Share

Chapter 2

Penulis: Tin Gonzales
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-09 08:54:22

Habang papalit sa counter, lahat ng mga estudyante nakatingin sa bawat hakbang niya.

Bakit parang solo flight ako? Bulong niya sa sarili.

‘Yong kaninang magulong paligid, parang nag-slow motion ngayon.

"This is the last customer who ordered the  cake, Michelle?" Narinig niya mula sa lalaki.

Totoo na naka-s-starstruck ito. Gwapo, matangos ang ilong, makinis ang balat, at neat itong tingnan. Parang ang bango-bango at kaysarap  yakapin.

Pero kakaiba ang mga mata nito. Napakaseryoso niyon at hindi man lang kumukurap. Animo’y sinaniban ito ng kung ano sa itsurang iyon. Mukha tuloy itong dominante.

Walang imik at hindi man lang ngumingiti na iniabot nito ang cake sa kan’ya. Samantalang kanina, halos mapigtas na ang mga labi nito sa kangingiti sa ibang customer.

May lahi ba itong angrybird?

“Miss Nastasha, your camera?” tinig muli ng lalaki.

Dinig niya ang tawanan ng ibang customer dahil sa nakitang pagkatulala niya.

“Kukunin ko lang ang cake. Kahit wala ng pictures,” aniya habang tinitimpi ang inis. Kinuha niya sa kamay ng kaharap ang cake.

Subalit, nang magdikit na ang mga palad nila ng lalaki, mabilis siyang napaatras. Parang napaso siya sa mga kamay nito at nagdala iyon ng bolta-boltaheng kuryente sa buo niyang katawan.

Huminga siya nang malalim at kaagad na iwinaksi iyon sa isipan. Kinuha niyang muli ang cake saka tinalikuran ang lalaki nang walang kahit anong salita.

Ayaw niyang maging katulad ng mga babae roon, na animo’y myembro ng kulto nito kung makasamba sa lalaki. Normal na tao lang naman ito at walang espesyal na kung ano.

“Cake mo, Madam Alexa!” Pabagsak niya iyong inabot sa kaibigan.

“Anong nangyari at hindi ka nagpa-picture?” nakangangang tanong nito.

“No need. . . There's nothing special to him,” malakas  niyang tugon.

"There's nothing special to whom, Miss Natasha?" Boses mula sa kan’yang likuran.

Natawa ang kaibigan niya sabay harap sa bagong dating na lalaki.

“Sir, she needs an extra icing for this cake to make it more special," salo ng kaibigan niya.

Nakasunod pala ang lalaki sa kaniya.

Biglang namula ang mga pisngi niya sa hiya.

“Nice idea. But maybe. . . next time—I will consider it. And since she don't want to take a picture. . . you can claim it," wika nito kay Alexa.

“Sure!” malapad ang ngiting sagot ng kaniyang kaibigan.

Hindi siya tumingin sa mga ito. Narinig na lang niya ang tunog ng flash ng camera sa phone ng kaibigan.

Balewalang nagsimula na siyang kumain ng cake at coffee jelly. Saka inabala ang sarili sa  pagbabasa ng libro.

“Thank you for ordering! And please. . . enjoy!” wika pa ng lalaki bago umalis.

Nakahinga siya nang maluwag, nang hindi na makita sa paligid ang may-ari ng coffee shop na iyon.

“Gwapo niya, friend!” tili ni Alexa.

“Sus! Sa una lang pakilig mga iyan. T’saka naririnig mo ba sarili mo, Alexa?” Umingos niya sa kaibigan.

Tumawa lang ito.

"Of course! Si Adrian pa rin ang love ko," anito saka nag-umpisang kumain.

Maya-maya pa kung ano-ano na lang ang napagkwentuhan nila, hanggang sa matapos silang kumain.

"Natasha, samahan mo ako sa bookstore. May libro akong bibilhin. Si kuya kasi. . .” wika ng kaibigan nang balingan siya.

“Sige. Pero bilisan lang natin at may mga gagawin pa ako,” sagot niya.

