THIRD PERSON:
“Excuse me, this seat taken?” malamig ngunit banayad ang tono ng boses ng lalaki. Kasabay noon ang bahagyang ngiti na tila sanay magpakaba ng babae.
Napatingin si Isabella, bahagyang kunot ang noo. Walang kagatol-gatol na sumimangot siya.
“No,” mataray na tugon niya. Diretso, walang pasakalye.
Ngumiti ang lalaki, halatang hindi naapektuhan. Sa halip, nag-angat pa ito ng kilay at akmang uupo na sa tabi niya.
Pero agad siyang nagsalita muli, mas madiin ngayon ang boses.
“No,...because I’m already taken. Kaya… chooooo!” sabay kaway ng kamay niya sa direksyon nito, parang nagtataboy ng langaw.
Napatigil ang lalaki, bahagyang natawa, pero hindi umalis agad. “Wow. That’s the most creative rejection I’ve heard all night,” sabi nito, bahagyang natatawa habang umiling. “Noted, Miss Taken.”
Tumalikod na ito para umalis, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo, sumulyap pa ito muli at nagbiro, “Kung magbago isip mo, nandiyan lang ako sa kabilang table. Hindi ako taken, just taken a back.”
Napairap si Isabella pero hindi naiwasang mapangiti ng kaunti. “Smooth,” bulong niya sa sarili, bago muling tumungga ng cocktail.
Sa di kalayuan, tanaw ng lalaki si Isabella habang ngumiti ito sa sarili. “May laban pala ‘to,” bulong niya, bago bumalik sa grupo niyang kaibigan.
Ilang shot na rin ang naubos ni Isabella. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nag- “cheers” nina Jane at Riley, para sa kalayaan, para sa stress, para sa love life, at kung anu-ano pang dahilan na basta’t may kasamang alak.
Pupungay-pungay na ang kanyang mga mata, at bahagyang namumula ang kanyang pisngi. Nakapatong ang isang siko niya sa mesa habang nilalaro ng daliri ang straw ng inumin niya. Bahagya siyang napapikit paminsan-minsan, na para bang ang bawat tunog ng musika ay naglalayag sa hangin at sumasayaw sa loob ng ulo niya.
“Come on!!! Let’s dance na, Isabella!” sigaw ni Riley habang hinihila siya palayo sa mesa.
“H-ha? Teka lang…” sabay hawak ni Isabella sa kanyang ulo. “Parang umiikot ang mga ilaw…”
“Mas lalong ‘di ka matutuyo diyan kung magmumukmok ka lang sa upuan!” sabat naman ni Jane, na ngayo’y may hawak-hawak pang glowstick habang sumasayaw sa tabi.
Napatawa si Riley, “Isabella, sinayang ko ang eyeliner ko ngayong gabi para lang hindi ka umiyak—kaya sumayaw ka na!”
“Ang kulit niyooohhh,” sabay tawa ni Isabella, lasing na ang dila at pilit na tumatayo. “Wait, wait, my legs are not cooperating…”
“Don’t worry, girl! Kami bahala. Left foot, right foot—ganyan lang! Kayang-kaya mo ‘yan!” tili ni Riley habang tinutulungan siyang makatayo.
Hinila na siya palapit sa dance floor. Nagpaalalay muna si Isabella habang nilalakad ang tila gumagalaw na sahig, pero pagdating nila sa gitna, sumabay na rin siya sa beat. Nagtaas siya ng kamay at nagsimulang sumayaw ng dahan-dahan, mata’y medyo nakapikit at halatang nilulunod ang sarili sa musika at kalasingan.
“Woohoo!” sigaw ni Jane habang paikut-ikot na parang nasa sariling mundo.
Si Riley naman ay tuwang-tuwa, habang kinukunan pa sila ng video para sa “memories” daw nila kinabukasan.
Sa kabila ng sayawan at tawanan, si Isabella ay napangiti, isang ngiting totoo pero may halong pait. Sa kabila ng lasing at ingay, naroon pa rin sa loob niya ang sakit. Pero kahit papaano, ngayong gabi… nalilimutan niya ito, kahit saglit lang.
