CHAPTER 5
Nagdaan ang ilang araw at nanatiling mainit ang mga mata ng mga nanghuhusga kay Maya. Hindi natigil at mas lalong uminit pa ang mga mata ng mga naniningil sa kanilang pamilya.
“Dang Pipay! Dang Pipay!” Sigaw ng naniningil.
“Ano po iyon?”
“Nasaan na ang sampung libo na utang mo sa renta? Isang buwan pa lang ang nabayaran niyo sa anim na buwang pagkakautang!”
“Naku, hinihintay ko pa kasi ang sweldo ng asawa ko. Sa susunod na buwan pa kasi iyon,” tugon ni Pipay.
“Ay hindi! Balitang-balita na nakapang-asawa ng mayaman iyang anak mo. Bakit hindi ka magbayad!”
“Hindi ginagatasan ng anak ko ang nobyo niya. Nakikiusap ako na bigyan mo pa kami ng palugit.”
“Hindi! Tumigil ka Pipay, ilang beses na akong nagbibigay ng palugit pero hindi niyo makuhang magbayad at panay ang abono ko sa tubig at kuryente niyo. Lumayas na kayo ngayon din dahil may palilipatin na akong bago rito!”
“Maawa ka naman, wala pa kasi kaming pera.”
“Hindi ko na problema iyon!”
Nagsisigaw na parang eskandalosa ang landlady at tumawag na rin ng barangay tanod para palayasin sila.
“Maawa ka naman, wala kaming tutuluyan ni Maya.”
“Lumandi iyang anak mo, dapat bigyan ka rin ng pera!”
Pinagtatapon ang sako-sakong damit nila Maya sa labas ng bahay at pawang drama sa telebisyon na nanonood ang mga tao sa labas. Payapang naglalakad si Maya, bitbit ang kanyang kinita sa pagtitinda nang makita ang kanyang ina na umiiyak habang nakikiusap.
“Ma! Ma!”
“Oh, iyan na pala ang anak mong naka jackpot!”
Kunot noo na tumingin si Maya sa landlady at inalalayan ang ina upang makatayo.
“Bakit niyo naman po kami pinalayas ng ganito? Ito po may dalawang libo ako rito pambayad ng renta.
“Hindi ko kailangan niyan! Lumayas na kayo rito! Puno na ng abono ang negosyo ko dahil sa inyo. Hindi na ako kumita!”
“Nakikusap po kami. Aalis na kami rito pero sana bigyan mo kami ng tatlong araw na palugit para makahanap po ng bahay. Hindi pa umuuwi ang Tatay ko.”
“Hindi ko na problema iyon. Manong, pakisuyo na rin ilabas iyang bulok nilang kama!”
Parang hayop kung itaboy ang mag-ina habang pinagtatawanan at pinanonood lamang sila ng kapitbahay. Pilit pinipigilan ni Maya na umiyak dahil siguradong mas lalong guguho ang kanyang ina kapag nakita pa siyang mukhang mahina.
Habang inaayos ni Maya ang kanilang gamit, napatingin siya sa paligid dahil sa mga bumubulong na kapitbahay.
“Naku, iyan ang prince charming niya.”
Tila isang sigarilyo na nauupos si Maya habang nakatingin sa paparating. It was Dave, halatang-halata ang pag-aalala nito.
“Maya, Tita Pipay.”
“Dave umalis ka na. Huwag ka nang makigulo sa amin ni Mama.”
“No. Halika'yo sa bahay ko,” binuhat ni Dave ang kanilang gamit at inilagay sa kahon. Pumara rin ito ng tricycle kaya walang nagawa si Maya kahit pigilan niya si Dave. Hindi makatingin si Dang Pipay sa mga tao sa paligid at pumasok sa loob ng tricycle.
“Dave, hindi mo naman ito kailangan gawin. Sobra-sobra na ang pagtulong mo sa amin. Palagi kang nagtitinda imbis na nagpapahinga ka habang galing sa trabaho.”
“No, I will help you no matter what happens. You are going to be my wife. Tsaka hindi ko hahayaan na maliitin kayo ng mga taong ito.”
“Maliit na kami, walang-wala na rin,” nahihiyang tumingin si Maya kay Dave.
Walang pakialam at hinalikan ni Dave si Maya sa noo pagkatapos ay pinasakay sa tricycle.
Ilang minuto ang nakalipas, dinala silang mag-ina ni Dave sa apartment nito. Pinagmasdan ni Pipay ang paligid hanggang sa mapangiti siya sa ayos ng apartment nito. Malinis at akala mo’y dalaga kung mag-ayos ng damit.
“Dito na muna po kayo habang naghahanap ng bagong matitirahan.”
“Hijo, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Sobra-sobra na itong pagtulong mo sa amin. Palagi mong tinutulungan si Maya sa pagtitinda kahit na pagod ka sa trabaho. At heto pa na patitirahain mo kami sa apartment mo. Hayaan mo’t palagi kaming mag-aabot ng pambayad sa gastusin.”
