LOGINIlang araw na si Magnus na kung umakto ay sobrang landi, minsan kinakabahan ako dahil sa lapit niya pero madalas napipikon ako kasi nakakagulat ang ginagawa niya. "Subukan mo!” sigaw ko sa kaniya after ko siyang makita na lumalapit sa akin. Paano ba naman kasi, may ngiti nanaman sa labi niya na masasabi kong may binabalak nanaman siyang kalokohan! Hindi ko nga lubos na inaasahan na may ganito pala siyang side, sa tuwing nakikita ko kasi siya noon ay lagi lang siyang seryoso, lagi lang siyang nakaka-offend para sa nanay ni Viktor. Pero tingnan ko naman, ganito pala ang kumag na ito? "What? Threatened?" nang-aasar na tanong niya sa akin. “Ha? Sinasabi mo naman d'yan? Nakakapikon ka kamo!” gigil kong sagot sa kaniya. Tumigil siya ilang hakbabg palapit sa akin, nakangisi pa rin ang kumag na 'to. Argh, kagigil talaga siya! "Alam mo? Hindi ko talaga lubos na inaasahan na ganiyan ka kairita, goodness! Mas dinaig mo pa ang inis ko kay Dora!” panibago kong sigaw sa kaniya, natawa
"Una mong gawin, matutong mahalin at respetuhin ang sarili." Ito ang mga salitang binitawan ni Magnus na nagpagising sa sarilj ko Tama nga siya, nawalan na ako ng respeto sa sarili ko para lang mahalin ang ibang tao. Ngayon ko lang nare-realize ang lahat, inubos ko ang buong buhay ko para ma-please si Viktor, si Viktor na walang ginawa kundi ang saktan ako—mentally and physically. Kaya pinapangako ko ngayon, kapag bumalik ako sa Manila ay babawiin ko ang spakle ko na ninakaw nilang lahat sa akin. “This is your 15th day as my student, naalala mo pa ba ang mga salitang sinabi ko sa iyo noong unang araw?” seryoso na tanong sa akin ni Magnus, ngumisi naman ako sa kaniya as a sign na naalala ko pa. “Very good, Alina.” “Magt-training ba tayo ulit?” tanong ko sa kaniya. Pumunta naman siya sa book shelves niya, nandito kasi kami ngayon sa kaniyang library at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa Zambales. Hindi naman siya nagsalita pero kahit gano'n ay mahaba ang pasen
Nagising ako sa isang tapik sa aking pisngi, pagmulat ko ay nasa labas na si Magnus at nasa tabi ko na. Nakabukas ang pintuan ng kotse. “Nandito na tayo.” Malamig niyang sabi sa akin, napagitla naman ako dahil sa lapit niya sa akin. Natawa naman siya dahil sa aking naging reaksyon. “Sorry nakatulog ako…” mahina kong paumanhin sa kaniya, wala naman akong nakuhang sagot sa kanya, bagkus ay tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa loob ng bahay or let's say rest house. Bumaba naman ako, nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid, mapuno. Habang sa kabilang side naman ay beach? Nasaan kami? Mali ata na hindi ko siya tinanong kagabi kung saan kami pupunta. Sobrang hangin din dito. “Ma’am, ito po ang towel ninyo.” Nagitla naman ako noong mayroong babae ang kumausap sa akin, hindi ko man lang napansin na nandito pala siya. “Sorry po, nagulat ata kita.” paghingi niya ng paumanhin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya“Sorry, hindi lang kita napansin kasi masyado akong lutang,” humin
Nanghihina akong napaatras, tumalikod ng tahimik at tumakbo palayo sa bahay na iyon. Paulit-paulit na bumabalik utak ko ang mga sinasabi nila sa isa't isa, paulit-paulit kong naririnig ang mga halinghing na galing sa mga bibig nilang dalawa.Habang tumatakbo ako, may babae akong nabangga dahilan para matumba ako. “Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” naiinis na tanong sa akin nito. Hindi naman ako nagsalita at tumayo lang, handa na sana ako umalis ulit ngunit agad akong hinila pabalik no'ng babae. “Pipe ka ba? Ano? Hindi ka man lang ba magso-sorry?” bakas na sa boses niya ang pagkapikon sa akin, tumingin ako rito at agad na nagsalita. “I’m sorry, I didn't mean na mabangga ka,” mahina kong usal, humihingi ng paumanhin. Binitawan naman ako ng estrangherang babaeng ito.“Marunong naman pala mag-sorry.” Muling singhal niya‘t inirapan ako bago ako lagpasan. Muli na sana akong tatakbo noong tumunong ang aking cellphone, na noong makita ko kung sino’y naalala ko m
Nanghihina akong yumakap kay Tita Fiona, dito sa kanilang bahay kung saan ko ibinuhos ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim. Mahigpit niya akong niyakap, parang pilit akong pinapalakas, habang nananatili sa tabi namin si Tito Dante at ang anak nilang si Lianne, tahimik ngunit ramdam ang kanilang presensya. “Wala na akong kakampi, tita…” sumbong ko pa rito. “Don’t say that, Ali. Naririto pa ako, naririto pa kami. Habang nabubuhay kami, mayroon kang kakampi.” Malambing na paalala sa akin iyon ni tita, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya, ninanamnam ang init ng katawan ni tita. Siya na talaga ang nagsilbi kong pangalawang ina noong namatay si Mommy 15 years ago. Lagi siyang nandito para sa akin, lagi niya akong pinagtanggol, lagi niya akong tinatakas kay Daddy kapag gusto ko bumili ng bagay na ayaw bilhin ni Daddy kasi masama raw sa health ko. “Babawiin natin ang lahat na nararapat lamang na iyo,” muli niyang bulong sa akin. Tumango-tango naman ako. “Thank you po, tita…” muli
*Kring* *kring* *kring* Agad akong nagising dahil sa tunog ng aking cellphone—isang tawag mula sa aking tita Fiona, ang kapatid ni Daddy.Kahit inaantok pa, agad akong umupo nang maayos, pinindot ang answer button, at tinapat sa aking tainga ang cellphone. Nasa tabi ko pa si Viktor, natutulog. Sinulyapan ko ang orasan sa gilid ng kama—alas otso na pala ng umaga.Ilang minuto ang lumipas, ngunit wala pa ring nagsasalita mula sa kabilang linya.“Hello, tita? Why?” tanong ko.Kalaunan, ang katahimikan ay napalitan ng mahihinang hikbi. Boses ni Tita—umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, dahil hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos.“Tita? Are you okay? What’s wrong?” sunod-sunod kong tanong, dala ng labis na pag-aalala.“Ali, your dad… he– he’s gone…” utal niyang sabi sa pagitan ng pag-iyak.Kahit kakagising ko lang, malinaw kong narinig ang sinabi niya—alam ko ang ibig niyang ipahiwatig. Ngunit napatawa pa rin ako nang mahina, isang pilit at hindi totoo.Pinilit kong patatagin ang sar







