DALI-DALING SUMUGOD si Estelle sa school ni Mia nang matanggap niya ang mensahe na galing sa teacher ng anak niya. Habang nasa daan ay bumuhos ang napakalakas na ulan at nang bumaba nga siya sa kanyang sasakyan ay halos wala na siyang makita pa ngunit mabilis niyang kinuha ang payong at nagmamadaling tumakbo patungo sa may guard house ng school.
Halos maghabol siya ng kanyang hininga pagdating niya at doon ay nakita niya ang kanyang anak na nasa isang gilid habang yakap-yakap ang sarili at halos madurog ang kanyang puso habang pinapanood niya ito. Alam niya na sa chat kanina sa kaniya ng anak niya ay napakasaya nito dahil sa susunduin ito ng ama ngunit ngayon ay halos manlumo siya.
Isang mainit na likido ang bumagsak mula sa kanyang mga mata ngunit dali-dali niya iyong pinunasan at pilit na nagpaskil ng isang mapaklang ngiti bago tuluyang lumapit sa anak niya. “Mia…” tawag niya rito at nang marinig nito ang pagtawag niya ay agad itong nagtaas ng ulo at tumingin sa kaniya.
Agad na naging malungkot ang mukha ng kanyang anak at matinding awa ang naramdaman niya ng mga oras na iyon para rito na halos madurog ang kanyang puso. “Mommy…”
Yumakap ito sa kaniya ngunit wala itong sinabi o ni hindi man lang ito nagreklamo na hindi ito sinundo ni Henry. Hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding pagsisisi. Kung hindi niya sana ipinilit ang kanyang sarili kay Henry kahit na ayaw na ayaw nito sa kaniya marahil ay hindi ito ang naging ama ni Mia. marahil ay nagkaroon siguro ito isang mapagmahal at nagmamalasakit na ama kung sakali.
Mahigpit niya ring niyakap ang anak niya. At nang humiwalay siya rito ay doon pa lang niya nakita na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata nito na mas lalo pang ikinadurog niya bilang ina. Marahan niyang pinunasan ang luha sa mga pisngi nito. “Huwag ka nang umiyak, nandito naman ako e.” pilit niyang pinapagaan ang pakiramdam nito.
Tumango naman ito sa kaniya at pilit na pinipigilan ang pag-iyak. Dinala na niya ito sa may kotse at habang nasa daan ay nakayakap lang siya rito para hindi nito maramdaman ang sakit ng pag-asa nito sa pagdating ng ama.
Nang makauwi sila ay dali niya itong dinala sa silid nito at pinalitan ng damit dahil naanggihan ito kanina. Marahil doon ay bigla na lang itong nagkasinat ng wala sa oras kaya agad siyang nag-alala para rito. Hinawakan niya ang maliit na mukha nito habang nakahiga at nakapikit at halos hindi siya makahinga dahil sa kumikirot ang puso niya. Awang awa siya sa anak niya ngunit hindi niya iyon ipinakita dito.
Ilang sandali pa nga ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone at nang kuhanin niya ito ay nakita niyang si Liam ang tumatawag, ang assistant ni Henry. Kinumutan niya muna ang kanyang anak bago siya lumabas ng silid nito upang sagutin ang tawag.
“Pasensya na po kayo ma’am Estelle, hindi ko kaagad nabasa ang text sa akin ni sir Henry dahil sa dami ng ginagawa ko at pinapasundo niya pala sa akin si Mia. kakarating ko lang po dito sa school at nasundo niyo na pala siya. Pasensya na po—” hindi pa man nito natatapos ang sinasabi ay agad na niya itong pinutol.
Hindi iyon ang mga bagay na gustong marinig ni Estelle. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone at nanlamig ang kanyang mga mata. “Saan siya nagpunta?” kalmado ang kanyang tinig ngunit punong-puno ito ng lamig.
Sa kabilang linya ay gulat na gulat si Liam sa naging tono ng boses nito dahil napakalamig. Napalunok siya at hindi nakahuma upang magsalita hanggang sa muli na naman niyang narinig ang tinig nito. “Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kung saan siya nagpunta? Siguro naman ay may karapatan pa rin akong magtanong dahil asawa niya ako hindi ba?”
“Ah, bigla po kasing nagkaroon ng sakit ang aso ni Miss Gwen at tinawagan siya nito para puntahan siya kaagad. Iyak siya ng iyak kaya agad na pumunta doon si Sir Henry…” sagot niya rito.
Biglang nagtagis ang mga bagang ni Estelle sa kanyang narinig. Mas mahalaga pa ang aso ni Gwen kaysa sa sarili nitong anak. Gusto niyang matawa ng mga oras na iyon. Akmang sasagot na sana siya nang marinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya at nakita niya si Mia na naglalakad na pasuray-suray palabas ng silid. “Mommy…” tawag nito sa kaniya.
