Share

Kabanata 6

"PAKAWALAN MO AKO NGAYON DIN!" matapang na sigaw ni Claire sa kabila nang kanyang pagkakapos sa upuan. Kung umasta ito ay parang may kakayahan s'yang sunggaban ng suntok ang lalaki. "H'wag mo 'kong subukan. Baka gusto mong sa 'yo ko i-apply ang mga natutuhan ko sa Karatedo," naghahamong dagdag pa nito na lalong nagpalawak ng ngisi ng lalaki. 

"This is exactly why I like you, Doctor Claire. You're fearless," mapang-akit na saad ni Luca. 

Bahagyang natahimik ang babae sa narinig. Sa loob-loob n'ya ay, 'Ano kaya ang dahilan at dinala s'ya nito dito?' Pinagmasdan ni Claire ang paligid. Isang malinis at malaking silid. Sa palagay n'ya ay ito ang kwarto ng lalaking nakaupo sa harapan n'ya ngayon.

"What do you want from me?" masama ang tingin na tanong ng doktora sa lalaki. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Luca. 

"You... I want you."

Lalong sumama ang tingin ni Claire sa lalaki.

Gusto s'ya nito? Bakit? Ano ba s'ya? Isang bagay na kapag nagustuhan ay p'wedeng kuhanin na parang laruan? 

"Pakawalan mo 'ko... Hinding-hindi ako magiging sa 'yo!" sigaw ni Claire at dinuraan pa ang kausap.

Napapikit si Luca sa ginawa ng doktora. Sarkastiko s'yang napatawa at marahas na pinisil ang pisngi ng babae. "You want to play it nasty? Don't push me." Bakas ang pagbabanta sa bawat mariing salitang ibinigkas ng Mafia Leader. Hindi naman nagpatinag si Claire at sinalubong pa ang nag-aapoy na mga mata ng lalaki.

Bumaba ang tingin ni Luca sa mapulang labi ng doktora na tila iniimbita s'yang halikan ito. 

Isang pilyong ideya ang pumasok sa isip ng lalaki. Hinila n'ya ang mukha ni Claire palalapit sa kanya at sinunggaban ng halik ang dalaga. Agad namilog ang mata ni Claire sa gulat.

"Ahmmp!" d***g nito at buong pilit na nagpumiglas sa kabila nang mahigpit na pagkakatali ng kanyang mga kamay. "Anohmpp Bahhh..." Hindi s'ya binitawan ng lalaki at mas lalo pang nilaliman ang paghalik.

Unti-unting bumigay ang dalaga sa suwabeng paghalik sa kanya ni Luca. Nakita n'ya ang sariling sumasagot sa mga halik nito. Nang lumayo pa nga ang lalaki ay hinabol pa n'ya ang mga labi nito kaya muling ipinagdikit ni Luca ang kanilang mga labi.

Nasa kalagitnaan sila nang umiinit na halikan nang biglang magbukas at pinto at iniluwa ang kanang kamay ni Luca na si Will. Agad itong napaiwas ng tingin at akmang aalis ngunit huli na ang lahat. Naistorbo na nito ang amo at ang doktora.

"Sorry, Sir." Tumungo ang lalaki at kinakabahang naghintay sa magiging reaksyon ng amo. 

Blangko lang s'yang tinapunan ng tingin ni Luca bago ikinumpas ang kamay nito na nangangahulugang sabihin na ang dahilan nang kanyang pagpunta. Itinaas ni Will ang kanyang ulo at pormal na inihatid ang kanyang balita.

"Handa na po ang lahat para sa engagement party ninyo."

Binasa ni Luca ang labi at ngumisi sa dalagang nagtatakang nakatingin sa kanya. Wala itong kaalam-alan sa kanyang binabalak. Kung ano ang tunay na dahilan nang pagdala nito sa kanya. 

