Share

Chapter 6

Author: Tin Gonzales
last update publish date: 2026-03-04 13:54:14

Pagpasok pa lang ni Yna sa opisina ng kasintahan, nakita niyang seryoso ang mukha nito at tila hindi mapakali na yumakap sa kaniya.

“I’m sorry . . .”

Yumakap din siya rito. “Okay na iyon. At saka, kung galit ako hindi ako pupunta dito. Let’s eat,” wika niya at inaayos ang dalang folder sa mesa nito. “Can I put my things here?”

“Sure! Always.” Kinuha nito ang mga dala niya at ito na mismo ang naglagay sa mesa nito, saka siya inalalayan sa mini pantry nito.

Nakita niya ang isang bungkos na rosas doon. “What is this? Kilala kita na hindi nagbibigay ng ganito?” nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ito at kumamot sa batok. “Yeah. But I am planning to give that to you a while ago but suddenly you walk out.”

“No, I’m not—”

Mabilis na kinuha ni Harold ang bulaklak at inabot sa kaniya. “Babe, for you. I just want to remind you, that you are my love. The one and only.”

Kinuha niya ang bulaklak at ngumiti. “Thank you.”

Pero kahit anong kapa niya sa damdamin, wala talaga siyang kilig na naramdaman sa ginawa nito. Siguro, nasanay na lang siya dahil hindi naman ganoon si Harold mula nang manligaw ito.

Niyakap siya nito. Gumanti rin naman siya kahit pa nga may pakiramdam siyang iba ang dating ng pagbibigay nito ng bulaklak sa kaniya. Para bang may ginawa itong masama na ewan. Basta, naroon ang pagkalito sa kaniyang isip.

“Kumain na tayo. Narinig ko kanina na narito na ang partner ni Tito Edward. Let’s eat quickly. Babawi ako mamaya.” Ngumiti ito.

Tumango lang siya at umupo sa upuan na ibinigay ng lalaki.

Habang kumakain, hindi niya maiwasang isipin ang lalaking nabangga niya kanina. Iyon na ang pangalawang beses na nagkita sila. Kung pagkakataon lang iyon, hindi niya alam.

“Babe . . . may problema ba?”

Nagulat siya. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Harold.

“No. I mean . . . wala naman. I was just thinking about the agenda of our meeting,” pag-iiba niya ng usapan.

“I don’t have any idea also. But the last meeting we held was more on partnership with Mr. Del Rio.”

Napakunot-noo siya. “Who’s that guy?”

“I met him once at a bidding for a big project with Tito Edward. Mr. Del Rio won the bid, so Tito Edward used his charisma to secure a partnership. I’m not sure what the story is behind why Mr. Del Rio agreed.” Uminom ito ng tubig at bahagyang pinunasan ang labing nasayaran ng sauce. Mukhang hindi nito feel na makatrabaho ang sinasabing bagong partner ni Mr. Laxamana.

Busog na rin siya kaya tinapos na rin niya ang pagkain.

“Well, that’s our CEO’s choice. Kung doon mas lalago ang kompanya, why not?”

“Yeah, I agree with that. But, I don’t know why I am not comfortable to be with him.”

Napailing siya at napangiti. “Magtiwala ka lang sa boss natin. Ikaw ang mas nakakaalam ng ugali ni CEO kaya dapat alam mo yan . . .”

Tumango lang ito at inalalayan siyang tumayo nang makita na tapos na siyang kumain. “Just rest for a while, babe,” lambing nito na yumakap sa kaniya. Maya-maya pa ay hinaplos nito ang mukha niya at handang hahalikan siya nang may kumatok sa pinto.

“Sir, Mr. Laxamana and the other members of board are ready at conference.”

Nilingon niya ang nagsalita.

“Thank you, Sanya. Prepare all my things,” seryosong wika ni Harold. “Let’s go, Engineer Yna.”

Napailing siya. Alam ng secretary nito na wala silang relasyon at ayaw niyang ipagkalat iyon. Kaya todo pagpapa-cute ito.

“All things are ready, sir. Ikaw na lang ang kulang,” narinig niya iyon bago siya lumabas.

Naaasiwa siyang bumalik at kinuha ang mga folder niya sa lamesa na iniligay roon kanina.

“Sanya, just do your job properly and do not flirt with your boss,” ismid niya rito.

Hindi na niya hinintay ang lalaki at secretary nito. Mabilis siyang pumasok sa conference.

Pagbukas, nakita niya na nandoon na ang lahat pati kapwa niya engineers.

“Good morning, sir. Sorry, akala ko wala pa kayo,” magalang niyang wika.

Ngumiti lang ito. “It’s okay. Let’s set. May naiwan lang si Mr. Del Rio sa labas. Just wait for a while.”

