Mag-log in“Ikaw?! Megan, ano’ng ginagawa mo rito? At ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!”
Nanlilisik ang mga mata ni Luna. Hindi niya malaman kung ang panginginig ng kaniyang katawan ay dahil sa panghihina matapos manganak o sa matinding galit na nararamdaman niya. Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at tunog ng suwero sa tabi ng kama.
“Ate naman, kalma lang. Huwag kang magalit nang ganyan. Bagong panganak ka pa lang, baka makasama pa sa katawan mo,” malambing na sabi ni Megan, na para bang tunay itong nag-aalala.
Hindi man lang nito hinintay na papasukin siya ni Luna. Dumaan lamang ito sa tabi ng ate niya at pumasok na para bang sarili nitong silid ang ospital.
“Hindi ka welcome rito. Umalis ka na,” matalim na utos ni Luna.
Ngunit tila walang narinig si Megan. Mula sa mamahalin nitong handbag, kumuha ito ng isang imbitasyong kulay krema na may gintong disenyo sa gilid. Iniabot niya iyon kay Luna habang nakangiti.
“Ikakasal na kami ni Jace sa susunod na Sabado. Personal kitang iniimbitahan, Ate.” Bahagyang tumagilid ang ulo ni Megan. “Aba, hindi puwedeng wala ka sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Kailangan mong masaksihan ang kasal namin.”
Pagkatapos ay tumawa siya—isang matinis at mapanuyang tawa na tila sinasadyang tusukin ang puso ni Luna sa bawat tunog.
“Nagyayabang ka ba?” tanong ni Luna habang mahigpit na hawak ang imbitasyon. “Hindi ka ba nahihiya sa ‘tagumpay’ na ipinagmamalaki mo?”
Dati, sa kaniya ang lahat ng iyon: ang pangarap na kasal, ang lalaking minahal niya, at ang kinabukasang pinlano nilang dalawa. Ngunit inagaw ni Megan ang lahat sa pamamagitan ng panlilinlang.
“Alam mo, Ate, walang pakialam ang mundo kung paano ko nakuha ang lahat ng mayroon ako ngayon.” Lalong lumapad ang ngiti ni Megan. “Ang mahalaga sa mga tao ay kung ano ang nakikita nila. Tingnan mo kami ni Jace. Ikakasal na kami, samantalang ikaw, heto ka ngayon.”
Bahagya siyang yumuko at ibinulong ang huling pangungusap.
“Huwag mo na akong sisihin. Mahina ka lang talaga. At tanga.”
Parang may kung anong napigtas sa dibdib ni Luna.
Ngayon lamang niya lubusang naunawaan kung gaano siya naging bulag. Itinuring niya si Megan bilang tunay na kapatid. Pinatira niya ito sa kanilang tahanan, pinakain, pinahiram ng mga damit, at tinulungan sa tuwing may problema. Ibinahagi pa niya rito ang kaniyang mga lihim at pangarap.
Ngunit pagtataksil at pang-iinsulto lamang ang isinukli nito sa kaniya.
Biglang lumapit si Megan sa kama at sinilip ang sanggol na mahimbing na natutulog.
“Uy, ito pala ’yung anak mo sa labas?”
Iniabot niya ang kamay sa bata. Mahahaba ang mga kuko niya, na pininturahan ng matingkad na pulang nail polish.
“Huwag mong hawakan ang anak ko!”
Agad na bumangon si Luna at hinawakan ang pulso ni Megan. Itinulak niya ito palayo sa kama.
Dahil hindi pa lubusang nakakabawi si Luna mula sa panganganak, hindi niya nakontrol ang lakas ng kaniyang tulak. Nawalan ng balanse si Megan at napaupo sa sahig.
“Aray!”
Biglang nagbago ang mukha nito. Napuno ng luha ang mga mata niya, at nang magsalita siya, nanginginig ang kaniyang boses.
“Ate, please! Huwag mo akong ganituhin. Kapatid mo ako!” Humihikbi siyang tumingin kay Luna. “Alam kong mali ang ginawa ko kay Jace. Hindi ko dapat ginawa iyon sa iyo… pero hindi ko talaga sinasadya. Patawarin mo na ako, please?”
Natigilan si Luna. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang kilos ni Megan.
Bago pa siya makapagsalita, isang matangkad na lalaki ang mabilis na pumasok sa silid at lumuhod sa harap ni Megan.
Pamilyar ang puting polo nito. Pamilyar din ang amoy ng pabango.
Si Jace.
“Meg, what happened? Are you okay?” puno ng pag-aalala nitong tanong.
Hindi napansin ni Luna ang pagdating ni Jace dahil nakatalikod siya sa p***o. Ngunit nakita iyon ni Megan, kaya agad nitong sinamantala ang pagkakataon.
“Nadulas lang ako. Kasalanan ko ’to,” mahinang sagot nito. “Jace, please, huwag mong sisihin si Ate Luna. Wala naman siyang ginagawang masama.”
