Share

Chapter 4. CONTRACT

NANLALAMIG ang aking mga kamay nang maimulat ko ang aking mga mata. Walang kahit na anong sakit ang naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita? Halos manlabo ang paningin ko dahil sa nakakasilaw na ilaw, na nagmumula sa taas ng puting kisame. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Erika. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking mga kamay.

“Kamusta ka na. Wala ka bang kahit na anong sakit na nararamdaman sa katawan mo?”

“Wa-wala naman akong kirot na naramdaman, Erika. Si Jacob ba nasaan sʼya?”

“Nag-check lang siya nang ibang pasyenteng may sakit. Gusto mo baʼng kumain?” pag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling ako. Saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Hindi pa ako nagugutom. At isa pa, salamat sa pagbabantay mo sa akin.”

“Kaibigan kita, Alejandra. Basta, magsabi ka lang kapag nagugutom ka na.”

Nagpasya na siyang umalis sa aking tabi. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang puting kisame na nagpapasulo sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang lalaking sinasabi ni Jacob. Kahit man pumayag ako sa sperm artificial insemination, na kapalit nang sampung milyon para sa paggaling ng aking kapatid. Maya-maya ay narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng aking silid. Bahagya pa itong binuksan ni Erika, sa pag-aakalang si Jacob ang kumakatok.

“Si-sino po sila?” Iyon na lamang ang katagang narinig ko mula sa aking kaibigan. Habang malabo kong nakikita ang lalaking nakatayo sa may pintuan.

Kasunod nang paglapit sa akin ni Erika.

“Sa tingin ko. Ikaw ang kailangan nʼya,” bulong sambit sa akin ni Erika.

Kaagad naman lumapit sa akin ang lalaking may hawak ng black envelope. May katandaan na ito kung titingnan at sa estado ng suot niya mapagkakamalan mo itong isang abogado. Saka ito muling nagsalita.

“Miss Alejandra Samonte. Ipinagbibigay alam ko lang sa ʼyo na ang pagpayag mo sa kagustuhan ni Mr. Travish Villamor, para sa sperm artificial insemination ay may kaakibat na kapalit ng malaking halaga. Huwag ka sanang sisira sa ating magiging kontrata.”

“Hu-huwag po kayong mag-alala. Susundin ko po ang nakapaloob sa kontrata.”

“Mas mabuti nang nagkakaintindihan tayo. At para rin iyon sa magiging anak ni Mr. Travish Villamor.”

Iniabot niya sa akin ang black envelope. Saka ko ito marahan na binuksan. Habang nakasandal ang likod ko sa headrest ng aking kinahihigaan. Naramdaman ko pa ang pagkirot ng karayom sa aking kamay. Subalit, binalewala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

“If you would like, you can read it before you sign, Miss Samonte.”

Babasahin ko na sana ang nakapaloob sa kontrata. Ngunit, mas pinili ko na lamang itong pirmahan. At agad kong ibinalik ang ilang dokumento sa loob ng itim na envelope. Kasabay nang ngiting iginawad ko sa lalaking hindi ko naman kilala.

“Are you really sure, na hindi mo babasahin ang kontrata ni Mr. Travish Villamor?”

Napailing na lamang ako at saka ko ito iniabot sa kanʼya. Nakita ko pa ang seryosong mukha nito sa akin. Kasunod nang paglahad nito ng kaniyang kanang kamay.

“My name is Mr.Thom de Guzman. And Iʼm Mr. Villamor's butler. And Iʼm the one youʼll see and be with most of the time in the mansion.”

Tanging paglahad na lamang ng aking kamay ang iginanti sa kanʼya. Sa tingin ko naman ay mas kaya kong pakisamahan ang katulad nʼya. Kaysa sa lalaking nagpapabilis ng kaba sa puso ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Dr. Jacob De Jesus. Sa totoo lang ay mabait sʼya at sa palagay ko kahit sinong babae ay maiinlove sa kaniyang taglay na kabaitan. Nakangiti itong lumapit sa akin. Kasunod nang pagbati niya kay Mr. De Guzman.

“Nasabi mo na ba Mr. Thom, na kailangan nʼya nang pahinga?”