Habang abala sa kasiyahan sina Isabella, Riley, at Jane sa gitna ng dance floor, napapalibutan ng makukulay na ilaw at malalakas na beat, hindi nila namamalayang may mga matang tahimik na nakamasid mula sa isang exclusive VIP corner ng bar.
Sa loob ng madilim na bahagi ng lugar, may isang lalaking nakaupo sa isang mamahaling leather couch. Tahimik siyang pinagmamasdan si Isabella. Nakatungo siya bahagya habang paikot-ikot ang yelo sa loob ng kanyang whiskey glass, marahang binabangga ito sa gilid ng baso, na para bang sinasabayan ang ritmo ng musika.
Matikas ang tindig, maayos ang bihis, at may aura ng kapangyarihan at panganib. Hindi siya basta-bastang customer—kitang-kita iyon sa distansya na ibinibigay sa kanya ng mga waiter at security. Ngunit hindi iyon ang mahalaga sa kanya ngayon. Sa paningin ng lalaking ito, iisa lang ang sentro ng kanyang atensyon, si Isabella.
“Boss… ngayon na po ba tayo kikilos?” tanong ng isa sa kanyang mga alalay, isang lalaking naka-itim na polo at nakatayo sa kanyang likuran, halatang sanay sa utos.
Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, dahan-dahan siyang uminom mula sa kanyang baso, hindi inaalis ang tingin kay Isabella, na ngayon ay tumatawa habang umiikot sa sayawan, medyo lasing, pero halatang sinisikap na maging masaya.
“Wag muna ngayon,” malamig ngunit kalmado niyang tugon. “Hayaan muna natin siyang magpakasaya...”
Nagbaba siya ng baso at bahagyang lumapit sa mesa. “Gusto kong makita kung hanggang saan siya tatakas. Hanggang kailan niya kayang magpanggap na okay siya.”
Tumingin siya muli kay Isabella, at bahagyang sumilay ang isang mapanganib na ngiti sa kanyang labi.
"Mas masarap kunin ang isang bagay... kapag akala ng lahat, malaya na siya."
Tahimik ang alalay, ngunit halata sa kanyang ekspresyon ang paggalang, o takot, sa lalaking kaharap niya.
Sa kabila ng liwanag at ingay ng bar, may isang anino ng kapahamakan na hindi alam ni Isabella na papalapit na sa kanya... dahan-dahan, ngunit siguradong hindi siya makakatakas.
Habang umiindayog pa sa saliw ng malalakas na tugtog si Isabella, unti-unti nang nangingibabaw ang hilo sa kanyang ulo. Pupungay-pungay na ang kanyang mga mata at halos hindi na niya maaninag nang maayos ang mga ilaw sa paligid. Pero pilit pa rin niyang sinasabay ang katawan sa ritmo, umaasa na kahit papaano'y mailalayo siya ng sayaw sa mga iniisip.
Biglang… may matigas na bagay na tila sinasalubong siya. Isang matikas na dibdib.
“Oops!”
Isang malalim ngunit malamig na boses ang narinig niya. Napahinto siya, at bago pa siya tuluyang matumba sa kawalan ng balanse, may dalawang braso ang mabilis na sumalo sa kanya, mahigpit ngunit maingat. Mabilis siyang nayakap sa maliit niyang beywang, hawak na hawak na para bang ayaw siyang mabitawan.
Napatingala si Isabella, pilit kinikilala ang lalaking nasa harapan niya.
Pupungay-pungay ang kanyang mga mata. Tila ba may ulap sa kanyang paningin. Nakakunot ang kanyang noo, pilit minomemorya ang mga guhit ng mukha ng estranghero, matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at may bahagyang ngiti sa labi na parang sanay sa paghawak ng panganib.
"You're clearly drunk,..Bella" bulong nito sa kanya, dahilan upang magsitayuan ang balahibo ni Isabella.
Mainit ang kanyang hininga, may halong amoy ng mamahaling pabango, na agad nagbigay ng kuryente sa balat ni Isabella sa mismong bahagi kung saan dumampi ang kanyang tinig.Ngunit bago pa siya makapagsalita pa, biglang may sariling desisyon ang kanyang katawan.
