Share

Chapter 3

Author: Luffytaro
last update Huling Na-update: 2025-04-17 23:58:01

PAGDATING NILA SA mansyon ng mga Montero ay agad silang sinalubong ng mga kasambahay. Pagpasok nila ay agad na siyang nagtanong sa mga ito. “Dumating ba si Henry?”

Mabilis naman na tumango ito. “Opo ma’am.” sagot nito sa kaniya at nang marinig niya na umuwi roon si Henry, kahit papano ay nabawasan ang iniisp niya.

Simula kasi nang magpakasal silang dalawa ni Henry ay madalang lang itong umuwi doon. Higit sa lahat ay mas madalang lang makasama ng anak niya ito dahil iwas na iwas ito sa kanilang mag-ina. Naiintindihan niya naman iyon dahil alam niyang hindi naman siya mahal nito.

Binuhat niya ang kanyang anak at umakyat sa pangalawang palapag kung saan ay nakita niyang nakaupo si Henry sa sala sa taas. Nang makita ni Mia ang kaniyang ama ay agad na nagliwanag ang mga mata nito at nagpababa sa kaniya.

Maingat itong naglakad patungo sa kinauupuan ni Henry na puno ng alangan. “Daddy…” nahihiyang sambit nito sa ama.

Nakita niya na bahagyang gumalaw ang mga mata ni Henry. Ni hindi man lang ito nagsalita at tiningnan lang ang bata na para bang ayaw pa nitong kausapin.

Hindi alam ni Henry kung ano ang sasabihin niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay nanuyo bigla ang lalamunan niya at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkataranta. Ngunit habang nakatitig siya sa mukha ng bata ay nakikita niya ang mukha ni Estelle na naging dahilan para kumulo ang dugo niya. Sinubukan niyang kontrolin ang galit na nararamdaman niya. 

Kinuha niya ang regalo na nasa tabi niya at pagkatapos ay inabot niya rito. “Regalo ko.” walang emosyong sabi niya rito.

Nagliwanag naman ang mga mata ni Mia nang iabot ng ama sa kaniya ang maliit na box. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mapuputlang labi. Kitang-kita ni Estelle ang kasiyahan sa mukha nang anak niya nang tanggapin nito ang regalo at alam  niya na masayang-masaya nga talaga ito. “Salamat po.” magalang na sagot nito.

Agad siyang lumapit sa anak niya at hinaplos ang ulo nito. Tumingala ito sa kaniya kung saan ay ngumiti namna siya rito. “Bakit hindi mo buksan ang regalo ng Daddy mo anak para malaman mo kung ano ang ibinigay niya sayo.”

Tumango naman ito kaagad at dali-dali nang binuksan ang regalo. Sa sandaling mabuksan nito ang regalo ay biglang nagyelo ang mga ngiti sa labi nito ngunit ilang segundo lang at isang pilit na ngiti ang nakita niyang lumitaw sa labi nito. “Sa-salamat po Daddy. Nagustuhan ko ang regalo ninyo.” sabi nito ngunit kahit na nakangiti ito ay hindi na katulad kanina. Alam niya na na-disappoint ito sa regalo ng ama.

Biglang sumikip ang dibdib ni Estelle nang mapatitig siya sa diamanteng pares ng hikaw na hawak ng anak niya. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Pilit niyang kinakalma ang sarili niya dahil ayaw niyang magalit sa harapan ng anak niya. “Anak, late na. Matulog ka na ng makapagpahinga ka okay? Bukas na lang kayo ulit mag-bonding ng Daddy mo.” pinilit niyang ngumiti sa anak niya.

Tumango naman si Mia sa kaniya. Sa loob-loob ng bata, kahit na hindi man nito nagustuhan masyado ang bigay ng ama ay masaya siya na nakikita niyang magkasama ang kanyang mga magulang. Madalang lang kasing umuwi sa bahay nila ang DAddy niya.

Bago sila umalis ang ospital ay ibinilin din naman sa kaniya ng doktor na huwag daw siyang magpapasaway sa kanyang Mommy at matulog ng maaga kaya dahil iyon ang sinabi sa kaniya ng Mommy niya ay susundin niya ito.

May napadaang kasambahay dahilan para tawagin niya ito at ito na ang pinagdala niya kay Mia sa silid nito. Binilinan niya rin ito na bihisan ang anak para ready na para matulog. Bago umalis sa harap niya ay kinuha niya ang hikaw na regalo ni Henry rito. Siniguro niya munang nakapasok na silid ang anak bago niya harapin si Henry na prenteng nakaupo sa harapan niya.

