Truth
Third Person’s P.O.V.
Hindi magawang tingnan ni Amaia ang sariling repleksyon sa salamin, hindi dahil sa ayaw nitong makita ang namamagang mga mata kundi dahil sa nag-uumapaw na kalungkutan dito. Pati siya ay awang-awa na sa sarili, parang hindi niya na kayang makita pa sa mukha ang kanyang padurusa.
Kagabi pa ito iyak nang iyak, katunayan nga ay hindi na ito nakatulog nang maayos sa kakaiyak. Ang sabi nila, kapag sobrang bigat na ng nararamdaman mo iiyak mo lang ito hanggang sa mapagod ka at wala nang luhang lalabas. Ngunit hindi niya ito nararamdaman. Kahit gaano pang pag-iyak ang gawin niya, hindi pa rin gumagaan ang kanyang pakiramdam, tila hindi nauubos ang kanyang mga luha.
Hindi niya pa nakakain ang inihatid na agahan niya kanina, wala itong gana. Kahit na ang mga katulong nilang malapit sa kanya ay walang magawa dahil nakabantay ang Ate Aizel niya sa labas. Ayaw s
Amaia’s P.O.V.Pagkatapos ng dalawang araw na pagkakakulong sa aking kwarto, sa wakas ay nakalaya na ako. Hindi iyon dahil sa naawa sila sakin, tinanggal na ang pagkakakandado ng pinto ko dahil Lunes na at kailangan kong pumasok.Kahit na hindi naman nilalamig ay nagsuot ako ng jacket. Iyon ay para maitago ang pasang natamo ko sa braso mula kay Daddy. Binalutan ko rin ng bandage ang aking tuhod para maitago ang pasa roon. Simpleng pagkakasubsob lang sa sahig ang nangyari no’ng Sabado ngunit hindi ko inaasahang mamamaga ito pagkatapos. Mabuti nalang at magaling na, tanging pasa nalang ang naiwan.Nang napadaan ako sa dining area, nakita kong kumakain na sina Ate at Daddy. Hindi ako sasabay, sinadya kong sumabay kina Manang Lary kaninang madaling araw upang hindi na ako makasabay sa kanila sa pagkain.“What happened to your knee?” Gulat akong napatigil at napalingon kay Daddy. H
Scared“K-Kuya Luke, anong… ibig mong sabihin?”Alam ko kung anong ibig sabihin niya roon, sobrang linaw para sakin ng nais niyang iparating doon. Ngunit wala nang ibang salitang mahanap ang bibig ko dahil sa gulat. Dahil hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya, walang katagang naihanda ang utak ko.Wala akong masabi. I was completely lost, my mind is in complete chaos to even think for an answer. Why would he want to run away with me? Why would he take me away?“Let’s run away. Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala satin, sa lugar na malayo sa kanila. Magsimula tayo ng panibagong buhay, kalimutan natin ang nakaraan at ang mga bagay na nakakapagpalungkot at nakakasakit satin. Let’s run away, Amaia, to the place where there’s just you and me. Let’s run away from all thesepain.”Napatitig ako sa kany
Siniguro ni Kuya Luke na hindi ako malelate kaya kahit 15 minutes pa bago magsimula ang klase ay pinabalik niya na ako. Naghihintay na si Sir Jhayston sa labas ng elevator nang makababa rin ako. Muli niya akong sinamahan sa paglabas ng Admin Building.I’ve never found myself so engrossed and interested in lectures before. Kung hindi lumilipad ang isip ko dati ay nakakatulog naman ako sa klase. Pero ngayon, halos mapataas ako ng kamay sa recitation kahit pa na alam kong pagbubulungan lang ako ng mga kaklase ko kapag ginawa iyon.Hindi rin matanggal sa labi ko ang ngiti. Mabuti nalang at walang interes ang mga kaklase ko sakin kaya hindi nila napapansin iyon. Maliban sa aming mga guro na nagtataka akong tinitingnan at ang iba’y napapangisi nalang dahil sa nakikita akong energetic at nakikisali na sa klase.It could be because of the ice cream. It could be because I’ve cleared everything to Kuya Luke. Or i
Nakita ko nalang ang sarili kong tinatakbo na ang hagdan pababa ng bleachers, paalis doon. Warm liquids that felt like tears hit my cheeks. Doon ko lang din napansing nanginginig na pala ang kamay ko. Nanlalamig sa takot.Hindi ko mawari kung bakit tila napakahaba ng daang nilalandas ko. Araw-araw ko itong dinadaanan but it just doesn’t seem to end today, it felt endless to walk today. Lakad-takbo ako, o napapalakad na lamang dahil hindi makatakbo dahil sa pag-iyak.Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga tubig na bumabalot sa mga mata. Kahit ilang pagpunas ang gawin ko rito ay panibagong mga luha lamang ang pumapalit. Bumaba na naman ang manggas ng jacket ko at bigla nalang nakakapagyelo ang hangin sa takip-silim. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko, ang punasan ang mata o ang ayusin ang jacket, o pareho.Ngunit hindi lang pala dahil sa pag-iyak kaya halos hindi na ako makatakbo, dahil pa rin ito sa takot,