Parang may sariling isip ang kanyang mga braso, dahan-dahang pumulupot sa batok ng lalaki. Mainit pa rin ang kanyang katawan sa alak at sayaw, at sa kalasingan niya, mas nanaig ang pakiramdam. Napalapit pa siya lalo sa lalaki, halos magkadikit na ang kanilang dibdib.
At bago niya pa lubusang maintindihan ang nangyayari… umindak siya.
Isang mabagal, senswal na galaw ng balakang, at sinabayan ito ng estranghero. Ang kamay ng lalaki ay hindi na umaalis sa kanyang beywang na mas lalo pa nitong hinihigpitan sa pagkakahawk, tila sinasabayan ang bawat galaw niya, kontrolado, pero may bahid ng mapanganib na kasiyahan.
Napangiti ang lalaki, bahagyang yumuko upang mapanatili ang kanyang tingin kay Isabella.
“Damn… you’re so sexy when you move like that.” bulong nito sa kanyang tainga, mababa, makahulugan, at tila nanunuot sa balat.
Napapikit si Isabella, hindi niya alam kung dahil ba sa musika, sa alak, o sa presensya ng lalaking ito. Ang puso niya ay humahataw din nang mabilis, hindi niya maipaliwanag kung kaba o tukso ang nararamdaman niya.
THIRD PERSON:Biglang naputol ang usapan nilang tatlo nang biglang nag-ring ang cellphone ni Isabella. Sabay-sabay silang napalingon dito, at pansamantalang natahimik ang silid.Napatingin si Isabella sa screen. “Si Ethan...” bulong niya, halos hindi sigurado kung matutuwa ba o mas lalong kakabahan.“Sagutin mo na, girl,” sabi ni Riley habang marahang tinatapik ang balikat niya.Nagkatinginan pa sina Riley at Jane, parehong may halong kaba at kuryosidad sa mga mata. Pinipigil man nila ang sarili, halata sa mukha nila na gusto rin nilang marinig ang sasabihin ni Ethan.Napabuntong-hininga si Isabella bago niya pinindot ang sagot button.“Hey... Hon?” malamig ngunit pilit malambing na boses ni Ethan ang bumungad sa kabilang linya. “Where are you? We need to talk.”Napakunot ang noo ni Isabella. Sandali siyang napatitig sa sahig bago siya sumagot.“Talk about what?” tanong niyang diretso, may bahid ng lamig ang tinig niya.Nagkatinginan sina Jane at Riley, at sabay-sabay na sumenyas kay
ISABELLA POV:Napabalikwas ako ng bangon, habol-hininga at gulat na gulat."Oh, shit!"Napakapit ako sa ulo ko na tila pinupunit ng matinding sakit. Parang may naghahampasan sa loob ng bungo ko. Pilit kong inaaninag ang paligid kahit nanlalabo pa ang paningin."Wait... shit! Where am I?"Dahan-dahan kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko. Hindi rin ito kwarto ng condo nila Jane o Riley. Mamahalin ang interior—malinis, tahimik, may amoy ng bagong labang kumot at mamahaling air freshener. Napalunok ako.Ibang kwarto ‘to. Ibang kama. Ibang condo.Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, musika, ilaw, tawanan, mga bote ng alak. At... isang lalaki.Biglang nanlaki ang mga mata ko.“May… may nakasayaw ako kagabi…”Parang biglang bumalik ang eksena—ang matikas na katawan, ang malalim niyang boses, ang titig na tila tumagos sa pagkatao ko.“No… no, no…” bulong ko, napapalakas habang unti-unting tinatablan ng kaba ang buo kong katawan.Mabilis kong hinila ang kumot mula
THIRD PERSON:“Excuse me, this seat taken?” malamig ngunit banayad ang tono ng boses ng lalaki. Kasabay noon ang bahagyang ngiti na tila sanay magpakaba ng babae.Napatingin si Isabella, bahagyang kunot ang noo. Walang kagatol-gatol na sumimangot siya.“No,” mataray na tugon niya. Diretso, walang pasakalye.Ngumiti ang lalaki, halatang hindi naapektuhan. Sa halip, nag-angat pa ito ng kilay at akmang uupo na sa tabi niya.Pero agad siyang nagsalita muli, mas madiin ngayon ang boses.“No,...because I’m already taken. Kaya… chooooo!” sabay kaway ng kamay niya sa direksyon nito, parang nagtataboy ng langaw.Napatigil ang lalaki, bahagyang natawa, pero hindi umalis agad. “Wow. That’s the most creative rejection I’ve heard all night,” sabi nito, bahagyang natatawa habang umiling. “Noted, Miss Taken.”Tumalikod na ito para umalis, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo, sumulyap pa ito muli at nagbiro, “Kung magbago isip mo, nandiyan lang ako sa kabilang table. Hindi ako taken, just taken a ba
THIRD PERSON:Ilang araw nang halos hindi lumalabas ng kwarto si Isabella. Nakatulala lamang siya sa kawalan, habang yakap ang isang unan at nakaupo sa gilid ng kama. Mabigat ang dibdib niya, tila ba hindi na siya makahinga sa dami ng iniisip.Biglang bumukas ang pinto, ni walang katok."Hoy! Ano 'yan? Ganyan ka na lang? Magmumukmok ka na lang habambuhay?"Si Riley, mabilis na pumasok sa kwarto habang bitbit ang dalawang paper bag ng takeout. Kasunod niya si Jane, na agad namang naupo sa dulo ng kama."Hulaan mo, Riley..." sabi ni Jane, sabay kindat kay Isabella."Nahhh!" sabat agad ni Riley. "Nag-away na naman kayo ni Ethan, ‘no?"Napabuntong-hininga si Isabella at pinikit ang mga mata. Hindi na niya sinagot agad. Tahimik. Hanggang sa marahang bumigkas siya ng, "Hindi naman kami nag-away...""Eh ano pala?" sabay na tanong ng dalawa, parehong nakakunot ang noo.Bumuntong-hininga muli si Isabella bago muling nagsalita. "May mabigat kaming problema."Nagkatinginan sina Jane at Riley, ka
THIRD PERSON:Nagtatakang napapalingon si Isabella sa mga empleyado habang naglalakad sa loob ng opisina. Kakatapos lang siyang batiin ng ilan sa kanila, ngunit agad naman itong sinundan ng mahihinang bulungan na tila sinadya pang iparinig sa kanya.“Paano kaya kapag nalaman niya?”Napahinto siya saglit. Mabilis na tumingin sa direksyon ng mga nag-uusap—dalawang babaeng empleyado na halatang nagulat nang mahuli niyang nakatingin sa kanila. Agad silang ngumiti, pilit na pinagtatakpan ang tensyon.“G-Good morning po, Ma’am,” bati ng isa, sabay sabay na bahagyang yuko.Hindi na niya binigyan pa ng tanong ang nangyari. Gumanti na lamang siya ng mahinang ngiti at bahagyang yuko, ngunit dama niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. May kakaiba. May hindi siya alam.Tahimik siyang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ni Ethan. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya'y parang may bumabagsak na bigat sa kanyang dibdib. Ang dating masiglang paligid ng kompanya ngayon ay tila ba may
ISABELLA POV:"A-anong ibig sabihin nito?!" Nalilitong tanong ko habang hawak ang mga papel na nakalatag sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala sa aking nababasa—mga resibo, kontrata, at listahan ng utang... lahat ay nasa pangalan ng aking asawa, si Ethan."Tsk! Di ka ba marunong magbasa?" sarkastikong tugon ng lalaking nakaupo sa madilim na couch, walang balak ipakita ang kanyang mukha. Hawak niya ang isang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, habang ang usok nito'y unti-unting sumasayaw sa hangin. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, para bang nalilibang siya sa kalagayan ko. Ang malamlam na ilaw sa silid ay nagbibigay ng anino sa kanyang matalim na panga at mapanuksong mga mata, na parang nagmamasid sa akin na tila isang biktimang nahulog sa kanyang patibong.Mariin kong tinapunan siya ng tingin bago bumaling muli sa aking asawa. "Hindi ikaw ang kinakausap ko!" mataray kong tugon. Ngunit tila walang balak si Ethan na sumagot. Nakayuko lamang siya, animo'y i