共有

Kabanata 87

作者: Chelle
last update 最終更新日: 2026-01-20 22:30:32

My twins

Amara Pov

Tahimik na ang health center, tuwang-tuwa ako sa mga anak ko. Dalawang babae at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kambal ang nilabas ko.

Kaya pala ang laki ng tiyan ko. Yun pala ay kambal ang binubuhat ko kaya mabigat kapag naglalakad ako.

Mahina na lang ang iyak ng mga sanggol, parang bulong na lang dahil marahan ko silang tinatapik sa likod.

Sabay-sabay kaming nakatulog na tatlo.

Third Pov

Nakatulog na si Amara nang sumilip ang isang midwife, yakap ang dalawa niyang anak. Kaya marahan niyang sinara ang pinto para hindi siya makagawa ng ingay.

Sa labas, hindi pa umuuwi ang tumulong sa kanya na si Nestor. Nakaupo ang lalaking tumulong sa kanya na si Nestor, pinupunasan ang pawis sa noo habang umiinom ng kape na inabot ng staff sa kanya.

"Ano raw ang buong pangalan ng nanay?" tanong ng isa ring midwife.

"Amarantha Sarmiento," sagot niya nang walang pag-aalinlangan.

Biglang huminto ang kamay niya sa ere sa akmang paghigop sana niya ng kape.

'Amaranth
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Rhu
thank u ms. a. ganda bg story. more pls
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 93

    DNA test result Amelia Pov Kaya kinabukasan, nagtungo ako sa opisina ng doktor sa bayan. May appointment na ako sa kanya. Kamag-anak rin namin ito, kaya nagtaka nang tumawag ako sa kanya.Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng sinagawang DNA test namin ni Amara. Lihim kong pinahid ang ilang bulak sa kutsarang ginamit niya at sa basong ininuman niya noong namasyal ulit ako sa bahay niya.Kung anuman ang resulta ay tatanggapin ko. Pero hindi pa rin ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang asawa't anak ko.Nandito akong muli para kunin ang resulta ng DNA test na sa Manila pa nila ginawa.Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa sobre. Parang ayaw kong buksan dahil natatakot ako sa resulta. Parang kapag binuksan ko ay wala nang atrasan at walang bawian."Ate Amelia, naka-verify na po ang resulta," sabi ng pinsan kong doktor, mahinahon na may ngiti sa labi.Huminga ako nang malalim. This is it. Kaya ko 'to. Positive o Negative, ayos lang. Sanay na ako."Ano ang resulta para hindi ko na

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 92

    Mga Palatandaan Amara Pov Hindi ko agad napansin ang mga maliliit na bagay na palatandaan na halos magkapareho kami ng galaw ng ginang. Kung paano pareho kaming humawak ng tasa sa kaliwang kamay, at ang hinlalaki ay nasa gilid. Kung paano pareho kaming tahimik kapag nasasaktan, imbes na magreklamo, ay hinayaan na lang dahil lilipas rin naman. Kung paano si Ma'am Amelia ay laging napapatingin sa akin na parang may hinahanap sa mukha ko. Siguro mga palatandaan na gusto niyang makita sa mukha ko. At ganoon din ako sa kanya. Naisip ko ang kwento ni Aling Leti na bata pa lang ang anak niya nang mawala sa kanya. Kaya paano niya malalaman na anak niya ang isang dalaga kung hindi pa pala niya ito nakitang lumaki kasama siya? Isang hapon, habang nagpapadede ako sa isa kong anak, ay nakataas ang laylayan ng suot kong blouse. Napatitig ang ginang sa tagiliran ko dahil mayroon akong balat doon. Hindi ko na lang iyon pinansin pa. At nang maramdaman kong nagpoop ang anak ko, hinayaa