PromiseHypertrophic Cardiomyopathy is the abnormal thickening of the heart’s muscle. Symptoms vary from none to feeling tired, shortness of breath, chest pain or fainting.Naging isa na naman kami ng kadiliman na bumabalot sa aking kwarto. Naging magkakampi na naman kami ng kalungkutang pinupuno ang apat na pader ng aking silid.Hindi nabubuhay nang matagal kagaya ng karaniwan ang mga taong may ganitong sakit. May mga naging kaso nang hindi na nagigising pagkatapos ng isang pag-atake.I never hated fate, I never blamed God for letting my mom die, I loathed no one for that loss. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit bukod sa takot na mawalan ulit, nakakaramdam na ako ng galit.Does life really have to be this unfair? Does fate really have to be this cruel? Does God always have to take the people who are important to me?Nang makita ko s
Itinukod niya ang mga siko sa tuhod at napasabunot sa kanyang buhok. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha ngunit alam kong puno lamang iyon ng kabiguan.Ayoko mang naririnig ito, ayaw ko mang sinasabi ito ni Kuya Gavin, hindi ko pa rin maitatangging tama siya. Na kahit anong oras, pwede na kaming iwan ni Kuya Luke.Silence enveloped us, the whole hall, the whole place. Wala nang nakapagsalita sa amin, hindi ako makapagsalita dahil sa tindi na ng pag-iyak.Nakakadurog isipin na habang naghihintay ako sa panibagong araw na muling makita si Kuya Luke, naghihintay sa araw na makausap ito, makita ang mga ngiti niya o marinig ang kanyang mga pagtawa, at ang maramdaman ang napakainit at napakahigpit niyang yakap, ay hindi na pala dadating pa ang araw na iyon.Napakasakit lang isiping dadating at dadating ang araw na hindi ko na siya makikita, hindi ko na siya mahahawakan, na kahit gaano ko pa kagustong m
Natagalan ang pagtitig sakin ni Coach ngunit hindi na ako naghintay na may masabi pa siya. Dinampot ko na ang mga gamit para pumunta sa shower room nang makaligo na at makauwi.Pumunta pa rin ako roon kahit na alam kong sa paglabas ko, wala nang Kuya Luke na naghihintay sakin. Wala na akong makakasabay sa paglalakad patungo ng gate, wala na akong makakausap habang hawak-hawak ang aking kamay.On that day and on that night, I was completely lonely. It was as if I was back tomy old life, tomy old sad life. Walang Kuya Gavin, walang Kuya Luke.Ako lang. Si Amaia lang.And it wasn’t different the next day. Habang tumatagal na hindi ko nakikita si Kuya Luke, na hindi ko ito nakakasama at nakakausap, mas lumalalim lang ang kalungkutan ko. Mas ginugusto lang ng mga mata kong sumuko at umiyak na naman. Kahit na buong gabi ay iyak lang din ang ginawa ko, hanggang ngayon, tila ganoon nalang d
HurryHindi magawang alisin ni Amaia ang titig sa pares ng mga matang nakatitig din sa kanya, hindi niya magawang iwasan ang labing matamis na nakangiti sa kanya. Hindi niya magawang lumayo na para bang sa oras na bumitaw siya, aalis na naman ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwalang nandito na si Luke, kaharap niya at hawak-hawak.“Amaia?”Habang hindi pa naaalis ni Amaia ang mga kamay sa magkabilang pisngi niya, ganoon din siya, hindi pa kinakalas ang yakap sa bewang ng dalaga. His body feels warm, he is breathing and smiling, he called her name, he is fine—Amaia thought. Wala nang bakas ng panghihina sa kanyang mukha, hindi ito namumutla, hindi ito kinakapos ng hininga. Ang sayang dinulot ng mga ito kay Amaia ay sapat lang para muli niya na namang angkinin ang labi ng binata.Kagaya niya, sobra-sobrang kaligayan lang din ang nararamdaman ni Lu