Share

Chapter Five: Murder

Azura hotel.

Tulad ng nakasanayan na niya sa mga seminars na kanyang dinadaluhan, halos memoryado na niya ang mga naturang topic. It was always the same. Customer services, stock market, sales marketing, product presentation at human resources.

After lunch kanina nag-umpisa, and it lasted for almost five hours. Madilim na ang paligid ng matapos.

"I hope you didn't get bored hearing the same topic in every seminars we attended every year."

Napabaling siya sa tinig na iyon. Nakangiting mukha ng kanilang General manager ang kanyang nabungaran. Tulad niya may bit-bit din itong plato na may lamang pagkain.

After the seminars, they had a buffet for dinner. Courtesy of the hotel.

"Hindi naman po sir, natutuwa nga po ako dahil marami akong nakakahalubilong mga tao sa ganitong mga pagtitipon. Nadadagdag ang mga nalalaman ko sa kanila."

"Iyan ang gusto ko sayo iha, you are always positive. You never see this as boring and dull like what the others think of it. You are also honest and so dedicated to your work, mga bagay na hindi ko nakitaan sa mga tulad mong empleyado ng mall. They are just after the salary and the benefits. Well, hindi ko naman nilalahat." He chuckled. "Some are still loyal and dedicated."

Tumingin ito sa kanyang pinggan. "Tapos ka na bang kumuha ng pagkain?"

Sinundan niya ang mga mata nito sa kanyang plato.

"Ah, oho sir.."

"Then why don't you join us? May ipapakilala ako sayo. Come-on.."

Tatanggi pa sana siya pero bago niya iyon naisatinig ay nilagpasan na siya nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod rito.

Pero dagli ring napatigil ng makita ang babaeng nasa mesa kung saan ito huminto. Ito yung babaeng hinangaan niya kanina na poise and very confident habang nagsasalita bilang guest speaker.

Kumunot ang kanyang noo. The woman looks familiar, ngayon na napagmasdan niya ito ng malapitan. Parang nakita na niya ito dati.

"Amanda.."

Bumaling ito.

"Manolo.." she said. Ang mga mata ay nasa kanya.

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito ng mapagmasdan siya.

"This is Aleia Andrade, siya yung ikinukwento ko sayo. Lei, this is our very own, Amanda Leviste."

Ang mga mata niyang nakatingin rito ay biglang nanlaki. Now she knows why she looks familiar. Dahil ito lang naman ang CEO ng mall na kanilang pinagtatrabahuhan.

She never thought that she'll meet her here.

Sa anim na taon niyang pagtatrabaho sa mall, iisang beses niya pa lang yata niya itong nakita, at sa malayuan pa.

"G-Good evening po ma'am." Agad niyang bati. Bahagya pa siyang yumuko.

Nang ngumiti ito ay lihim siyang nakahinga ng maluwag. There are rumors circulating that Amanda Leviste was known to be a snob and very strict.

"Good evening too miss Andrade. It's nice meeting you here. Manolo tells me so much about you."

Napatingin siya sa katabi saka alanganin na ngumiti.

"Puring-puri ka niya." Dugtong pa nito.

"She's really a hardworking girl Amanda.

"Hmm.. I can see that." Ngiti nito. "Come iha, join us."

Alanganin siyang ngumiti. Kung hindi nga lang nakakahiya ay magpapaalam na siya sa mga ito at lumipat nalang sa ibang mesa. But then, inunahan na siya ng hiya. Wala siyang nagawa kundi ang manatili.

"Manolo here recommend you for his position once he retire next year, I know you already heard about it, dahil sigurado akong sa sandaling ito ay usap-usapan na iyon sa buong establisyimiento. Sabi niya ikaw ang karapat-dapat na papalit sa kanya dahil--"

"Pasensiya na po ma'am Amanda," Agad niyang putol sa sinasabi nito saka bumaling sa butihing manager. "Sir Manolo, maraming salamat po sa tiwala, pero wala po akong balak na tanggapin ang posisyong iyon. Mas may nakakahigit po sa akin at karapat-dapat. At saka, hindi pa po ako handa. Marami pa akong dapat na matutunan bago makarating sa posisyong iyon sir."