“Of course, nandito lang ako para magpapirma ng kontrata. Kilala mo naman si Mr. Villamor. Gusto nʼya nasa maayos ang lahat.”

Nabaling naman ang tingin sa akin ni Jacob. “How are you? May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?”

“Ayos lang naman ang pakiramdam ko,” malumanay na wika ko sa kanʼya.

“Mabuti naman kung ganoʼn,” ngiting wika ni Jacob sa akin. “Isang Intrauterine Insemination o, IUI ang isinagawa ko sa iyo. At alam iyon ni Mr. Villamor. Sinabi ko naman sa kanʼya ang lahat nang magiging procedure.”

“Intrauterine Insemination,” kunot noo kong wika kay Jacob.

“Yes, Miss Samonte. The Intrauterine Insemination is a type of fertility treatment that involves placing sperm inside a woman's uterus close to the fallopian tubes in order to increase the chances of conceiving. At ang isang doktor na katulad ko, ay gagamit ng isang espesyal na instrumento na tinatawag na speculum upang gawing mas madaling ma-access ang matris. We’ll use a special, thin instrument inserted through the vagina and place the sperm into the uterus.”

Halos mapahanga ako sa mga paliwang ni Jacob. Masasabi kong isa talaga siyang dalubhasang doktor.

“Just always remember, na kailangan mo pa rin ang pag-iingat.” Kasunod nang pamamaalam ni Jacob sa amin. Pero, bago pa man siya lumabas ng pinto ay muli siyang nagsalita. “Bukas na bukas din ay maaari ka nang makalabas ng ospital. Si Mr. Thom na lamang ang bahala sa ʼyo, sa paghatid sa mansion ng mga Villamor.”

“Ma-mansion!” napabigla kong sigaw. Kasabay nang pagsarado ng pintuan nito.

“Tama si Dr. De Jesus. Sa loob nang siyam na buwan ay mananatili ka sa mansion ng mga Villamor. Iyan ang nakapaloob sa kontrata. Kaya nga dapat binasa mo muna bago ito pinirmahan. Nang sa ganoon ay alam mo ang mga kondisyon ni Mr. Villamor.”

Matapos akong sumang-ayon. Nagpasya na itong umalis. Subalit, muli siyang bumalik nang iniwan nito ang kopya ng aming kontrata. Kasabay nang pag-abot nito ng sobre na may lamang pera.

“Iyan ang paunang bayad ni Mr. Villamor, para sa chemotherapy na gagawin para sa kapatid mo.” Saka ito tumalikod sa akin at lumabas ng pinto.

***

TRAVISH POV

MAKALIPAS ang apat na linggo. Natanggap ko ang tawag ng matalik kong kaibigan na si Jacob. Isang impormasyon na tungkol sa babaeng sa sang-ayon sa aking mga kagustuhan. Ang babaeng lumaki sa mahirap na pamilya, na ang tanging hangad nito ay ang malaking pera na kaniyang kinakailangan. I have no choice, kundi pumayag na lang sa babaeng nakilala ni Jacob. Ang mahalaga ay maisagawa ko ang lahat ng gusto ko, para sa anak na aking hinahangad. Kasunod nang pagpapadala sa akin ni Jacob ng ilang impormasyon tungkol sa nagngangalang Alejandra Samonte. At sa unang tingin ko pa lang ng litrato niya ay mayroon na akong kakaibang nararamdaman. Maganda, simple at higit sa lahat isang birheng babae na aking hinahanap.

Subalit, ang isang katulad niyang babae na naghahangad ng malaking pera ay tila hindi ko mapagkakatiwalaan. Kahit man ito ay dulot ng kasunduan lamang. Mabilis ko naman tinawagan ang butler na aking pinagkakatiwalaan. Walang iba kundi si Mr. Thom De Guzman. Ipinadala ko sa kaniya ang lahat ng mga nakapaloob na dokumento, upang pirmahan ni Miss Samonte, na sa loob ng siyam na buwan ay mananatili siya sa aking mansion.

Napataas ang gilid ng aking labi. “I'll do every effort to carry out all of my plans,” untag ko. Habang nakamasid sa glass window ng aking opisina at naglalagay ng wine sa hawak kong kopita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status