Share

Chapter 2

Author: Luffytaro
last update Huling Na-update: 2025-04-17 23:57:23

ANG MGA salitang sinabi niya ay naging dahilan para matigilan ang mga taong na sa loob ng silid ng mga oras na iyon. Ang nakababatang kapatid ni Gwen na si Jenna ay agad na napatayo sa matinding galit. “Ang lakas naman ng loob mo para hilingin ang bagay na yan? Ginugulo mo lang ang relasyon ni Kuya at Ate. maanong makipaghiwalay ka na lang ng tahimik!” inis na bulalas nito.

Mabilis naman na gumalaw ang kamay ni Gwen upang pigilin ang kapatid nito. “Jenna, tumigil ka. Umupo ka na lang dito.” saway nito sa kapatid nito ngunit hindi ito makapaniwalang napatingin sa ate nito.

Mas mukha pa itong nagalit kaysa kanina. “Ate, bakit ko kailangang tumahimik? Nakita ko kung anong pinagdaanan mo nitong mga nakalipas na taon kaya paano akong tatahimik?” tanong nito at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Henry. “Kuya, magpapaloko ka na naman ba sa babaeng ito sa pangalawang pagkakataon?”

Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang ni Henry dahil sa sinabi niya bago magdilim ang mga mata. “Iba na lang ang hilingin mo.” malamig na sabi nito sa kaniya.

Mas lalo pang naging madiin ang pagkakakuyom niya ng kanyang mga kamay. Alam niya na kaagad na iyon ang isasagot sa kaniya ni Henry ngunit hindi siya pwedeng sumuko para sa anak niya. Gusto niyang mapasaya ito sa nalalabing mga araw nito sa mundo. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi ko kailangan ng kahit na ano. Iyon lang nag nag-iisang kahilingan ko para sa pagpirma ko sa lahat. Isang buwan lang Henry. Isang buwan lang para kay Mia.” sabi niya.

Nang banggitin niya ang pangalan ng kanyang anak ay halos madurog ang puso niya. Nag-init din ang sulok ng kanyang mga mata ngunit pinigil niya ang kanyang sarili na maiyak sa harapan nito. “Kung hindi ka papayag sa gusto ko ay hinding-hindi ako papayag na maghiwalay tayo.” banta niya rito.

Dahil sa sinabi niya ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya ang kapatid ni Gwen. “ang lakas talaga ng loob mo, napaka-kapal ng mukha mo kahit kailan!” bulalas nito ngunit wala siyang pakialam.

Sinulyapan niya lang ito at nanatiling kalmado bago niya muling ibinalik ang tingin kay Henry. “Kung gusto mo talagang mawala na ako ng tuluyan sa buhay mo ay gawin mo ang sinasabi ko dahil kung hindi, kahit na anong gawin mo na pilitin akong pumirma sa lahat para makipaghiwalay sayo ay hinding-hindi ko gagawin. Mananatili tayong kasal.” matatag na sambit niya. “Pero kung susunod ka sa gusto ko, wala kang magiging problema sa pakikipaghiwalay sa akin dahil magiging masunurin ako.”

Naging malamig ang mga mata ni Henry na nakatitig sa kaniya. Alam niya na kating-kati na itong makipaghiwalay sa kaniya para makasama na nito ang babaeng mahal na mahal nito. Tiyak na papayag ito kung sakali. Hindi pa rin ito sumagot na para bang pinag-iisipan pa nito ang magiging desisyon nito.

Huminga ng malalim si Gwen at nilingon si Henry. “Babe, pumayag ka na sa gusto niya.” mahinang pangungumbinsi nito rito.

Gulat na napatingin si Henry dito maging ang kapatid nito. Hindi inaasahan ng mga ito na papayag ito sa gusto niya.

“Ate? Nababaliw ka na ba?” hindi makapaniwalang tanong ng kapatid nito.

Maging si Henry ay nakatitig dito na hindi rin lubos na makapaniwala. Isang mahinang ngiti ang ipinaskil ni Gwen sa labi. “Para sa atin naman ito kaya mo gagawin ang bagay na ito hindi ba? May tiwala ako sayo.” sabi nito rito at inabot ang kamay nito pagkatapos ay marahang pinisil.

Napatitig si Henry sa kamay ni Gwen na nakahawak sa kamay niya ng mga oras na iyon at bahagyang lumubog ang kanyang puso. Napabuntong-hininga siya. Nilingon niya si Estelle na nakatayo sa harapan nila ng mga oras na iyon. “Sige, pero tandaan mo na kapag nalaman ko na gumagawa ka lang dahilan mo ay magbabayad ka.” banta niya rito.

