INICIAR SESIÓNWINONA'S POV Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na kaming pag-usapan ang wedding arrangements. Ang venue, church, catering, security, guest accommodations and the usual. Habang nag-e-explain ako tungkol sa proposed timeline, napansin kong tahimik si Rafael habang may ngiti sa labi niya. Napakunot-noo ako. "Mr. Villarreal?" sabi ko. Hindi siya sumagot. "Sir?" Tila nahimasmasan naman siya. Doon lang niya tila napagtanto na nakatitig lang siya sa akin. "Yes?" "Your approval." sabi ko. "Oh." Mabilis niyang kinuha ang dokumento. "Approved." Napatingin ako sa kanya. Hindi pa niya iyon binabasa. Napatawa si Maximus. "El..." Napatingin si Rafael sa kanya. "What?" "You're smiling while looking at Winona." Napatingin muli ako sa binata. Ngumiti lang siya sa akin. "That's because she's beautiful." mabilis na sagot ni Rafael. Namula naman ang mga pisngi niya sa sinabi ng binata samantalang ganon na lamang ang pag ungulan ng mga kaibigan nito.
WINONA'S POV By ten in the morning, halos hindi na ako makahinga sa dami ng kailangang asikasuhin. Sa harap ko ay nakalatag ang wedding proposal, supplier quotations, venue layout, guest list, menu options, floral arrangements, at preliminary schedule ng isang kasalang kailangan naming ihanda sa loob lamang ng ilang araw. At ang dahilan? Si Helios De Dios, isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Rafael at kabilang sa tinatawag nilang Elite Seven. Honestly, hindi ko pa rin maintindihan kung paano nagawang magdesisyon ng lalaking iyon na magpakasal nang ganito kabilis. Kaya nang sabihin ni Rafael na kailangan kong pumunta sa Presidential Office para sa meeting, hindi na ako nagtaka. Pagpasok ko sa presidential office, halos mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa dami ng tao kundi dahil sa mga lalaking naroon. The Elite Seven. Kumpleto sila. Pitong lalaking kilala sa business world hindi lamang dahil sa kanilang yaman, kundi dahil sa kapangyarihang taglay ng bawat i
WINONA'S POVTahimik na ulit ang loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang kalsada pauwi. Napansin kong paminsan-minsan ay sumusulyap si Rafael sa akin.Mayamaya, hindi na ito nakatiis at binasag na ang katahimikan. "What are you thinking?" curious na tanong niya. Bahagya akong sumulyap sa kanya bago umiling."Nothing." sagot ko. Pero ang totoo kanina pa ako binabagabag ng isipan. Pakiwari ko kasi may gusto kay Rafael ang kababata nitong si Belle at kutob kong hindi siya basta-basta susuko sa binata. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga susunod naming pagkikita lalo at kakilala pa nito si Jonathan, ang dati kong kasintahan. "Are you jealous?" narinig kong tanong muli ni Rafael. Muli akong napatingin sa kanya."What?""Kay Belle, nagseselos ka ba sa kanya?" Kaswal niyang tanong habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada.Napabuntong-hininga ako."What makes you think I'm jealous?""I don't know. You're quieter than usual."Napatahimik ako. Hindi naman ako galit. Hindi
BELLE'S POVHindi ko na maalala kung paano natapos ang dinner. Ang tanging naaalala ko ay ang bawat salitang binitiwan ni Winona Sanchez. Kalmado lang siya buong pag uusap ngunit sapat na iyon para iparamdam sa akin na ako ang talunan.Malakas kong isinara ang pinto ng sasakyan ko pagkuwa'y napapikit ako, huminga nang malalim pero hindi pa rin humupa ang galit na kumukulo sa dibdib ko."Ms. Belle." Mahinang tawag ni Jonathan.Hindi ko siya nilingon."She's good." Mahina akong natawa pero hindi iyon masayang tawa."Good?" curious na tanong nito. "She humiliated me."Mariin kong hawak ang handbag ko."I've known Rafael almost my whole life. I grew up with him. I know what he likes. I know his family. I know everything about him."Napahigpit ang panga ko."And then, she comes out of nowhere... and suddenly she's his girlfriend."Mariin kong ipinikit muli ang mga mata ko."No. I won't lose to someone like her."Tahimik lang si Jonathan. Nakatingin siya sa labas ng glass window ng restaur
WINONA'S POV Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Belle o talagang ganoon lang siya. Sa loob ng halos isang oras, halos lahat ng usapan ay pilit niyang ibinabalik sa nakaraan nilang dalawa ni Rafael. "Remember when we got lost in Switzerland?" "Remember your favorite pasta in Milan?" "Remember when you almost burned the kitchen because you insisted on cooking?" Tawa siya nang tawa samantalang si Rafael, maikli lang ang mga sagot. "Hmm." "Yeah." "I remember." Wala nang iba. Tahimik ko silang pinagmamasdang dalawa. Hindi ako nagseselos. Sa halip, parang may gusto lang patunayan si Belle. Na mas matagal niya itong kilala. Na mas marami silang alaala at marahil sinasabi nitong mas may lugar siya sa buhay ni Rafael kaysa sa akin. Makalipas ang ilang sandali. Dumating ang pagkain. Ngumiti si Rafael habang inilalapit ang plato ko. "Careful. Mainit pa." masuyong paalala niya. "Thank you." Nakangiti kong sagot. Napansin kong agad namang nagsalita si Belle. "Still taking care of ev
WINONA'S POV Bandang alas-sais y media na ng gabi nang makarating kami ni Rafael sa isa sa pinakasikat na Italian restaurants sa Makati. Diretso na kami roon pagkatapos ng trabaho. Pareho pa rin kaming nakasuot ng office attire. Nakasuot lang ako ng puting silk blouse at black pencil skirt, habang nakasabit na lamang sa braso ko ang blazer. Si Rafael naman, naka-charcoal black suit pa rin. Nakaluwag na ang kurbata niya at nakabukas ang unang butones ng polo, dahilan para mas relaxed siyang tingnan.Hindi siya mukhang Presidente ng Villarreal Holdings..Mukha lang siyang, isang boyfriend na excited makasama ang girlfriend niya pagkatapos ng mahabang araw sa opisina. Hindi ko napigilang mapangiti. Napansin niya iyon kaya bahagya siyang yumuko para silipin ang mukha ko."Anong ngiti iyan?" natatawa niyang tanong.Napailing ako."Nothing. I just like seeing you like this."Napataas ang kilay niya."Like what?""Relaxed. Hindi ka mukhang CEO."Mahina siyang natawa."So... you prefer this
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hind
Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa
Winona's POV Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel. “Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko. “Yes. And make sure walang magkakamali sa
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla







