Mafia Undercover: The Patient in Room 213

Mafia Undercover: The Patient in Room 213

By:  LunaticPessimist  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
500views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Isang doktor na nahulog sa kanyang pasyente. Dinakip at sapilitang inalok ng kasal. Makatatakas pa kaya s’ya? ***** Unang araw ni Claire sa Hope Psychiatric Hospital bilang isang sikayatris nang nakawan s’ya ng halik ng kanyang pasuway na pasyente. Ang buong akala n'ya ay kaya n’yang tulungan ang pasyente sa Room 213. Ngunit nagkakamali pala s’ya dahil ang lalaki ay higit pa pala sa pagiging isang hamak na pasyente lamang. “Si—Sino ka ba talaga..” Isang ngisi ang umusbong sa mapulang labi ng lalaki habang pinagmamasdan ang nakagapos na si Claire. “Me? I’m your patient, remember?” Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kinakabahang doktora. “And I need you as my medicine to cure this crazy obsession of mine.”

view more
Mafia Undercover: The Patient in Room 213 Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
8 Kabanata
Kabanata 1
GINISING ng takatak ng sapatos ni Claire ang tahimik na pasilyo ng ospital. Pasado alas dose na ng tanghali ngunit madilim pa rin sa loob ng establisyemento. Nakadagdag pa tuloy sa nakatatakot na ambiance ng lugar ang madilim na paligid.Ngayon ang unang araw n’ya bilang sikayatris sa Hope Psychiatric Hospital. Bagaman at baguhan ay hindi ito naging hadlang para matanggap s’ya sa trabaho.Labis kasi ang pangangailangan ng bansa sa mga kagaya n’yang doktor sa isip.Nasa kalagitnaan nang paglalakad si Claire nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid n’ya. “Good morning, Ma’am!” biglang bati nito na nagpagulat sa dalaga. Napakamot naman ang lalaki sa ulo. Hindi nito sinasadyang gulatin ang magandang doktora. “Ako po si Kaloy. Isa po ako sa mga gwardya sa ospital na ito. Pasensya na po, Ma’am. Nagulat ko po yata kayo.”Umiling s’ya at pilit na ngumiti. “No, it’s okay. May iniisip din po kasi ako kaya siguro hindi ko kayo napansin,” wika n’ya.“Kayo po ba si Doktora Gomez?” Halos map
Magbasa pa
Kabanata 2
HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Claire sa nangyari. Natatandaan pa n’ya ang salitang binitawan sa gwardya bago n’ya pinuntahan ang pasyente sa Room 213.Mukhang kinain n’ya rin ang kanyang sinabi dahil nakita na lang n’ya ang sariling sumasagot sa halik ng lalaki kahapon. Kung hindi pa siguro dahil sa tunog na nilikha ng pager ng ospital ay hindi magigising sa kapusukan ang doktora. Hindi na rin naman s’ya pinigilan nito nang kumalas s’ya sa halik at umalis.Wala sa sariling hinawakan ni Claire ang mga labi. Sariwa pa rin sa kanya ang lambot ng mga labi ng binata. Ngayon ay naiintindihan n’ya na kung bakit pumatol ang mga doktor sa pasyente.Wala ka na kasi talagang takas oras na mahulog ka sa alindog ng binata.“Claire?”Parang hibang na nabalik sa reyalidad ang dalaga nang marinig ang pagtawag ng kanyang Tito Alfred. Agad n’yang binura ang kapilyahan sa isip at bumangon sa kama. Ang pagtawag kasi ni Alfred ay hudyat na handa na ang almusal nila.Hindi nga nagtagal ay
Magbasa pa
Kabanata 3
SALUBONG ang kilay habang nakatingin sa kawalan ang banas na si Claire. S’ya ang sikayatris pero mukhang s’ya pa ang mas masisiraan ng bait.Hindi n’ya matanggap na naloko na naman s’ya ng baliw na pasyente at nakuha pa s’ya nitong dalhin sa kama. Nag-init ang magkabilang pisngi ng dalaga nang maalala ang pagnginig ng katawan sa ilalim ng pasyente bago ito nailayo sa kanya.Nahihiyang nasapo ni Claire ang mukha.“Nakakahiya!” parang batang hiyaw n’ya at ilang ulit na sinipa sipa ang paa.Ano na lang ang mukhang ihaharap n’ya sa pasyente n’ya? Sigurado s’yang naramdaman nito ang pagresponde ng katawan n’ya sa makasalanang ginawa nito.Kung hindi pa dahil kay Kaloy na agad rumesponde ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya. Hiniwalay kasi nito ang pasyenteng nakaibabaw sa kanya at sinuntok sa mukha. Nakangisi lang naman na pinunasan nito ang dugo sa labi na lalong kinaasar ng gwardya. Lalo tuloy itong nagwala at kinailangan pang awatin ng mga kapwa gwadya.Hindi n’ya maiwasang huwag
Magbasa pa
Kabanata 4
