Halos magkanda-tapilok siya habang tumatakbo pero wala na siyang pakialam pa. She was breathless, but she knew, she can't stop, dahil sa sandaling gawin niya iyon, tiyak katapusan na niya.
She run as fast as she could in the hope of saving her life. Hindi siya lumilingon pero alam niya nakasunod sa kanya ang mga kalalakihang iyon, at marahil pati na rin si Aries.Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan. Of all people, bakit siya pa ang kailangang makasaksi ng ganoong krimen? And of all people, bakit si Aries pa?Hindi kaya namalikmata lang siya? She knew him for more than a year now, hindi ang klase ni Aries ang gagawa ng ganoong karumal-dumal na krimen. He was a good person. Sa loob ng halos isang taon nila bilang magkasintahan, hindi niya ito nakitaan ng pagiging bayolente, ni wala siyang nabalitaan na ano mang karahasan na ginawa nito sa loob ng taong iyon. He's friend with anyone at the mall who knew him, pati na rin sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito.So how's possible that he's the man she saw earlier?Pero imposible nga ba iyon? Yes, she knew him, pero hindi naman lahat sa buhay nito ay alam niya. Hindi nga ba at hiniwalayan niya ito dahil nalaman niyang may asawa pala ito sa Cebu? And in their almost a year relationship, hindi siya nito naipakilala sa mga magulang nito o mga kamag-anak. She never heard of him asking her to go to Cebu with him kung saan naroroon ang mga ka-anak nito.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala talaga niya ito kilala.Nagpatuloy siya sa pagtakbo, hindi na rin niya alintana ang pagkakatanggal ng isa niyang sandalyas. Hinayaan na niya iyon at hindi na nilingon pa. At para wala ng sagabal ay iniwan na rin niya ang isang pares. She run barefooted, at wala na ring pakialam kung magkandasugat-sugat ang mga paa sa mga matutulis na mga batong kanyang natatapakan.She wanted to scream help, nagpalinga-linga pa siya para maghanap ng posibleng paghingan niya ng tulong, pero ganoon nalang ang panlulumo niya ng makitang walang katao-tao sa paligid.Saang lupalop ba siya ng Tagaytay naroroon?Mabuti nalang at medyo madilim ang paligid at itim ang bestidang kanyang suot, nakatulong iyon para hindi siya maaninag ng mga humahabol sa kanya ng magkubli siya sa isang tila container van.She was wet in sweat, kung dahil ba iyon sa takot o dahil sa ginawa niyang pagtakbo ay hindi na niya alam. Marahil pareho."Hanapin ninyo! Hindi pa iyon nakakalayo!"Napatutop siya ng bibig. Pigil na pigil niya ang pag-alpas kahit ng kanyang paghinga. Ang pawis at ang kanyang mga luha ay magkasabay na tumutulo sa kanyang pisngi."Huwag kayong titigil hangga't hindi ninyo nakikita! At kapag nakita ninyo patahimikin ninyo agad! Ang ayaw ko sa lahat ay yung nabubulyiyaso!"Dinig na dinig niya ang utos na iyon ng taong hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin kayang tanggapin ng puso't isip niya na kaya nga nitong gawin ang kasamaang iyon.If it was really Aries, would he'll have a second thought if he found out that it was her?Maybe, but maybe not too.Nanghihinang napadausdos siya sa konkretong sahig saka nagpalinga-linga. Saka pa lang niya napansin na nasa isang pier na siya. At puro mga malalaking cargo container ang kanyang nakikita.Napasiksik pa siya lalo sa gilid ng maramdaman ang paparating na mga yapak. She was trembling and her heart is almost at her throat. Tinawag na yata niya ang lahat ng mga santong kilala niya para iligtas siya.Nang marinig na halos nasa likod nalang niya ang mga yapak ay napilitan siyang tumayo. She can't stay there any longer dahil sigurado, makikita siya ng sino mang iyon na paparating.For sure, it will be the end for her if that happened.Para hindi makagawa ng kahit maliit na ingay ay dahan-dahan niya lang inihakbang ang mga paa papunta sa kabilang bahagi. She was praying so hard that at the end of that alley there was someone she can asked for help.Nang makalabas siya sa umpukan ng mga container na iyon, ay walang lingon-lingon siyang tumakbo."Naroon siya!"Narinig niyang sigaw. And after hearing that, she run more until she found herself at the dock.Lumingon siya at nakita niya ang iilang anino sa pagitan ng mga cargo container kaya bago pa siya makita ng mga ito ay walang alinlangan na siyang tumalon sa isa sa mga bangkang nakadaong sa pangpang saka agad na nagkubli sa isang gilid."Sigurado ka bang