Share

Maddening Desires
Maddening Desires
Author: VANILLARIOT

Chapter 1

Jacintha's

"Hey Hon, wake up. It's almost time. Wake up, your gonna be late", isang malumanay na boses ang tumatama sa tenga ko at pilit akong ginigising at ang isang kamay naman nito ay marahan akong niyuyogyog.

"Wake up", ulit nito sabay gawad sa akin ng mga maliliit na halik sa aking mukha patungo sa aking mga balikat. Hindi man iminumulat ang mga mata ay napangiti ako sa ginagawa nito at higit na iniyakap ang sarili dahil sa kiliting nararamdaman ko. Pahalik halik pa rin ito na nilalaro na ako hanggang sa ang kamay nito ay nasa tiyan ko na. Hinuli ko ang mukha nito saka iminulat ang aking mga bata.

"Adolf", tawag ko sa pangalan ng boyfriend ko. Nangiti ito ng napakatamis sa akin saka ako hinalikan sa aking pisngi saka kinua ang dalawa kong kamay at mapaglarong pilit ako itinatayo. Isang taon na kami. Nakilala ko ito sa Bar na pinalalagian ko kapag gusto kong kalimutan ang buhay mayrooon ako, at kahit na don kami nagkita ay dama kong iba ito at ipinakita naman nito iyon sa kung paano ako nito tinatrato. Adolf is the peace I needed right now. Bago ko muling lusungin ang buhay na kinalakhan ko na pero kahit kailan ay hindi ko pa rin magawang makasanay.

"Sigurado ka na ba? Hindi pa naman sigurado niya nabasa yun. You can still change it". Kinuha ko palayo rito ang aking mga kamay saka napaupo sa kama. Tiningala ko ito, mapaglarong iniaangat-baba pa nito ang kilay niya at nangiti sa akin.

"That was all the life you knew,". Dagdag pa nito. Ang hindi nito alam ay ayoko sa buhay na mayroon ako. Wala akong magawa noon pero iba na ngayon at nais kong kalimutan ang buhay na ito kasama ng lalaking pinakamamahal ko. Tumayo ako at niyakap ito ganun rin ito sa akin.

"Thank you", wika ko rito. "Pero gaya ng sabi ko sayo pinal na ang desisyon ko. Aalis ako. At wag ka mag-aalala, sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat para sa ating dalawa".

Hinawakan ko ito sa pisngi, "I want to spend the rest of my life with you". Malawak ang ngiti ko rin sabay halik sa mga labi nito ngunit agad naman nito iyong pinutol. "Maghanda ka na. May ball kang pupuntahan di ba". Binitiwan ako nito saka nagpunta ng banyo. Agad kong hinanap ang bag ko at inilabas ang damit ko pero bago ako nagpalit ay sinilayan ko muna ang binili sa akin ni Adolf na sundress na siyang suot ko ngayon. Di maialis sa mukha ko ang ngiti habang nakatingin sa salamin na anduon.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin, suot suot ko ang bigag na sundress ni Adolf. Sa tuwa ko, natulog na ako ng nakaganuon. Pakiramdam ko ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Sa loob loob ko ay napangiti ako. Kung maaayon lahat ngayon sa plano ay araw-araw ko nang mararanasan ito.

Hindi naman na ako nagtagal doon umalis na rin ako sakay ng motor bike. Isang oras na lang mula ngayon ay magsisimula na ang ball. Isa iyong pagtitipon-`tipon ng mga kilalang organisasyon ng mga delikadong tao o kung tawagin nila ay Mafia pero walang may nakakaalam niyon bukod sa mga tao sa loob ng organisasyon. Ang buhay na kinalakhan ko na, kung saan ako namulat sa tindi ng buhay. Kung saan walang lugar ang kahinaan. Kung saan utak ang puhunan at walang puwang ang pusong mamagitan.

Sa Hotel Casino gaganapin ang ball. Nasaparking lot ako at papasok na sana ng elevator ng pagbukas nito ay busangot na mukha agad ni Niko ang bumungad sa akin.

"San ka galing? I can't reach you", tanong agad nito.

"May inayos lang", sagot ko rito. Pumasok na ako sa loob, hindi ito lumabas siguro hinahanap ako nito.

