Share

Kabanata 62

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-12-22 23:34:49

Hate him

Amara

"Kung puwede lang sana huwag mo akong kausapin sa opisina kung ayaw mong matanggal sa trabaho dahil sa akin. Baka sa akin ka magalit, kaya inuunahan na kita, pasensya ka na ha," sabi ko nang sabay kaming bumaba ng jeep.

"Bakit? Bawal ba? May boyfriend ka na ba na nagtatrabaho sa opisina?"

Tumango na lang ako. Gusto pa sana niya akong kausapin, pero mabilis na ang lakad ko patawid sa kalsada. Pakiramdam ko kasi na kapag may kausap akong lalaki, parang may mga matang nakaba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhu
more pls. thanks Ms. A......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 114

    Binabagabag Amara Pov Tahimik ang buong biyahe pauwi ng probinsya. Kahit gusto kong matulog ay hindi ako dalawin ng antok. May bumabagabag sa dibdib ko na hindi ko mawari. Nalulungkot rin ako dahil iniwan ko na naman si Lola ng walang paalam kundi nag-message lang ako sa kanya kanina. Nag-explain ako at naiintindihan raw niya ako. Hindi ko pa nabuksan ang kahon na ibinigay ng Lola ko. Nasa tabi ko sa backseat, pinakuha ko sa driver ni Mama ito kanina sa bahay ni Lola. Nakatitig lang ako roon. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa tawag kanina. Hindi ko maintindihan ang sinabi nitong may pirma. Anong pirma iyon? Biglang nag-vibrate ang phone ko. Nawala ang pagmumuni-muni ko. Tinignan ko ang tumatawag, unknown number ulit. Hindi agad ako sumagot sa tawag. Paano nila alam ang bagong number ko? Anong gusto nilang palabasin? Gusto ba nila akong lituhin dahil wala akong alam sa nakaraan ko? Kay Lola lang ako maniniwala dahil siya ang nakalakihan kong pamilya. Ang mga kwento niya a

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 113

    Pangungulit Amara POV Kinabukasan, maaga akong nagising sa condo ni Kelly. Sinabi ko sa driver na dito ako matutulog. Tumawag rin ako kay Mama at sinabi na nakitulog ako sa condo ng kaibigan ko. Tahimik pa ang buong unit, tanging mahinang ugong ng aircon at liwanag ng umaga mula sa bintana ang kasama ko. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame, pilit inaalala kung bakit parang may mabigat sa dibdib ko. Tumingin ako sa paligid, parang ako na lang ang nandito. Mas nauna pa yata silang nagising kaysa sa akin. Uuwi na ako sa probinsya at sobrang mamimiss ko sila. Sa probinsya kasi tahimik at simple lang ang buhay. Malayo sa kanya at malayo sa gulo ng lungsod ng Maynila. Tahimik akong bumangon at nag-empake. Konti lang naman ang dala kong gamit, ilang damit, essentials, at mga bagay na nagpapaalala kung bakit kailangan kong bumalik. Hindi ako puwedeng manatili sa lungsod para lang sa isang lalaking hindi ko pa kayang kausapin at sagutin. Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko s

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 112

    Meet with friends Amara Mabilis akong sumakay sa loob ng sasakyan na nakabukas ang pinto. "Saan tayo, Ma 'am?" tanong ng driver ni Mama. Ito kasi ang kasama ko na nagtungo dito sa Manila kasama ang ilan sa mga bodyguards ng pamilya ni Mama. "Sa BGC po, Kuya," magalang na sagot ko. Ito ang isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya ni Mama. Ang asawa niya ay kasambahay din sa mansion. Ang sabi ni Mama mas gusto raw nila dito magtrabaho kaysa sa bukid. Sila Mama na rin ang nagpapaaral sa mga anak nila kasama ang ibang mga manggagawa sa hacienda nila. Mga pangarap kong gawin sa mga batang nakasalamuha ko sa maliit na bahay na inuupahan ko noon ang pag-aralin sila. Ginagawa na pala ng pamilya nila Mama. "Okay," iyon lang ang sagot ng driver. Ang aga, palang traffic na. Wala bang lugar dito na hindi traffic? tanong ko pa sa isip ko. 'Parang hindi ka lumaki dito sa Manila ah?' buska ng isip ko. "Nanibago lang naman ako," bulong ko. Nag-message ako sa kaibigan ko na malapit

