Share

Kabanata 4

"SAVAH, stop! Masyado ka nang lasing," saway nang kaibigan ni Savannah na si Jayla na lubos na nakakakilala sa kaniya dahil ito lang naman ang kaibigan niyang tunay sa kaniya. "Akala ko ba'y sapat na ang cupcakes para mawala ang galit mo, bakit parang pati alak gusto mong ubusin?" alangang sambit pa nito habang pinipigilan ang kaibigan. Kapag hindi kasi nito iyon ginawa, siguradong papagalitan ito ng ama niya.

"H-hindi pa ako lasing, Jayla hindi pa nga ako sumusuka, eh. Give me more drinks, gusto ko 'yong matapang. Iyong kaya akong ipagtanggol sa pamilya ko," makahulugang aniya habang gumegewang ang katawan. Nahihiya na si Jayla sa mga tao sa bar dahil pinagtitinginan na sila dahil sa lakas ng boses niya.

"Gaano katapang ba ang gusto mo, Savannah? A man who can be against your Dad? Na kayang ilagay ang sarili sa kapahamakan?"

Napalingon si Jayla at nakita nito si Damon Falcone, ang bodyguard ni Savannah. "Damon, maigi naman at dumating ka. Look, she's wasted. Hindi ko kayang pigilan si Savannah na uminom dahil masama ang loob niya. Kapag gusto niya, gusto niya, alam mo 'yan," nababahalang ani kaibigan niya.

"Si-sino ka? Damon?" Pagak na tumawa si Savannah at mapupungay ang mga matang bumaling sa binata na nakasuot ng itim na jacket at puting t-shirt sa loob niyon. Napapailing ito habang tinuturo-turo niya. "Ikaw pala 'yan, ang mayabang at matigas kong bodyguard. Bakit ka nandito, huh? Kung pinadala ka ni Daddy, sabihin mo sa kaniya, hindi ako magpapakasal. Why don't he just marry that man he wants me to marry?" Sumeryoso siya na bakas ang sama ng loob sa mukha.

"Stop drinking alcohol, Savannah. It won't solve your problem," tila walang emosyong balik ni Damon.

Tumawa siya. "B-bakit? Ikaw ba, may magagawa ka ba? Y-you're just a heartless, emotionless, and h-handsome bodyguard kaya wala kang magagawa. Pwede ba, umalis ka na. I want to drink more until I forgot everything." Halos mautal na siya sa mga pinagsasabi dahil sa tama ng alak sa katawan niya.

"Damon was right, Savah hindi matatapos ang problema mo by just drinking alcohol." Inayos ni Jayla ang buhok na humarang sa mukha nito. "Mabuti pa, sumama ka na kay Damon," pagtataboy ito. Bumaling ito sa binata. "Damon, please, pakiuwi naman si Savah, siguradong nag-aalala na si Tito at Tita."

"S-sino'ng bahala sa akin? Ak-ako ang bahala sa sarili ko, ok?" Pumipikit na ang mga mata niya. "Don't touch me!" piksi niya nang maramdamang may humawak sa kaniya.

"Don't worry, Jayla I'll take care of her. Ako nang bahala magsabi kay Boss," seryosong sagot ni Damon.

"Salamat, Damon. Take care of her, ok? Aalis na rin ako." Bumaling ito sa kaniya. "I'm sorry, Savah pero kailangan ko ng umalis, eh," paalam nito, saka tumalikod at naglakad na palabas ng bar na kinaroroonan nila.

Napailing si Damon habang pinagmamasdan siya na nakayuko na sa counter ng bar. Halos hindi na niya mabuhat ang mga ulo dahil sa labis na kalasingan.

Bumuntong-hininga muna ang binata bago siya inalalayan nito. Pumiksi pa siya at nagpupumiglas pero malakas ito kaya hindi siya makawala rito. Namalayan na lang niyang ipinasok siya nito sa sasakyan, saka ito sumakay sa driver's seat.

"Ayaw kong umuwi," sabi niya habang nakapikit na at nakasandal sa upuan ng sasakyan. Umiling-iling pa siya. "Please! Ayaw kong umuwi! Bring me somewhere, 'y-yong malayo sa kanila." Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Kumurap si Damon nang mapansing nakatitig na ito sa maganadang dalaga. Hindi maikakailang taglay iyon ni Savannah. Napalunok ito, saka bumaling sa manobela ng sasakyan. Pinaandar nito iyon.

