Share

Kabanata 5

“Get out of here now!” mariing utos ni Claire sa dalawang nars na tulalang nakasalampak sa sahig. “I’m calling the police. Bring her outside.” Tiningnan n’ya ang nars na kausap kanina. Nanlalambot naman nitong tinulungan itayo ang kanyang kaibigan.

Agad pinindot ni Claire ang emergency button sa silid. Mabibilis ang bawat hinga n’ya habang tinatawagan ang numero ng malapit na police station.

Hindi lang ito basta-basta simpleng pagkamatay. Sigurado s’yang hindi natural death ang sanhi ng pagkamatay ng pasyente dahil sa bakas ng kamay nito sa leeg. Malaki ang paniniwala n’yang pinatay ang pasyente.

“Hello?... This is Hope Psychiatric Hospital. We have a situation here… I—I don’t know… I’m not sure, but it could be murder… P—Please, come fast. The culprit couldn’t have gone far…”

Mabilis ang tibok ng pusong napatingin ang doktora sa pasyente.

Sino naman ang papatay dito?

“Claire!” nag-aalalang tawag ng mga katrabaho. Agad nilang niyakap ang ninenerbyos na dalaga. “What happened here?” tanong ni Josh habang nakatingin sa loob ng silid.

Umiling ang doktora.

“I don’t know. We heard screams and no’ng nakarating kami dito we found Nurse Stella on the floor and Patient 214 dead.”

“This can’t be. Someone is monitoring the CCTV cameras. Paano makakapuslit ang isang murderer sa ospital na ito?”

“You don’t know that, Frey. Paano na lang iyong nangyari kay Claire when she was attacked by Patient 213? It took a while for us to respond. Something wrong is going on here.”

“Hey! Hey! We can’t just jump into conclusions. Did you call the police already?”

Tumingin si Frey sa natahimik na doktora.

“Claire?”

Napakislot ang dalaga sa pagtawag ng katrabaho.

“O—Oo! Yeah… I called them. They’re coming.”

Hinawakan ni Josh ang balikat ni Claire. Halata kasi ang pagkabalisa nito. Kahit naman siguro sinong makakita ng patay ay matutulala.

“Are you okay?” tanong nito sa kanya.

Sasagot na sana si Claire nang mapansin n’ya nakaawang na pinto sa Room 213.

“Shit…”

“Sorry, what?” kunot noong tanong ni Josh sa doktora.

Hindi s’ya nito pinansin. Sa halip ay mabilis itong tumakbo palalapit sa katabing kwarto ng murder scene. Sinilip n’ya ang loob at hindi nga s’ya nagkamali.

“Luca… Luca is gone too!”

“Where are the guards?!”

“Call the police again.”

Natataranta na ang mga nars at doktor dahil sa misteryong mabagal na pagresponde ng mga gwardya at pulis. Sa kabilang banda naman ay naliwanagan na ang doktorang si Claire. Unti-unti na n’yang napagtatagpi tagpi ang lahat ng pangyayari.

Mula sa misteryong pagkatagpo ng ospital kay Luca hanggang sa biglaang pagkawala nito.

Mabilis na tinawagan ni Claire ang taong makapagbibigay ng sunod n’yang dapat gawin.

Ring! Ring!

Ilang ring pa ang narinig n’ya habang mabilis s’yang naglalakad paalis ng establisyemento. Kailangan n’yang mahabol si Luca Rocci.

Napangiti ang dalaga nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

“Hello? Alam ko na ku—AHMPPP!”

Hindi na natuloy ni Claire ang sasabihin n’ya nang isang panyo ang tumakip sa bibig n’ya. Huling nakita ng doktora ang pagbagsak ng selpon n’ya sa sahig bago s’ya nawalan ng malay.

BLANGKONG nakatingin ang lalaki sa babaeng walang malay at may piring ang mata. Nakaipit pa sa mga daliri nito ang hinihithit na sigarilyo. Napahilamos ng mukha ang binatang si Luca. Hindi kasama sa plano n’ya ang dakipin ang babae. Pero lubha s’yang nalulunod sa angking kagandahan nito. Hindi n’ya maipaliwanag ang atraskyon sa babae.

