LOGINNanghihina akong yumakap kay Tita Fiona, dito sa kanilang bahay kung saan ko ibinuhos ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim. Mahigpit niya akong niyakap, parang pilit akong pinapalakas, habang nananatili sa tabi namin si Tito Dante at ang anak nilang si Lianne, tahimik ngunit ramdam ang kanilang presensya.
“Wala na akong kakampi, tita…” sumbong ko pa rito. “Don’t say that, Ali. Naririto pa ako, naririto pa kami. Habang nabubuhay kami, mayroon kang kakampi.” Malambing na paalala sa akin iyon ni tita, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya, ninanamnam ang init ng katawan ni tita. Siya na talaga ang nagsilbi kong pangalawang ina noong namatay si Mommy 15 years ago. Lagi siyang nandito para sa akin, lagi niya akong pinagtanggol, lagi niya akong tinatakas kay Daddy kapag gusto ko bumili ng bagay na ayaw bilhin ni Daddy kasi masama raw sa health ko. “Babawiin natin ang lahat na nararapat lamang na iyo,” muli niyang bulong sa akin. Tumango-tango naman ako. “Thank you po, tita…” muli kong saad, I'm so lucky to have her, siya talaga ang aking tandem in crime… Sa mga mata nila, malinaw ang awa para sa akin—isang pag-unawang hindi ko na kailangang ipaliwanag pa. Ngunit kasabay nito, nag-aalab din ang galit na hindi nila maitago, galit na nakatuon kina Tita Dina at Ellice dahil sa lahat ng dinanas ko. “Bumalik ka rito bukas, naiintindihan mo ba? Gagawin natin ang lahat upang mabawi ang mga bagay na ninakaw nila sa ’yo,” mariin ngunit kalmadong sabi sa akin ni Tito, halatang alam na niya ang bawat hakbang na dapat gawin bilang isang abogado. Tumango ako, pilit pinatatag ang sarili, dahil hindi rin ako makakapayag na basta na lamang mawala sa akin ang lahat—lalo na ang mga bagay na alam kong karapatan ko. Pinaghirapan iyon ng aking mga magulang—bawat piraso ay bunga ng sakripisyo at pagmamahal na hindi dapat basta-basta inaagaw. Hindi ko lamang nagawang i-proseso ang lahat kanina, kaya nakaalis silang dalawa na walang nakukuhang sagot mula sa akin, habang ako’y naiwan na lutang at punong-puno ng tanong. Ngunit ngayon, unti-unti nang luminaw sa akin ang lahat, at alam kong hindi na ako mananatiling tahimik. “Sa ngayon, umuwi ka na lang muna hmm? Baka hinihintay ka na ng asawa mo,” malambing na sabi sa akin ni tita Fiona, humiwalay naman ako sa kaniya ng yakap. “Thank you po sa inyong lahat, tatanawin ko itong utang na loob,” may luha sa aking mukha noong sabihin ko iyon. Umiiling si Tita habang nakangiti, dahan-dahan niyang pinunasan ang aking pisngi na nabasa ng luha. May init sa kaniyang mga mata, tila ba sinasabi niyang hindi ako nag-iisa sa laban na ito. Sa simpleng haplos ng kaniyang kamay, kahit papaano ay gumaan ang bigat na matagal kong dinadala. “Shh, ginagawa ko lamang ang nararapat, kapatid ko si kuya, kapatid ni Dante ang iyong ina.” Bahagya siyang huminto bago muling nagsalita. “Natural lamang na alagaan ka namin after your parents died.” Ngumiti naman ako dahil sa kaniyang huling sinabi. “Thank you, tito at tita…” mahina kong sabi, halos pabulong habang pilit kong pinipigilan ang muling pag-agos ng luha. May bigat pa rin sa dibdib ko, ngunit sa presensya nila, kahit paano ay nakakahanap ako ng lakas na ipagpatuloy ang laban. BUMABA AKO sa kotse ni Lianne, na hinatid ako pauwi upang masigurado na ligtas akong makarating sa bahay. Ramdam ko ang kabutihan sa kanyang mga mata, isang maliit na aliw sa gitna ng mabigat na nararanasan ko ngayong araw. Kahit simpleng gawa lamang iyon, malaking bagay na para sa akin—parang may kaunting liwanag na sumalubong sa dilim ng aking pakiramdam. “Ingat ka,” sabi ko sa kaniya. “Magpahinga ka na, okay? I’ll fetch you tomorrow na lang ulit ha?” sabi niya sa akin, magka-edad lamang kami kaya naman sobrang close kaming dalawa. Tumango ako. Sa bawat tawa at kwento, ramdam ko ang pagiging tunay niyang kasama—isang kaibigan, pinsan at kakampi sa gitna ng lahat ng unos na aking dinaranas. “Yeah, ingat.” Sabi ko, saka ito tuluyang umalis. Tumingin ako sa langit, sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko kayang manatili pa sa sitwasyong iyon, na inaapi lang nila tita Dina, ngunit alam kong kailangan kong harapin ang mga bagay na aking kinatatakutan. Pumasok