Amanda Leviste raised her brows. "You're so humble miss Andrade, bihira lang ang mga tulad mo sa panahon ngayon. Kung sa iba siguro inoffer ang posisyong iyon baka nagtatalon na sa saya. Ngayon alam ko na kung bakit pinili ka ni Manolo."

"Hindi pa lang po talaga ako handa ma'am."

Tumango-tango ito. "Let's just wait and see, mahaba pa ang isang taon. Simula ngayon, ako mismo ang huhusga kung hindi nga ba nagkakamali si Manolo sayo."

Kapwa silang napa-angat ng tingin rito.

"What do you mean Amanda? Sinasabi mo bang hindi ka na babalik sa Amerika? Are you staying here for good?"

"I can't rely on you forever right?" Taas kilay nitong tanong, pero naka-angat ang gilid ng labi.

Hindi siya sigurado, pero parang nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni manager Manolo ng marinig iyon mula sa ginang.

"I'm happy to know that you're staying here for good. But how about your--"

"I'm fine now, and healthy. Don't worry.."

The old man smile. Mula sa kislap ay pumungay ang mga mata nito.

Ang sumunod na usapan ay hindi na siya naging kumportable, so she excuse herself to go to the ladies room. Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag.

Nang bumalik siya ay wala na ang mga ito sa mesang iniwanan niya sa mga ito kanina. Ewan niya, pero gumaan ang kanyang paghinga ng mapagtantong umalis na ang mga ito. Being with the CEO and owner of the mall for the first time tila siya kinakapos ng hininga. Buong oras kanina ay wala siyang ibang naramdaman kundi ibayong kaba. Not that she was afraid, but Amanda Leviste was so intimidating, lalo na sa paraan ng pagtitig na ginawa nito sa kanya, na tila ba isa siyang specimen sa isang science laboratory.

She don't know why she did that, pero sa ginawa nitong iyon mas lalo lang siyang hindi naging kumportable.

Napagpasyahan niyang maglakad-lakad muna sa labas para magpahangin. Maaga pa naman at gusto niyang sulitin nalang ang gabing naroroon siya sa Tagaytay para mag night viewing sa taal lake.

Bilang representative sa dinaluhang seminars ay libre rin ang kanilang suite hanggang bukas ng hapon. Ibig sabihin niyon may panahon rin siya para mamasyal bukas bago siya bumalik ng Manila.

A smile rose at the corner of her lips as she roam on that busy road. Ito ang gusto niya kapag siya ang ipinapadala sa mga seminars of conferences dahil nagkakaroon siya ng panahon para mamasyal na hindi na niya nagagawa dahil sa hectic ang kanyang schedule sa trabaho.

Pumikit siya at tumingala sa langit habang sinasamyo ang preskong hangin na tumatama sa kanyang mukha.

Ah, this is life...

She never had the chance to enjoy this kind of peacefulness for she grew up in an orphanage. Pagkagraduate niya ng highschool ay nagtrabaho naman siya para suportahan ang pag-aaral. And when she graduated from college ay agad naman siyang naghanap ng trabaho.

At kahit noong nagtatrabaho na siya ay hindi pa rin niya nagawa ang mag-travel. Not unless she was assigned by the company to attend seminars like this.

She heave a deep breath as she felt the cool breeze blown on her face.

Mas magiging masaya sana kung magkasama sila ni Meredith doon ngayon, but since she is also busy with her work as a fashion designer kaya hindi na ito nagawang sumama.

Nagpatuloy siya sa paglakad-lakad. Huli na ng mapansin niyang napalayo na pala siya. Wala na rin siyang nakasasalubong na mga tao. At sarado na rin ang iilang establisyimiento sa paligid.

She roam her eyes around, and on the street around her. Hindi na niya matandaan kung alin doon ang daan pabalik sa hotel.

Biglang dumagundong ang kaba sa kanyang dib-dib. Oh God... She was lost!

Dali-dali niyang binuksan ang dala niyang pouch saka kinuha ang kanyang cellphone.

"Shit!"

Napamura siya ng makitang naghihingalo ang baterya non. One percent.

Oh Lord please..

Tiim siyang nagdasal na sana makakatawag pa siya.

She immediately look for the hotel's phone number on her phonebook saka di-nial iyon, pero imbes na ring ang marinig niya, ang tunog ng pagkakaubos ng baterya ang kanyang narinig.