Mas lalo pa itong humagulgol, na para bang si Luna ang nanakit sa kaniya nang walang dahilan.
Hindi nabigo si Megan sa kaniyang plano. Mula sa pag-aalala, naging malamig ang tingin ni Jace nang humarap ito kay Luna.
“Luna, ako ang nagpumilit na panagutan si Megan. Kung may dapat kang sisihin, ako na lang. Huwag mo na siyang idamay.”
Mapait na natawa si Luna.
“Ha? Hindi naman kita sinisisi, Jace,” sagot niya. “At hindi ko naman inimbitahan ang fiancé mo rito para itulak siya.”
Kumunot ang noo ni Jace bago bumaling kay Megan.
“Kung gano’n, bakit ka ba talaga nandito, Meg?”
“Gusto ko lang humingi ng tawad kay Ate Luna.” Pinunasan ni Megan ang kaniyang mga luha. “Ayokong magpakasal nang wala ang basbas ng pamilya ko. Pamilya pa rin naman ang turing ko sa kaniya, Jace.”
Patuloy siyang umiyak, kaya sa paningin ni Jace ay lalo lamang naging masama si Luna.
“Sige. Sana maging masaya kayo habambuhay. Okay na ba?” malamig na sabi ni Luna. “Megan, kung hindi ka pa tatayo riyan, baka mahalata ni Jace na umaarte ka lang.”
Saglit na nagbago ang ekspresyon ni Megan. Ngunit nang magpatuloy ang eksena, bigla itong napasigaw at bumagsak muli.
“Aray! Jace, ang sakit… ang baby natin!”
Namutla si Jace. Nang makita ang dugong kumakalat sa sahig, agad niyang binuhat si Megan.
Bago sila tuluyang lumabas, nilingon niya si Luna na para bang ito ang pinakamasamang taong nakilala niya.
“Luna, bakit ka naging ganito kasama? Alam mo bang siyam na linggo na siyang buntis?”
Siyam na linggo?
Napatitig si Luna sa kanila.
Ibig sabihin, hindi lamang isang gabing pagkakamali ang nangyari. Matagal na palang may relasyon sina Megan at Jace.
Napatawa siya, ngunit nanginginig ang kaniyang mga labi. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umiyak o tuluyang mawalan ng katinuan.
Pagkatapos, may napansin siyang mainit na likidong kumakalat sa kaniyang pajama.
Dugo.
Dumudugo pa pala siya mula nang manganak. Dahil sa matinding galit at sakit, hindi niya namalayang lalo nang nanghihina ang kaniyang katawan.
Unti-unti siyang napasandal sa pader hanggang sa dumulas pababa ang kaniyang katawan. Wala na siyang lakas upang tumayo.
“Luna! Anak, ano’ng nangyari sa iyo?!”
Kakapasok lamang ni Yaya Wilma, may dalang termos ng tinolang may malunggay, nang makita niya si Luna sa sahig. Agad na namutla ang matanda.
“Nurse! Doktor! Tulungan n’yo kami!”
Nagising ang sanggol sa ingay at nagsimulang umiyak nang malakas.
Mahigpit na kumapit si Luna sa braso ng matanda. Unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin.
“Yaya Wilma…”
“Nandito ako, anak. Nandito si Yaya. Huwag kang matakot.”
Namumula na ang mga mata ni Yaya Wilma sa pag-iyak. Siya ang nag-alaga at nagpalaki kay Luna mula pa noong sanggol ito, kaya itinuring nila ang isa’t isa na parang tunay na mag-ina.
“Yaya… tanga po ba talaga ako?”
Walang naisagot ang matanda. Hinaplos lamang niya ang buhok ni Luna habang patuloy na humihingi ng tulong.
Sa buong buhay niya, itinuring ni Luna si Megan bilang tunay na kapatid at inakalang si Jace ang lalaking makakasama niya habambuhay.
Ngunit pareho silang nagtaksil sa kaniya.
