Share

Chapter 2. Jacob De Jesus

HINDI ko akalain na mas mapapabilis din ang pagbalik ko sa Pilipinas. Natanggap ko ang messages ng aking personal assistant. Kaya naman siya na ang nag-schedule ng lahat para sa pagbisita ko sa isang pribadong ospital. Lalo naʼt magkikita na naman kami ng matalik kong kaibigan na si Travish Villamor. Dumiretso na rin ako sa Taguig sa aking condo unit. Hindi na rin ako nabigla, dahil alam ko naman na naroroon si Erika Buena. A simple girl that I'll never forget in my life. She's so kind and beautiful. Nang makilala ko siya sa isang resort sa Batangas. And I think, she's the one for me. As being my friend of mine. Mabuti na lang at tinulungan siya ng aking personal assistant, para magkaroon ng trabaho sa isang kilalang exclusive bar.

Nang makarating ako sa Limbo Exclusive Bar. Iʼll never thought, na makikilala ko ang kaibigan nʼya na si Alejandra Samonte. Katulad nʼya ay simple lang din ito. Kaagad kong inilahad ang aking mga kamay. Nakita ko ang kaba sa kaniyang mukha. Kaya sa halip na mas lalo siyang kabahan. Inalok ko siya ng isang mamahaling red wine.

“For you, Alejandra . . .” wika ko. Sabay pag-abot ng kopitang may lamang alak.

Subalit, sa halip na kuhanin ang wine na ibinigay ko. Nagpaalam siya sa kaniyang kaibigan na si Erika.

“Iʼm sorry, marami pa kasi akong dapat gawin.”

Tanging ngiti na lamang ang iginawad ko sa kaniya. Saka ito umalis sa bar counter na aming kinauupuan.

“Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. Hindi lang talaga siya sanay na uminom.”

“It's okay, Erika,” wika ko. Habang hindi ko maalis ang tingin ko sa dalagang papalayo sa amin.

Nabaling ang tingin ko kay Erika, nang bigla itong magsalita.

“By next week, maghahanap kami ng paupahang bahay na malapit lang dito. Nahihiya na rin kami sa ʼyo, kung mananatili pa kami sa condo unit mo.”

“Bakit pa? Eh, aalis din naman ako, by next week. Sayang naman kung walang mag-stay sa condo unit ko.”

“Malaki na kasi ang utang na loob namin sa ʼyo. Kaya naman nakakahiya kung magtatagal pa kami roon.”

“I insist, mas makakabuti kung mananatili kayo roon.”

“Buo na ang desisyon namin ni Alejandra. May konting naipon naman kami sa ilang linggo na pagtatrabaho namin dito. At maraming salamat sa lahat ng mga naitulong mo.”

“Are you sure? Pero, kung sakali na kailanganin mo ako. Don't hesitate to call me.”

“Talaga lang, ha? Huwag mong sabihin na in love ka na sa akin, Dr. Jacob De Jesus.”

Malakas na paghalakhak lang ang iginawad ko kay Erika. At alam naman niya na halos magkapatid lang ang turingan namin sa isaʼt isa.

“Hindi ko gagamutin ang puso mo. Kapag ikaw ang unang na in love sa akin,” ngiting wika ko sa kaniya.

“Tsk, hindi naman ako umaasa!”

Natigil ang kasiyahan namin ni Erika nang isang tawag ang aking natanggap. Iyon ay walang iba kundi ang childhood best friend kong si Travish Villamor. Isang Zillionaire na nagmamay-ari ng kilalang French Group Company sa Pilipinas. At masasabi kong malaki na talaga ang ipinagbago nʼya.

“Hello,” tanging sagot ko. “Bro, how are you? It's been a long time, nang huli kang tumawag sa akin. Akala ko kinalimutan mo na ako.”

“I need you, for my f*cking business.”

“W-what!” Sabay kunot ng noo ko.

“Help me, to find an innocent girl, na kaya akong bigyan ng anak sa pamamagitan ng sperm artificial insemination.”

“ Are you out of your mind? Do you think, na ganoʼn lang kadali ang maghanap, nang isang babae na sa sang-ayon sa gusto mo, para lang bigyan ka ng anak?”

“Why not? Kung malaking halaga naman ang ibabayad ko.”

“Honestly, I can't help you, bro. I don't know, kung magagawa ko ang gusto mo.”

“Please — remember that you are a specialist doctor, Mr. Jacob de Jesus.”