ako sa gate, ngunit naroroon pa lamang ako ay naririnig ko na ang music mula sa loob, hindi naman ito malakas, ngunit hindi rin mahina. Napansin ko rin ang aming pintuan na bukas, bukas din ang ilaw ng buong bahay. Nakita ko naman ang kotse ng asawa ko sa garahe—naririto na si Viktor. Biglang pumasok sa isip ko, “Kumain na kaya siya?” at ramdam ko agad ang kaba sa dibdib ko. Lagot na naman ako, at alam kong hindi madali ang susunod na sandali. Nagtuloy-tuloy akong maglakad, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatapak sa hagdan paakyat sa pinto ay mayroon na akong napansin sa may pintuan, isang pares ng heels…? Tumapak ako sa unang baitang ng hagdan sa labas ng pintuan, dahan-dahan at may halong pangamba sa bawat galaw ko. Ramdam ko ang bigat ng sandaling iyon, parang bawat hakbang ay may kasamang tanong kung paano tatanggapin ni Viktor ang aking presensya o kung paano ko nga ba tatanggapin ang presensya ng kung sino ang babaeng nasa loob ng aming bahay. Ngunit mabilis akong natigilan… Malalakas na halinghing ang naririnig ko, alam kong bagay na dapat ay hindi ginagawa ng taong mayroon ng asawa… Naulit nanaman, inulit nanaman ni Viktor ang kaniyang ginawa noong unang taon namin bilang mag-asawa. Nagdala nanaman siya ng babae rito, bilang kapalit ko sa pagbibigay ng init sa kaniya. Bagay na alam kong hindi ko kayang ibigay sa kaniya, ang bagay na gusto niya, dahil alam kong hindi ko pa naman siya lubusang mahal. “Oohhh damn, Viktor! You're so good,” iyon agad ang bumungad sa aking tenga, pagkatungtong ko pa lamang sa unang baitang ng hagdan papasok sa aming pintuan. “Yeah? You like it so much, hmm?” Si Viktor, alam kong si Viktor iyon. Ang boses nilang dalawa, pamilyar sa akin pareho. Ayokong isipin na ang babaeng naririnig ko ngayon, ay siya rin na nakasama ko sa loob ng sampung taon. Nanginginig man ako, nagpatuloy ako sa pagpasok. Nanginginig ang katawan kong sinulyapan mula sa pintuan ang dalawang taong taksil ngayon na nasa aking harapan. Pumatak ang luha ko, hindi ko binigyan iyon ng pansin, hinayaan ko lamang itong tumulo nang tumulo. “Mas—mas masarap ba–oohhh–sa a-asawa mo, Viktor?” rinig kong tanong ng babae habang may kasamang halinghing. “Of course, Ellice,” sagot ni Viktor, ang asawa ko. Patuloy lamang itong gumagalaw sa ibabaw ng babaeng iyon, sa ibabaw ng sarili kong stepsister, si Ellice.Nagising ako sa isang tapik sa aking pisngi, pagmulat ko ay nasa labas na si Magnus at nasa tabi ko na. Nakabukas ang pintuan ng kotse. “Nandito na tayo.” Malamig niyang sabi sa akin, napagitla naman ako dahil sa lapit niya sa akin. Natawa naman siya dahil sa aking naging reaksyon. “Sorry nakatulog ako…” mahina kong paumanhin sa kaniya, wala naman akong nakuhang sagot sa kanya, bagkus ay tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa loob ng bahay or let's say rest house. Bumaba naman ako, nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid, mapuno. Habang sa kabilang side naman ay beach? Nasaan kami? Mali ata na hindi ko siya tinanong kagabi kung saan kami pupunta. Sobrang hangin din dito. “Ma’am, ito po ang towel ninyo.” Nagitla naman ako noong mayroong babae ang kumausap sa akin, hindi ko man lang napansin na nandito pala siya. “Sorry po, nagulat ata kita.” paghingi niya ng paumanhin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya“Sorry, hindi lang kita napansin kasi masyado akong lutang,” humin
Nanghihina akong napaatras, tumalikod ng tahimik at tumakbo palayo sa bahay na iyon. Paulit-paulit na bumabalik utak ko ang mga sinasabi nila sa isa't isa, paulit-paulit kong naririnig ang mga halinghing na galing sa mga bibig nilang dalawa.Habang tumatakbo ako, may babae akong nabangga dahilan para matumba ako. “Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” naiinis na tanong sa akin nito. Hindi naman ako nagsalita at tumayo lang, handa na sana ako umalis ulit ngunit agad akong hinila pabalik no'ng babae. “Pipe ka ba? Ano? Hindi ka man lang ba magso-sorry?” bakas na sa boses niya ang pagkapikon sa akin, tumingin ako rito at agad na nagsalita. “I’m sorry, I didn't mean na mabangga ka,” mahina kong usal, humihingi ng paumanhin. Binitawan naman ako ng estrangherang babaeng ito.“Marunong naman pala mag-sorry.” Muling singhal niya‘t inirapan ako bago ako lagpasan. Muli na sana akong tatakbo noong tumunong ang aking cellphone, na noong makita ko kung sino’y naalala ko m
