Share

Chapter 3. UNEXPECTED

TANGING kaba ng aking dibdib ang nagpabago sa aking nararamdaman. Buhat nang malaman ko ang malubhang sakit ng nakababata kong kapatid. Napahagulhol ako nang pag-iyak. Mabuti na lang ay nagkataon na breaktime ko. Kasabay nang pag-inom ko ng tubig. Binili ko pa ito sa malapit na convenience store, na hindi naman ganoon kalayo sa aking trabaho. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ba ako hahanap ng malaking pera? Upang matustusan ang pangangailangang medical ng aking kapatid. Napatingin ako sa aking wristwatch. Konting oras na lamang ay matatapos na ang ilang breaktime na aking pahinga. Akmang tatayo na sana ako sa aking pagkakaupo nang tumawag si Erika. Mabilis ko naman ini-on ang kaniyang pagtawag.

“Oh, Erika. At bakit napatawag ka yata? Huwag kang mag-alala may kaunting minuto pa naman akong natitira.”

“Hindi naman dahil doon kaya ako tumawag. Nag-aalala lang ako sa ʼyo. Lalo naʼt nalaman kong may sakit ang nakababata mong kapatid na si Anton.”

“Ilang araw ko nang iniisip ʼyon Erika. Hayaan mo at magagawan ko rin iyon ng solusyon.”

“Tama ka. Basta huwag ka lang susuko. At naniniwala akong magiging maayos din ang iyong kapatid.”

Matapos ang pag-uusap namin ni Erika ay nagpasya na akong bumalik ng bar. Alam kong mahirap ang aking trabaho. Kayaʼt wala naman akong magagawa, kundi ang magtiis para sa kalagayan ng aking kapatid. Kailangan ko ring makaipon nang sapat na pera para sa kaniyang nalalapit na chemotherapy. Saka na lamang ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Bago pa man ako pumasok sa loob ng bar, ay tanging ngiti ang aking iginanti sa ilang Bouncer Security. Kasunod nang malalakas na musika ang naririnig ko sa loob ng bar. Naramdaman ko na lamang ang paghawak sa akin ni Erika. Dala-dala pa nito ang serving tray, na naglalaman ng tatlong wine glass, na sa palagay ko ay hindi pa niya naibibigay sa ilang customers.

“Ano ka ba Erika? Unahin mo nga muna ang trabaho mo.” Pagsusungit ko sa aking kaibigan.

“Gusto ko lang naman na mawala ang stress mo sa buhay.”

“Anong baʼng sinasabi mo? Baka nalilimutan mo waitress tayo rito at hindi customers.”

“Masyado ka namang matatakutin.”

Mabilis akong hinila ni Erika, papaunta sa bar counter. Kasunod nang paglapag niya ng serving tray sa ibabaw nito at pag-upo namin sa wooden seat bar. Nag-order siya ng dalawang tequila, na sana una ay ikinatanggi ko pa. Subalit, napapayag na rin ako sa kaniyang kagustuhan. Tama rin naman si Erika. Kailangan ko rin nang kasiyahan sa buhay. At kalimutan nang panandalian ang aking mga problema.

“Cheers!” malakas na sambit ni Erika. At pagtaas ng kamay nito. Kasabay nang pag-cheers niya sa hawak kong kopita.

“Erika, hindi naman natin kailangan na gawin ʼto.”

“Minsan lang naman ʼto Alejandra. At isa pa, huwag kang mag-alala. Ako naman ang magbabayad nito.”

“Kahit na!” hiyaw ko. Habang sumasabay ang malakas na tugtog ng musika.

Kaunti lang naman ang nainom namin ng aking kaibigan. Sa katunayan ay malakas talaga sa pag-iinom si Erika. Pinigilan ko lang sʼya noong naubos ang tequila sa padalawang salin sa amin ng isang bar tender. Isang text message, ang aking natanggap nang maramdaman ko, ang pag-vibrate mula sa bulsa ng suot kong uniporme. Kaagad ko itong tiningnan na halos mayroong kaba sa aking dibdib. At hindi nga ako nagkamali. Tila bumagsak ang balikat ko, nang muling isugod sa ospital ang aking kapatid. Sa halip na sang-ayunan si Erika sa kasiyahang ibinibigay niya sa akin. Mabilis kong pinigilan ang muli niyang pag-inom sa kopita. Nakita ko ang pagtataka nito sa aking ginawa.

“Erika, kailangan ko nang tulong mo!” sigaw ko. Upang mangibabaw ang salitang nagpapabilis ng kaba sa dibdib ko.

“A-ano?”

“Kailangan ko ng malaking halaga. Kailangan ko ng pera!” natataranta kong sambit muli sa kanʼya.

“Oo, alam ko naman na kailangan mo ng pera. Hayaan mo at mababayaran din natin ang kailangan ng kapatid mo.”

“Hindi mo naintindihan, nasa ospital ngayon ang kapatid ko! At malaking halaga ang kailangan ko!”

