“Huh? Saan?” Saglit pang nanatili ang titig niya sakin, naalis lang iyon nang tumunog na ang elevator at bumukas. Ngunit hindi rin sya sumagot. Ginulo niya lang sa huling pagkakataon ang buhok ko bago naunang lumabas.
Anong ibig niyang sabihin doon? Mawalan ng control saan? Sa alin? Gustuhin ko mang itanong ay hindi ko na nagawa dahil naging abala ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid. Unang beses ko palang makapunta sa palapag na ito.
May tatlong palapag ang Admin Building, ang una ay yung kanina kung nasaan ang bulwagan, ang mga opisina ng mga staff sa Administration Department at ang guidance office. Sa ikalawang palapag naman naroroon ang opisina ng principal, may conference room, may malaking veranda at sa pagkakaalam ko ay may billiard room din doon. At dito naman sa ikatlo at panghuling palapag naririto ang mga kwarto.
Mukha lang itong hotel, may malalaking bintana sa harapan ng bawat kwarto kun
“Sana nagsabi kang may bisita ka. Mukhang nakaistorbo pa ako.”Hindi ko na kinailangang tingnan kung sino ang nagsalita dahil kahit hindi ko man makita ang mukha niya, alam ko na agad kung sino iyon. Presko pa sa isipan ko ang nangyari noong unang pagkikita namin kaya pati ang boses nito ay saulado ko na rin. At kagaya lang din ng una naming pagkikita, ganitong-ganito niya rin kaming nadatnan ni Kuya Luke.Mabilis akong napatago sa dibdib ni Kuya Luke habang siya nama’y nilingon ang lalaki. Nawala na sa isip ko ang hubad na katawan niya dahil sa kagustuhang makapagtago kahit naman alam kong makikita at makikita niya pa rin ako.I wish I can run away again like that night to hide from my embarrassment, but I can’t do that now.“Gavin. Bakit nandito ka? Akala ko ba sa Iloilo ka muna ngayon?”Kuya Luke held me in the waist. Lumayo ako ng konti mul
“Salamat po,sir.”“Nah. Ayoko ng masyadong pormal. Just treat me the way you treat your friends too. Hindi naman na importante kung ako ang principal o hindi. I want you to be comfortable around me. Kaibigan ka ni Luke kaya kaibigan mo na rin ako.”Mabuti nalang at napigilan ko ang pag-awang ng bibig dahil sa huli nitong sinabi. Mabuti nalang din hindi ko siya nayakap kagaya ng ginawa ko kay Kuya Luke noong sinabi niyang magkaibigan na kami. Natawa ito kaya alam kong hindi lang basta sa isipan ko gumuhit ang sayang nararamdaman ko kundi pati sa mukha.“Ilang taon lang din naman ang agwat ko sa’yo kaya hindi mo na kailangang maging masyadong magalang magsalita.” Masigla akong tumango.“Okay,Kuya Gavin. Thank you.” Malapad akong ngumisi na nagpatawa sa kanya ulit.Napawi lang iyon nang may tumampal sa kamay niya. Nan
Pagkatapos kumain ay nagkasundo kaming maglaro ng video games. Hindi ako marunong niyon at walang kahit na anong alam pero matyaga nila akong tinuruan. Hindi ko makuha-kuha ang paglalaro, tawa nang tawa sila sakin pero hindi ko ito tinigilan. I loved seeing them laugh because of me, I loved the thought that we are happy because of me.Kahit na wala akong ibang ginawa kundi ang ipatalo ang laro namin, masaya ako, masaya kami. I really felt that I am becoming closer and closer to Kuya Luke, to Kuya Gavin. Isang panibagong kandado ang bumbukas sa nakasaradong mga pinto ng sarili ko.Unti-unti, natututunan kong maging maligaya sa piling ng iba—nang may kasama. Unti-unti, nakakalimutan kong maging masaya nang mag-isa. I am starting to be dependent on them, my happiness is starting to be dependent on having them. I know I shouldn’t dahil alam kong may katapusan din ito at kapag umabot na kami sa puntong iyon, alam ko ring hindi lang ba