Tumango siya at muling iniikot ang mga mata sa paligid. Seryoso ang mga kasama niya at mukhang hindi basta-basta magpapatalo sa mga presentation na dala. Handa sila sa mga ganoong meeting kaya medyo kinabahan siya.

Umupo siya sa bandang gitna, saktong nakita niya ang pagpasok ni Harold. Agad itong tumabi sa upuan ni Mr. Laxamana. Seryoso ang usapan ng mga ito, habang ang secretary nito ay naiwan sa kabilang sulok. Inayos niya ang upo at binuksan ang dalawang folder, kung saan naroon ang reports at bagong plano niya na hindi niya alam kung saan magagamit.

“Good morning, everyone! Our new prtner is here!” mula kay Mr. Laxamana.

Napatayo ang lahat at nagbigay galang dito.

Biglang gumiwang ang mundo niya nang makita ito, lalo na nang salubungin nito ang tingin niya. Blangko iyon at walang emosyon. May kung anong sikdo ng damdamin ang naramdaman niya, dahil ang akala niyang aplikante ay isang mataas na tao at bagong business partner ng boss nila.

Marahan siyang nagbaba ng paningin at napakagat sa labi. Hindi na niya muling tiningnan ang lalaki, lalo na at nasa harap din niya ang kasintahan. Sumeryoso siya at ibinalik sa normal ang lahat.

“Before we begin, I would like to introduce Mr. Knight Del Rio. He is the one who selected you to be part of his team for his new project from Pampanga to Subic.” Lumingon si Mr. Laxamana sa lalaki at ngumiti.

“Thank you, Mr. Laxamana, for welcoming me. Yes, he’s correct. I’m here to select those who will join my team. Starting from now, prove that you deserve to be part of it. Show your skills and create a plan for how you can help us complete the project smoothly and successfully,” istriktong wika nito na lalong naging seryoso ang dating sa kaniya.

Bigla siyang nalungkot nang oras na iyon. Sa naging engkwentro nila, mukhang wala na siyang pag-asa na mapili nito. Kaya tinupi na niya ang folder at inayos iyon sa harap niya. Umpisa pa lang, kahit alam niyang maganda ang presentation niya, kung ito ang pipili, tapos na ang laban.

“Feel free to introduce yourself to him, provide a brief background about yourself and your achievements, and share a simple way you can contribute to this project. Start from there,” ani Mr. Laxamana. Itinuro nito ang dulong bahagi, kaya samakatuwid— huli siya. Nasa walo din kasi silang engineers sa loob.

“It’s my pleasure to meet you, Mr. Knight. I’m Engineer Glenda Ordillano. Single.” Tumigil ito bahagya at ngumiti. “I’ve been working here for almost seven years, and one of the skyways in Manila was successfully completed from my drafts.”

Nakita niya sa kasama ang kislap ng mga mata nito, habang halatang nagpapansin sa lalaki. Lihim siyang napaismid sa kilos nito.

Nagpakilala pa ang anim na puro lalaki nilang engineer. Pawang malalaki rin ang naiambag ng mga ito sa project, at lima lang ang kukunin sa kanilang walo. May tatlong uuwing luhaan. Dalawa na lang pala at siya ang isa roon.

“Engineer Yna, your turn,” boses iyon ng kasintahan niya.

Siya na pala ang huling magpapakilala. Alam ni Harold ang kakayahan niya kaya halatang umaasa ito na mapabilang siya.

Tumingin siya rito at ngumiti. Ngiting hindi alam kung ano ang mangyayari.

Napatingin siya sa nakangiti rin nilang CEO. Isa pa ito sa umaasa na isa siya mapipili roon. Pagkatapos, kay Knight na halos magkalapat ang mga labi at seryosong nakatingin sa kaniya, siya naman tumingin.

“I’m sorry . . .” Hindi niya alam kung sa mga umaasa ba sa kaniya o sa sarili niya sinasabi iyon.

Inayos niya ang sarili at propesyunal na humarap sa lahat. “First of all, thank you, Mr. CEO, for bringing Mr. Del Rio on board as your business partner, who has helped us greatly. And thank you, Mr. Del Rio, for choosing us. I’m Engineer Czarina Melendez, and I’ve been here for almost three years. I’ve been responsible for drafting and getting approval for all our projects, many of which have been implemented across provinces with potential for development, such as new highways. While I haven’t led a project myself, I’ve used my expertise to improve original plans, and over the past three years, these improvements have proven successful.” Halos hindi siya huminga sa haba ng sinabi niya. Hindi siya nagpapa-impress— nagsasabi lang siya ng totoo.

Nagulat siya nang magpalakpakan ang mga kasama niya, pwera lang kay Glenda na nakakunot ang noo. Kahit kailan talaga, mahirap kasundo ito.