“Sure! But you need to come with me. Today is my kuya's birthday," masiglang balita nito.

“Wala akong regalo sa kaniya.”

“Sus! Simpleng salo-salo lang ‘yon,” anito.

“Okey. Tara na.” At kinuha niya ang bag, saka tumayo.

Pagtayo nila narinig niya ang mga bulungan ng mga tao sa loob.

“Siya ba ‘yong babae kanina?”

“Yes, girl. Mukhang pakipot pa nga akala mo naman napaka-importante,"  anang kausap nito.

Sabay na nagtawanan ang mga ito.

Naramdaman niyang akmang susugurin ang mga ito ni Alexa, pero mabilis niya itong hinila palabas.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako! Gusto ko lang bigyan ng leksyon ang mga inggiterang palaka na iyon sa loob.” Pilit na tinanggal nito ang kamay niya.

“Alexa, stop it! Hayaan mo na sila. Wala namang katuturan kung papatulan mo pa mga iyon. At pwede ba sa susunod, huwag ka ng magyayaya rito." Umirap siya rito, saka pumara ng sasakyan.

“Kuya, bookstore po,” aniya sa driver pagkasakay nila roon.

“Alam mo nanggigigil ako sa mukha ng mga iyon. Inggit lang sila dahil si Mr. Boss ang lumapit sa atin para magpa-picture. Hindi tulad nila na nakipag-agawan pa ng eksena kanina para makasingit at mapansin,” padabog na wika nito.

“Naku! Hayaan mo na. Sa iba na lang shop tayo pumunta sa susunod. Kanila na ang mukhang anong may-ari ng coffee shop na iyon.” Natawa pa siya pagharap dito, dahil hindi na maipinta ang mukha nito.

Hindi na ito nagsalita pa. Kinuha na lang nito ang telepono at may tinawagan doon.

Lahat ng kapatid ni Alexa ay mga lalaki at lahat propesyunal. Nag-iisang babae ito sa pamilya, kaya naririto ang  lahat atensyon ng mga kapatid.

Pagkatapos dumaan sa bilihan ng libro, dumiretso na sila sa bahay ng mga ito. Mukhang late na sila ng ilang minuto, dahil nandoon na ang lahat sa hapag kainan.

“Alexa, bakit hindi mo naman sinabi na marami palang bisita ang kuya mo? Saka naka-uniform pa tayo," bulong niya rito.

“Okay lang yan. . . Pareho naman tayo, eh. Isa pa, hindi ko talaga alam na may mga bisita siya," anito.

“Uwi na lang kaya ako.” At sinabayan niya iyon nang pagtalikod dito.

“Natasha! Ano ka ba naman? Magtatampo ako kapag iniwan mo ako rito. Wala naman pating pasok bukas. Dito ka na lang matulog; like the same old days,” awat nito sa kaniya. Hinawakan pa siya nito sa kamay, para wala na talaga siyang takas pa.

“Birthday mo naman noon. Saka hindi ko kilala ang mga kuya mo. Si Kuya Alex lang, kaso nasa barko naman siya di ba?" katwiran niya.

“Close naman kayo ni mama. Si Kuya Alexander nakita mo na minsan di ba, at si Kuya Alexis?" sagot nito.

“Oo, pero high school pa lang tayo noon. Hindi ba madalang silang umuwi kase sabi mo nag-OJT sila noon,” aniya.

“Oo nga. . . pero may trabaho na ang mga iyan. Baka ‘yong ibang girls diyan mga girlfriend nila,” tugon nito sabay hila sa braso niya.

“Pwede bang sa likod na tayo dumaan? Masyado kasing expose kung bigla tayong daraan sa gitna,”  kinabahang hirit pa niya.

“Natasha Del Mundo, ang babaeng mahilig makipagdaldalan sa stage kapag may event, may tinatagong hiya pa rin?” Malakas na tawa ang kaibigan niya.

“Little sister, andiyan ka na pala. Pumasok na kayo ng kaibigan mo. Natasha right?” Magandang ngiti ang bungad ng lalaki unang nakita nila.