Dali-dali niyang nilapitan ito na puno ng pag-aalala. “Huwag na po sana kayong magalit kay Daddy, Mommy…” muling sabi nito sa kaniya. “Alam ko na hindi niya naman gusto ang nangyari tyaka alam ko na sobrang busy niya lang.”
Sa sandaling iyon ay halos matigilan siya. Pagkatapos nitong sabihin iyon ay niyakap siya nito. “Huwag ka nang magalit Mommy…” mahinang sabi nito at halos mag-init ang gilid ng kanyang mga mata lalo dahil sa sinabi nito.
Napakagat-labi siya at pilit na pinipigil ang kanyang mga luha mula sa pagbagsak hanggang sa naubo si Mia hanggang sa mapaluhod ito ng tuluyan sa sahig at sa isang iglap ay biglang umubo ito at kumalat sa sahig ang dugo. “Mia!” nanginginig ang boses ni Estelle at dinaluhan kaagad ang anak.
Ang mukha ni Mia ay halos mamula ngunit ang mga labi nito ay nanatiling maputla. Pinilit nitong ngumiti sa kaniya. “Okay lang ako Mommy…” sabi nito ngunit mabilis siyang gumalaw at binuhat ito kaagad.
“Dadalhin kita sa ospital anak…” sabi niya sa nanginginig na tinig at nagtatakbong bumaba upang hanapin ang driver nila.
Wala silang inaksayang oras at dumiretso kaagad sa ospital. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Estelle at punong-puno ng pag-aalala para sa kanyang anak. Mabilis naman na kumilos ang mga nurse at doktor at isinalang ito kaagad upang matingnan ang kalagayan nito. Hindi nagtagal ay dinala na sa silid si Mia at naghihintay na lang sila sa mga resulta ng mga test na isinagawa dito kanina.
Hawak-hawak niya ang kamay nito at marahang hinahalikan nang bigla na lang itong magtanong sa kaniya. “Mommy galit ba sa akin si Daddy?” mahinang tanong nito.
Hindi alam ni Estelle kung paano niya sasagutin ang tanong ng kanyang anak. Halos ilang segundo siyang natigilan at hindi maka apuhap ng isasagot dito. Paano niya sasabihin at ipapaliwanag dito na hindi naman galit si Henry sa kaniya kundi dahil siya lang ang ina niya, pero baka kung si Gwen ang naging ina nito ay tiyak na magiging masaya ng labis si Henry at magpapakaama rito.
…
MULING nagpa kawala ng isang malalim na buntong hiniga si Estelle. “Sa totoo lang ay ako ang nagmamay ari ng 50% shares sa kumpanya ng mga Montero. Handa akong bigyan ka ng pera kahit ilan pa ang gusto mo.” sabi niya rito. Kung kapalit ng malaking pera ang buhay niya ay handa niya itong ibigay sa lalaki dahil mas mahalaga pa rin ang buhay niya kahit na papano.Matapos namang marinig ito ni Billy ay hidni niya maiwasang hindi magulat. “Gusto kong pag isipan mo itong mabuti.” muli pang sabi nito sa kanya. “Kung ako sayo ay mag background check ka kasi ng mga taong kikidnapin mo.” dagdag pa nitong sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumingin sa relo. “Ngayon ay paniguradong pinaghahanap na nila ako at kapag pinindot ko itong relo ay magpapadala kaagad ito ng signal ng eksaktong lokasyon ko at panigurado na mahuhuli ka. Kaya ngayon pa lang ay mag isip isip ka na.” banta pa nito sa knaiya.Nang makita niya ang mayabang na ekspresyon nito ay agad siyang natawa dahil sa matinding galit. “Sa
DAHIL wala naman siyang pwedeng pagtingnan ng oras kaya hindi alam ni Estelle kung gaano na ito katagal. Sa wakas ay tuluyan na ssiyang nakarinig ng mga yabag at pagkatapos ay biglang lumiwanag ang silid na nagpasakit sa mga mata ni Estelle.Pagkaraan ng mahabang panahon sa wakas ay inayos ni Estelle ang sarili niya at nakita ang lalaking nasa harapan niya. Hindi tulad ng mamantika at kahabag-habag na lalaki na naisip niya dahil ang lalaking ito ay talagang patas. "Masaya ba?” Tanong ng lalaki na may halong ngiti.Hindi napigilan ni Estelle na matawa nang marinig niya ang malalim na boses. Hinila niya ang mga sulok ng kanyang bibig at tumango. "Oo masaya, sobrang saya.""Damn it, hinahanap mo ba talaga si kamatayan!" Diretsong sinipa ng malaking lalaki sa likod niya si Estelle na ikina tumba niya sa lupa.Hindi nahirapan si Estelle. Nakahiga lang siya doon kung saan siya nahulog. She sighed lessly and said, "Kung sipain niya ako ng ganyan mamamatay ako ng wala sa oras. Tapos wala kang