"Andito na siya?", baling ko rito.

"Hours ago. Hinahanap ka niya. He wants you to report to him"

Di na nadugtungan ang usapan ng marating na namin ang floor kung saan ako magpapalit. Wala na akong oras, magpapalit na muna ako nga damit at mag-aayos saka magre-report sa kanya. Dali dali ang kilos ko, pagkapasok ko sa hotel room ko ay bumungad agad sa akin si Ellen isang petite na babaeng Chinese na palaging nag-aayos at nagdadamit sa akin.

"You are late Miss. Mr. Desjardin would not be happy if he knows this", dismayadong boses nitong boses na wika sa akin na may Chinese accent pa.

"I'm sorry Helen, please just let this pass, okay? Don't tell him. Andito naman na ako, okay?", wika ko ko rito sa nagsusumamong boses. Napabuntong hininga lang ito at pinaningkit pang lalo ang mata saka tumango at iginaya ako para makapagsimula na kami.

"Thank you!"

Isang sage green, long sleeved, na cowl neckline ang napili nito na natatakpan ang ang dibdib. Ang maalon at kayumanggi kong buhok naman ay simpleng naka-low bun lang. Hinila ko ang neckline gamit ang dalawang daliri ng paluin nito iyon.

"Ah-", nagulat ako sa ginawa nito

"Don't pull. You will ruin the dress"

Inayos ko nalang ang sarili ko. Ganun na lang kasi palagi ang ipanapasuot nito sa akin, palagi akong balot na balot.

"Miss Helen, alam niyo ho, ang gaganda ng mga damit" pagsisimula ko. Naglalagay ito ng mga konting touch ups sa buhok ko.

"Pero mas maganda kong ibang style naman... yung di ako masyadong balot?", nakangiting wika ko rito. Hindi ito agad sumagot at inilagay ang hawak nitong clip sa vanity.

"No. Mr Desjardin wouldn't like it", saad nito.

Nagpantay ang aking kilay sa sinabi nito. Ano naman ngayon kung di niya magustuhan. Kailangan ko lang naman magpunta doon, at kung pupunta ako gusto ko rin naman iyong komportable ako. Imposible namang nakikialam siya sa kung paano ako magdadamit. Hindi naman kasi ito ganito noon, ako lang naman ang nagdadamit sa sarili ko. Hanggang sa isang araw bigla nalang itong sumulpot at sinabing siya na ang magdadamit sa akin, sa utos nito. Hindi ko iyon kinuwestyon, wala namang nais na kwestyunin ito; walang magkakamali.

Marahan akong napabuntong hininga at tiningnan ang sarili sa vanity na anduon. Dahil siguro sa ampon ako ng mga ito, kaya kahit papaano kargo nila kung paano ko i-presenta ang sarili. Oo, ampon ako ng mga Desjardin ang nagmamay ari ng Hotel Casino na ito at sa 'Pacific' ang katapatan ko. Ang pamilyang Desjardin ang dahilan ng buhay ko ngayon.

"You are done", pukaw ni Helen sa akin. Sinuot ko ang beige heel na anduon saka hinigpitan ang strap ng baril sa magkabilang binti at inilagay sa aking tenga ang ear piece na anduon. Narinig ko iyong nag-static bago marinig ang boses ni Niko.

"This is Orchin, everyone in?", isa-isa namang sumagot ang mga nasa linya.

"Annual Ball ito, maraming possible partners, maraming bago. Let's keep ourselves on guard"

Lumabas na ako ng hotel room at nagtungo sa kwarto niya. May dalawang guards doon ang nagbabantay at ng makita ako ay agad naman nilang pinapasok at ginaya ako patungo kung asaan ito. Nasa harap ako ngayon ng walk in closet.

"Sir, andito na ho si Miss Jacintha"

Hindi ito sumagot at iniwan na ako ng mga ito sa loob. Inayos ko ang aking tayo, at malalim na napabuntong-hininga bago ito harapin.

"Come in", hudyat nito. Iginaya ko na pabukas ang sliding door ng dahan dahan. Doon ay nakita ko itong naghahalukat ng relong susuotin. Ang buhok nito ay slicked back na binabagayan ang bigote nitong halatang kaka-trim lang.