Nawala ang ngiti ni Alexa, na nasa tabi niya, at yumakap sa lalaking kaharap.

“Kuya Alexis! I miss you and happy birthday!"

Malambing ding gumanti ito ng yakap sa kaniyang kaibigan.

Nainggit naman siya bigla.

May mga kuya kasi itong masasandalan, hindi katulad niya. Breadwinner kasi siya ng kanilang pamilya. Hindi man obligado, pero kailangan din niya tumulong kahit papaano.

May maliit na negosyo ang mga magulang niya  sa probinsya at sakto lang sa pangangailangan nilang magkakapatid ang kinikita noon. Ang sunod sa kaniya ay malapit na ring magkolehiyo. Kaya naisipan niyang lumayo sa mga ito at suportahan ang sarili. Hindi na siya umaasa sa kinikita ng pamilya, para mabawasan ang gastusin.  Isa siyang working student mula noon hanggang ngayon.

Business Administration ang kaniyang kinuha at makapagtatapos siya sa sariling sikap. Hindi sa pagmamayabang, pero nakapagpapadala pa siya sa mga magulang kahit na kaunti. Namulat kasi siya na kumakayod para sa sarili at ayaw umaasa sa iba.

“Ano ka ba, kuya? Stop calling me little sister. I'm a woman now,” malakas na wika ni Alexa.

Subalit hindi naman sa sinasabi ng kaibigan nakatingin ang kapatid, kundi sa kaniya! Titig na titig ito na para bang may inaalala sa isip.

“Maybe? Or maybe not. . . But Natasha might be.” Pagkasabi niyon ay matamis itong ngumiti sa kan’ya.

Nag-init ang mukha niya sa hiya at umiwas ng tingin.

“Let's go inside,” aya ng lalaki sa kanila.

Walang imik naman silang sumunod sa lalaki.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Special Chapter

    Mula sa loob ng simbahan maririnig ang kalampag ng kampana. Kung gaano kalakas iyon, mas malakas pa ang tibok ng puso niya. Nakatayo siya sa unahan kung saan makikita ang ang pintuan ng simbahan, habang dahan-dahan bumubukas iyon.Napangiti siya nang masilayan niya ang babaeng pinangarap niya simula nang makita ito sa coffee shop niya noon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang nagsimula itong lumakad palapit sa kan'ya.She's wearing sleeveless-white-illusion-princess-V-neck-appliques-beading-lace wedding gown. Simple yet elegant. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha habang papalapit ito sa kaniya na may malapad na ngiti."Dudes, ngayon ka pa ba iiyak? Abot kamay mo na siya," nakangiting siko ni Alexis sa kaniya.Madali niyang pinunasan ng panyo ang mga luha."Fuck, dude! Napuwing lang ako." Nilingon niya ang dad at kuya niya na hindi napigilang mangiti."I know that feeling, bro. Ilang hakbang na lang at sa iyo na

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 46

    Isang malawak, makulay at eleganteng hardin ang makikita pagpasok pa lang ng lugar kung saan gaganapin ang pictorial. Makikita ang mga malalaking camera sa gilid at mga gamit para sa gagawing event. Napaka-perfect nang ayos ng lugar na iyon.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman lalo pa at kasama niya sa pictorial ang kan'yang.kasintahan."Miss Natasha, ready na po tayo in ten minutes." Mula sa labas ng dressing room ang boses na iyon.Hinila siya ng hairdresser doon at isinuot ang isang black-backless and rhinestone-straps cocktail dress. Nailang siyang suotin iyon kasi hakab na hakab sa kaniya plus showy pa ang likod niya."Wow, Miss Natasha! You look perfect! The most beautiful face I've seen so far," bulalas ng baklang nag-aayos sa kan'ya.Namula ang mukha niya sa sinabi nito."Bolera ka," aniya."I'm stating the fact, Miss Natasha," maarteng wika nito.Hanggang marinig nila ang hudyat ng direct

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 45

    After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 44

    "What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 43

    Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 42

    Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status