Nanghihina akong yumakap kay Tita Fiona, dito sa kanilang bahay kung saan ko ibinuhos ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim. Mahigpit niya akong niyakap, parang pilit akong pinapalakas, habang nananatili sa tabi namin si Tito Dante at ang anak nilang si Lianne, tahimik ngunit ramdam ang kanilang presensya. “Wala na akong kakampi, tita…” sumbong ko pa rito. “Don’t say that, Ali. Naririto pa ako, naririto pa kami. Habang nabubuhay kami, mayroon kang kakampi.” Malambing na paalala sa akin iyon ni tita, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya, ninanamnam ang init ng katawan ni tita. Siya na talaga ang nagsilbi kong pangalawang ina noong namatay si Mommy 15 years ago. Lagi siyang nandito para sa akin, lagi niya akong pinagtanggol, lagi niya akong tinatakas kay Daddy kapag gusto ko bumili ng bagay na ayaw bilhin ni Daddy kasi masama raw sa health ko. “Babawiin natin ang lahat na nararapat lamang na iyo,” muli niyang bulong sa akin. Tumango-tango naman ako. “Thank you po, tita…” muli
*Kring* *kring* *kring* Agad akong nagising dahil sa tunog ng aking cellphone—isang tawag mula sa aking tita Fiona, ang kapatid ni Daddy.Kahit inaantok pa, agad akong umupo nang maayos, pinindot ang answer button, at tinapat sa aking tainga ang cellphone. Nasa tabi ko pa si Viktor, natutulog. Sinulyapan ko ang orasan sa gilid ng kama—alas otso na pala ng umaga.Ilang minuto ang lumipas, ngunit wala pa ring nagsasalita mula sa kabilang linya.“Hello, tita? Why?” tanong ko.Kalaunan, ang katahimikan ay napalitan ng mahihinang hikbi. Boses ni Tita—umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, dahil hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos.“Tita? Are you okay? What’s wrong?” sunod-sunod kong tanong, dala ng labis na pag-aalala.“Ali, your dad… he– he’s gone…” utal niyang sabi sa pagitan ng pag-iyak.Kahit kakagising ko lang, malinaw kong narinig ang sinabi niya—alam ko ang ibig niyang ipahiwatig. Ngunit napatawa pa rin ako nang mahina, isang pilit at hindi totoo.Pinilit kong patatagin ang sar
3 weeks ago“Kamusta naman ang pamumuhay ninyong dalawa, Viktor?” tanong ng papa ni Viktor sa kaniyang anak—ang asawa ko.Nasa isang kilalang restaurant kami ngayon sa Sampaloc, Manila. Mayroon kaming family dinner, kasama ang pamilya ko. Binaba naman ni Viktor ang hawak na tinidor, pinunasan ang gilid ng kaniyang labi at saka siya sumagot ng nakangiti sa papa niya. “Everything’s fine, Papa. Mabuti na lang, my wife is great, lalo na sa gawaing bahay. Hindi ko nga alam kung makakaya ko na wala siya,” sa huli ay sabay-sabay silang natawa dahil sa mga huling sinabi niya sa harapan ng pamilya namin. Kasabay nila ay natawa rin ako, hindi iyon tawa na nakikisabay sa kaniya o sa kung ano man na sinasabi nito. Ang mahinang ngisi na iyon, hudyat na nasasaktan ako. Bakit pa nga ba ako magugulat ano? Iyon naman ang tunay na rason, kung bakit hindi niya rin ako magawang pakawalan ngayon, ako ang magsisilbing kaniyang tagapagsilbi. Iyon ang aking role sa buhay niya, paglingkuran siya. Hindi n
“Oohhh damn, Viktor! You're so good,” iyon agad ang bumungad sa aking tenga, pagkatungtong ko pa lamang sa unang baitang ng hagdan papasok sa aming pintuan. “Yeah? You like it so much, hmm?” Si Viktor, alam kong si Viktor iyon. Ang boses nilang dalawa, pamilyar sa akin pareho. Ayokong isipin na ang babaeng naririnig ko ngayon, ay siya rin na nakasama ko sa loob ng sampung taon.Nanginginig man ako, nagpatuloy ako sa pagpasok. Nanginginig ang katawan kong sinulyapan mula sa pintuan ang dalawang taong taksil ngayon na nasa aking harapan. Pumatak ang luha ko, hindi ko binigyan iyon ng pansin, hinayaan ko lamang itong tumulo nang tumulo. “Mas—mas masarap ba–oohhh–sa a-asawa mo, Viktor?” rinig kong tanong ng babae habang may kasamang halinghing. “Of course, Ellice,” sagot ni Viktor, ang asawa ko. Patuloy lamang itong gumagalaw sa ibabaw ng babaeng iyon, sa ibabaw ng sarili kong stepsister, si Ellice. Nanghihina akong napaatras at tahimik na tumakbong palayo sa bahay na iyon.Paulit-pa