"Don't worry. You'll know the reason why I brought you here in a few moments," mababang boses na saad nito. Sinenyasan n'ya ang kanang kamay na kalagan ang doktora. Agad naman itong sumunod at marahang tinanggal ang kanyang gapos.

"Follow me and don't try to do anything stupid. I got my eyes on you everywhere."

Napalunok si Claire sa sinabi ni Luca. Isa ba iyong pagbabanta? 

Lumabas nga ng silid si Luca at tinulungan naman s'ya ni Will na itayo ang nanlambot na n'yang tuhod dahil sa tagal nang kanyang pagkakaupo. Sinundan nila ang lalaki. 

Doon lang nagkaroon ng pagkakataon matitigan ni Claire ang malapad na likuran ni Luca. Kahit sinong babae yata ay mabibighani sa maskulado nitong katawan.

Sinulyapan ni Claire ang kanang kamay nitong si Will. Tahimik lamang itong nakabuntot sa kanya.

Iginala ng doktora ang mata sa buong paligid. Bahagyang umawang ang kanyang bibig sa nakitang mga mamahaling chandeliers at artworks. May iilan ding mga vases na mukhang malaki ang halaga.

Ang sementong kanilang nilalakaran ay mayroong red carpet. Para tuloy silang nasa palasyo.

"Will..." tawag ni Luca. Agad namang lumapit ang lalaki sa amo. 

Sa isip-isip ng dalaga ay ito na ang pagkakataon n'ya para tumakas. Mabilis n'yang iginalaw ang mga paa para sa isang mabilis na pagtakbo. Hindi na s'ya nag-atubling lingunin kung s'ya ba ay hinahabol o hindi. Mas mahalagang makalayo muna s'ya.

Walang suot sa paang lumabas ng malaking mansyon ang doktora. Tagumpay s'yang napangiti nang makitang walang bantay ang gate. Agad s'yang tumakbo patungo roon.

"Tulong!" malakas na sigaw n'ya at winagayway ang kamay para kuhanin ang atensyon ng mga nagdaraang mga tao. "I was kidnapped. Please, tulungan n'yo akong makapunta sa police station. M—May kriminal doon!" hinihingal na saad n'ya at itinuro ang malayong mansyon na kanyang tinakasan.

Walang reaksyon s'yang pinagmasdan ng dalawang babaeng tinawag n'ya. 

"A—Ate? I need your help..." ulit n'ya ngunit parang wala silang narinig at walang paalam na umalis.

Naiwang puno ng pagtataka si Claire. 

"Kailangan mo ng tulong?" 

Napatingin si Claire sa matandang babaeng nagsalita sa gilid n'ya. Agad s'yang tumango at nanginginig pang itinuro ang daan patungo sa mansyon.

"K—Kailangan ko po ng phone. Kahit ano. I just need to call the cops."

Tumango ang matandang babae. Bumaba ang tingin nito sa mga paa n'yang walang sapin.

"Sumama ka muna sa akin. Bibigyan kita ng damit at sapin sa paa," nakangiting saad ng matanda sa kanya. Kinakabahan pang sinulyapan ni Claire ang mansyon bago nagdesisyong tuluyang sumama sa matanda.

"S—Salamat po."

TAHIMIK na nakaupo sa sopa ng bahay ng matanda ang doktorang si Claire. Bakas ang pagkabalisa nito at tila pagod na pagod na.

Kanina pa n'ya hinihintay ang pagbabalik ng matanda. Ang pangako kasi nito ay dadalhan s'ya ng selpon pero ano'ng oras na at wala pa rin ito. 

Isang puting bestida ang ipinahiram sa kanya ng matanda at makintab na sapatos. 

Nakatulala ang doktora sa sahig nang biglang pumasok ang matanda. Akmang tatayo na sana s'ya para batiin ito nang sumulpot sa likuran nito ang taong kanyang tinatakasan.

Walang iba kundi si Luca.

"I told you, kitten, I've got my eyes on you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status