Mahigpit na hinawakan ni Estelle ang box ng hikaw sa kanyang kamay. “Henry, alam ko namang napakarami mong ginagawa pero sana naman ay naging mapag-konsidera ka man lang sa pinili mong regalo kay Mia. ilang taon na ba siya sa tingin mo para regaluhan mo ng diamanteng hikaw huh?” hindi makapaniwala niyang tanong dito lalo na nang muli na naman niyang maalala ang lungkot na nakita niya sa mga mata ni Mia kanina.

Naging malamig ang mga mata ni Henry nang marinig niya ang sinabi ni Estelle sa kaniya. “Sa tingin mo ba sa kaunting oras ay makakapag-isip pa ako ng pwede kong ipangregalo? Mabuti nga at pumayag si Gwen na gamitin ko na lang muna ang regalong inihanda ko para sa kaniya kaya dapat lang na magpasalamat ka pa kaysa gumaganyan ka.” inis na sabi niya rito. “Huwag kang mag-alala, sa susunod ay magpapahanda ako kay Liam ng regalo na karapat-dapat sa taste mo.” dagdag pa niyang sabi.

Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Estelle sa regalo. Gusto niyang ibuka ang kanyang bibig at sabihin dito na wala ng susunod dahil iyon na ang huling birthday ng anak niya ngunit mas pinili niya na lang na huwag magsalita. Kahit na sobrang kirot ng dibdib niya ay mas pinili na lang niyang tumahimik. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkatapos ay naglakad patungo sa drawer upang kuhanin ang isang story book na itinabi niya roon. Kinuha niya ito at inabot kay Henry. “Kasama sa kasunduan natin para maging isang ama ang pagbabasa sa kaniya ng kwento bago siya matulog.”

Naging malamig ang mga mata ni Henry at pagkatapos ay umiling. “Ayoko.” tahasang pagtanggi nito sa kaniya.

“Ayaw mo? Talaga ba Henry? Mag-isip kang mabuti, hindi ba at gusto mo ng makipaghiwalay sa akin?” tanong niya rito.

Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. “Okay fine.” inis na sabi nito.

“Tyaka alam ko naman na surang-sura ka sa pagmumukha ko kaya kapag nakatulog na si Mian ay pwede ka na ring umalis at puntahan si Gwen. bumalik ka nalang kinabukasan para ihatid siya sa school.”

Napatitig ng malamig si Herny kay Estelle at hindi nagsalita. Noon ay ginawa nito ang lahat para mapanatili lang siya sa tabi nito ngunit ngayon ay parang pinagtatabuyan na siya nito. Naalala niya pa na nagpanggap itong may sakit at hiniling sa kung sino-sino na tawagan siya para lang umuwi kaya hindi niya maiwasang magtaka. Nagbago na nga kaya ito? O gumagawa lang na naman ito ng paraan nito?

“Hindi na bale, sa guest room na lang ako matutulog.” sagot na lamang niya rito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 54

    BIGLANG tumaas ang sulok ng labi ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ni Henry. Akala mo ay binibigyan siya nito ng limos. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mo pag-aari ang mga shares na iyon kundi iyon ay pag-aari ni lolo at iniwan niya sa akin ang mga iyon. Wala kang karapatan na kuhanin ang mga iyon sa akin dahil lang sa gusto mo, naiintindihan mo ba?” puno ng panunuya niyang tanong.Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito at ang mga ugat sa noo nito ay naglabasan na rin tanda na galit na galit na ito ngunit wala siyang pakialam. “Noong naghihingalo siya nasaan ka noong mga panahong iyon ha? Noong ni hindi na siya makabangon pa at nakaratay na lang sa kama? Ni hinid mo nga siya nagawang silipin kahit na minsan lang Henry diba? Kailangan ko pa bang isa-isahin sayo ang lahat? Hindi mo pa rin ba maintindihan? Sobra siyang nadismaya sayo noong mga panahong iyon kaya nagdesisyon siya na sa akin niya na lang iiwan ang lahat dahil ni wala ka namang pakialam sa kaniya!” t

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 53

    BAHAGYANG nagulat si Gwen sa sinabi ni Henry ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Humarap siya rito na punong-puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. “Henry, pasensya ka na, huwag kang magalit sa akin okay?” Hindi ito sumagot. “Okay lang ako.” dagdag pa niya ngunit hinawakan ni Henry ang kanyang kamay at hinila siya hanggang sa nakaparada nitong sasakyan at pinapasok doon. Dahil dito ay wala na siyang nagawa kundi ang sumakay dito.Kahit na inis na inis siya sa totoo lang ay pinigilan niyang magalit. Tahimik siyang umupo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala siyang magawa kundi ang magpanggap na mahina at kaawa awa sa harap ni Henry dahil ito lang ang paraan para makontrol niya ito.Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nakating sa ospital at katulad ng dati ay inadmit lang siya nito doon at pagkatapos ay iniwan. Nang masiguro niyang nakaalis na ito ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya kaya pinagtatapon niya ang mga gamit na nasa bedside table ng kanyang kama sa lab

