Share

Mahal na Kita, Señorito
Mahal na Kita, Señorito
Author: cassie

Simula

Author: cassie
last update publish date: 2026-06-15 21:34:42

"Children without families are the most valuable people in the world"

Lagi kung tinatatak sa isip ko na kakaiba ako, na malakas ako dahil wala akong mga magulang. Pero habang tumatagal, habang tumatanda ay parang sinasampal na ako ng katutuhanang...

...ang gaya ko...

ay walang karapatang mabuhay sa mundo.

Nang lumabas ako ng bahay ampunan dahil nasa legal age na ako, dun ako mas namulat sa kahirapang mamuhay sa mundo.

Saan man ako tumitingin, may nakikita akong magpapamilya. Mga batang babae at lalaki, kasama ang kanilang mga magulang.

Habang ako heto, hila-hila ang aking malaking sakong bag kung saan nakalagay ang aking mga gamit galing pang ampunan.

Andito ako ngayon sa syudad at naghahanap ng matutuluyan, tanging 1,000 pesos lamang ang binigay sa akin ni Sister na budget para sa bedspace, kaya kailangan ko talagang humanap ng trabaho.

“Mommy look...ohhh... Kadiri yung babae” Sabi ng batang babae na nasa sampong taong gulang at naka pink pa na bistida. Diring diri talaga sa aking ang mga bata dahil sa dumi at baho ko na siguro.

Nangangalay na rin ang kanang braso ko dahil yun ang may hawak ng dala kong malaking bag. “Don't mind her, may mga ganyang talagang tao baby.” rinig ko namang bulong ng ina nito.

Para mas lalo ko pa silang mainis ay nangulangot ako sa harapan nila. Agad naman ang ngiwi nila sa ginawa ko. Nag kunwari pa akong bibigyan sila ng kulangot "Gusto niyo? Medyo maalat pa naman to...” asar ko. Para naman silang nasusuka na nakatingin sa akin.

At todo tawa lang naman ako. Mga taong to, akala talaga nila wala silang kulangot na diring diri talagang nakatingin sa akin. "Let's go baby, I think she's crazy” sabi ng mommy ng bata at dali daling hinila ang anak niya.

"Wow... Diring diri talaga!!!" Sabi ko at umirap. Napansin ko naman na napatingin din sa akin yung ibang tao na tumatambay sa plaza. "Ano? Hihinge kayo ng kulangot ko?"

Sabi ko at inirapan sila. Hindi ko na pinansin ang mga tao na diring diri at yung iba nagbubulungan pa. “baliw ata”

“kawawa naman”

“maganda pa naman sana”

“sayang nga eh”

Hindi ko na sila pinakinggan pa, at habang naglalakad may nakita naman akong magjowang naghahalikan sa bandang gilid at madilim na parte ng plano.

Dito pa talaga nila naisipang gawin. Kaya naman ang ginawa ko ay sinabunutan ko ang lalaki upang malayo ang labi nila sa isa't isa. Gulat naman ang babae na tumingin sa akin!

Kaya naman may naisipan nanaman akong kalukuhan. “Aray!! Ba't ka nananabunot!?" Daing ng lalaki

“Hayop ka!" Acting ko at tinaasan siya ng kilay "Kagabi lang dinala mo ako sa... Motel tapos ngayon mahuhuli kitang may kahalikan ka dito sa may plaza!”

Acting ko. Bigla ko namang nakita ang gulat at galit na ekspresyon ng babae, nagpapatunay lamang ito na successful at makatutuhanan ang pag acting ko

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Singhal ng lalaki sa akin. At mas ginalingan ko nanaman ang acting ko na kunwari ay naiiyak na ako. May pa luha effect pa ako

"Pagkatapos mo tong halikan!" Tinuro ko ang labi ko "Pagkatapos mo tong susuhan!" Tinuro ko naman ang dibdib ko "At pagkatapos mong maglabas...pasok... sa bukana ng aking pagkababae..." At tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Nag e-emprove na ang acting ko pwede na mag artista. Tiningnan ko na unti unti ng umiyak ang babae. Pinipiga piga ko naman ang dibdib ko na kunwari nasasaktan ako "Tapos makikita...kitang...nakikipag...halikan sa ibang babae..."

Humikbi na ang babae "Hon, hindi totoo yun...maniwala ka naman, stop crying, damn!" Sabi ng lalaki at kinakalma ang babae

Kaya naman hindi ko mapigilang tumawa ng malakas. "HAHAHAHHAHAHAHAHHA" nagulat ako ng huminto sa pag iyak ang babae at matalim na tumingin sa akin "It's a prank!"

Masaya kong sabi. Pero parang mali ang timing ko sa mga prank ko ngayon dahil parang galit na tigre na ang mukha ng babaeng sarap na sarap pa sa halikan nila kanina.

"HAYOP KAAAAA!" Sigaw nito at mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ay agad niyang hinawakan ang buhok ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Baliw ka na babae ka...anong karapatan mong paglaruan ang feelings ko?!"

Patuloy lang siya sa pagsabunot sa akin habang ako ay gumaganti na rin! Hindi naman kasi siya mabiro! Grabi napaka sakit ng sabunot niya dahil parang matatanggal na ang buhok ko mula sa anit.

"Woiii! Di ka...naman mabirooooo" sigaw ko habang ginagantihan ko rin siyang sabunutan.

Hinihila at inaawat naman kami ng jowa niya pero Wala talagang nakapagpaawat sa amin. Napansin ko rin ang pagdami ng mga tao, pinapalibutan na kami ng mga tao!

Ang OA naman kasi ni Anteh, parang di Gen Z di makarelate sa mga prank2. Kahit nga ako na galing sa ampunan ay alam ko yun tapos siya hindi siya makasabay.