“Are you crazy?!” natatawang sambit ko. “Bakit hindi ka na lang maghanap ng babaeng pakakasalan mo?”

“So, how much do you want?”

Halos mainis ako sa sinabi ni Travish. Sa huli ay pumayag na rin ako sa kondisyon ng aking kaibigan. Hindi rin naman ako mananalo pagdating sa kaniya. Saka ko ini-off ang aking telepono. Nakita pa ni Erika ang pagkunot ng aking noo.

“Sino ba kausap mo at parang problemado ka?”

Walang sagot akong umalis sa harapan ni Erika. Kinuha ko ang remote car key at saka ako sumakay sa aking kotse. Dumiretso na rin ako sa ospital, dahil may mga pasyente rin akong dapat asikasuhin. Halos ilang beses kong pinag-isipan ang mga plano ni Travish. Ang pagsasagawa ng sperm artificial insemination sa babaeng aking mahahanap. Ilang kilalang babae rin ang aking kinausap. Subalit, nabigo ako. Sapagkat, kalimitan nang nakakausap ko ay hindi na mga birheng babae. Kinabukasan ay muli kong tinawagan ang aking kaibigan.

“F*ck you, Travish! Hindi madali ang ipinagagawa mo.”

“It's up to you, Jacob. Isa lang naman itong malaking pabor, para sa matalik mong kaibigan.” Kasunod nang marinig ko ang pagtunog sa kabilang linya ng telepono.

Samantala, nagpabalik-balik ako sa exclusive bar, na pagmamay-ari ni Vincent Villamor. Una pa lang ay hindi ko na binanggit pa sa kaniya, ang plano ng kaniyang kapatid na si Travish. Muli kong napansin si Erika, habang abala sa ibang customers. Bitbit pa nito ang serving tray, na sa pagkakaalam ko ay katatapos lang niyang mailapag ang ilang mga alak sa lamesa. Agad akong lumapit. Kasunod nang paghila ko sa kabilang gilid ng bar, na kaniyang kinatatayuan.

“Ano ka ba, Jacob? Bitawan mo nga ako!” naiinis niyang saad sa akin.

“Kailangan mo ba ng pera?”

“Pe-pera— a-anong pera na sinasabi mo?”

“Ibig kong sabihin. Kung nangangailangan ka ng pera,” pagpapaliwanag kong ani kay Erika. “Ma-may gusto lang akong ialok sa ʼyo. Baka lang naman na mas makakatulong sa pangangailangan mo.”.

“Ano ba kasi ʼyon?”

Naramdaman ko ang pagkainis ni Erika. Napanguso pa ang labi nito sa akin, na tila hindi mapakali.

“Kailangan ko ng birheng babae, that who will consent to my plans. A woman who can get pregnant through artificial insemination with sperm from a Zillionaire.

Matalim na tingin ang ipinukol nito sa akin. Saka muling nagsalita. Kasabay nang kaba na aking nararamdaman.

“At ako ang iyong naisip sa mga plano mo, Jacob. Ayoko! Isa pa, mahirap sumagal sa hindi ko kilalang Zillionaire. Ibaling mo na lang sa iba ang mga plano mo.”

“Ten millions. Ayaw mo ba?” pangungumbinsi ko kay Erika.

“Kahit ilang millions pa ang sabihin mo. Hindi ako papayag sa mga plano mo. Mahirap ang pinagagawa mo. For nine months, dadalhin ko sʼya sa sinapupunan ko. Saka hindi ko naman kailangan magbuntis para lang sa pera. Sapat na sa akin ang trabaho ko rito sa Limbo Exclusive Bar. Kumikita naman ako ng maayos dito.”

“It's okay, hindi naman kita pipilitin.”

“Sa-sandali lang, Jacob. Sino baʼng Zillionaire ʼyon at kailangan pa nʼya magbayad, para lang magkaroon ng anak?”

“This is my calling card. In case, na may maiaalok kang babae na papayag sa mga plano ko. You can call me anytime.”

Tanging ngiti na lamang ang aking pinakawalan kay Erika. Batid ko naman na hindi talaga ganoon kadali ang mga plano ng aking kaibigan.

“Don't worry, Jacob. Tatawagan na lang kita, kapag may nahanap na akong babaeng nararapat sa kagustuhan mo.”

“Thank you. But, I hope as soon as possible.” Saka ako nagpasyang umalis sa kaniyang harapan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenica Mades
Welcome, po. Salamat sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. Jenica,alam ko Ang ibig Sabihin ng Impregnate
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status