Share

Mafia's Secret
Mafia's Secret
Author: Totoy

Prologue

MABILIS na nag-angat ng tingin ang batang si Jaxon Agnello habang naglalaro, nang pumasok ang kaniyang ama na si Alberto na humahangos na tila ba takot na takot. Namimilog ang mga pawis nito sa noo kaya nagtaka siya.

Bakas ang takot sa mukha nito nang tarantang nilapita siya. "J-Jaxon, bilisan mo, umakyat ka sa taas at magtago ka sa silid mo," nagmamadaling utos nito. Hinawakan nito ang kamay niya at itinayo siya, nabitawan pa niya ang laruang kotse na kanina pa niyang nilalaro.

"Oh, Honey, bakit nandito ka hindi ba't—"

"Huwag ka ng magtanong, bilisan mo. Umakyat ka sa taas, isama mo si Jaxon, magtago kayo. Bilis!" Baling nito sa asawa na si Lucia na kalalabas lang ng kusina dahil kasalukuyan itong nagluluto ng pagkain. Hinila siya nito palapit sa kaniyang Ina.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Lucia dahil sa sinabi ng asawa. Kumunot ang noo nito habang tila nagtatanong ang mga tingin. "Honey, please calm down. Sabihin mo, ano bang nangyari?" usisa nito

Nagusot ang mukha ni Albert na halata roon ang matinding takot at stress. "Please, Lucia, huwag ka nang magtanong, sundin mo na lang ako!" madiin na balik nito. "Bilisan mo na!"

"Dad, ano po bang nangyayari?" nagtataka at kinakabahan nang tanong ni Jaxon habang nakatingin sa ama.

Bahagyang umupo si Albert para pumantay sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikan habang nakarehistro sa mukha nito ang takot at kaba. Tila naluluha na rin ito sa hindi niya malamang dahilan.

"I'm sorry, anak if I failed you." Malungkot itong yumuko. "You always look up on me pero binigo kita. I'm sorry." Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ng kaniyang ama na nagpadurog sa puso niya. Mas lalo lang siyang naguluhan sa mga nangyayari. Pinahid nito ang luha sa mga mata. "Pero palagi mong tatandaan, ano mang mangyari, mahal na mahal kita, Anak." Mabilis siya nitong niyakap nang mahigpit kasabay ng luhang tumulo sa mga mata nito.

"A-Albert, ano'ng bang nangyayari? Naguguluhan ako, bakit ganiyan ka?" naiiyak na ani Lucia habang nakatingin sa mag-ama.

Tumayo si Albert at hinarap ang asawa. "I'll explain everything later, Honey, pero ngayon, iakyat mo muna sa taas si Jaxon at huwag mong palalabasin sa kwarto niya," utos nito at pinagtabuyan na ang mag-ina.

Nasapo ni Albert ang ulo at naisuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri habang bakas ang galit sa mukha nito. "F*ck!" Gusto nitong sumigaw ng malakas pero hindi nito magawa kaya paimpit nito iyong ginawa.

Napuno ng takot at kaba ang buong sistema nito. Bumaling ito sa pinto ng bahay at mabilis na tinakbo iyon para isara ngunit nanlaki ang mga mata ni Albert nang marinig ang tunog ng sasakyang papalapit. Mas lalo itong natakot kaya mabilis nitong sinarado ang pinto pero hindi pa nito iyon tuluyang naisasara, nang bigla iyong tinulak ng mga lalaki mula sa labas at dahil sa impact niyon, natumba ito at napaupo sa sahig.

"Gotcha!" nakangiting sabi ng lalaki na leader ng grupo habang hawak nito ang baril. "Don't try to escape, Albert dahil kahit saan ka pumunta, makikita at makikita kita," galit na sambit pa nito.

Nanlamig ang katawan ni Albert. Ramdam nito ang pagdaloy ng mga pawis sa buo nitong katawan. Napalunok ito. "P-please! H-huwag mo akong patayin, h-hindi ko naman tatakbuhan ang utang na mayroon ako sa inyo. Magbabayad ako pero hindi pa ngayon," pagmamakaawa nito.

Ngumisi ang lalaki habang nakatutok kay Albert ang baril nito at nakatingin rito ang mga lalaking kasama nito. "Sa tingin mo maniniwala pa ako sa 'yo, Albert? Ilang beses ko na bang narinig ang pangakong iyan? You're a traitor, Albert at hindi ka na dapat binubuhay." Kasunod ang pagtunog ng baril na ikinasa nito.

"S-sino kayo?" gulat at puno ng takot na bungad ni Lucia nang madatnan ang asawa na nakaupo sa sahig at nakatutok dito ang baril ng lalaking iyon. "A-ano'ng gagawin niyo sa asawa ko?"