“Hindi naman po iyon kailangan. Pinatuloy ko po kayo ng libre.”
“Dave naman,” reklamo ni Maya.
“Please, stay here. Huwag niyong isipin ang gastusin. Save it for your own good.”
“Dito na lang kami na Mama. Kung may ipapalaba ka or ipapalinis gagawin ko,” saad ni Maya.
Napayuko na lamang si Pipay dahil sa kahihiyan na ito. Nanliligaw ang banyaga sa kanyang anak pero heto at mukha silang namamasukan bilang katulong.
“No. Don’t do that. Sa kwarto ko, doon kayo matulog. I can sleep anywhere inside my apartment.”
“Hijo, naku naman.”
“Mas magagalit po ako kapag hindi kayo matutulog sa kwarto ko.”
Kalaunan, naiwan si Maya at Dave sa loob ng apartment dahil lumabas si Dang Pipay para maghanap ng pera. Hiyang-hiya pa rin si Maya at hindi malapitan si Dave.
“Maya,” tawag ni Dave at lumapit sa likuran ni Maya.”Bakit mo ako iniiwasan?”
“Nahihiya ako. Nakakahiya na masaksihan mo pa itong kamalasan ng buhay ko.”
“But I am lucky to have you.”
Napangiti na lang si Maya at kinurot ang pisngi ni Dave. “Kahit kailan. Kahit balu-baluktot kang mag tagalog, salamat at pinipilit mong mag-adjust dahil hindi ako marunong mag-ingles.”
“Nah, you downgrade yourself so much! You are intelligent, Maya. And I am really happy to see you everyday inside my little apartment.”
Hindi sumagot si Maya at tumingkayad upang mahalikan ang matamis na labi ni Dave.
“Thank you, Dave.”
Dave didn’t answer at h*****k pabalik kay Maya. Hinapit niya ang baywang nito at binuhat upang maiupo ang dalaga sa lamesa. Ang mainit nitong palad na dumapo sa hita niya papaakyat sa likuran.
“Dave, control yourself,” bulong niya sa sarili at inalis ang kamay sa katawan ni Maya. Pero habang pinipigilan niya ang sarili mas lalong nagiging agresibo ang halik na tinatapon sa dalaga.
Halos malunod si Maya at h******n si Dave. “Dave,” mahinang ungol ni Maya.
“Oh damn, don’t moan,” angal ni Dave hanggang sa bumaba sa leeg ng dalaga ang kanyang labi. Nadadarang na si Maya sa init ng katawan ni Dave hanggang sa maramdaman ang bagay na iyon. Nagsitaasan ang balahibo niya nang tumama ang nakaumbok sa kanyang t’yan.
“Ano iyon? Bakit parang ang… tigas,” bulong ni Maya sa sarili.
He’s getting hot and hard, gustong-gusto niyang mahawakan si Maya pero parang nagliliyab na apoy ang dalaga at napapaso na siya sa balat nito.
“Let’s stop this. Baka mauna pa ito sa kasal,” saad ni Dave at tinalikuran si Maya.
Nakita na lamang niya ang binata na kinuha ang tuwalya at pumasok ng banyo. Naiwan siyang nakatulala habang hawak ang dibdib.
“Mahal ko na ba si Dave?”
CHAPTER 6Maghapon naiwan sa bahay ni Dave si Maya gawa ng pagtatrabaho nito. Lalo si Dang Pipay na naghahanap din ng iba pang pagkakakitaan. Kinalkal niya ang refrigerator ni Dave at nagluto ng pagkain para sa kanilang hapunan.Wala siyang nagawa maghapon kundi ayusin ang damit nila ng kanyang ina pati ang paglalaba sa maruming gamit ni Dave."Maya! I'm home!" Bungad ni Dave at may bitbit pa itong bulaklak. "For you, mahal.""Hala? Nag-abala ka pa… ah Dave, pinakialaman ko pala ang pagkain mo.""Yeah, it's okay. Sa atin iyan.""Salamat naman at nagtatagalog ka. Ang hirap mo kasing sagutin
CHAPTER 7"Saan mo dinala ang pera?!"Isang malakas na sigaw mula sa isang lalaking takip ang mukha at may hawak na sigarilyo."Wala po talaga akong alam. Napag-utusan lang po ako! Parang awa niyo na po!" Sigaw ng matanda dahil ang sigarilyo na hawak ng kanyang amo ay akmang dadapo sa bala nito. "Ahh! Boss! Tama na!""Magnanakaw ka! Tatlong milyong piso ang laman nun! Saan mo dinala?!""Boss, matagal na po akong naglilingkod sa pamilya niyo. Ni pisong duling wala akong ninakaw."Walang habas na sinaktan si Mang Pidong ng mga alagad ng kanyang amo. Hawak nila ang dos por dos na kahoy at bast
CHAPTER 8 PAGTAPAK ng ilang minuto, walang ginawa kundi magpabalibalik si Dang Pipay sa telepono ng kanyang ama. Patuloy siyang tumatawag sa numero ng kasamahan ng kanyang asawa. "Ma'am, uuwi na muna po ako sa anak ko. Babalik din po ako mamaya." "Sige at mag-ingat ka. Sasabihan na lang kita kapag tumawag si Pidong pabalik, okay?" "Salamat po." Sa pagtapak ni Dang Pipay sa hagdanan pababa ng tindahan, umalingawngaw sa kanya ang sigaw ng kanyang amo. "Dang Pipay! Dang!" Paulit-ulit na sigaw. "Ano po iyon?" Tila sasabog ang puso ni Dang Pipay sa sobrang kaba.