Malawak ang ngiti ni Harold at Mr. Laxamana pero si Knight, mukhang nakulangan pa sa sinabi niya. Napatango na lang siya. Wala siyang magagawa kung ayaw ng tao sa kaniya. Business nito iyon at strategies, kaya hindi niya hawak ang desisyon nito.

Hanggang matapos na ang meeting, maraming sinabi si Mr. Laxamana na pagbabago sa kanilang kompanya. Isa na rito ang pagpapagamit ng office ni Faye kay Mr. Del Rio habang pumipili pa ito. Ang katanungan sa kaniya, hanggang kailan ito mag-iisip. Puwede na kasi itong pumili sa mga sandaling iyon para hindi aksaya sa oras.

Napailing na lang siya. Wala na siyang pakialam doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY NEXT MISTAKES   SPECIAL CHAPTER

    Halos isang linggong holiday ang buong hotel ng mga Falcon dito sa Pilipinas dahil doon gaganapin ang kasal nina Knight at Yna. Kahit ang mga tauhan at lahat ng engineers ay pinagbakasyon at inanyayahan ni Knight sa kasal nila ni Yna. Pagkatapos ng isang buwan nila sa Amerika, bumalik sila ng Pilipinas kasama ang mga magulang ng dalaga. Ang kapatid nito ay nag-resign na sa trabaho at tuluyang iniwan ang buhay doon. Bumalik ang mga ito sa bahay ng mga ito, pero bago ang preparation ay pinaluwas na niya sa Maynila ang pamilya ni Yna. Hinayaan niya ang dalaga na mag-decide kung saan ang venue, pati na sa kung anong damit ang susuotin. Gusto niyang ibigay ang best wedding day sa pinakamamahal niya. Ito rin mismo ang pumili sa hotel nina Daniel. Magaling itong pumili ng mga disenyo at talagang mapapahanga ang sino man na pupunta roon. Inimbetahan nila ang lahat para makadalo roon, kahit sina Harold at Faye.Hindi nila sigurado kung pupunta

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 43

    Pagkatapos mag-propose ni Knight pumasok sila sa loob ng magarang restaurant na iyon.“Congrats, pare! Kung hindi nag-oo si Yna, ito ang gagamitin kong huling alas para pumayag siya.” Nakangiting nagbeso si Daniel sa kaniya habang ang ibang bisita at magulang niya dinala at pina-assist sa mga waiter doon.“Ano na naman iyan, pare?”“Sabi ko, basahin mo ang papeles na ito bago mo pirmahan, hindi ba?”Nakangiting inabot ni Yna ang hawak ni Daniel.“Huwag mong sabihing sa iyo ang restaurant na ito, Daniel.”Umiling ito. “Nope. Sa parents ko. Nandito nga sila ngayon dahil sa mahalagang anunsiyo ng anak-anakan nila. Idagdag mo pang ipinasara nitong kaibigan ko ang buong restaurant!” Tiningnan niya ang katabi. “Knight, nang-abala ka pa! Sayang ang benta nila ngayon,” aniya.Natawa lang ang lalaki.“Don’t worry, pag-uusapan na lang namin iyan. Anyway, congrats sa inyo— at Yna, inaantay ka na ng farm mo!”

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 42

    Maaliwalas ang mukha ni Yna nang tumingin sa orasan. Napakunot ang noo niya, tama ba orasan niya? Alas-syete na ng umaga ang nakita niya at hindi na siya nakakain ng hapunan. Tumingin siya sa side table. Wala na roon ang mga pagkain at maayos na nakasuot ang mga damit niya, pati ang kumot ay maayos na nakatakip sa katawan niya.Tumayo siya at itinali ang buhok. Hindi na siya naghilamos pati kahit toothbrush dahil excited siyang makita si Knight. Paglabas niya sa kusina, naabutan niyang masayang kumakain ang dad at mom niya.“Where’s Knight, mom?” Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina at kumuha ng isang tinapay.Nakita niya ang pagkunot-noo ng ina niya. “Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kaniya, anak?” nakangiting sagot ng ina niya.“Mom . . . !” nakasimangot niyang sambit.“Nagpaalam sa amin kagabi ng dad mo na bukas or makalawa ang balik niya. Hindi ba nagpaalam sa iyo kagabi? Nagtimpla siya ng gatas mo at siya din naglabas noon, akala k

