Share

KABANATA 28

Amaia’s P.O.V.

Pagkatapos ng dalawang araw na pagkakakulong sa aking kwarto, sa wakas ay nakalaya na ako. Hindi iyon dahil sa naawa sila sakin, tinanggal na ang pagkakakandado ng pinto ko dahil Lunes na at kailangan kong pumasok.

Kahit na hindi naman nilalamig ay nagsuot ako ng jacket. Iyon ay para maitago ang pasang natamo ko sa braso mula kay Daddy. Binalutan ko rin ng bandage ang aking tuhod para maitago ang pasa roon. Simpleng pagkakasubsob lang sa sahig ang nangyari no’ng Sabado ngunit hindi ko inaasahang mamamaga ito pagkatapos. Mabuti nalang at magaling na, tanging pasa nalang ang naiwan.

Nang napadaan ako sa dining area, nakita kong kumakain na sina Ate at Daddy. Hindi ako sasabay, sinadya kong sumabay kina Manang Lary kaninang madaling araw upang hindi na ako makasabay sa kanila sa pagkain.

“What happened to your knee?” Gulat akong napatigil at napalingon kay Daddy. H

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status