Share

Kabanata 7

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Savannah ang malawak at kulay asul na dagat. Hinahayaan niya ang sariling yakapin siya ng malamig na simoy ng hangin at dumampi sa mga paa niya ang hampas ng alon na nagbibigay sa kaniya ng ginhawa at kapayapaan ng isip. Kanina pa siyang naglalakad sa dalampasigan pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod. Ayaw pa rin niyang bumalik sa Villa dahil alam niyang nandoon si Damon at ayaw niya itong makita dahil alam niyang mas lalo lang siyang maiinis dahil sa ugali nito.

Bumuntong-hininga siya. Hanggang ngayon wala siyang ibang iniisip kung 'di takasan ang kagustuhan ng kaniyang ama kahit alam niya ang kaya nitong gawin. Wala na siyang nagawa noon nang ilayo nito si Grayson sa kaniya at sa pagkakataong ito, hindi na siya papayag na muli na namang hawakan ni Greg ang desisyon niya, lalo't higit tungkol iyon sa pag-aasawa.

"Aren't you getting tired, Savannah? Kung may balak kang tumakas, don't you dare dahil kahit saan ka pumunta, mahahanap at mahahanap kita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
anung ibabayad ni Savannah sa iyo Damon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status