LIHIM na pinasundan ni Gwen si Estelle. May binayaran siyang tao para sundan ito at halos manlaki ang knayang mga mata nang marinig ang sinabi nito habang kausap si Dylan at si Lawrence. Napaka linaw ng pagkaka record ng mga salita nito kaya nang marinig niya ito ay dali dali siyang nagpunta kay Henry para ipakita ito. “Henry, tingnan mo. si Estelle may planong ibenta ang shares niya sa kumpanya.” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dito.Alam niyang mahirap itong paniwalaan ni Henry pero ang kumpanya ang pinaka mahalagang bagay sa buhay nito kaya sigurado siyang magiging napaka interesado nito rito. Matapos marinig ni Henry ang record ay agad na nagbago ang ekspresyon nito at pagkatapos ay mahigpit na napa kuyom ang mga kamay bago nito binato ang cellphone hanggang sa mabasag ito. Tumayo ito at pagkatapos ay naglakad palayo habang nagtatagis ang mga ngipin.Napa tingin na lang si Gwen sa basag niyang cellphone na nasa sahig at walang ekspresyon ang knaiyang mukha. Dapat pala ay inagaw
NANG sabihin ito ni Estelle ay sinadya niyang tumingin sa mukha nito dahil gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Ngunit wala man lang siyang nakitang tensyon o pagtataka sa mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Ipinakita nito na maaaring ito ay isang bagay na napag-usapan nilang dalawa, at ni isa sa kanila ay hindi mabuting tao.Gayunpaman, matapos itong mapagtanto gumaan ang pakiramdam ni Estelle. Medyo nag-aalala siya noon, natatakot na hindi magagawa ni Dylan ang mga bagay nang mag-isa. Ngayong alam niyang mayroon itong napakalakas na kapareha, gumaan ang pakiramdam ni Estelle.Nagulat na lang siya nang tumigil ang kotse ni Lawrence sa isang restaurant. Dahil dito ay agad na nagsalubong ang knaiyang mga kilay dahil sa pagtataka. Nilingon niya ito. “Anong ginagawa natin dito?” tanong niya rito at bahagyang naguguluhan. “Mukhang hindi ka man lang pinakain ng walang kwenta mong asawa so ako na lang ang magpapa kain sayo. Ilibre kita.” sabi nito sa kaniya. Tutut
AGAD naman na napa simangot si Henry at napatingin kay Estelle. Kung mas malaki ang gastos ay wala ring mangyayari sa proyektong ito. Kung malulugi sila e wala ding silbi.Ilang sandali pa ay bigla namang napa halukipkip si Lawrence at nakataas ang kilay at puno ng panunuyang napa tingin kay Gwen. “anong akala mo sa akin Miss, walang pera?” tanong nito rito. Kahapon pa man noong una niya itong makita ay ayaw na niya talaga dito kaya ngayon na nakahanap siya sa wakas ng pagkakataon na tirahin ito ay talagang gsusto niya na sa susunod ay wala na itong lakas ng loob pa na magtaas ng ulo.Napa lunok naman kaagad si Gwen nang marinig niya ang sinabi nito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin Mr. Alvaro.” agad na nagpaliwanag kay Lawrence at palihim na hinawakan ang kamay ni Henry para humingi ng tulong dito.Agad naman na tumayo si Henry mula sa kanyang kinauupuan napa tingin kay Estelle habang malamig ang mukha. “Naisip mo ba ang gastos Estelle? Hindi naman pwede na bira lang ng bira. Isipin
KINA UMAGAHAN ay maagang gumising si Estelle at pagkagising niya ay nagulat siya nang bigla na lang may kumatok sa kanyang pinto kaagad niya itong binuksan at tiningnan kung sino iyon. Nang makita ang staff ng hotel ay hindi niya maiwasang hindi mapakunot ang noo. Napa lingon siya s alikod nito. “Bakit po? Hindi naman ako tumawag ng room service?” puno ng pagtatakang tanong niya rito.Agad naman itong nagyuko ng ulo. “Ah, pasensya na po kayo ma’am pero araw araw po kasi naming kailangan mag linis ng kwarto.” sabi nito sa kaniya.Napa buntong hininga na lang siya. Umalis siya sa pinto at pinapasok ito. Napaka halaga sa kaniya ng araw na iyon kaya hindi na siya naki pagtalo pa at hinayaan na lamang ito. Sa halip ay pumasok na siya sa banyo upang maligo. Nang lumabas siya mula sa banyo ay wala na ito at nakita niya naman ang pagbabago sa loob ng silid.Nagbihis lang siya sandali at naglagay ng light makeup sa kanyang mukha at nang masiyahan na siya sa kanyang itsura sa salamin ay agad na