Share

Chapter 1

last update publish date: 2026-04-11 11:51:42

3 weeks ago

“Kamusta naman ang pamumuhay ninyong dalawa, Viktor?” tanong ng papa ni Viktor sa kaniyang anak—ang asawa ko.

Nasa isang kilalang restaurant kami ngayon sa Sampaloc, Manila. Mayroon kaming family dinner, kasama ang pamilya ko.

Binaba naman ni Viktor ang hawak na tinidor, pinunasan ang gilid ng kaniyang labi at saka siya sumagot ng nakangiti sa papa niya.

“Everything’s fine, Papa. Mabuti na lang, my wife is great, lalo na sa gawaing bahay. Hindi ko nga alam kung makakaya ko na wala siya,” sa huli ay sabay-sabay silang natawa dahil sa mga huling sinabi niya sa harapan ng pamilya namin.

Kasabay nila ay natawa rin ako, hindi iyon tawa na nakikisabay sa kaniya o sa kung ano man na sinasabi nito. Ang mahinang ngisi na iyon, hudyat na nasasaktan ako.

Bakit pa nga ba ako magugulat ano? Iyon naman ang tunay na rason, kung bakit hindi niya rin ako magawang pakawalan ngayon, ako ang magsisilbing kaniyang tagapagsilbi. Iyon ang aking role sa buhay niya, paglingkuran siya.

Hindi niya naman ako nakikita bilang asawa, nakikita niya ako bilang babaeng tinapon sa kaniya at ngayon ay tinuturing na niyang basura sa loob ng malaking bahay namin.

Isa lamang akong pag-aari, isang taong nakatali sa obligasyong hindi ko naman pinili. Ako ang magsisilbing tagapagsilbi sa buhay niya, isang papel na pilit niyang isinasaksak sa akin hanggang sa tuluyan ko nang makalimutan kung sino ako dati. Hindi niya ako kailanman nakita bilang asawa; sa mata niya, isa lamang akong babaeng ipinasa, itinapon sa kaniya na parang bagay na wala nang halaga. At ngayon, sa loob ng napakalaki naming bahay, isa akong anino—tahimik, walang boses, at unti-unting kinakain ng pakiramdam na isa na lang akong basura sa mundong siya ang may kontrol.

“Wow, is my dear sister really a good wife? Is that your standard, Viktor darling?” maarte na tanong ni Ellice, ang aking stepsister. Natawa naman si Viktor dahil sa tanong ni Ellice, nakipagtitigan siya rito.

Sampong taon na kaming magkasama, anak siya ng asawa ni Daddy.

“I guess? Well, your sister never fails me.” Buo at puno ng authority ang boses ng asawa ko, nakita ko naman ang naging ngiti ng mga magulang namin, lalo na ang aking ama.

“Hindi nga talaga ako nagkamali na ipagkasundo ang ating mga anak, balae.” Natutuwang sabi ni Daddy sa mga magulang ni Viktor.

“Sobrang fit nilang dalawa,” kinikilig na sambit ng mama ni Viktor.

“Really? That's great, I think?” nanunuya ang tono ng boses ni Ellice, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

“Of course, why would I fail him? I'm his wife, he is my husband.” Sabi ko, nakatitig sa pagkain, hindi gustong makita ang masasayang ngiti sa labi ng aming mga magulang.

And of course, ayoko makita ni Dad sa mga mata ko na nagsinungaling ako. Isa pa, tama siya. Hindi ko nga gugustuhin iyon, ang i-fail siya? Dahil panigurado, oras na gawin ko iyon ay makakatikim nanaman ako sa kaniya, makakatikim nanaman ako pananakit sa kamay ng sarili kong asawa.

Ang asawa ko ngayon na kung linisin ang kaniyang sarili ay lubos, tinatago ang kaniyang sariling dumi.

Habang nag-uusap sila, sa isang segundo lamang ay natahimik sila noong may lalaking magsalita sa likuran ko.

“A family gathering? Am I not invited? I'm part of the family too,” sa boses niyang iyon, bakas na bakas ang pang-aasar sa mga taong naririto—o sa pamilya ng asawa kong si Viktor.

Kilala ko ang boses na iyon, ilang beses ko na siyang nakasama, isa pa ay naging schoolmate ko ito noon. Naalala ko pa nga noong unang beses na makausap ko siya, sa library iyon ng school. Sobrang cold niya, sobrang tahimik din.

Nilingon ko si Viktor, naka-lean na ito sa upuan niya, habang ang braso ay basa ibabaw ng lamesa. Nakita ko sila Daddy na nananahimik, ang mga magulang ni Viktor na galit—lalo na ang nanay ni Viktor na si Doña Sally.

“Oh sure, join us. Balae, do you remember Magnus? He is my husband's biggest and sinful mistake.” Galit ang nararamdaman ni Doña Sally, bakas iyon sa tono ng kaniyang boses.

Hindi naman nakasagot ang Daddy ko, ngumiti lamang.

“Hi, Magnus. Nice seeing you again,” pormal na pagbati ni tita Dina kay Magnus, ang aking stepmother.