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 91

    Isang taonTristan PovIsang taon mahigit na mula nang tuluyang mawala si Amara sa aking mundo.Walang paalam, walang bakas kung saan siya nagtungo, walang kahit anong pwedeng kapitan at kahit man lang sana lugar kung saan siya nagtago. Wala.At kahit sinasabi ng lahat na "sumuko ka na,"hindi ko pa rin magawa. Dahil narinig ko sa madrasta ko na ampon lang niya si Amara.Hindi nila alam noon na umuwi ako ng mansion. Narinig ko silang mag-asawa na nagkukwentuhan sa kusina. At ang nakakainis pa ay gusto nilang ilihim ang pagkatao ni Amara, hanggang sa mawala sila sa mundo.Oo, kinasal na silang dalawa! Nang hindi man lang nila itinatama ang pagkakamali nilang ginawa kay Amara. Na sana sinabi nilang hindi kami magiging magkapatid dahil hindi naman pala anak ng babaing iyon si Amara.Pero sa bandang huli ay gusto naman aminin ng madrasta ko kay Amara ang totoo pero ang sabi ng ama ko. Aminin man niya o hindi na hindi niya anak si Amara ay sa mata ng tao anak pa rin niya dahil nga ampon ni

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 90

    Eating with Amelia Amara POV "Kumain na po tayo, Ma'am Amelia, habang tulog pa ang mga anak ko. Sana po magustuhan mo ang ulam na luto ko," nahihiya kong sabi. Nahiya rin ako kasi konti lang ang gamit kong pangkusina. Sana hindi siya maarte dahil may kalumaan na ang gamit ko. Buti na lang bago ang plato at kutsara, kaya di gaanong nakakahiya. "Don't worry, iha, hindi ako maarte sa pagkain," ngiti nito at lumapit na siya agad sa mesa. Humingi na muna kami ng pasasalamat sa Diyos bago kami nagsimulang kumain. Nakatingin ako sa kanya habang sumusubo ng ulam. Pinapanalangin ko na sana magustuhan niya ang luto ko. Ngumunguya ito at marahang tumango-tango. Tapos sumubo ulit ng adobong manok. Mukhang nagustuhan niya ang luto ko dahil magana na itong kumakain at hindi na niya ako kinausap pa. Kaya kumain na rin ako. Lihim akong napangiti ng makita kong magana siya sa pagkain. Mukhang hindi kumain ng ilang buwan. "My God! I'm so full!" bulalas niya na ikinatawa ko. "Masaya po ako dah

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 89

    Panauhin Amara Pov Magaan ang loob ko sa ginang at parang hinahanap ng puso ko. Gusto ko ulit siyang makita, kaso nahiya naman ako magsabi sa kanya na bisitahin niya ako. Kinuha kasi niya ang numero ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa naman siya nag-message sa akin. Iba ang pakiramdam ko, parang sabik na hindi ko mawari. Isang buwan na ang nakalipas mula nang manganak ako. May dumating na mga gatas, pampers, at iba pa. Sabi ng lalaki, galing daw iyon sa hacienda, ipinamimigay nila para sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nakakatipid na ako sa gastusin. Gusto ko na ngang magtinda ulit ng fishballs, kaso hindi na pwede ngayon dahil dalawa na ang anak ko. Hindi kasi siya agad bumalik kinabukasan noong namasyal siya dito kasama ang dalawang midwife na nagpaanak sa akin. Binisita nila ang kambal at check-up na rin nila ang kambal. Sila na ang pumunta dito dahil sa utos daw ni ma'am Amelia. Nahiya ako bigla sa kanila dahil nakaabala pa ako. Parang naramdaman ko na ayaw niyang magmuk

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 88

    Panauhin Amara POV Hindi pa rin ako tulog nang may kumatok. Mahina lang ang katok, na parang alam nila na may batang natutulog dito. May paggalang ang paraan ng pagkatok ng kung sino man ang nasa labas. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang ginang, maayos ang postura, pero nanginginig ang kamay. Natigilan rin ako, na parang pamilyar sa akin ang mukha nito. Hindi ko lang sure kung saan ko ito nakita noon. "Magandang gabi. Pasensya na sa pang-iistorbo, iha," mahinang sabi nito sabay ng magaan na ngumiti. Nakatingin lang rin ako sa kanya at sinusuri ang mukha niya. Wala akong imik, pero tipid rin akong ngumiti pabalik sa kanya. "Ako si Amelia. Narinig ko ang pangalan mo mula sa trabahador sa hacienda." Napatigil ako sa sinabi nito. Sinabi kaya ni Aling Leti ang pangalan ko sa kanya? O baka napagalitan ang binatang naghatid sa akin kaya ito pumunta dito para makasiguro kung totoo ang sinabi ng binata? "Opo?" tipid na sagot ko. Lumapit ang ginang ng isang hakbang at tumingin sa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status