang dibdib. Inabot niya ang door handle, ngunit bago pa man niya ito mabuksan, narinig niya ang isang impit na usapan mula sa loob. Hindi malinaw ang mga salita, ngunit sapat na ang tono ng boses para maramdaman niyang may tinatago.

Napakagat-labi si Isabella. Pinikit niya sandali ang kanyang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili.

Isa lang ang sigurado ko... may tinatago sila sa akin. At kailangan ko na itong tuklasin bago pa mahuli ang lahat.

Pagkabukas ni Isabella ng pinto ng opisina, agad siyang napaatras sa gulat.

Nagkalat sa sahig ang mga papel, ang iba'y gusot, ang ilan naman ay punit-punit, para bang may sumabog na emosyon sa loob ng silid. May mga folder na nakatiwarik sa gilid ng mesa, at ang laptop ay nakabukas ngunit walang laman ang screen kundi isang kumikislap na cursor. Sa gitna ng gulo, naroon si Ethan, nakaupo sa swivel chair, pawisan, at tila gulat na gulat sa kanyang pagdating.

“A-anong nangyari dito?” tanong ni Isabella, bakas sa boses ang pag-aalala at pagkabigla.

Agad na napatayo si Ethan, hawak pa ang ilang papel sa kamay na hindi niya namalayang naiipit na pala sa kanyang pagkakakuyom.

“Hon! Kanina ka pa ba diyan?” tanong nito, halatang balisa at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Mabilis ang naging hakbang ni Isabella papasok sa silid, pinagmamasdan ang bawat sulok. Napansin niya ang isang resibo sa sahig, isang malaking halaga ang nakasulat doon. Napakunot ang kanyang noo. Umikot siya sa gilid ng mesa at may nakita pang mga dokumentong tila itinapon lang, may nakasulat na "Final Notice," "Demand Letter," at "Contract Termination."

"Ethan..." mahina ngunit mariing tawag niya sa pangalan ng asawa. “Ano ‘tong mga ‘to? Anong nangyayari sa'yo?”

Halatang natigilan si Ethan, pilit binabalik ang composure ngunit hindi niya maikubli ang panlalamig ng kanyang mga kamay at ang nanginginig niyang tinig.

“Wala ‘to, hon. May inasikaso lang ako. Stress lang siguro. Nag-panic lang ako saglit…”

“Punit-punit ang mga papel at nagkalat ang opisina mo, tapos sasabihin mong wala lang ‘to?” mas lalong lumalim ang kutob ni Isabella habang pinipilit niyang basahin ang ilang dokumentong nadampot sa sahig.

Napahawak si Ethan sa sintido, parang nawalan ng lakas. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, hon… lahat ng desisyon ko… parang mali.”

"Ano ba talaga ang nangyayari, Ethan?" mariing tanong ni Isabella, halos hindi na niya mapigil ang panginginig ng boses. Hawak pa rin niya ang ilang dokumento mula sa sahig—mga papeles na nagsusumigaw ng katotohanang pilit itinatago sa kanya.

Ngunit si Ethan... nanatiling tahimik.

Hindi siya makatingin nang diretso. Nakayuko lang siya, tila ba pinako ng bigat ng konsensya ang kanyang mga balikat. Nakakuyom ang kanyang mga kamao sa gilid ng mesa, at kita sa leeg niya ang tensyon ng pinipigil na emosyon. Saglit siyang tumingala, parang bibigkasin ang katotohanan, pero mabilis din siyang napailing at napabuntong-hininga.

"Sabihin mo na, Ethan," madiin ang tinig ni Isabella ngayon, nilalabanan ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Kung may problema ka, bakit hindi mo sinabi sa akin? Ilang buwan na akong may kutob, pero pilit kitang pinaniniwalaan. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka pagod ka lang, baka trabaho lang ‘yan. Pero ngayon?"

Itinaas niya ang hawak na papel. "Ganito na pala katindi ang lahat."

Hindi pa rin umiimik si Ethan. Parang bingi sa lahat ng sinasabi niya.