“Nice seeing you again, Doña Dina.” Bati pabalik ni Magnus, umupo ito sa upuan na aking katabi. “You’re right, Sally—I am the biggest and sinful mistake of my father, with my mom he really loves.” Mas namimikon ang boses ni Magnus, hindi nakikitaan ng sakit dahil sa kung paano siya i-address ni Doña Sally.

“Pepestehen mo lang ba kami ulit, Magnus?” saad ni Don Philip, ang papa ni Viktor.

“No, I'm not the one who went to my restaurant—this restaurant.” Bawi niyang sagot sa sarili niyang ama.

I see, itong restaurant ay kaniyang pagmamay-ari.

“Black sheep.” Turan ni Viktor, sinadyang iparinig ito kay Magnus.

“Right, calling yourself.” Bawing sagot ni Magnus, nakita ko naman na muntikan na tumayo si Viktor, kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.

“Don’t,” mahinang sabi ko sa kaniya, agad naman niyang pinigilan ang kaniyang sarili.

“Can you just go? You're ruining our family dinner, and just to inform you? You were never part of it.” Bawat salita na lumalabas sa bibig ng asawa ko, lahat iyon ay mayroong gigil.

Natawa naman si Magnus doon, dahilan para mas mapikon ang asawa ko.

“Yeah, yeah, yeah. Never, this family is a huge mistake. Your family is too—cheap.” Nilingon ko si Magnus, nakangisi ito. Tumitig siya sa akin noong maramdaman niya ang presensya ko.

“Ang lakas mo magsalita ng ganiyan, Magnus! Baka nakakalimutan mo, kabit lang ang iyong ina. Isa kang simbolo ng pagkakamali, isa ka lamang maduming mantsa sa damit ng aking asawa.” May pang-iinsulto ss tinuran ni Doña Sally, sa tuwing nagsasalita ito, lahat iyon ay pinapamukha kay Magnus na anak siya sa labas.

“I am a stain on my father's clothes that you will never be able to erase, just like my mother. You are the stain he has always wanted to remove, because my mother is the one he truly wants to be with.” Mas malakas na bawi ni Magnus sa kaniya.

Bilib din ako sa kaniya, kahit ilang beses siyang hamakin ng pamilya ni Viktor, nananatili siyang malakas, bagay na nais ko rin sana.

Tumayo ito.

“Enjoy your meal.” Sabi niya sa amin, nilingon naman niya ako. “Nice seeing you again, Alina.” Bati niya sa akin, bago pa man ako makapagsalita ay tumalikod na ito sa amin.

Pinapanood ko na lamang ang kaniyang likuran na papalayo sa aming lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Magnus' Protection   Chapter 5

    Nagising ako sa isang tapik sa aking pisngi, pagmulat ko ay nasa labas na si Magnus at nasa tabi ko na. Nakabukas ang pintuan ng kotse. “Nandito na tayo.” Malamig niyang sabi sa akin, napagitla naman ako dahil sa lapit niya sa akin. Natawa naman siya dahil sa aking naging reaksyon. “Sorry nakatulog ako…” mahina kong paumanhin sa kaniya, wala naman akong nakuhang sagot sa kanya, bagkus ay tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa loob ng bahay or let's say rest house. Bumaba naman ako, nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid, mapuno. Habang sa kabilang side naman ay beach? Nasaan kami? Mali ata na hindi ko siya tinanong kagabi kung saan kami pupunta. Sobrang hangin din dito. “Ma’am, ito po ang towel ninyo.” Nagitla naman ako noong mayroong babae ang kumausap sa akin, hindi ko man lang napansin na nandito pala siya. “Sorry po, nagulat ata kita.” paghingi niya ng paumanhin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya“Sorry, hindi lang kita napansin kasi masyado akong lutang,” humin

  • Magnus' Protection   Chapter 4

    Nanghihina akong napaatras, tumalikod ng tahimik at tumakbo palayo sa bahay na iyon. Paulit-paulit na bumabalik utak ko ang mga sinasabi nila sa isa't isa, paulit-paulit kong naririnig ang mga halinghing na galing sa mga bibig nilang dalawa.Habang tumatakbo ako, may babae akong nabangga dahilan para matumba ako. “Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” naiinis na tanong sa akin nito. Hindi naman ako nagsalita at tumayo lang, handa na sana ako umalis ulit ngunit agad akong hinila pabalik no'ng babae. “Pipe ka ba? Ano? Hindi ka man lang ba magso-sorry?” bakas na sa boses niya ang pagkapikon sa akin, tumingin ako rito at agad na nagsalita. “I’m sorry, I didn't mean na mabangga ka,” mahina kong usal, humihingi ng paumanhin. Binitawan naman ako ng estrangherang babaeng ito.“Marunong naman pala mag-sorry.” Muling singhal niya‘t inirapan ako bago ako lagpasan. Muli na sana akong tatakbo noong tumunong ang aking cellphone, na noong makita ko kung sino’y naalala ko m