dito tumakbo?""Oo..""Hanapin ninyo! Kung kinakailangang halughugin ninyo ang bawat sulok gawin ninyo! Hindi siya pwedeng makawala!"Dinig na dinig niya ang mga iyon mula sa kanyang kinukublihan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang mga ito na masusing naghahanap sa bawat sulok ng mga container. Yung isa naman ay pasilip-silip sa mga bangkang nakadaong doon sa pangpang."Boss may hinahanap po ba kayo?"Narinig niyang may nagtanong. Bahagya niyang ikiniling ang ulo para sumilip. And she saw two guards infront of..Napapikit siya... Aries.Nang muli niyang binuksan ang mga mata ay siya namang pagkita niya na tila may ini-aabot ito sa dalawang guwardiya kasabay ng pagbulong.With the light around, she was sure now, that it was really him.Bitterness and pain suddenly crossed her heart. Napakasakit isipin na ang taong inalayan niya ng kanyang puso, at pinangarap na makasama habang buhay ay ganito pala ang tunay na pagkatao.Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob ng umalis sa kanyang pinagkukublihan sa kabila ng may nakita siyang guwardiya. With what she saw, baka katulong na rin ang mga ito sa paghahanap sa kanya. Either Aries paid them or brainwashed them.--LEVIN--Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao matapos na ibaba ang kanyang telepono. He was in raged after receiving that call from Meynard. His assistant.Mariin niyang hinampas ang manibela ng yate na kanyang minaneho. His eyes show no mercy. Sisiguraduhin niyang maniningil siya sa kanyang pagbabalik.Umalis siya sa harap ng manibela at humakbang papunta sa mini wine bar. Kinuha mula doon ang isang bote ng alak at nagsalin sa isang kopita pagkunwa'y dire-diretso iyon dinala sa kanyang bibig. The glass was empty in one shot.Nagsalin siya ulit, at muli ay inisang lagok iyon. Naka apat na shot siya ng inihakbang ang mga paa papunta sa pinto, his face was dark as the night.He went directly on the yacht railing. Naglabas ng sigarilyo at lighter.Sisindihan na sana niya iyon ng makarinig ng isang ungol."Hmm.."He ceased his brows and turn around.But he didn't saw anyone. Maybe it was just the wind."Hmm.."Muli na naman niyang narinig ang ungol na iyon, and it was of grunt of a woman.Doon na siya naalarma. Mukha yatang hindi siya nag-iisa sa kanyang yate.Sinundan niya ang pinagmumulan niyon. He ended on the back of the yacht.There he saw the woman. Nakasandal ang katawan nito sa gilid ng pader ng yate, nakapikit ang mga mata at yakap ang sarili.He came much closer, saka tiningnan ang mukha nito, and when he finally see her face, his mouth drop open.Ang babaeng halos tatlong linggo na niyang hinahanap, ano ang ginagawa nito doon sa kanyang yate?Authors Note:I'm not into sad ending that's why I always write stories with happy one.So here we go again.. another story with a happy ending.Again, thank you guys for the wait, for the support and for the love you gave to this story. It will be forever treasured.Hopefully you'll continue to support my journey in writing.Hanggang sa muli.. Mahal ko kayo..>>>>>>THEY stayed at the hospital for another three days before the Doctor finally allowed them to go home. Maayos na ang kalagayan ni Levin. He's out of danger. Pero siyempre, dahil may fracture ang tuhod nito kaya naka-wheelchair muna ito.Sinalubong sila kaagad ng mga bata pagkabukas pa lamang ng pinto ng Penthouse. "Papa.. Mama.." They happily called. They went directly on Levin and hold him with longing."How are you na po, Papa?" Tanong ni Kiel.Ngumiti si Levin pagkunwa'y ginulo ang buhok nito. "I'm very much fine.. I'm happy to be back home. Hindi ba kayo nagpasaway rito kay Lola Soledad?" He asked and r
It was as if a heavy weight was lifted from her shoulder as she saw him open his eyes. Nang yumuko siya para yakapin ito ng mahigpit at naramdaman ang init ng katawan nito, she knew, he made it. He managed to hold on and be saved.At sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nito ang taimtim niyang panalangin. Sa sobrang saya niya ay napahagulgol siya sa bisig nito. "Ang sama mo... Pinag-alala mo ako ng sobra." Sumbat niya pero mahigpit namang nakayakap rito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-angat ng kamay nito papunta sa kanyang likod. He then caress her back gently."I-I'm fine now. Kaya huwag ka ng umiyak." Paos nitong sambit.Napahikbi siya. "Takot na takot ako.. akala ko talaga, tuluyan mo na akong iiwan."Sabi niya saka ini-angat ang luhaang mukha rito. Halata sa mukha nito ang panghihina pero nagawa nitong marahan na ngumiti.Ini-angat nito ang kamay papunta sa mukha niya saka hinaplos iyon. "B-Bakit ko gagawin iyon, eh alam kong iiyak ka ng ganito? Stop cryi