Seryosong binalingan ng lalaki si Lucia, saka ngumisi. "Oh! It seems like your wife doesn't know everything and maybe this is the right time para malaman ng asawa mo ang kagaguhang pinagagagawa mo." Tumawa ito. "I'm wondering if you know what is happening in your company right now. Your company is near to bankruptcy and your husband owes me a lot of money. Nangutang siya ng limang milyong peso at pagkatapos, gusto pa niyang ilaglag ang pamilya ko," galit na pagkwekwento nito.

Nanginginig na sa takot si Lucia at hindi nito alam ang gagawin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nito dahil ngayon lang nito nalaman ang kalagayan ng kompanya ng pamilya nito.

"H-hindi ko po alam kung ano'ng ginawa ng asawa ko pero, please, hu-humihingi po kami ng pasensiya. Magbabayad po kami sa utang namin huwag niyo lang kaming sasaktan," pagmamakaawa nito. Nilapitan ni Lucia ang asawa at agad itong dinaluhan.

Binaba ng lalaki ang baril saka pumamaywang. Ngumisi pa ito at bahagyang kumiling. "Alam mo, Albert pagkatapos ng gagawin ko sa inyo, siguradong bayad ka na sa utang mo sa akin," makahulugang anito.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" takot na tanong ni Albert. "Please, bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon. Huwag mo ng idamay ang pamilya ko, ako na lang," pagmamakaawa nito.

"Pagkakataon? Gusto mo ng pagkakataon?" Umupo ito para pumantay ito kay Albert. "Ok, fine, I'll give you a chance para itakas ang pamilya mo." Kunyari itong nag-isip. "I'll give you a minute para iligtas mo sila at kapag nabigo ka, I'm sorry to tell you this but your life and your family will be the compensation for your debt." Nakakatakot na ngisi ang kumurba sa mga labi nito. "59, 58..." nagsimula itong magbilang.

Agad na nataranta si Albert at Lucia. Halos hindi agad sila nakagalaw pero nang ma-realize ang mga narinig. Mabilis na tumayo si Albert at hinawakan ang kamay ng asawa. Tumakbo silang dalawa paakyat ng hagdan pero agad umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril kasunod ang pagbagsak ni Albert. Napangiwi ito sa sakit at hinawakan ang binti na tinamaan.

"Albert!" tarantang ani Lucia. 

"Hayop ka!" sigaw ni Albert.

Tumawa nang malakas ang lalaki. "I'm sorry, Albert nakalabit ko ang baril, I didn't mean it. Huwag mong isipin na hindi ako marunong tumupad sa sinabi ko, pero hindi pa kita pinapatay and you still have a time para tumakas if you can," hamon nito. "20, 19..." nagpatuloy ito sa pagbibilang

"Let's go, Honey," tarantang ani Lucia. Inalalayan nito ang asawa para tulungang maglakad pero halos pareho silang natutumba dahil sa bigat nito.

"5, 4, 3, 2, 1. Time's up, Albert. I'm sorry pero wala ng chance para sa iyo. Buhay mo at ng pamilya mo ang kabayaran sa utang mo. You're now paid." Kasunod ang magkakasunod na putok ng baril na tumama sa katawan nito.

"Huwag!" sigaw naman ni Lucia kasunod ang pagbagsak nito sa sahig. Kapwa nahandusay ang mag-asawa sa sahig na wala ng buhay dahil sa ilang tama ng baril sa katawan nito. Ngumisi ang lalaking bumaril habang masayang tumawa ang mga kasama nito, saka iniwan ang mag-asawa.

Sa kabilang dako, hindi makagalaw si Jaxon habang nakatago siya sa gilid ng wall paliko ng hagdan kung saan niya nasaksihan ang pagpatay sa kaniyang mga magulang. Parang huminto ang mundo niya, kasunod ang pagguho niyon at nabingi siya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang malakas na tunog baril.

Parang robot na naglakad si Jaxon palapit sa mga magulang niya na wala nang buhay. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Dad, Mom." Saka lang niya na-realize ang nangyari. Dinaluhan niya ang kaniyang mga magulang at umiyak nang umiyak. Napuno ng takot ang puso niya. Ano'ng gagawin niya ngayong wala na ang kaniyang mga magulang? "Mom, Dad, please wake up!" Sinubukan pa niyang gisingin ang mga ito pero hindi na iyon nangyari.

Naiwan siya sa bahay na tulala at pinagmamasdan ang mga magulang na wala nang buhay. Umaasa siyang magigising pa ang mga ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang sakit naman nasaksihan mo Ang pagpatay sa magulang mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status