"Ethan, nagsisinungaling ka ba sa akin? May mas malalim pa ba sa mga papel na ‘to? Utang lang ba talaga ‘to o may iba pa akong dapat malaman?" Halos palahaw na ang tinig ni Isabella, isang halo ng galit at desperasyon.

“May paraan pa, Hon…” mahinang sambit ni Ethan, bakas sa tinig ang pagkapagod at pag-asa. Dahan-dahan siyang lumingon kay Isabella, at sa wakas, nagtama rin ang kanilang mga mata, pero hindi iyon ang mga matang puno ng lakas na dati niyang minahal. Sila ay mga matang pagod, puno ng takot, at halos wala nang liwanag.

“Kapag pumayag ang mga Montgomery na mag-invest sa atin… kung sakaling ma-convince ko silang pumasok bilang major investor, baka… baka masalba ko pa ang kompanya ng papa mo.” Napalunok siya, pilit tinatago ang panginginig ng kanyang boses.

“Maaari pa nating bayaran ang mga atraso, mabawi ang mga project na nawala, at... at maibalik sa atin ang respeto ng board. Baka sakaling bumalik pa ang tiwala ng mga empleyado... ng mga kliyente…”

Saglit siyang tumigil, parang nilulunok ang sariling pride.

“Gagawin ko ang lahat, Isabella. Lahat. Basta lang... makuha ko ang tiwala nila.”

Napakunot ang noo ni Isabella. “Ang mga Montgomery? ‘Yung Montgomery Group na kilalang mahigpit at mapili sa sinasamahan nilang negosyo? Paano mo sila napasok?”

Hindi agad sumagot si Ethan.

Nanatili siyang nakatayo sa harap niya, tila sinasala pa ang bawat salitang isusunod.

“Sabihin mo sa akin, Ethan…” mariing sabi ni Isabella. “Anong kapalit ang binigay mo sa kanila?”

Hindi agad nakasagot si Ethan. Para bang nabilaukan siya sa sariling mga salita, at ilang ulit lang siyang napalunok habang iniiwas ang tingin kay Isabella.

“Hi-hindi pa kami nag-uusap sa personal, Hon…” mahina niyang tugon, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. “May ilang palitan lang kami ng email… at may naka-set na meeting... pero hindi pa kami nagkaharap.”

Kumunot ang noo ni Isabella. “So... umaasa ka sa isang investor na hindi mo pa man lang nakakausap nang harapan?”

Tahimik si Ethan, tila napako sa kanyang kinatatayuan.

“Kaya mo ba talaga itong ginagawa para sa kompanya ng papa ko? O ginagamit mo lang ‘yon para takpan ang sarili mong mga pagkakamali?” Mariing tanong ni Isabella, ramdam sa tinig niya ang bumibigat na galit at panghihinayang.

Tumingin si Ethan sa kanya—mabilis, saglit, pero sapat para makita ni Isabella ang lungkot at takot sa kanyang mga mata. Para bang may hindi pa rin siya kayang sabihin. Para bang... may itinatago pa rin siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   SPECIAL CHAPTER

    The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansa—isang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punô ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasal—ito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): “Ngayong araw, saksi kayo sa kasaysayan—ito ang kasal ng taon!—ang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiago’s Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.” Ang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayon—abala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niya’y ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. “At please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang ‘Bella’,” madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdag—puno ng kirot, ngunit matapang: “Siya lang… siya lang ang may karapatang tumawag no’n sa akin…”Napayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastian—malumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.“Pa-pasensya na po…” mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon… parang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayon—nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "Sebastian…" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-SIX

    THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilala—ospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, “Ahhh!” Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. “Oyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.”Doon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.“A-asan si Seb?” aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi

  • MY HUSBAND SOLD ME TO A BILLIONAIRE (SSPG)   CHAPTER FIFTY-FIVE

    THIRD PERSON:“At ikaw naman…” malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. “Ang susunod naming lalaruin.”“Hindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!” sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. “Sebastian!!” desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.“Hayop ka!!!” bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapit—pumutok ang baril.“Arghhh!!” sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. “Manood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.”Pilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status