Accueil / Romance / MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY / Kabanata 2: Ang Maling Lalaki

Partager

Kabanata 2: Ang Maling Lalaki

Auteur: Eudayah
last update Date de publication: 2026-10-28 20:46:41

Hindi kilala ni Luna ang lalaking nakatayo sa paanan ng kaniyang kama. Sigurado siya roon.

“Naligaw ka ba ng kuwarto?” tanong niya, halatang nagtataka.

Malamig ang ekspresyon ng lalaki. Mula sa maayos nitong buhok hanggang sa itim na suit na suot nito, kapansin-pansing elegante ang dating niya. May kung anong kumpiyansa sa tindig nito, na para bang sanay itong masunod ang lahat ng gusto nito.

“I’m Neo. I’m the father of your baby.”

Diretso at walang pag-aalinlangan ang pagkakasabi nito.

Saglit na natigilan si Luna. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Paanong ang isang estrangherong hindi niya man lang nakikilala ay basta na lamang magpapakilalang ama ng kaniyang anak?

Biglang nagdilim ang kaniyang mukha. Sa kabila ng panghihina ng katawan, pilit siyang bumangon at dinampot ang unan sa tabi niya. Buong lakas niya itong ibinato sa lalaki.

“Manyak! Rapist! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin, may lakas ka pa talagang humarap sa akin? Hindi ka ba natatakot na ipakulong kita?!”

Nanginginig sa galit ang boses ni Luna.

Madaling nasalo ni Neo ang unan. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Para bang walang halaga sa kaniya ang galit ng babae. Sa halip na sumagot, kalmado siyang lumapit sa kama.

Nang mapansin ni Luna na papalapit ito sa sanggol, agad niyang binuhat ang anak. Nanghihina pa ang kaniyang mga braso, ngunit mahigpit niya itong niyakap, na para bang may posibilidad na agawin iyon sa kaniya anumang oras.

“So why haven’t you called the police yet?”

Mula sa sanggol ay ibinaling ni Neo ang tingin kay Luna. Madilim ang kaniyang mga mata, ngunit nanatiling kalmado ang kaniyang mukha.

Natigilan si Luna.

Totoo. Kung sigurado siyang ang lalaking ito ang umabuso sa kaniya, bakit hindi pa niya ito ipinapakulong?

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Sa totoo lang, hindi pa rin buo ang kaniyang alaala sa nangyari noong gabing iyon. Ang tanging alam niya, may lalaking umabuso sa kaniya, at ang pangyayaring iyon ang tuluyang nagpabago sa kaniyang buhay.

“Dahil hindi ko pa alam ang lahat ng nangyari,” matigas niyang sagot. “Pero hindi ibig sabihin no’n ay mapapatawad na kita.”

Bahagyang kumilos ang panga ni Neo, ngunit hindi siya nakipagtalo. Sa halip, tumingin siya sa sanggol na mahimbing na natutulog sa mga bisig ni Luna.

“Then let’s make things simple,” sabi niya.

Napakunot ang noo ni Luna. Hindi niya gusto ang mahinahong paraan ng pagsasalita nito. Para bang isang simpleng usapan lang ang lahat, samantalang siya ang kailangang mamuhay sa mga kahihinatnan ng nangyari.

“Marry me, or give me custody of the baby.”

Napatingin si Luna sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig.

“Ano?!”

“Hindi mo kailangang sumagot ngayon,” dagdag ni Neo. “Pag-isipan mo muna. Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na.”

“Ni huwag mong pangarapin—”

Hindi na hinintay ni Neo na matapos siya. Inilapag nito ang isang itim na business card sa mesang katabi ng kama. Makapal ang papel at may nakaukit na gintong mga letra.

“Don’t take too long, Miss Luna. My patience has a limit.”

Pagkasabi niyon, tuluyan na itong umalis.

Naiwang nakatayo si Luna sa tabi ng kama, mahigpit pa ring yakap ang kaniyang anak. Hindi niya alam kung alin ang mas dapat niyang ikagalit—ang walang pakundangang pagdating ng lalaki o ang pag-aakalang maaari nitong diktahan ang buhay nilang mag-ina.

Dahan-dahan siyang bumalik sa kama at maingat na inilagay ang sanggol sa tabi niya. Nang makita ang payapang mukha nito, unti-unting humupa ang galit na kanina pa kumukulo sa kaniyang dibdib. Ngunit kasabay niyon ang panibagong takot.

Labinsiyam na taong gulang pa lamang siya. Sa edad na dapat ay inaalagaan pa siya ng kaniyang mga magulang, isa na siyang ina. At ngayong wala siyang maaasahan, kailangan niyang protektahan ang kaniyang anak sa abot ng kaniyang makakaya.

Hindi niya kilala ang ama ng bata. Noong una niyang malaman na buntis siya, halos gumuho ang mundo niya. Gayunman, sa loob ng siyam na buwan, unti-unti niyang natutuhang mahalin ang sanggol na lumalaki sa kaniyang sinapupunan. Hindi na niya kayang isipin ang posibilidad na mawala ito sa kaniya.