"Jorge, pasensya na at pinaghintay kita"

"Where were you?", tanong agad nito sa akin. Napalunok ako bago sumagot.

"May inaayos lang sa--", natigil ako sa pagsasalita ng hinarap ako nito.

Pakiramdam ko ay may kung ano sa aking sikmura ang nais kumawala ng dahil lang sa mga tingin na ibinibigay nito sa akin. Ayoko niyon. Ang walang emosyon ang itim nitong mga mata, na tila binabasa ang bawat galaw ko at binibigyang kahulugan ang bawat salitang maaring lumabas sa bibig ko dahilan upang dapat kang mag-ingat. Dahil kong hindi ay lalapain ka nito ng buhay, gaya ng isang hayop sa biktima nito at hindi iyon magiging maganda para sa akin.

Unti-unti itong lumalapit sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Sa cargo. May shipment mamayang gabi-- oh", naputol ang aking pagsasalita at napalitan iyon ng pagkabigla ng walang ano nitong inilapit ang mukha sa kanyang leeg. Dama ko ang hininga nito dahilan para hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"You smell like mint", kaba ang nangibabaw sa akin. Ayaw nga pala nito sa amoy na iyon.

"Pabango ko ito. Nakalimutan kong ayaw mo nang amoy. Papalitan ko nalang sa susunod", ipinatong ko ang aking kamay sa leeg kong inamoy nito.

"Helen should've known"

"Hindi ito kasalanan ni Helen. maglalagay ako ng ibang pabango mamaya, I'm sorry, Sir"

Tinitigan lang ako nito. Hindi iyon pabango na inilagay ni Helen at mas lalong hindi ko pabango. Kay Adolf iyon, halos buong araw ako sa condo niya. Di maiiwasang kumapit sa akin ang pabango nito.

Walang emosyon pa rin ang mukha nitong nakatingin sa akin. Nakatingala lang ako rito at di maiwasang mapatingin sa matangos nitong ilong at sa divides chin nito. Hindi nito iniaalis ang tingin sa akin. Mahigpit kong naipulupot ang isang kamay sa sarili. Napansin siguro nito ang pagkailang ko kaya agad itong tumalikod at kinuha ang black coat nito saka iyon isinuot.

"I want reports on my office at home tomorrow",

"Okay Sir, tatawagin ko na ho ba si Melinda?" tanong ko rito. Si Melinda ang fling nito ngayon, na nakakasama niya sa mga ganitong event.

"No, she will not be my date anymore"

"Okay Sir, kailangan ko bang doblehin ang security kasama mo? Paniguradong marami na namang mga babae ang pipiliting makausap ka"

Pagkatapos kong magsalita ay siya namang pagkatapos nito at agad akong hinarap. Napansin kong wala ang crest ng 'Pacific' sa suot nito. Hinanap iyon ng aking mga mata at nakita iyon sa may glass table sa gilid nito.

"May nakalimutan ho kayo, Mr. Desjardin".

Kinuha ko iyon, lumapit rito at ni-pin iyon sa suot nito. Dama ko ang mga tingin nito sa akin.

"Jacintha". Malumanay ang boses na tawag nito. Sa gulat ko ay naitusok ko sa aking daliri ang pin at di ko pa man natitingnan ang aking daliri ay hinuli na nito iyon dahilan upang mas mapalapit ako rito at mapahawak sa dibdib nito.

"Fuck, woman!", sa nagdudugong daliri ko lang ito nakatingin.

"Wala lang ito kaya ko na". Babawiin ko na sana ang aking kamay ng agad itong makakuha ng tissue at pinunasan iyon. Nakatingin lang ako rito habang ginagawa iyon, matapos ay saka lang nito iyon binitawan.

"Iyong pin", turo ko sa pin na nalaglag.

"I can do it"

Matapos ang kaganapang iyon ay agad kaming nagtungo sa hall kung saan gaganapin ang ball.

Sa iilang taon ko nang nakasanayan ang mga pagtitipon-tipon ng mga taong ito ay wala ng bago sa akin. Di rin naman ako masyadong nakikihalubilo. Nasa tabi lang ako, nagmamasid ng kakaina, malapit kay Jorge na pwede nitong tawagin kong kinakailangan kaya ng matapos itong mag-speech at magsayaw sa iilang mga matatanda na halatang lihim na inaaakit siya ay nagpaalam akong magbabanyo kaya ng bumalik ako at hindi ito makita kahit saang dako ng party ay lumabas na ako at nagtungo sa labas ng hotel kung. Paniguradong anduon lang ito sa paborito nitong lugar at hindi nga ako nagkamali.