  • Magnus' Protection   Chapter 3

    Nanghihina akong yumakap kay Tita Fiona, dito sa kanilang bahay kung saan ko ibinuhos ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim. Mahigpit niya akong niyakap, parang pilit akong pinapalakas, habang nananatili sa tabi namin si Tito Dante at ang anak nilang si Lianne, tahimik ngunit ramdam ang kanilang presensya. “Wala na akong kakampi, tita…” sumbong ko pa rito. “Don’t say that, Ali. Naririto pa ako, naririto pa kami. Habang nabubuhay kami, mayroon kang kakampi.” Malambing na paalala sa akin iyon ni tita, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya, ninanamnam ang init ng katawan ni tita. Siya na talaga ang nagsilbi kong pangalawang ina noong namatay si Mommy 15 years ago. Lagi siyang nandito para sa akin, lagi niya akong pinagtanggol, lagi niya akong tinatakas kay Daddy kapag gusto ko bumili ng bagay na ayaw bilhin ni Daddy kasi masama raw sa health ko. “Babawiin natin ang lahat na nararapat lamang na iyo,” muli niyang bulong sa akin. Tumango-tango naman ako. “Thank you po, tita…” muli

  • Magnus' Protection   Chapter 2

    *Kring* *kring* *kring* Agad akong nagising dahil sa tunog ng aking cellphone—isang tawag mula sa aking tita Fiona, ang kapatid ni Daddy.Kahit inaantok pa, agad akong umupo nang maayos, pinindot ang answer button, at tinapat sa aking tainga ang cellphone. Nasa tabi ko pa si Viktor, natutulog. Sinulyapan ko ang orasan sa gilid ng kama—alas otso na pala ng umaga.Ilang minuto ang lumipas, ngunit wala pa ring nagsasalita mula sa kabilang linya.“Hello, tita? Why?” tanong ko.Kalaunan, ang katahimikan ay napalitan ng mahihinang hikbi. Boses ni Tita—umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, dahil hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos.“Tita? Are you okay? What’s wrong?” sunod-sunod kong tanong, dala ng labis na pag-aalala.“Ali, your dad… he– he’s gone…” utal niyang sabi sa pagitan ng pag-iyak.Kahit kakagising ko lang, malinaw kong narinig ang sinabi niya—alam ko ang ibig niyang ipahiwatig. Ngunit napatawa pa rin ako nang mahina, isang pilit at hindi totoo.Pinilit kong patatagin ang sar

  • Magnus' Protection   Chapter 1

    3 weeks ago“Kamusta naman ang pamumuhay ninyong dalawa, Viktor?” tanong ng papa ni Viktor sa kaniyang anak—ang asawa ko.Nasa isang kilalang restaurant kami ngayon sa Sampaloc, Manila. Mayroon kaming family dinner, kasama ang pamilya ko. Binaba naman ni Viktor ang hawak na tinidor, pinunasan ang gilid ng kaniyang labi at saka siya sumagot ng nakangiti sa papa niya. “Everything’s fine, Papa. Mabuti na lang, my wife is great, lalo na sa gawaing bahay. Hindi ko nga alam kung makakaya ko na wala siya,” sa huli ay sabay-sabay silang natawa dahil sa mga huling sinabi niya sa harapan ng pamilya namin. Kasabay nila ay natawa rin ako, hindi iyon tawa na nakikisabay sa kaniya o sa kung ano man na sinasabi nito. Ang mahinang ngisi na iyon, hudyat na nasasaktan ako. Bakit pa nga ba ako magugulat ano? Iyon naman ang tunay na rason, kung bakit hindi niya rin ako magawang pakawalan ngayon, ako ang magsisilbing kaniyang tagapagsilbi. Iyon ang aking role sa buhay niya, paglingkuran siya. Hindi n

  • Magnus' Protection   Prologue

    “Oohhh damn, Viktor! You're so good,” iyon agad ang bumungad sa aking tenga, pagkatungtong ko pa lamang sa unang baitang ng hagdan papasok sa aming pintuan. “Yeah? You like it so much, hmm?” Si Viktor, alam kong si Viktor iyon. Ang boses nilang dalawa, pamilyar sa akin pareho. Ayokong isipin na ang babaeng naririnig ko ngayon, ay siya rin na nakasama ko sa loob ng sampung taon.Nanginginig man ako, nagpatuloy ako sa pagpasok. Nanginginig ang katawan kong sinulyapan mula sa pintuan ang dalawang taong taksil ngayon na nasa aking harapan. Pumatak ang luha ko, hindi ko binigyan iyon ng pansin, hinayaan ko lamang itong tumulo nang tumulo. “Mas—mas masarap ba–oohhh–sa a-asawa mo, Viktor?” rinig kong tanong ng babae habang may kasamang halinghing. “Of course, Ellice,” sagot ni Viktor, ang asawa ko. Patuloy lamang itong gumagalaw sa ibabaw ng babaeng iyon, sa ibabaw ng sarili kong stepsister, si Ellice. Nanghihina akong napaatras at tahimik na tumakbong palayo sa bahay na iyon.Paulit-pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status