"Oh fuck!" Wala na siyang nagawa kundi ang muling mapamura. Her phone was totally black out.

Ini-angat niya ang mga mata. Sa di kalayuan ay kita niya ang tayog ng hotel, but it was a bit far away from her sight.

She look at the road around her. Isa ang nasa kanyang harapan, may isa sa gilid at dalawa sa bandang kanan.

Inikot niya ang mga mata, nagbabaka-sakaling may makakita siya ng pwedeng mapagtanungan, may nakakita naman siyang bulto ng dalawang tao, ngunit malayo iyon sa kinaroroonan niya. Isa pa tila nagmamadali ang dalawa dahil sa biglang pagkulimlim ng panahon.

Nagmamadali nalang niyang tinahak ang daan sa kanyang harap. Wala naman siyang natatandaan na lumiko siya habang naglalakad kanina, kaya malamang doon siya nanggaling.

Mas lalo siyang kinabahan ng makitang puro naglalakihang mga punong kahoy sa gilid ng daan ang kanyang nasilayan sa dulo ng daang iyon.

Muli niyang inikot ang mga mata. It seems that she was at a park. An abandoned park.

"Tuluyan na natin ang traidor na iyan Boss!"

Napabaling siya sa pinanggalingan ng boses na iyon para lamang manindig ang balahibo nang makita ang isang grupo sa loob ng abandonadong parke.

There are maybe six silhouette, hindi niya maaninag masyado dahil gahibla nalang ang liwanag na tumatama doon mula sa ilaw ng poste sa daan.

"Walang lugar ang traidor sa samahan! Sa umpisa palang ay alam mo na ang patakarang iyon!"

"B-Bigyan ninyo ako ng isa pang pagkakataon.. Hindi ko naman kagustuhan ang nangyari. Napilitan lang akong gawin iyon dahil hawak nila ang kapatid ko." Halos magmakaawaang sabi no'ng taong pinapalubutan ng grupo.

Sa tulong ng kaunting liwanag ay nakita niya ang ayos nito. The man was on his knees with blood all over his face.

Mariin siyang napalunok. Her whole being is shivering as she realized what was infront of her. Ramdam niya ang biglang pagnginig ng kanyang mga tuhod.

Hindi niya mahanap sa isip ang tamang gawin ng mga sandaling iyon. She was shocked and at the same time so scared.

Ilang segundo din ang lumipas bago niya nahanap ang sarili. Dahan-dahan siyang inihakbang ang mga paa paatras. Kailangan niyang umalis sa lugar na iyon bago pa mapansin ng mga ito ang presensiya niya.

"Anong impormasyon ng grupo ang ibinigay mo sa kanila?"

Napahinto siya ng marinig ang boses na iyon, saka napakunot-noo. The voice was familiar to her.

"Sinabi mo ba ang tungkol sa darating nating shipment?"

"M-Maniwala kayo Boss, wala akong sinabing--"

Hindi niya alam kung anong nangyari, nakita niya nalang na mula sa pagkakaluhod ng lalake ay bigla nalang itong humandusay.

Sa harap nito ay nakatayo ang isang bultong pamilyar na pamilyar sa kanya. Hawak nito sa kamay ang isang baril na umuusok pa ang dulo.

She didn't hear a gunshot, but she was sure that he shot the man.

Her heart is screaming in horror at at para hindi iyon umalpas sa kanyang lalamunan ay napatutop siya ng bibig. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang ugat sa kanyang katawan.

"Siguraduhin ninyong walang maiiwang bakas mula sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?!"

"Areglado Boss!"

Wala sa sariling muli siyang napaatras, ngunit hindi sinasadyang natapakan niya ang isang plastic bottle sanhi para gumawa niyon ng ingay.

"Boss may tao!"

Narinig niyang sigaw nung isa.

She saw how they darted their eyes on her direction, pati na rin ang lalakeng tinawag ng mga ito ng Boss.

Madilim man ang paligid ay hindi pa rin iyon naitago ang mukha ng lalake. Ang mukhang kilalang-kilala niya.

'Aries...'

Hindi niya alam kung nagawa niya pa iyon sambitin bago niya natagpuan ang sarili na tumatakbo sa tila walang hanggang daan na iyon. Tigmak ang mga mata sa luha at nanginginig ang katawan sa gulat at matinding takot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status