Pingdikit naman ni Estelle ang kanyang mga labi. “Sinisiguro ko sayo na may isang salita ako.” sabi niya rito. “Tyaka, birthday niya ngayon at 7th birthday na niya iyon. Hindi ba dapat lang na bigyan mo siya ng regalo?” tanong niya pa rito na ikina-tahimik lang nito.

~~~

SINUNDO niya sa ospital si Mia. habang nasa sasakyan ay hindi maiwasnag magtanong ng anak niya. “Mommy, sigurado ka ba talaga na darating si DAddy?” puno ng pananabik na tanong ng anak sa kaniya.

Isang mapaklang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi at marahang tumango. “Oo naman.” sagot niya rito na dahilan upang mas magliwanag pa ag mga malamlam nitong mga mata.

Ilang sandali pa ay napatitig ito sa kaniya. “Kung ganun, pwede bang huwag mong sabihin kay DAddy na may sakit ako Mommy? Baka malungkot lang siya.” sabi nito.

Halos mag-init ang sulok ng kanyang mga mata nang marinig niya iyon. Pakirandam niya ay may kung anong nakabara sa lalamunan niya. Napakagat-labi na lang siya upang pigilan ang anumang emosyon na nararamdaman niya. Hinaplos niya ang buhok nito. “Oo naman anak. Pangako, hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya.” puno ng lungkot na sagot niya sa anak.

Sa puntong iyon ay mahina nitong itinaas ang kamay at inilabas ang hinliliit nito at alam niya na kaagad ang ibig sabihin nito dahilan para itaas niya rin ang kanyang daliri rito. “Promise yun Mommy ah…” sabi nito na may isang matamis na ngiti sa mga labi.

Ngunit sa halip na ngumiti ay nag-unahang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Estelle. Ang natitirang mahal niya sa buhay ay malapit ng umalis at iwan siya. Sobrang sakit, sobrang nasasaktan siya ngunit wala siyang magawa. Kung pwede niya lang bawasan ang taon ng buhay niya upang ibigay sa anak niya para humaba pa ang buhay nito ay gagawin niya pero hindi pwede. Bago man lang ito mawala ay gusto niyang maging masaya ito.

Niyakap niya ito ng mahigpit habang walang patid ang pagbuhos ng kanyang luha. Ngayon pa lang ay sobrang sakit na. Mahal na mahal niya ang anak niya pero wala talagang pinipili ang sakit. Palagi nga niyang tinatanong kung bakit kailangang ito pa ang nagkasakit at bakit hindi na lang siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 54

    BIGLANG tumaas ang sulok ng labi ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ni Henry. Akala mo ay binibigyan siya nito ng limos. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mo pag-aari ang mga shares na iyon kundi iyon ay pag-aari ni lolo at iniwan niya sa akin ang mga iyon. Wala kang karapatan na kuhanin ang mga iyon sa akin dahil lang sa gusto mo, naiintindihan mo ba?” puno ng panunuya niyang tanong.Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito at ang mga ugat sa noo nito ay naglabasan na rin tanda na galit na galit na ito ngunit wala siyang pakialam. “Noong naghihingalo siya nasaan ka noong mga panahong iyon ha? Noong ni hindi na siya makabangon pa at nakaratay na lang sa kama? Ni hinid mo nga siya nagawang silipin kahit na minsan lang Henry diba? Kailangan ko pa bang isa-isahin sayo ang lahat? Hindi mo pa rin ba maintindihan? Sobra siyang nadismaya sayo noong mga panahong iyon kaya nagdesisyon siya na sa akin niya na lang iiwan ang lahat dahil ni wala ka namang pakialam sa kaniya!” t

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 53

    BAHAGYANG nagulat si Gwen sa sinabi ni Henry ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Humarap siya rito na punong-puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. “Henry, pasensya ka na, huwag kang magalit sa akin okay?” Hindi ito sumagot. “Okay lang ako.” dagdag pa niya ngunit hinawakan ni Henry ang kanyang kamay at hinila siya hanggang sa nakaparada nitong sasakyan at pinapasok doon. Dahil dito ay wala na siyang nagawa kundi ang sumakay dito.Kahit na inis na inis siya sa totoo lang ay pinigilan niyang magalit. Tahimik siyang umupo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala siyang magawa kundi ang magpanggap na mahina at kaawa awa sa harap ni Henry dahil ito lang ang paraan para makontrol niya ito.Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nakating sa ospital at katulad ng dati ay inadmit lang siya nito doon at pagkatapos ay iniwan. Nang masiguro niyang nakaalis na ito ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya kaya pinagtatapon niya ang mga gamit na nasa bedside table ng kanyang kama sa lab