Matapos magkasundo sina Luna at Neo sa kanilang mga kondisyon, bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babaeng nasa trenta anyos. Maayos ang pananamit nito at halatang sanay sa pag-aalaga ng mga bata.“Magandang araw po. Ako po si Cora, ang nanny na inatasang mag-alaga kay baby,” magalang nitong pagpapakilala.Tumango si Neo bilang tugon.Para kay Luna, hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit may kasamang nanny ang lalaki. Imposibleng mag-isang mag-alaga si Neo ng isang sanggol, lalo na kung wala itong sapat na karanasan.Pero may isang bagay siyang hindi maintindihan.Sino ang magbabayad sa nanny?Napakagaling. Wala nang trabaho, wala pang permanenteng tirahan, pero may kakayahang kumuha ng nanny.Hindi naman masisisi ni Luna si Neo sa paghahanap ng tutulong sa pag-aalaga kay baby. Gayunman, alam niyang hindi mura ang serbisyo ng isang propesyonal na nanny. At dahil siya ang may pera sa kanilang dalawa, malamang na sa kaniya rin manggagaling ang pambayad.Parang may kumurot
Mahigit isang buwan ding pabalik-balik ang mataas na lagnat ni Luna bago tuluyang bumuti ang kaniyang kalagayan. Sa mga panahong iyon, madalas ay hindi na niya alam kung umaga o gabi na. Ang puting kisame ng ospital at ang mahinang tunog ng mga kagamitang medikal sa paligid ang palagi niyang nakikita at naririnig.Sa tuwing maririnig niya ang iyak ng kaniyang anak, muli siyang nagkakaroon ng lakas ng loob. Maaaring hindi naging maganda ang simula ng buhay ng sanggol, ngunit ipinangako ni Luna sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.Nang makabawi na siya ng lakas, agad niyang hinanap ang itim na business card na iniwan ni Neo. Matagal niya itong pinagmasdan bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang numerong nakasulat doon.Dalawang beses siyang nag-alinlangang pindutin ang call button. Sa tabi ng kaniyang kama ay naroon si Yaya Wilma, may hawak na tasa ng mainit na lugaw. Napansin ng matanda ang ginagawa niya, ngunit hindi ito nagtanong. Hinaya
“Ikaw?! Megan, ano’ng ginagawa mo rito? At ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!”Nanlilisik ang mga mata ni Luna. Hindi niya malaman kung ang panginginig ng kaniyang katawan ay dahil sa panghihina matapos manganak o sa matinding galit na nararamdaman niya. Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at tunog ng suwero sa tabi ng kama.“Ate naman, kalma lang. Huwag kang magalit nang ganyan. Bagong panganak ka pa lang, baka makasama pa sa katawan mo,” malambing na sabi ni Megan, na para bang tunay itong nag-aalala.Hindi man lang nito hinintay na papasukin siya ni Luna. Dumaan lamang ito sa tabi ng ate niya at pumasok na para bang sarili nitong silid ang ospital.“Hindi ka welcome rito. Umalis ka na,” matalim na utos ni Luna.Ngunit tila walang narinig si Megan. Mula sa mamahalin nitong handbag, kumuha ito ng isang imbitasyong kulay krema na may gintong disenyo sa gilid. Iniabot niya iyon kay Luna habang nakangiti.“Ikakasal na kami ni Jace sa susunod na Sabado. Persona
Hindi kilala ni Luna ang lalaking nakatayo sa paanan ng kaniyang kama. Sigurado siya roon.“Naligaw ka ba ng kuwarto?” tanong niya, halatang nagtataka.Malamig ang ekspresyon ng lalaki. Mula sa maayos nitong buhok hanggang sa itim na suit na suot nito, kapansin-pansing elegante ang dating niya. May kung anong kumpiyansa sa tindig nito, na para bang sanay itong masunod ang lahat ng gusto nito.“I’m Neo. I’m the father of your baby.”Diretso at walang pag-aalinlangan ang pagkakasabi nito.Saglit na natigilan si Luna. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Paanong ang isang estrangherong hindi niya man lang nakikilala ay basta na lamang magpapakilalang ama ng kaniyang anak?Biglang nagdilim ang kaniyang mukha. Sa kabila ng panghihina ng katawan, pilit siyang bumangon at dinampot ang unan sa tabi niya. Buong lakas niya itong ibinato sa lalaki.“Manyak! Rapist! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin, may lakas ka pa talagang humarap
Lampas alas-onse na ng gabi, ngunit abala pa rin ang ikatlong palapag ng isang ospital sa Maynila. Sa loob ng delivery room, mahigpit na nakakapit si Luna sa gilid ng kama habang tinitiis ang panibagong hilab ng kaniyang tiyan.Labinlimang oras na siyang nagle-labor. Halos maubos na ang lakas niya, ngunit pilit pa rin niyang tinitiis ang sakit. Nakakagat siya sa ibabang labi, at nanginginig ang mga daliri sa pagkakahawak sa kama.“Ire pa, Ma’am Luna! Kita na namin ang ulo ng baby!” sigaw ng komadrona.Nagkatinginan ang komadrona at ang head nurse. Sa kabila ng matagal na pagle-labor ni Luna, hindi pa rin tuluyang nailalabas ang sanggol.“Naiipit yata,” mahinang sabi ng komadrona. “Baka kailangan nating mamili kung sino ang uunahin. Ipaalam na ba natin kay Sir Ryan?”“Huwag,” agad na sagot ni Luna. Paos na ang kaniyang boses, ngunit mariin ang pagkakasabi niya. “Huwag ninyo akong isipin. Ang anak ko ang iligtas ninyo.”Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng doktor. Malamig at basang-ba







