“Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.”
Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya. “May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito. Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang sumagi sa isipan niya ang kasasabi lang ng doktor kanina na hindi na magtatagal pa ang buhay ng nag-iisa niyang anak. Wala na siyang natitira pang kapamilya at ang pagsasama nilang mag-asawa ay patapos na dahil isa lamang iyong kontrata. Tanging ang anak niya lang ang pinaka-dahilan na lang niya para mabuhay. Pilit niyang pinigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Umiling siya. “Wala namang problema anak, masaya lang ako dahil malapit ka ng gumaling.” isang mapaklang ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang mga labi. Agad na nagliwanag ang mga mata ng kanyang anak na si Mia na pitong taong gulang na ng araw na iyon. “Talaga Mommy?” masayang tanong nito sa kaniya. “Pupunta ba ngayon dito si Daddy para bisitahin ako?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya. Habang nakatitig siya sa maiitim na mga mata nito at puno ng pag-asa ay mas lalo lang kumikirot ang puso niya. Napakagatlabi siyang muli at halos hindi na mapigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha. “Oo naman anak. Ipinapangako ko sayo na kung hindi man ngayong araw, sa mga susunod na araw ay palagi mong makakasama ang Daddy mo.” sabi niya at hinaplos ang buhok nito. “Talaga?” excited na tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang naman at niyakap niya ito ng mahigpit at napapikit ng mariin. Alam niya na sa murang edad ng kanyang anak ay hindi pa nito mauunawaan ng lubusan ang mga bagay-bagay. Isa pa ay ayaw niyang malaman nito ang totoong relasyon nila ng ama nito, ang tanging gusto niya lang ay maipakita rito na normal ang kanilang pamilya at alam niya na wala itong ibang hinangad kundi ang pagmamahal ng isang ama ngunit alam niya sa sarili niya na napaka-imposible iyon dahil ang kanyang asawa ay walang kaamor-amor sa anak niya kahit na sarili nitong laman at dugo iyon. Niyakap naman siya nito pabalik at pagkatapos ay pinatulog na. Natulog din naman ito kaagad at nang makita niyang mahimbing na itong natutulog ay tumayo siya at tinawagan ang secretary ng kanyang asawa. Nang marinig niyang sinagot nito ang tawag ay huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Nasaan si Henry?” tanong niya kaagad dito. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ito nagsalita. “Nagce-celebrate po sila ngayon ng birthday ni Miss Gwen. kung gusto niyo po siyang makausap ay pwede po siya bukas.” sabi nito sa kaniya. Agad na nanuyo ang lalamunan ni Estelle nang marinig niya ang pangalan ng babaeng iyon. Humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone ng wala sa oras. “Sabihin mo sa kaniya na hindi na makakapaghintay pa bukas ang sasabihin ko sa kaniya.” mariing wika niya rito at pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na niyang ibinaba ang tawag. Makalipas lang ang sampung minuto ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula sa secretary nito ay ibinigay nito ang address kung saan niya matatagpuan si Henry. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at iniwan niya muna sandali ang kanyang anak para puntahan ito. Pagdating niya sa hotel ay nakaabang na sa baba ang secretary ng kanyang asawa na si Liam. Dinala siya nito sa isang silid at nang bahagya niyang buksan ang pinto ay bumungad na kaagad sa kaniya ang tinig na mula sa loob. “Kuya Henry, sabihin mo na ngayon kay ate ang totoo. Sa loob ng ilang taong pagsasama ninyo ng asawa mo at kahit na nagkaroon pa kayo ng anak ay wala ka ba talagang naramdaman man lang para sa kaniya?” Agad na namutla ang mukha ni Estelle nang marinig niya ang tanong nito. Halos natigilan siya at hindi makagalaw. “Sa tingin mo ba ay magugutsuhan ko ang babaeng katulad ng babaeng iyon? At pagdating naman sa batang iyon, ni hindi ko nga sigurado kung anak ko ba talaga siya.” sagot ni Henry. Pakiramdam niya ay daan-daang piraso ng karayom ang tumusok sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Noon pa man ay tanggap na niyang kinasusuklaman talaga siya ni Henry ngunit ang pagdadalawang isip nito sa kanyang anak ay hindi niya lubos na matatanggap. Binuksan niya ang pinto at kitang-kita niya ang pagguhit ng matinding pagkagulat sa mukha ng mga taong nasa loob. Agad na nanlamig ang mga mata ng mga ito nang makita nila siyang nakatayo sa pinto. Nakita niya na nakaupo sa gitna ng sofa ang akniyang asawa at sa tabi nito ay nakaupo rin si Gwen ang babaeng pinakamamahal nito. Nang makita siya nito Gwen ay halatang hindi ito masaya ngunit pinagtakpan nito iyon ng matinding pagkagulat. “Estelle?” gulat na sambit nito at pagkatapos ay nilingon si Henry. “Wala kang sinabi na pupunta siya rito.” sabi nito. Alam niya na alam nito na nasa proseso na sila ng paghihiwalay ni Henry. Agad naman na nanlamig ang mukha ni Henry at tumitig sa kaniya. “Lumabas muna kayo.” malamig na sabi nito at tinanggal ang mga kamay ni Gwen na nakapalupot sa braso nito. Agad naman na nagbago ang mukha ni Gwen ng wala sa oras. Halatang ayaw nitong lumabas at umalis sa tabi ni Henry. Bakit nga ba naman kasi nito gugustuhing umalis sa tabi ng kanyang asawa e alam nito na hindi naman siya mahal ni Henry. Malakas din ang loob nito dahil alam nito na siya ang mahal ni Henry. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay at sinalubong ang mga malalamig na mga mata nito. “Hindi na kailangan. Wala naman ng dahilan para itago pa sa kaniya ang lahat ng tungkol sa ating dalawa lalo na at alam kong alam naman niya.” sabi niya. Kung siya si Estelle walong taon na ang nakakaraan ay tiyak na hinding-hindi niya magagawang sabihin ang mga salitang iyon dahil wala siyang lakas ng loob idagdag pa na mahal na mahal niya si Henry noon, ngunit wala na iyon sa kaniya. Ang tanging pinaka-mahalaga na lang sa ngayon ay ang anak niya. Tinanggal na kanina ni Henry ang kamay ni Gwen sa braso nito ngunit sa pagkakataong iyon ay muli na naman nitong ipinulupot iyon sa braso ng kanyang asawa. Halata sa mga mata nito na hindi ito masaya. Malamig na tiningnan siya ni Henry. “Anong ipinunta mo rito? May naisip ka na bang hingin sa akin?” tanong nito. Ang mga madilim na mga mata ni Estelle ay napatitig dito. Lumunok siya. “Isa lang ang gusto ko.” ibinitin niya ang sinasabi niya. “Gusto kong sa loob ng isang buwan ay magpakatatay ka kay Mia simula ngayong araw na ito.” sabi niya rito.ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba
PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang i
SA UNANG pagkakataon ay magkasunod silang dalawa na pumasok sa loob ng silid ni Mia. halos walong taon na silang kasal ngunit iyon pa lang ang unang pagkakataon na tumungtong si Henry sa loob ng silid na iyon.Sumandal lang siya sa pinto at pinanood si Estelle na naupo sa tabi ng anak at inumpisahang binasahan ang bata ng kwento. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napapatitig sa kaniya ang bata at bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para mag-iwas siya ng tingin dito. Habang tumatagal ay kating-kati na siya na umalis na sa silid ngunit bigla niyang naisip si Gwen dahilan para mapasabi siya sa sarili niya na kailangan niyang magtiis ng isang buwan para rito.“At namuhay sila ng masaya…” pagtatapos ng kwento ni Estelle. Tinitigan ni Henry ang mukha nito na natatamaan ng malamlam na ilaw. Bagamat payat ito ay nananatili ang kagandahan nito. Ang mga mata nito ay masuyong nakatingin sa batang nakahiga sa kama. Hindi niya alam ngunit may kung anong emosyon a
ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito.Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam.Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata.Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa an

ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba
“Hindi niyo po ba alam na hereditary ang sakit ng anak ninyo? Sad to say misis pero isang buwan na lang ang itatagal niya rito sa mundo.” Halos gumuho ang mundo ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sa parehong sakit din namatay ang kanyang ina. Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at biglang nanginig ang buong katawan niya. Isinara niya ang pinto at pasuray-suray na naglakad patungo sa kama kung nasaan nakahiga ang anak niya.“May problema po ba Mommy?” tanong sa kaniya ng anak niya na may nag-aalalang tinig. Napatitig ng wala sa oras si Estelle sa napakaputlang mukha ng anak, punong-puno ng guilt ang kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi ang mapakagat-labi na lang ng wala sa oras. “Kung may nagawa man akong mali Mommy ay pasensya ka na.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa mga labi nito.Pakiramdam ni Estelle ng mga oras na iyon ay biglang nadurog ang puso niya lalo pa at muli na namang su