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 52

    TUMAAS ang sulok ng labi ni Estelle, ang tingin sa kaniya ni Gwen ay uhaw na uhaw siya sa atensyon ni Henry at ginagawa niya ang lahat ng iyon para makuha niya ang pagmamahal nito. Kung noon niya ito narinig ay baka umiyak pa siya at masaktan pero ngayon? Gusto na lang niyang matawa.“Alam mo Gwen, bagay na bagay kayo ni Henry ngayon. Bagay kayong makita sa putikang dalawa.” puno ng panunuya na saad niya. “Hindi ko siya pag-iinteresan, sayong-sayo siya kung gusto mo at isaksak mo sa baga mo.”Ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na masasabi niya ang mga bagay na katulad nun. Napakahibang talaga niya nitong mga nakaraang taon. Mabuti na lang at nagising na siya sa wakas.“Estelle!” sigaw ng isang tinig mula sa likod niya at bagamat hindi niya pa man ito nililingon ay alam na niya kaagad kung sino ito, walang iba kundi sino pa? Si Henry lang naman.NARINIG niya ang lahat ng sinabi ni Estelle kaya hindi niya maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamay. Wala na itong pinipiling

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 51

    MABILIS na lumapit si Liam kay Henry at tinulungan itong makatayo. “Sir, okay lang ba kayo? Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa ospital?” maingat na tanong nito rito.Tinanggal ni Henry ang kamay ni Liam at pagkatapos ay tiningnan si Estelle na puno ng pag-aakusa ang mga mata. “Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito huh? Sa tingin mo ba ay may magandang maidudulot sayo ito? Baka nakakalimutan mo na, mag-asawa pa rin tayo at kung anong sayo ay akin din!” sigaw nito.Tumaas ang sulok ng labi ni Estelle. “Baka nakakalimutan mo na, hiwalay na tayo Henry.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa ibang mga director na nasa loob ng conference room. “Siguro naman ay hindi sayang ang meeting na ito ngayon hindi ba? Kayo na ang bahalang humusga, salamat sa inyong oras.”Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay mabilis na naglakad si Estelle patungo sa pinto at lumabas ng walang pag-aalinlangan.Sa likod niya ay narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Henry. “Tumigil ka s

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 50

    NANLALAKI ang mga mata ni Henry na nakatingin sa kapapasok lang na si Estelle. Halos hindi niya ito makilala dahil parang ibang tao ito ng mga oras na iyon. Ibang-iba ito ngayon sa dati nitong itsura noong asawa pa niya ito at nasa bahay lang.Ngayon niya lang napagtanto na kahit na napakatagal na pala nilang magkasama sa iisang bubong ay hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Ni hindi man lang siya nito nilingon at tuloy tuloy na pumasok hanggang sa tumigil ito sa kanyang harapan at doon lang siya nito tinapunan ng malamig na tingin. “Sorry, but that is may seat.” napakalamig na sabi nito sa kaniya.Taas ang noo ni Estelle na nakatingin sa gulat na gulat na si Henry. Dahil nga siya ang may pinaka malaki ng shares sa kumpanya ay tama lang na siya ang maupo sa gitna at hindi ito. Wala na itong karapatan doon ngayon. Wala na.Ilang sandali pa ay tuluyan itong nakabawi mula sa pagkagulat nito at pagkatapos ay madilim ang mga matang tumingin sa kaniya. “Sino ka sa inaakala mo para paalisi

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 49

    NATIGILAN si Dylan nang makita niya si Estelle. Hindi niya maiwasang hindi magulat dahil noong nag-aaral sila ay ni hindi niya man lang nakita si Estelle na nag makeup kahit na minsan lang at ngayon, naka makeup ito at hindi niya maiwasang mamangha. Kung wala itong makeup ay napakaganda na nito pero ngayon, mas lalo pa itong gumanda. Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi.Hindi niya maitago na nabighani siya sa ganda nito. “Ang ganda mo ngayon…” puri niya rito at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili dahil totoo naman. Napakaganda nito.Ngumiti lang naman sa kaniya si EStelle at pagkatapos ay inalalayan niya ito patungo sa kanyang sasakyan at pinagbuksan pa ito ng pinto. “Sumakay ka na mahal na prinsesa.” sabi niya rito.Napailing na lang si Estelle dahil sa kalokohan ni Dylan. Ang mga mata nito ay nakangiti rin at hindi lang ang mga labi nito at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sa halip ay ipinilig niya na lang ang kanyang ulo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status