“S—Sir? Sigurado ba kayo dito. Civilian s’ya. Hindi natin s’ya pwedeng idamay!”

Tinapunan ng tingin ni Luca sa rear view mirror ng sasakyan ang kanang kamay n’yang si Will. Mukhang nakakalimutan na naman nito ang lugar n’ya. Tila nakuha yata nito ang pagiging pakialamero ng gwadyang si Kaloy.

“Why don’t you shut the fuck up and do as you’re told?”

Nanlamig ang lalaki sa naging sagot ng kanyang boss. Hindi lang kasi nito maiwasang huwag mataranta. Hindi ugali ni Luca ang mandamay ng mga inosenteng tao kaya naninibago s’ya sa biglaang desisyon nito. Bakit nga ba nito dinakip ang isang inosenteng doktora?

“Release them…” utos n’ya sa isa pang tao sa sasakyan. Tinawagan nga nito ang police station at ilang segundo lang ay rumesponde na ang mga ito sa pangyayari ng krimen.

Si Luca Rocci na hawak ang kapulisan sa kanyang mga palad ang tao sa likod ng pagkamatay ng corrupt na si Mayor Jaime De Guzman. Walang iba kundi ang pasyente sa katabing kwarto n’ya. Planado ang pagdating n’ya sa ospital. Maging ang pagkabugbog ng pakialamerong gwardya. Papalagpasin na sana n’ya pero mukhang gusto na rin n’yang isunod ang doktor na si Garcia.

“Can you do what I asked you to do?” ulit na tanong ni Luca sa kanang kamay na si Will. Napaiwas ng tingin ang lalaki. Hindi pa n’ya napapatawad ang sarili sa ginawang pambubugbog sa mabait na si Kaloy. “Answer me.”

“Y—Yes, Sir…”

KADILIMAN ang sumalubong kay Claire nang tangka n’yang binuksan ang kanyang mga mata. Akmanh igagalaw ng dalaga ang kanyang mga kamay nang maramdaman ang pagkakagapos ng mga ito sa kanyang likuran.

“Ahmmmp!”

Maging ang pagsigaw ay hindi n’ya nagawa dahil sa telang nakabusal sa kanyang bibig.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ng dalaga sa likod ng kanyang piring sa mata. Hindi n’ya lubos akalain na mangyayari ito sa kanya. Ano ang kailangan ng mga ito sa kanya? Papatayin ba s’ya ng mga ito?

Napatigil sa paghikbi si Claire nang makarinig ng mga yapak sa sementong sahig.

“Ahhhmmpp! Ahmmp!”

“I wouldn’t waste my energy screaming if I were you..”

“Ahmmp!”

Buong lakas na inalog ni Claire ang upuang kanyang kinauupuan gamit ang kanyang katawan.

“So disobedient…”

Nahalata ng binata na walang balak tumigil sa kakasigaw at kakapumiglas si Claire kaya kusa na n’yang tinanggal ang piring at busal nito sa bibig. Agad na napapikit si Claire sa liwanag na bumulag sa kanya. Nang imulat n’ya ang mga mata n’ya ay unti-unting naging malinaw ang taong nakatayo sa harapan n’ya ngayon.

“P—Patient 214…” nahihirapang wika ni Claire.

Hindi sumagot si Luca. Sa halip ay umupo ito sa kaharap n’yang upuan gaya ng una nilang pagkikita. Ngunit ngayon ay magkabaliktad na sila ng pwesto dahil si Claire na ang nakagapos.

“Si—Sino ka ba talaga..”

Isang ngisi ang umusbong sa mapulang labi ng lalaki habang pinagmamasdan ang nakagapos na si Claire.

“Me? I’m your patient, remember?” Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kinakabahang doktora. “And I need you as my medicine to cure this crazy obsession of mine.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status