Mag-log inWINONA'S POV Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa sarili matapos ang meeting namin ni Rafael ay agad kong binuksan ang folder na ibinigay niya. Makapal iyon, halos limampung pahina. At bawat pahina ay puno ng detalye. Naroon ang venue concepts, guest list, sponsors, fundraising program, media coverage at ang pinakaimportante ay ang Villarreal Hope Foundation. Tahimik akong napangiti. Hindi ko akalaing ang Villarreal Holdings ay matagal na palang naghahanda para sa proyektong ito. May scholarships, medical missions, community learning centers at feeding programs. Hindi ito simpleng charity event. Ito ang magiging mukha ng kumpanya sa mga susunod na taon at ako ang piniling mamuno rito. Napahawak ako sa folder. Hindi ko dapat sayangin ang tiwalang ibinigay ni Rafael. Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa conference room na ako. Unti-unti nang dumarating ang mga department heads mula sa Marketing, Finance, Public Relations, Legal at Corporate Communications. Lahat
WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"
WINONA'S POV Tahimik akong naglakad papunta sa presidential office upang sunduin ang kambal. Halos alas-singko na ng hapon. Sa bawat hakbang ko ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili. Kailangan kong maging propesyonal. Wala nang sobra doon, wala nang ibang kahulugan. Pagdating ko sa tapat ng opisina, bahagya kong itinulak ang nakabukas na pinto. Napahinto ako. Tahimik ang buong silid. Nakatulog na pala sina Bea at Brix sa mahabang couch ngunit hindi ang kambal ang unang nakakuha ng atensyon ko kundi si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng mga bata, hawak ang isang kulay abong kumot. Maingat niya iyong ikinumot sa kambal, saka dahan-dahang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ni Bea. Napakasimple ng ginagawa niya pero ang paraan ng pagtingin niya sa kambal, punong-puno ng lambing. May kung anong init sa mga mata niyang bihira kong makita. Hindi iyon ang malamig at seryosong Presidente ng Villarreal Holdings. Tila isa lang siyang lalaking tahimik na nag-aalaga sa dalawang ba
RAFAEL'S POV Matapos ang nangyaring gulo kanina, tila ba unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buong araw. At least, sa paningin ng iba. Hindi ko na pinansin ang mga tsismis na patuloy na umiikot sa kumpanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay isang bagay lang. Ang kaligtasan nina Winona at ng kambal. Eksaktong alas-singko ng hapon nang makatanggap ako ng mensahe mula sa driver. "Sir, picked up the twins already. We're on our way." Ilang minuto lang ang lumipas, marahan na kumatok ang sekretarya ko. "Sir, they're here." "Let them in." Agad bumukas ang pinto. Naunang sumilip sina Bea at Brix bago tuluyang pumasok. "Daddy CEO!" Sabay pa silang kumaway. Hindi ko namalayang kusang pumagkit ang isang ngiti sa labi ko. "Come in." Mabilis silang lumapit ngunit agad ding huminto nang makita ang mga dokumentong nakakalat sa mesa ko. "Daddy CEO, are you busy?" tanong ni Brix. Tumango ako. "Yes. I still have a few documents to sign." Nagkatinginan ang kambal ba
WINONA'S POV Tahimik akong bumalik sa opisina matapos ang naging pag-uusap namin ni Sir Rafael. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya ako hinayaang umiwas. Hindi rin niya hinayaang mag-adjust kami dahil lang sa walang basehang tsismis. "We did nothing wrong, Ms. Sanchez." Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga huling sinabi niyang iyon. Pagpasok ko sa opisina ay agad na napatingin sa akin sina Ana at Ron. Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Ma'am Winona..." mahina nilang bati. Napangiti ako nang pilit. "Bakit? Mukha ba akong napagalitan?" Umiling agad si Ana. "Hindi naman. Kinakabahan lang kami. Nabalitaan naming pinatawag kayo ni President." "Tungkol ba sa issue?" tanong naman ni Ron. Tumango ako bago ako naupo sa swivel chair. "Oo." Tahimik silang naghintay na magsalita ako. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Sir Rafael. Kung paano niya sinabing hindi niya ititigil ang pagpapasundo sa kambal. Kung paano n
RAFAEL'S POV Pagkalabas ko ng conference room, agad kong napansin na may kakaiba. Normal naman ang pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko. "Good morning, President Villarreal." "Good morning, sir." Tumango lang ako bilang tugon, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. May ilan na agad na umiwas ng tingin. May ilan namang tila gustong magsalita ngunit pinili na lamang manahimik. It was subtle but noticeable. Tahimik akong pumasok sa office ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod si Claire, may dala itong ilang folders. Maayos niyang inilapag ang mga iyon sa mesa ko bago ako hinarap. "Sir..." Napatingin ako sa kanya. "There seems to be a problem." Bahagya akong napakunot-noo. "What is it?" Nag-atubili siya at sa ilang taon naming magkasama sa trabaho, alam kong hindi siya magdadalawang-isip magsalita kung maliit na bagay lang iyon. "There are rumors spreading inside the company." Hindi ako nagsalita. Tahim
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hind
Winona's POV Kinabukasan, gaya ng inaasahan, maaga kaming nagising ng kambal. Excited na excited sina Bea at Brix habang naghahanda. "Mommy, may school na ba kami?" tanong ni Bea. "Technically, daycare pa lang." sagot ko. "Yay! Gusto ko na magkaroon ng maraming friends." Napangiti na lama
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,