Friends Don’t KissEver since meeting Kuya Luke, I can’t always help but look forward for another day at school. Iyong maagang matutulog sa gabi, maaga ring gigising sa umaga, magmamadali sa pag-aayos at unang pagtapak palang sa school—mukha niya agad ang hahanapin. Just the thought of us being together, talking and by just seeing him, that keeps me going.Pero kagabi, hindi ako maagang natulog dahil sa kakaisip sa nangyari sa kwarto niya, hindi rin ako maagang nagising kanina dahil parang ayaw kong pumasok, wala akong gana sa mga bagay-bagay at nakayuko lang at hindi ko siya hinanap nang makapasok ako ng school.Gusto ko siyang makita pero ayaw kong masilayan ang ngiti niya. Gusto ko siyang makausap pero ayaw kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makasama pero hindi pa ako handang harapin siya. Ang gulo, naguguluhan ako.Nasa may auditorium kami sa kasalukuy
“Good job,Amaia!” Coach beamed at me after my successful spike.Naagaw niya ulit ang pansin ko ngunit hindi na ito nag-iisa, nasa tabi na niya si Kuya Luke, nakatingin rin sakin. Mabilis ang pag-iwas ko ng tingin, umarte akong walang nakita kahit na ang totoo ay nagwawala na ang sistema ko. I forced myself to focus on the game again but my mind can’t seem to function well. It is completely in chaos now.Bakit siya nandito? Bakit na naman siya nanonood ng practice namin? Did he come here to watch me like last time or is he here because of Coach T? At bakit magkasama na naman sila?No! Coach T did not beam at me, hindi para sakin ang ngiting iyon. Suot-suot niya ang napakalapad na ngising ‘yan dahil kay Kuya Luke. Dahil kasama niya si Kuya Luke.“Amaia, watch out!” Sigaw ng kasama ko. Nilampasan ako ng bola at hindi ko ito nasalo. I apologized to her and ran af
It was the moment of my life that I just wanted to be swallowed alive by the ground. Kahit saang anggulo ko pa tingnan, totoo ang sinabi niya. Hindi nagseselos ng ganito ang isang kaibigan, hindi nagagalit sa ibang babae ang isang kaibigan lang, at higit sa lahat, hindi naghahalikan ang magkaibigan.Masyado na bang nagiging halata ang totoong nararamdaman ko para sa kanya? Masyado na ba akong nagiging makasarili para gustuhin siya para lang sakin? Napapansin niya na kaya iyon kaya niya tinatanong ito ngayon?Ayokong isipin niyang may gusto ako sa kanya kahit na iyon naman talaga ang totoo. Ayaw kong lumayo ang loob niya o umiwas sakin. Kaibigan lang ang tingin niya sakin kaya kapag nalaman niyang higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya, baka layuan niya lang ako at iwasan. “Kung ganoon, huling beses na yung kahapon. Magkaibigan tayo, diba? Kaya simula ngayon…” Nakagat ko pa muna ang labi
“Ikaw, ayos ka lang ba?” Tumango ako ulit at napangiti na naman.Nang hindi inaalis ang pagkakasandal sa kanyang dibdib, pinunasan ko ang pisngi ko. Tiningala ko ito at naabutang nakayuko rin siya sakin, nakatitig. His eyes are like ocean, napakalalim nito ngayon, sa bawat pagtitig, pakiramdam ko malulunod ako nang paulit-ulit.Tinitigan ko pa ito at ganoon rin ang ginawa niya, tinapatan lamang ang aking tingin na para bang hinihintay nitong sabihin ko na ang isinisigaw ng aking mga mata.Hihingi ba muna ako ng tawad o magpapasalamat muna? Tatanungin ko ba muna ito kung bakit siya galit o kukumpirmahin ko na ang hulako kanina?Lumikot ang mga mata ko sa pag-iisip ng gagawin, I bit my lower lip trying to suppress my anxiousness. Hindi rin ito nagsasalita, tila alam niya na ring may gusto akong sabihin kaya naghihitay na lamang siya.Napunta sa labi niya ang tingi
TruthThird Person’s P.O.V.Hindi magawang tingnan ni Amaia ang sariling repleksyon sa salamin, hindi dahil sa ayaw nitong makita ang namamagang mga mata kundi dahil sa nag-uumapaw na kalungkutan dito. Pati siya ay awang-awa na sa sarili, parang hindi niya na kayang makita pa sa mukha ang kanyang padurusa.Kagabi pa ito iyak nang iyak, katunayan nga ay hindi na ito nakatulog nang maayos sa kakaiyak. Ang sabi nila, kapag sobrang bigat na ng nararamdaman mo iiyak mo lang ito hanggang sa mapagod ka at wala nang luhang lalabas. Ngunit hindi niya ito nararamdaman. Kahit gaano pang pag-iyak ang gawin niya, hindi pa rin gumagaan ang kanyang pakiramdam, tila hindi nauubos ang kanyang mga luha.Hindi niya pa nakakain ang inihatid na agahan niya kanina, wala itong gana. Kahit na ang mga katulong nilang malapit sa kanya ay walang magawa dahil nakabantay ang Ate Aizel niya sa labas. Ayaw s