“P-pero,, paano ʼyan? Kaunti pa lang ang naiipon mong pera para sa kanʼya. Huwag kang mag-alala pahihiramin kita ng perang naipon ko. Siguro, naman ay sasapat na iyon sa kailangan ng kapatid mo.”

Mahigpit kong niyakap si Erika. Kahit kailan ay hindi niya talaga ako mapahihindian sa tuwing kailangan ko sʼya. Dali-dali akong umalis sa kaniyang tabi. Upang magpaalam sa manager naming masungit. Lahat gagawin ko para lang sa kapatid kong si Anton. Napakabata pa nʼya para lumaban sa ganoong klaseng sakit.

Kinabukasan, inihanda ko na ang ilang gamit ko pabalik ng Batangas. Batid ko na hindi talaga sapat ang halagang mayroon ako. Inihatid muna ako ni Erika sa terminal ng bus. Bago ito nagpaalam sa akin. Nangingilid pa ang mga luha ng aking kaibigan. Nang sumakay na ako ng bus. Ilang oras lang ang naging byahe ko. Mabuti na lang ay hindi ganoon traffic sa pag-uwi ko ng probinsya. Narating ko ang General Hospital, na kung saan libre ang pagpapagamot sa mga may sakit.

“Mama . . . Papa . . .” sigaw ko na hindi naman ako kalayuan sa kanila. Nakita ko ang ngiti sa kanilang mga labi.

“Mabuti naman anak at maayos kang nakauwi,” wika ni Mama sa akin, na may luha at ngiti akong nakikita sa kaniyang mukha.

Tahimik lang nakamasid sa amin si Papa. Walang kahit na anong salita ang nagbibigay kasiyahan sa kaniya. Kaagad ko siyang nilapit at niyakap din ng mahigpit. Subalit, mabilis din siyang kumawala sa aking pagkakayakap.

“Hindi sasapat ang libreng ospital na ito, para sa iyong kapatid. Kinakailangan niya ng chemotherapy. At malaking halaga para mas mapagaling sʼya.”

“Papa, gagawin ko ang lahat. Makalikom lang tayo ng sapat na pera para sa kaniya.”

“Kailan pa Alejandra? Kapag patay na ang iyong kapatid!”

“P-pero, alam niyo naman Papa, na hindi biro ang maghanap ng malaking halaga para sa kanʼya.”

“Kung wala rin naman tayong magagawa. Hayaan na lang natin ang dʼyos ang magpasya sa buhay nʼya.”

Tila tinik ang nakabaon sa aking lalamunan. Habang naririnig ko ang mga katagang iyon kay Papa. Alam kong napakasakit sa kaniya na isipin ang kalagayan ni Anton. Kasabay nang pag-alis ni Papa, sa aking harapan. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtapik ni Mama sa aking balikat.

“Halika na. Puntahan na natin ang kapatid mo,” wika ni Mama na nagpalihis nang paningin ko sa aking ama.

Nang makita ko ang kalagayan ng aking kapatid. Pinili kong manatili nang ilang araw sa ospital. Hindi rin kasi nila kakayanin ang magbantay kay Anton. Lalo naʼt kinakailangan din nila ang magtrabaho para sa aming pang-araw-araw na gastusin. Ngunit, muli akong humingi nang tulong kay Erika. Pero, nabigla ako nang isang sperm artificial insemination, ang kaniyang inialok sa akin, na hindi ko inaasahan mula sa kanʼya.

“Patawarin mo ako, Alejandra sa sinabi ko. Iyon lang naman kasi ang tanging paraan na naiisip ko, para lang makalikom ka ng malaking halaga.”

“Naiisip mo ba ang mga sinasabi mo? Hindi biro ang iniaalok mo sa akin!”

“Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo. Baka sakali lang naman na gusto mo, sa iniaalok sa akin noon ni Dr. Jacob De Jesus. Alam mo naman na wala rin akong sapat na pera, para matulungan ka sa sitwasyon ng iyong kapatid.”

Napahagulhol na lamang ako nang pag-iyak sa aking kaibigan. At tama nga naman ang sinabi ni Erika. Kahit ilang oras o, araw pa ang bilangin ko sa pagtatrabaho ay hindi pa rin sasapat ang malaking halaga na kailangan ko.

“Si-sige, pu-pumapayag na ako sa iniaalok mo sa akin Erika. Basta siguraduhin mo lang na malaking halaga ang kapalit noon, para sa paggaling ng nakababata kong kapatid na si Anton,” mautal-utal kong wika. Habang nangangatal ang aking mga kamay sa kaba at mga luhang hindi ko kayang pigilan.

“Ang kailangan mong gawin, Alejandra ay bumalik ka muna rito sa Maynila. Nang sa ganoʼn maayos natin ang mga kondisyon at kagustuhan ni Jacob, para sa isasagawa niyang sperm artificial insemination.”

Iyon na lamang ang huling sinabi sa akin ni Erika. Saka ko ini-off ang telepono. Kasabay nang pamamaalam ko sa aking ina, pabalik ng Maynila.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
SI Alexandra pala Ang turukan.ng sperm cell ni Travish
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status