Napayuko si Luna. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, ang anak niya ang naging dahilan upang magpatuloy siya. Handa niyang harapin ang anumang pagsubok, basta ligtas ang kaniyang sanggol.

Pumikit siya at marahang hinalikan ang noo ng bata.

At sa katahimikan ng silid, bumalik sa kaniyang alaala ang gabing tuluyang sumira sa buhay niya.

Isang taon na ang nakalilipas, ipinagdiwang niya ang kaniyang debut. Napagkasunduan nila ng kaniyang nobyong si Jace na sa gabing iyon nila ibibigay ang sarili sa isa’t isa sa unang pagkakataon.

Masayang-masaya siya noon. Habang namimili ng damit para sa espesyal na gabing iyon, hindi niya mapigilang ngumiti. Kinakabahan siya, ngunit mas nangingibabaw ang pananabik. Mahal niya si Jace, at buong puso siyang naniniwalang hindi niya pagsisisihan ang desisyon nilang dalawa.

Ngunit sinira ni Megan, ang kaniyang kapatid sa ama, ang lahat ng iyon.

Nilasing siya ni Megan at pumalit ito sa kaniya sa kama ni Jace. Samantala, sa isang hiwalay at madilim na silid, isang lalaking hindi niya kilala ang umabuso sa kaniya.

Buong akala ni Luna ay si Jace ang kasama niya buong gabi. Ngunit nang magising siya kinabukasan, mag-isa na lamang siya sa silid. Wala siyang saplot, masakit ang buong katawan, at dali-dali niyang hinila ang kumot upang takpan ang sarili.

Paulit-ulit niyang tinawag si Jace, umaasang sasagot ito at sasabihing naroon lamang siya. Ngunit walang dumating.

Maya-maya, bumukas ang p***o. Pumasok ang kaniyang madrasta na si Marie, kasama ang ilang tao. Humahagulgol itong lumapit at niyakap siya.

“Luna, anak ko! Kawawa ka naman! Paano nangyari ito sa iyo? Tumawag na ako ng pulis! Hindi natin hahayaang makalusot ang hayop na gumawa nito sa iyo!”

Sa likod ng mga luhang iyon at ng kunwaring pag-aalala ni Marie, mabilis na kumalat ang balitang may nangyari kay Luna sa isang lalaking hindi niya nobyo.

Parang apoy na kumalat ang tsismis. Sa paaralan, sa simbahan, at maging sa palengke, pinag-uusapan siya ng mga tao. Bawat bulong at mapanghusgang tingin ay tila panibagong sugat na idinadagdag sa kaniyang dinadala.

Ang kaniyang ama namang si Luis ay hindi man lamang nag-abalang alamin ang katotohanan. Sa halip, sa harap ng maraming tao, malakas siya nitong sinampal.

Hanggang ngayon, tila nararamdaman pa rin ni Luna ang hapdi ng sampal na iyon. Mas masakit pa iyon kaysa sa lahat ng pinagdaanan niya, dahil nagmula iyon sa taong inaasahan niyang unang magtatanggol sa kaniya.

Isang malakas na katok ang biglang gumising sa kaniya mula sa mapait na alaala.

Akala ni Luna ay bumalik si Neo. Puno pa rin ng galit ang kaniyang dibdib kaya maingat niyang inilapag ang sanggol sa kama. Pagkatapos, pilit siyang bumangon at padabog na binuksan ang p***o.

“Ano na naman ang kailangan mo?!”

“Ay, grabe! Ang init naman ng ulo mo!”

Tinanggal ng babaeng nasa labas ang suot nitong itim na salamin. Lumitaw ang mukha ni Megan, kumpleto sa maayos na makeup at malapad na ngiti.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY    Kabanata 5: Sampung Taong Pakikitira

    Matapos magkasundo sina Luna at Neo sa kanilang mga kondisyon, bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babaeng nasa trenta anyos. Maayos ang pananamit nito at halatang sanay sa pag-aalaga ng mga bata.“Magandang araw po. Ako po si Cora, ang nanny na inatasang mag-alaga kay baby,” magalang nitong pagpapakilala.Tumango si Neo bilang tugon.Para kay Luna, hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit may kasamang nanny ang lalaki. Imposibleng mag-isang mag-alaga si Neo ng isang sanggol, lalo na kung wala itong sapat na karanasan.Pero may isang bagay siyang hindi maintindihan.Sino ang magbabayad sa nanny?Napakagaling. Wala nang trabaho, wala pang permanenteng tirahan, pero may kakayahang kumuha ng nanny.Hindi naman masisisi ni Luna si Neo sa paghahanap ng tutulong sa pag-aalaga kay baby. Gayunman, alam niyang hindi mura ang serbisyo ng isang propesyonal na nanny. At dahil siya ang may pera sa kanilang dalawa, malamang na sa kaniya rin manggagaling ang pambayad.Parang may kumurot

  • MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY    Kabanata 4: Isang Tambay

    Mahigit isang buwan ding pabalik-balik ang mataas na lagnat ni Luna bago tuluyang bumuti ang kaniyang kalagayan. Sa mga panahong iyon, madalas ay hindi na niya alam kung umaga o gabi na. Ang puting kisame ng ospital at ang mahinang tunog ng mga kagamitang medikal sa paligid ang palagi niyang nakikita at naririnig.Sa tuwing maririnig niya ang iyak ng kaniyang anak, muli siyang nagkakaroon ng lakas ng loob. Maaaring hindi naging maganda ang simula ng buhay ng sanggol, ngunit ipinangako ni Luna sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.Nang makabawi na siya ng lakas, agad niyang hinanap ang itim na business card na iniwan ni Neo. Matagal niya itong pinagmasdan bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang numerong nakasulat doon.Dalawang beses siyang nag-alinlangang pindutin ang call button. Sa tabi ng kaniyang kama ay naroon si Yaya Wilma, may hawak na tasa ng mainit na lugaw. Napansin ng matanda ang ginagawa niya, ngunit hindi ito nagtanong. Hinaya

  • MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY    Kabanata 3: Parang Tanga

    “Ikaw?! Megan, ano’ng ginagawa mo rito? At ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!”Nanlilisik ang mga mata ni Luna. Hindi niya malaman kung ang panginginig ng kaniyang katawan ay dahil sa panghihina matapos manganak o sa matinding galit na nararamdaman niya. Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at tunog ng suwero sa tabi ng kama.“Ate naman, kalma lang. Huwag kang magalit nang ganyan. Bagong panganak ka pa lang, baka makasama pa sa katawan mo,” malambing na sabi ni Megan, na para bang tunay itong nag-aalala.Hindi man lang nito hinintay na papasukin siya ni Luna. Dumaan lamang ito sa tabi ng ate niya at pumasok na para bang sarili nitong silid ang ospital.“Hindi ka welcome rito. Umalis ka na,” matalim na utos ni Luna.Ngunit tila walang narinig si Megan. Mula sa mamahalin nitong handbag, kumuha ito ng isang imbitasyong kulay krema na may gintong disenyo sa gilid. Iniabot niya iyon kay Luna habang nakangiti.“Ikakasal na kami ni Jace sa susunod na Sabado. Persona

  • MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY    Kabanata 2: Ang Maling Lalaki

    Hindi kilala ni Luna ang lalaking nakatayo sa paanan ng kaniyang kama. Sigurado siya roon.“Naligaw ka ba ng kuwarto?” tanong niya, halatang nagtataka.Malamig ang ekspresyon ng lalaki. Mula sa maayos nitong buhok hanggang sa itim na suit na suot nito, kapansin-pansing elegante ang dating niya. May kung anong kumpiyansa sa tindig nito, na para bang sanay itong masunod ang lahat ng gusto nito.“I’m Neo. I’m the father of your baby.”Diretso at walang pag-aalinlangan ang pagkakasabi nito.Saglit na natigilan si Luna. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Paanong ang isang estrangherong hindi niya man lang nakikilala ay basta na lamang magpapakilalang ama ng kaniyang anak?Biglang nagdilim ang kaniyang mukha. Sa kabila ng panghihina ng katawan, pilit siyang bumangon at dinampot ang unan sa tabi niya. Buong lakas niya itong ibinato sa lalaki.“Manyak! Rapist! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin, may lakas ka pa talagang humarap

  • MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY    Kabanata 1: Ligtas ang Mag-ina

    Lampas alas-onse na ng gabi, ngunit abala pa rin ang ikatlong palapag ng isang ospital sa Maynila. Sa loob ng delivery room, mahigpit na nakakapit si Luna sa gilid ng kama habang tinitiis ang panibagong hilab ng kaniyang tiyan.Labinlimang oras na siyang nagle-labor. Halos maubos na ang lakas niya, ngunit pilit pa rin niyang tinitiis ang sakit. Nakakagat siya sa ibabang labi, at nanginginig ang mga daliri sa pagkakahawak sa kama.“Ire pa, Ma’am Luna! Kita na namin ang ulo ng baby!” sigaw ng komadrona.Nagkatinginan ang komadrona at ang head nurse. Sa kabila ng matagal na pagle-labor ni Luna, hindi pa rin tuluyang nailalabas ang sanggol.“Naiipit yata,” mahinang sabi ng komadrona. “Baka kailangan nating mamili kung sino ang uunahin. Ipaalam na ba natin kay Sir Ryan?”“Huwag,” agad na sagot ni Luna. Paos na ang kaniyang boses, ngunit mariin ang pagkakasabi niya. “Huwag ninyo akong isipin. Ang anak ko ang iligtas ninyo.”Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng doktor. Malamig at basang-ba

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status