PALAISIPAN pa rin kay Claire ang babala ni Kaloy sa kanya kagabi. Tatanungin pa sana n’ya kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit mabilis na itong pumuslit paalis nang marinig ang papalapit na mga katrabaho.Tinanong pa s’ya ng mga ito kung bakit s’ya nasa likod ng restaurant pero mas minabuti na lang n’yang ilihim ang nangyari.Sa isip-isip n’ya ay baka kinain lang ng galit ang gwardya kay Luca dahil ito ang dahilan ng kanyang pagkasisante. Mukhang nasali pa nga sa gulo ang gwardya dahil sa mga pasa at sugat nito sa mukha. Mukhang hindi naging maganda ang pagtanggap ni Kaloy sa nangyari. Wala pang isang araw ay sinisira na agad nito ang kanyang buhay.“Claire?”Nilingon ng dalaga ang lalaking tumawag sa kanya. Walang iba kundi ang kanyang Tito Alfred. Umupo ito sa bangkong kaharap ng kanyang kama.“Are you still mad at me?” malambing na tanong nito sa kanya. Humaba ang nguso ng dalaga at masungit na nag-iwas ng tingin sa matanda. “I’m sorry, pamangkin. I was just worried about you.”
Magbasa pa
Kabanata 5
“Get out of here now!” mariing utos ni Claire sa dalawang nars na tulalang nakasalampak sa sahig. “I’m calling the police. Bring her outside.” Tiningnan n’ya ang nars na kausap kanina. Nanlalambot naman nitong tinulungan itayo ang kanyang kaibigan.Agad pinindot ni Claire ang emergency button sa silid. Mabibilis ang bawat hinga n’ya habang tinatawagan ang numero ng malapit na police station.Hindi lang ito basta-basta simpleng pagkamatay. Sigurado s’yang hindi natural death ang sanhi ng pagkamatay ng pasyente dahil sa bakas ng kamay nito sa leeg. Malaki ang paniniwala n’yang pinatay ang pasyente.“Hello?... This is Hope Psychiatric Hospital. We have a situation here… I—I don’t know… I’m not sure, but it could be murder… P—Please, come fast. The culprit couldn’t have gone far…”Mabilis ang tibok ng pusong napatingin ang doktora sa pasyente.Sino naman ang papatay dito?“Claire!” nag-aalalang tawag ng mga katrabaho. Agad nilang niyakap ang ninenerbyos na dalaga. “What happened here?” ta
Magbasa pa
Kabanata 6
"PAKAWALAN MO AKO NGAYON DIN!" matapang na sigaw ni Claire sa kabila nang kanyang pagkakapos sa upuan. Kung umasta ito ay parang may kakayahan s'yang sunggaban ng suntok ang lalaki. "H'wag mo 'kong subukan. Baka gusto mong sa 'yo ko i-apply ang mga natutuhan ko sa Karatedo," naghahamong dagdag pa nito na lalong nagpalawak ng ngisi ng lalaki. "This is exactly why I like you, Doctor Claire. You're fearless," mapang-akit na saad ni Luca. Bahagyang natahimik ang babae sa narinig. Sa loob-loob n'ya ay, 'Ano kaya ang dahilan at dinala s'ya nito dito?' Pinagmasdan ni Claire ang paligid. Isang malinis at malaking silid. Sa palagay n'ya ay ito ang kwarto ng lalaking nakaupo sa harapan n'ya ngayon."What do you want from me?" masama ang tingin na tanong ng doktora sa lalaki. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Luca. "You... I want you."Lalong sumama ang tingin ni Claire sa lalaki.Gusto s'ya nito? Bakit? Ano ba s'ya? Isang bagay na kapag nagustuhan ay p'wedeng kuhanin na parang larua
Magbasa pa
Kabanata 7
NAWALAN ng pag-asa ang kaninang pursigidong makatakas na si Claire. Diretso n'yang tiningnan sa mata ang matandang akala n'yang tutulong sa kanya. Ito pa pala mismo ang maghahatid sa kanya sa kaaway."Thank you, Manang Rosita. I'll make sure you'll get rewarded for this," seryoso ngunit bakas ang paggalang na wika ni Luca sa matandang matamis na nakangiti sa kanya."Walang anuman po iyon, Senyorito Luca."Wala sa sariling nahilamos ni Claire ang mukha. Unti-unti na n'yang naiintindihan kung bakit s'ya hindi pinansin n'ong unang dalawang babaeng hiningan n'ya ng tulong at kung bakit tinaraydor s'ya ni Manang Rosita. Lahat sila ay nagtatrabaho para kay Luca."Take her..." malamig na utos ng Mafia Leader. Wala nang nagawa si Claire nang hablutin ng dalawang lalaking kasama ni Luca ang kanyang dalawang kamay. Maarte pa s'yang dumaing dahil sa diin ng kapit ng mga ito sa maliit na braso n'ya."Aray ko naman!" masungit na reklamo n'ya.Nakarating naman ito sa Mafia boss na hindi rin gusto
Magbasa pa
Kabanata 8
RINIG sa buong malawak na hardin ang tugtog ng mga musikerong may hawak na violin. Kapansin-pansin din ang mga babaeng maninipis ang suot at nagse-serve sa mga bisita.Puno ng mga taong halatang may mga kapangyarihan at nakaaangat sa buhay ang party. Bawat isa sa kanila ay may mga glass of champagne sa kamay na ipinamamahagi ng isang waiter. Isang matamis na ngiti ang ibinati ni Luca sa mga bisita. Magiliw nitong pinakisamahan ang mga bisitang tinatawag n'yang ally."I'm proud of you, iho."Natutuwang tinapik ng isang matandang lalaking may gintong ngipin si Luca sa balikat. Kinamayan pa nito ang binata na maluwag naman nitong tinanggap. "It's a good thing to settle at a young age, Iho. You don't know when will be your last day on Earth," hirit pa nito at saka nagpakawala ng malakas na tawa na sinabayan naman ng mga kasama nito. Nanatiling tahimik at nakangiti si Luca.Hindi maalis sa isip n'ya ang pasuway na doktora.Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon?NAGTATAKANG pinagmasdan ni
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status