CHAPTER 9Madaling araw na't gising pa rin si Dave. Hawak niya ang dog tag at paulit-ulit na binabasa ang kanyang pangalan."Dave Gray, Dave Gray…"Mahigpit niyang hinawakan ang alak at halos mabasag na ito sa kanyang kamay. "I left… I left that organization for my freedom. Bakit hindi pa rin siya tumitigil? My biological parents died because of this organization. I left this nightmare. Matagal na akong tapos bilang assassin ng Black Eagle. Pero bakit nilapit pa ako ng tadhana kay Maya? Anong rason kung bakit si Maya pa ang babaeng mahal ko. I know… walang ni isang tao ang nakakakilala sa akin. Pero nandito pa rin ang takot sa dibdib ko na baka sakaling mabunyag ang tunay kong pagkatao. Si Fred lang anv naging takbuhan ko dahil naiintindihan niya ang pinagdaanan ko. I've been hiding as a US Navy s
CHAPTER 10ISANG malakas na balibag ng mga babasagin gamit ang narinig mga alalay ni Zella. Galit na galit si ang lider ng Arctic Mafia nang umalis ang isa pang European country sa kanilang kasunduan."Mabuti na lang talaga at pinatay ko na ang mag-asawa na dukha," maamong sinabi ni Zella at hinaplos ang braso ng kanyang fiance."Thanks, hindi talaga ako nabigo na ipaglaban ka. Mahal na mahal kita, Zella. I will find a way to change his mind. Alam kong papayapag muling makipagtransaksyon ang bansang iyon sa'tin.""Of course, Babe. Walang ng mas gagaling pa iyo."Ngumisi lang ang binata at humalik sa kanyang labi. "Don't say that, Black Eagle is the leading Mafia Organization. Walang makakatalo sa pamilya niyo,
CHAPTER 11Tanghaling tapat nang lumabas ng bahay si Maya upang hanapin si Emilia. Tumakas siya kay Dave nang umalis ito kasama si Fred. Si Maya na diniretso ang palengke upang hanapin ang mga kaibigan din ni Emilia para mapagtanungan ito tungkol sa kanyang tinitirahan."Ale! Alam mo ba kung nasaan si Emilia?""Naku Maya! Tinatakasan kami niyan pagkatapos utangan! Ewan ko ba at nagkaganyan 'yang kaibigan mo! Itong anak ko na niloko rin niya sa paninda. Kundi lang siya buntis at kinakaawaan ng mga nagtitinda rito, baka tuluyan na namin siyang pinasuplong sa pulisya.""Ale, huwag naman po. Eh nagdadalang tao po si Emilia. Bakit naman po siya tinakwil ng ganoon lang?""Naku! Eh paa
CHAPTER 12NAGDAAN ang tatlong araw, nanatiling bumibisita si Maya sa bahay ni Emilia kahit hindi siya pinagbubuksan ng pintuan. Palaging binibigyan ni Maya ng gamit at pagkain ang maibigan pagkatapos ay iniiwan ito sa may pintuan.Tatlong katok at nagbakasakali si Maya na pagbuksan siya ng kaibigan. Ngunit wala siyang kamalay-malay na nandoon lamang sa loob ng bahay si Emilia"Ano? Iinggitin niya ako dahil nakaangat na sila sa buhay?" Bulong ni Emilia at humiga sa kama.Tunay na namayat si Emilia at halatang walang nutrisyon ang mga kinakain nito. Nakatingin lamang si Emilia sa binili niyang gamot pampalaglag."Ayoko sa'yo. Ayoko dahil pagkakamali ka lang. Ikaw ang sumira ng buhay ko kaya ganito at tinakwil ako s
CHAPTER 13NAABUTAN ni Dave si Maya na katatapos lamang sa paglilinis ng kanyang apartment. Padabog na nilapag ni Dave ang bag at nagpameywang."Dave!""Don't clean! Bawal ka nga mapagod! Ang kulit mo!""Dave naman! Linis lang naman. Ginagawa mo naman akong patabaing baboy."Get dressed," utos ni Dave at inabot ang bagong biling damit para kay Maya."For what? Uy, english iyon!" Malokong sinabi ni Maya.Ngumiti naman si Dave kaya halos matunaw si Maya. "Ang gwapo talaga," bulong ni Maya sa sarili.