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 111

    Kinaumagahan sa Lobby Amara Pov Golden ang sikat ng araw sa malalaking glass panels ng hotel. Napakagandang pagmasdan. Tahimik ang umaga ng bumaba ako. Naamoy ko na ang mabangong kape at bagong bake na tinapay. Naglalakad na ako patungong restaurant dito sa baba lang rin. Simple lang ang suot ko, naka-white blouse, black trousers, buhok na nakalugay. Simpleng make-up lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Pero kahit ganoon, ako pa rin ang pinaka-kapansin-pansin sa buong lobby. Medyo nailang ako, pero hindi ko kailangan na mahiya sa kanila. Sila dapat ang mahiya sa akin. Huminto ako sa paghakbang. Nakita kong nakatayo sa may reception area si Tristan. The hell! Anong ginagawa na naman niya dito? Parang kanina pa ito naghihintay sa akin. Dahil napansin kong umaliwalas kunti ang mukha niya. Nakasuot ng dark gray suit. Ang mata niya ay diretso sa akin. "Good morning," kalmadong bati niya. Umiwas agad ako sa kanya, naglakad ako papunta sa exit. "Amara," tawag nito. Hind

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 110

    Argument V.2Amara Pov Hindi pinapakita ni Flora na nanginginig ang katawan niya. Pero halata ko. Anong ikinatatakot niya kung hindi siya involved sa nangyari sa amin ni Papa?"Huwag kang magbintang kung wala ka namang pruweba. Hindi mo kami kaaway," bigla nitong sabi, pero halatang nagsisinungaling siya."Hindi?" mahina ngunit matalim ang sagot ko. "Bakit parang buong buhay ko, ako ang tinratong problema? Hindi ako malaya at ako pa nga ang sumira sa party ninyo, di ba? Pero kung nasira ko man iyon, bakit magkasama at mag-asawa na pala kayo? Ibig sabihin, wala akong nasirang party ng gabing iyon. Kayo ang sumira, hindi ako. Period!" halos sumigaw na ako sa galit sa kanila.Kahit ang piano sa gilid parang tumigil. At nakiusyoso na rin sa komosyon dito sa lobby.Huminga ako nang malalim."Hindi ako nandito para makipag-away. Nandito ako para magpahinga."Tumingin ako sa paligid, parang dumami na ang mga tao sa lobby. Ayokong dungisan ang hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila Mama. Kaya

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 109

    Unexpected Amara POV Gusto ko sana ilibot ang paningin ko sa paligid. Kaso ayokong magmukhang ignorante sa mata ng mga taong nandito. Ang ganda ng kulay ng marble floors. Kay ganda rin ang mga crystal chandeliers na siyang isa sa asset ng lobby. May live piano pa sa gilid ng lobby. Nakakarelax ang tunog. Hindi lang basta hotel kundi isa sa world-class hotel dito sa Manila. Nakikita ko na ito dati kaso hindi ko akalain na pagmamay-ari ng pamilya nila Mama Amelia. Ito ang flagship property ng pamilya ni Mama Amelia, ang angkan ng tunay kong ina. Ang sabi ni Lolo maraming branch ang five star hotel na ito. Bongga! Pagpasok ko sa lobby, agad akong sinalubong ng manager. Baka kinausap na siya ni Mama Amelia, kaya kilala na nila ako agad kahit hindi ko pa sila kilala. "Ma'am Amara, naka-ready na po ang presidential suite ninyo." magalang nitong sabi. Tumango ako at nagpasalamat. Hindi na ako nagtanong pa. Aligaga silang asikasuhin ako kaya ngumiti na lang ako sa kanila. P

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status