Share

CHAPTER 85

CHAPTER 85

A few weeks ago, rinding-rindi na si Maria na marinig ng paulit-ulit mula sa kanyang mga estudyante ang patuloy na pag-uusap ng mga ito sa pagpunta ni Victor sa Pilipinas. Pilit na naman niyang isinasara ang puso't isipan dahil itinatak niya ang maling pagkakaintindi na kasal na si Victor.

Napaisip si Maria at biglang nilapitan ang dalawang estudyante.

"Anong ending niyan?"

Napanganga ang dalawang dalaga dahil nagulat sila sa paglapit ni Maria. Strikto kasi ito sa pagtuturo kaya nabigla silang maamo na parang tupa si Maria.

"Kinasal ba siya?"

Kunot noo ang kanyang estudyante. "Naku, hindi ma'am. Single pa rin iyong bida. Hanggang doon lang kasi open ending. Nakakabitin nga po."

"Oo nga eh! Kasi pagkahiwalay nila ni Marie, doon na nagsimula ang buhay niya sa ibang bansa pagkatapos nun, ang sabi sa ending. Nanatili siyang single kasi nga una't huling babae lang daw si Marie sa buhay niya."

Para bang may paru-paru sa t'yan ni Maria nang marinig ang kwento ng kanyang estudyante
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status