NANGHIHINA siyang napasandig sa naroroong pinto. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang komosyon ng mga Doctor sa loob ng ICU."300 joules.. clear..!""Clear..!"Pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw na iyon. And rising the electric current to almost it's limit indicates that there's still no sign of him breathing. Tumaas pa iyon sa 320 joules. Umupo na siya doon na takip-takip ang kanyang taynga. Her whole being is shivering. From fear and from pain. Biglang natahimik sa loob ng ICU kaya dahan-dahan siyang tumayo at dumungaw sa maliit na siwang ng pinto.Her eyes widened in fear as she saw the flat line on the electronic machine infront of Levin's bed. Wala man siyang alam sa medisina, ngunit hindi ang bagay na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin ng flat line na iyon. That is.. Levin's heart already stop beating. And the Doctor in charge is already taking his surgical mask. Lumalapit dito ang isang nurse na may dalang notepad. Iisa lang ang ibig sabihin niyon..Sumuko na an
She's in histerics. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat. Naginginig sa matinding takot. The blood on Levin's chest is still gushing. And he's unconscious. Mahigpit niyang hawak ang nanlalamig nitong kamay. Her tears were blinding her. Ini-angat niya ang duguang kamay nito at dinama sa kanyang mukha."Please.. please.. don't do this to me Lev. Alam mong hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo ako." She begged with trembling voice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang ambulansiya, nakahiga ito sa stretcher habang siya ay nasa gilid nito. Sa kabilang gilid naman ay naroroon ang dalawang medic. One is monitoring the oxygen, at ang isa naman ay ikinakabit nag dextrose.Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi, umalingawngaw sa daan ang sirena ng ambulansiya na kinalululan nila. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver, halos paliparin na nga iyon, at hindi na alintana ang mga parte na daang may lubak, pero para sa kanya, mabagal pa rin iyon. She wanted to reach the h
Pagkarinig sa sinabi na iyon ng tao ni Miguel, ay napangisi ito. Isang ngising nagpatindig sa kanyang mga balahibo sa katawan."O di ba sabi ko, kusa niya akong hahanapin?" He said. Kung sa kanya o sa mga kasama nito ay hindi niya alam. Maybe to the both of them. Mariin siyang napalunok habang tinatanaw ang ginagawa nito sa baril nito. Wala ni katiting siyang pagdadalawang isip na nakikita sa mga mata nito. All was in his eyes is darkness and the hatred he have for Levin. "Pakawalan mo ako dito, Miguel!" She hissed and tried to struggle. Gustong-gusto niyang makawala para takbuhan ang kinaroroonan ni Levin ngayon. To give him warning, to run away with him far from that place. To escaped. Pero dahil nakatali siya ay hindi niya magawa. Nanatili na lamang sa kanyang isip ang kagustuhang iyon."Huwag kang mag-alala mahal kong kapatid, pakakawalan naman kita eh. Pakakawalan kapag napatay ko na si Levin.." Matigas at madilim nitong sabi.She shiver at that thought. Hindi iyon pwedeng m
Marahan at walang ingay siyang lumabas mula sa kinakukublihang gilid ng makitang dumating na ang kanyang pakay.Sumisipol pa ang lalake habang ibinabababa ang hawak na baril sa mesa pagkunwa'y naghubad ng t-shirt. Inilang hakbang niya ang kanilang pagitan, at naramdaman nito iyon. Tinangka nitong damputin ang ulit ang baril nito, but it was too late. Nasa likod na siya nito at mahigpit ng nakadiin ang kanyang braso sa leeg nito. "Nasaan si Miguel?!" He asked fiercely.Ramdam sa braso niyang nasa leeg nito ang mariin nitong paglunok."L-Lev..." Hirap nitong sambit. Magkagayon man, bakas sa boses nito ang gulat."Tinatanong kita! Nasaan ngayon si Miguel?" "H-Hindi ko alam--ahg!" Daing nito nang mas lalo niyang pang hinigpitan ang kanyang pagkakasakal rito. Nagpumiglas ito, trying so hard to breath. Pero wala itong laban sa kanyang lakas.He was too angry to give even a little bit of remorse.Nang makitang tila hindi na ito makahinga, ay niluwagan niya ng kaunti ang kanyang braso. He