Panaka-naka nitong tinatapunan ng tingin ang dalaga na parang batang humihikbi. Hindi alam ng binata pero gusto nitong sundin ang gusto ni Savannah na huwag siyang iuwi sa mansyon. Sa huli'y, nagpasiya ito na dalhin siya sa condo nito, 'di kalayuan sa bar na pinanggalingan nila.

"Sa-saan mo ba ako dadalhin, huh?" halos mabulol na tanong niya habang laylay ang katawan na akay ni Damon papasok ng gusali. Pakiramdam kasi niya'y umiikot ang paligid niya dahil sa tama ng alak. Hindi na rin niya alam kung nasaan na ba sila. Masyadong nang nilamon ng alak ang buong sistema niya.

Ilang sandali pa at nakarating sila sa condo unit ni Damon. Binuksan nito ang silid habang hirap na hirap sa pag-aalalay sa kaniya dahil sa likot niya. Hindi rin biro ang bigat niya pero dahil malakas naman ito, parang easy lang rito ang pagbuhat sa kaniya.

Sunod na lang niyang naramdaman ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Napamaywang naman si Damon at malalim ang bawat paghinga dahil sa pagod. Hinubad nito ang itim na jacket at itinapon sa sofa.

"You're such a hopeless woman," naiiling na mahinang sabi ng binata.

"N-nasaan na ba ako? Sa-saan mo ako dinala? Please, huwag mo akong iuwi sa ma-mansyon. I want to leave alone," sigaw niya na parang lasing sa kanto at nagpagulong-gulong pa sa malambot na higaan. Napailing na lang si Damon, saka ito tumungo sa bathroom para maligo. Hinayaan nito na magsalita siya at maglabas ng sama ng loob dahil ipakakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal.

Nagpagulong-gulong siya sa kama hanggang sa nahulog siya roon. Napagiwi siya at nasapo ang ulo na bahagyang nauntog sa sahig. "Ba-bakit ba ang malas ko?" Kahit pakiramdam niya umiikot ang paligid, sinubukan niyang tumayo. Lumingon siya sa paligid pero hindi niya makuha ang kabuuang hitsura ng silid dahil parang gumagalaw iyon. Pinilit niyang humakbang at hindi niya alam kung saan siya papunta.

"Ya-yaya?! I want more drink," sigaw niya. Hindi niya namalayang papunta siya sa bathroom kung saan nandoon si Damon. Nang makarating siya roon, saktong pagbukas naman niyon. Nawalan siya ng balanseng at gulat na nasalo siya ng binata.

"Savannah, what are you doing?" alangang tanong nito.

Naramdaman niya ang matigas na bagay na bingsakan niya pero hindi siya nasaktan. Marahan niyang hinipo ang matigas na katawan ni Damon at hinimas iyon. "Bakit ang tigas? Sa-sahig ka ba?" parang batang tanong nito na namumungay at papikit-pikit ang mga mata.

"Savannah, stop!" pigil ng binata at itinayo siya ng maayos. Nakatapis lang ng tuwalya si Damon at basa pa ang buhok at ang katawan nito.

Tumawa si Savannah. "I-ikaw pala? Damon, right? Kung gaano pala katigas ang puso mo, ganoon din katigas ang katawan mo." Itinuro-turo pa niya ang katawan nito habang nakangiti at nakapikit.

"You're crazy woman," madiing ani Damon. Pabagsak nitong itinulak siya sa kama. Napamaywang ito at bumuga ng hangin. "That's what alcohol can do," naiiling na anito.

Umupo si Savannah sa kama habang nakayuko. Natabunan na ang buong mukha niya ng mahaba niyang buhok. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa binata, saka ngumirit. "Ilayo mo ako sa kanila, please! I don't want to marry a man na hindi ko mahal. Please, bring me somewhere na malayo sa kanila!" pagmamakaawa niya na parang bahagyang nawala ang lasing niya. Gumegewang pa ang ulo niya at pumipikit-pikit.

"You know your Dad, Savannah and you can't do anything about his decision."

"Wa-wala ako pakialam, basta gusto kong lumayo!" giit niya. Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Do you think kapag lumayo ka, hahayaan ka ng Dad mo? No, he won't let you leave at kahit lumayo ka man, mahahanap at mahahanap ka niya."

Hindi na siya agad nakaimik dahil pakiramdam niya'y mas lalo lang siyang nahihilo. Pabagsak siyang humiga sa kama habang umiiyak. 

Lumunok siya ng laway. "Grayson, please bumalik ka na and marry me."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kawawa naman si savannah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status