Kita ko ang pigura nito sa harap ng napakalaking fountain na nagmimistulang pool na sa laki. Lakad takbo ang aking ginawa hanggang nasa likod na ako nito Gumalaw ang ulo nito, alam na nito ngayon ang presensya ko.

"Inside was suffocating. Gusto ko lang magpahangin sandali"

Hindi ako sumagot, sa isip ko ay pagkakataon na itong maipaalam ang nais ko.

"Pwede ba kitang makausap?", tanong ko rito. Hinarap naman ako nito, lumapit ako rito. Magkaharap na kami ngayon. Kinakabahan man ay tinatagan ko ang sarili ko.

"Sa loob ng labing-limang taon naging tapat ako sa inyo, at di mawawala iyon at nagpapasalamat ako--"

"Get to the point, Jacintha",

"Nais ko nang umalis!"

Sa mabilis nitong pagputol sa akin ay ganun din kabilis ang balik ko sa gusto kong ipunto rito. Kahit ako ay nabigla sa bilis ng pagkakasabi ko. I want out.

"I want out...", naglabas ako ng isang buntong hininga sabay ang pagkuha muli bg lkas ng loob bago nagsalita. "Out of the organization, out of Pacific, Jorge"

"And why is that?", may kuryusidad sa boses nito.

Kinuha ko ang buong tapang at lakas nga loob na magsalita. Ito ang matagal ko nang ninanais, papanindigan ko ito.

"I, I have my personal reasons. Kung-".

"No", putol nito sa sasabihin ko pa sana. Blanko ang tugon ng itim nitong mga mata. Inaasahan ko na ito pero hindi ako bibitaw sa desisyon ko.

"Ipinangako mo iyon sa akin. Nang iligtas kita ", umisang hakbang akong nagsasalita. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperada dahil totoo naman.

"I see you far from being stupid, Jacintha. This is disappointing". Tiningnan ko ito ng may pagtatanong.

"Hinding-hindi ko ta-traydorin ang mga Desjardin".

Umisang hakbang pa ako papalapit rito at sa wala nang ibang maisip na paraan upang kumbinsihin ito ay iniangat ko ang aking kamay patungo sa dibdib nito upang gawin iyon ng hindi pa man ay hinuli na nito ang kamay ko at hinawakan ako ng napakahigpit sabay hapit nito sa akin papalapit. Kita ko ang malaking peklat nito sa kaliwang kamay na umaabot hanggang sa gitna ng gitnang daliri at palasinsingan nito. Ipinalibot nito ang isang kamay sa aking bewang ng mahigpit. Mabuti nalang at naiharang ko ang aking malayang kamay. Gulat na tiningala ko ito.

"The Desjardin Promise, is far more than what you think it is, Jacintha. If you are to do that, you will be bound to me, till death do us part", malumanay ngunit mapusok na pagkakabiglas nito sa bawat salitang binitawan na pakiramdam ko ay itinatali ako sa kanya. "As certain as that".

Hindi pa rin ako nito binibitawan. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Umiinit ang pakiramdam ko. Delikado ito, ayoko nito. At sa gitna ng lahat nito ang siya namang pagbalot ng kanta sa buong paligid, kasabay ng paggalaw ng tubig sa fountain. Kasunod ng paglakas ng hangin na nagkakalma ng kahit papaano sa nararamdaman ko.

"Dahil akala ko may isang salita ka pero tama pala talaga sila--", nagtagis ang aking bagang sa galit. "Makasarili ka rin pala".

Itinulak ko ito palayo sa akin sabay naman iyon ng pagtawag sa kanya ni Niko. Tinatawag na ito sa loob, naglakad na ito papasok na para bang walang nangyari habang ako naman ay naiwan doon ng bigla itong napahinto sa paglalakad.

"I may be a lot of things, Jacintha", wika nito ng nakatalikod sa akin. "But I was never selfish, at least not to you"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status