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 52

    TUMAAS ang sulok ng labi ni Estelle, ang tingin sa kaniya ni Gwen ay uhaw na uhaw siya sa atensyon ni Henry at ginagawa niya ang lahat ng iyon para makuha niya ang pagmamahal nito. Kung noon niya ito narinig ay baka umiyak pa siya at masaktan pero ngayon? Gusto na lang niyang matawa.“Alam mo Gwen, bagay na bagay kayo ni Henry ngayon. Bagay kayong makita sa putikang dalawa.” puno ng panunuya na saad niya. “Hindi ko siya pag-iinteresan, sayong-sayo siya kung gusto mo at isaksak mo sa baga mo.”Ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na masasabi niya ang mga bagay na katulad nun. Napakahibang talaga niya nitong mga nakaraang taon. Mabuti na lang at nagising na siya sa wakas.“Estelle!” sigaw ng isang tinig mula sa likod niya at bagamat hindi niya pa man ito nililingon ay alam na niya kaagad kung sino ito, walang iba kundi sino pa? Si Henry lang naman.NARINIG niya ang lahat ng sinabi ni Estelle kaya hindi niya maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamay. Wala na itong pinipiling

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 51

    MABILIS na lumapit si Liam kay Henry at tinulungan itong makatayo. “Sir, okay lang ba kayo? Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa ospital?” maingat na tanong nito rito.Tinanggal ni Henry ang kamay ni Liam at pagkatapos ay tiningnan si Estelle na puno ng pag-aakusa ang mga mata. “Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito huh? Sa tingin mo ba ay may magandang maidudulot sayo ito? Baka nakakalimutan mo na, mag-asawa pa rin tayo at kung anong sayo ay akin din!” sigaw nito.Tumaas ang sulok ng labi ni Estelle. “Baka nakakalimutan mo na, hiwalay na tayo Henry.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa ibang mga director na nasa loob ng conference room. “Siguro naman ay hindi sayang ang meeting na ito ngayon hindi ba? Kayo na ang bahalang humusga, salamat sa inyong oras.”Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay mabilis na naglakad si Estelle patungo sa pinto at lumabas ng walang pag-aalinlangan.Sa likod niya ay narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Henry. “Tumigil ka s

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 50

    NANLALAKI ang mga mata ni Henry na nakatingin sa kapapasok lang na si Estelle. Halos hindi niya ito makilala dahil parang ibang tao ito ng mga oras na iyon. Ibang-iba ito ngayon sa dati nitong itsura noong asawa pa niya ito at nasa bahay lang.Ngayon niya lang napagtanto na kahit na napakatagal na pala nilang magkasama sa iisang bubong ay hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Ni hindi man lang siya nito nilingon at tuloy tuloy na pumasok hanggang sa tumigil ito sa kanyang harapan at doon lang siya nito tinapunan ng malamig na tingin. “Sorry, but that is may seat.” napakalamig na sabi nito sa kaniya.Taas ang noo ni Estelle na nakatingin sa gulat na gulat na si Henry. Dahil nga siya ang may pinaka malaki ng shares sa kumpanya ay tama lang na siya ang maupo sa gitna at hindi ito. Wala na itong karapatan doon ngayon. Wala na.Ilang sandali pa ay tuluyan itong nakabawi mula sa pagkagulat nito at pagkatapos ay madilim ang mga matang tumingin sa kaniya. “Sino ka sa inaakala mo para paalisi

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 49

    NATIGILAN si Dylan nang makita niya si Estelle. Hindi niya maiwasang hindi magulat dahil noong nag-aaral sila ay ni hindi niya man lang nakita si Estelle na nag makeup kahit na minsan lang at ngayon, naka makeup ito at hindi niya maiwasang mamangha. Kung wala itong makeup ay napakaganda na nito pero ngayon, mas lalo pa itong gumanda. Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi.Hindi niya maitago na nabighani siya sa ganda nito. “Ang ganda mo ngayon…” puri niya rito at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili dahil totoo naman. Napakaganda nito.Ngumiti lang naman sa kaniya si EStelle at pagkatapos ay inalalayan niya ito patungo sa kanyang sasakyan at pinagbuksan pa ito ng pinto. “Sumakay ka na mahal na prinsesa.” sabi niya rito.Napailing na lang si Estelle dahil sa kalokohan ni Dylan. Ang mga mata nito ay nakangiti rin at hindi lang ang mga labi nito at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sa halip ay ipinilig niya na lang ang kanyang ulo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status