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 41

    Ginawa ni Knight ang lahat para magbalik sila sa dati— masaya at walang problema. Araw-araw ay dumadalaw ito sa bahay nila at sari-sari ang dala. Minsan gumigising siyang nakahanda na ang pagkain na ito mismo ang nagluto. Hindi rin nakaligtas sa patingin niya ang mga bulaklak na laging nasa kwarto niya. Si Gibeon ay kasama na rin nito sa panunuyo sa kaniya. Mukhang close na talaga ang dalawa. Ang mommy naman niya ay hindi nawawalan ng ibinibigay niyong mga lutong pagkain, habang alak naman sa kaniyang ama. Nakatitig siya ngayon kay Knight na abala sa kusina nila. Umalis ang ama’t ina niya para mag-grocery. Si Gibeon naman ay may pinuntahan na kaibigan. Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-tres na iyon ng hapon. “Hi, sweetheart! Maupo ka muna dito. I made this . . .” Itinaas nito ang pasta na bagong luto. Nasanay na itong makialam sa kusina nila, na hinayaan naman niya. Natakam siya sa inihain ni Knight, pero nang maamoy niya iyon, bumalikdad

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 40

    “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at ayaw na kitang makita pa!” singhal ni Yna kay Knight kahit ang totoo ay pinalalakas lang niya ang loob para maging matatag sa harapan nito.“Yna, hinayaan kong umalis ka noong araw na iyon para harapin at ayusin ang problema ng daddy at mommy mo. Ayokong isingit ang sarili ko dahil nakiusap si Mr. Melendez na huwag munang isabay ang kung anong gusto ko at hayaan kang magkapag-isip. Pero halos isang linggo na rin ang lumipas at hindi ko na matiis na hindi ka makita. Hindi ba sinabi ko naman sa iyo, na hindi ako susuko. Kahit lumuhod akong muli sa harapan mo araw-araw— gagawin ko, magkaayos lang tayo. Bumalik ka lang sa akin,” wika ni Knight.Bahagya siyang umusod ng upo at iniwas ang tingin sa lalaki.“But still . . . naging kabit mo ako, Knight! Hindi pagmamahal yun at pure l*st lang ang lahat! Bumalik ka na sa Pilipinas, doon sa farm mo. Marami ang naghihintay sa iyo doon!” Tumayo na siya at iniwan ito sa upuan.

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 39

    “Alright. Pakikinggan kita, pero hindi ibig sabihin nito ay pinatatawad na kita. Malaki ang kasalanan mo sa akin, Knight. Hindi nakukuha ang kapatawaran sa isang kisap lang ng mga mata, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao,” malamig na wika ni Yna. “Tumayo ka na diyan,”“I understand. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ako. Kung talagang mahirap kalimutan ang mga ginawa ko, tatanggapin kong lahat iyon. Pero ito lang ang itanim mo sa isip mo, hinding-hindi ako titigil sa paghingi ng tawad sa iyo,” ani Knight at tumayo ito.Binalingan ni Yna ang kaniyang ama. “Dad, mag-uusap lang kami sandali. Hindi pa naman tinatawag ang flight natin, hintayin niyo na lang ako sa waiting lounge.”Nakatingin lang ang ama niyang nalilito pa rin. Sa huli, tumango ito. Pumunta sila ni Knight sa VIP lounge para doon makapag-usap nang maayos.“Yna, first of all, gusto kong malaman mo na na mahal na mahal kita,” simula nito.Napailing siya. “Ginawa mo akong kab

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 38

    Isang linggo ang lumipas, napansin ni Yna na madalas na siyang sinisikmura kaya nagpasya siyang dumaan sa malapit na drug store malapit sa park. Tamang-tama, may malapit na travel agency doon. Inayos na niya ang lahat ng papel nila ng daddy niya para sumunod sa Amerika upang tuldukan ang kung ano

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 35

    Pakiramdam ni Yna nasa alapaap siya nang oras na iyon dahil sa sensasyong hindi niya maipaliwanag. Ang akala niyang panaginip ay totoong lahat. Bawat sulok ng katawan niya walang pinalampas si Knight. He brought an ecstasy feeling na sumasabay sa init ng katawan niya dahil sa alak.Pinil

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 33

    Natapos ang masayang salo-salo sa kubo nang walang nakahalata sa kanilang dalawa. Si Knight ay nagbigay pa ng bunos sa mga tauhan na masayang nagsiuwi. Naiwan silang dalawa sa kubo, ngunit ni isa sa kanila ay wala yatang gusto magsalita. Halos labinlimang minuto ang lumipas. Nainip na siya sa kat

  • MY NEXT MISTAKES   Chapter 32

    Dumaan muna ulit si Yna sa ospital bago umalis kinabukasan pabalik ng Pampanga. Wala roon si Knight at ikinagalak niya iyon. Nagpaalam siya nang maayos kay Faye, na saka na siya babalik kapag nakauwi na ito. Nakarating siya sa farm ni Knight alas-dos ng hapon. Pinaghintay na lang niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status