Mas advance ba ang nasa ampunan kaysa sa nasa syudad?

May narinig na akong tunog ng pito pero hindi pa rin paawat itong si Anteh, patuloy pa rin sa pagsabot sa akin, kaya ganun din ako uyyy, di ako magpapatalo, sinabunutan niya ako, sasabunutan ko rin siya.

Mas lumakas na ang pito at napansin ko na bumitaw na ang babae at huminto na siya sa pagsabunot sa akin! Pero ako hindi pa rin ako nagpaawat patuloy pa rin ako sa paghila sa buhok niya kahit nakabitaw na siya sa akin.

Tumingin ako sa pulis sa harapan ko. Oo, tama! Pulis! "Bitawan mo na ang buhok niya!" Utos ng pulis sa akin at umiling ako

"Diba yann yung baliw na nangulangot kanina?" Rinig kong bulong ng iba

"Gagi, may inataki yung baliw, kawawa naman yung babae"

"Mas dehado pa yung babae kaysa sa baliw oh, daming kalmot sa Mukha ng babae"

"Mukhang amerikana pa naman ang baliw, sayang talaga”

"Bitawan mo na siya!" Sigaw ng Pulis, tinaasan ko siya ng kilay

"Ayoko nga, siya unang umataki sa akin!" Sagot ko at inirapan ang pulis.

Nagulat ako ng biglang nilabas ng pulis ang baril, kinuha niya ito mula sa bulsa niya at tinutok sa akin...

Y o u c a n p r o c e e d t o t h e n e x t c h a p t e r.

T h e f o l l o w i n g a r e t h e s m a l l I n f o r m a t i o n r e g a r d i n g s a b o o k.

A n d I t i s n o t r e a l l y r e q u i r e d t o r e a d i t. L a l o n a k u n g m a b i l i s k a l a n g m a i n I p.

***

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Content Warning

This story contains mature themes that may not be suitable for all readers.

Main Character

Profiles

1. Chelestine “tina” Batumbakal

Age: 18 years old

Role: The Protagonist

Brief Description: Si Tina ay medyo mahilig magbiro, at dahil galing siya sa ampunan, minsan ang biro niya ay iba ang interpretation sa iba. Pero sa dami-dami ng taong hindi matimpla-timpla kung anong meron sa personality ni Tina ay isa lamang ang tanging nakakuha ng tamang sangkap nito. Ang kaniyang Bilyonaryong amo. Pagdating naman sa physical appearance hindi mo talaga aakalain na medyo bata pa talaga mag isip si Tina dahil sa ganda at perpektong pagkakahubog ng kaniyang katawan. Plus, kulay brown din ang kaniyang buhok at kilay na mapagkakamalan mo talagang may lagging foreigner. Matatangos at mala mestiza din ang kaniyang kutis na mabilis mamula. May katangkaran din ito kaya aakalain mong hindi na 18 ang edad.

2. Rhylle Voine Roxwell

Age: 29

Role: The Male Protagonist

Brief Description: CEO of Roxwell Corporation si Rhylle, at the age of 21 ay nagsimula na siyang umupo sa kompanya ng pamilya. Masunuring nag iisang anak at apo si Rhylle, wala siyang pinsan sa father side kasi nga ang pamilyang Roxwell ay Hindi masyadong madami ang bread. Ang ama niya rin ay ang nag iisang anak ng kaniyang Lolo at lola. Kaya siya lang din ang nag iisang apo. Hindi rin nila lubos maiintindihan kung bakit mahihina ang kanilang genes pagdating sa pagpaparami. Miracle na nga lang daw si Rhylle ng mga magulang dahil bago siya nabuo ay nakailang subok din ang kaniyang mga magulang. Kaya naman wala talaga siyang naging choice kundi ang sumunod sa kaniyang mga magulang dahil wala itong ibang maasahan kung hindi siya. Kayang ibigay lahat ni Rhylle sa kaniyang mga magulang, pero may isang bagay ang hindi niya magawa, yun ay ang pag aasawa. Kahit sino-sinong fiancee na ang ipinakilala sa kaniya ng mga magulang ngunit ni isa ay Wala siyang magustuhan / matipuhan. Kaya ang nangyari, hanggang sa 29 years old na ito ay babad pa rin sa trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 134

    Chapter 134Ang Unang Nakaligtas sa EdenThird Person POVTahimik.Iyon lamang ang salitang kayang ilarawan ang buong Monteverde Estate.Matapos lumabas ang pangalan sa screen...Walang makapaniwala.---EDEN ORIGINAL SUBJECTLUCAS VALERIANO---Ang taong ilang beses nilang pinagkatiwalaan.Ang taong tumulong sa kanila.Ang taong palaging nasa likod ng paghahanap ng katotohanan.---Ay bahagi pala ng lihim na sinusubukan nilang sirain.---"Lucas..."Mahinang sabi ni Rhylle.---Sa kabilang linya...Walang sagot.---Hanggang sa narinig nila ang kanyang boses.---"Alam kong darating ang araw na malalaman ninyo."---Napakuyom ang kamay ni Kael.---"Niloko mo kami."---Tahimik si Lucas.---

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 133

    Chapter 133Ang Susi na Hindi Dapat PiliinThird Person POVEDEN FINAL CONDITION:ONE KEY MUST SACRIFICE THE OTHER---Nakatitig lamang silang lahat sa screen.Walang gustong magsalita.Dahil ang kahulugan ng mensahe ay malinaw.---Hindi maaaring manatili silang dalawa.---Isa sa kanila ang kailangang mawala.---"Tama na."Mahinang sabi ni Rhylle.---Lumapit siya sa Genesis-Eden Core.---"Hindi na ako papayag na may ibang magdesisyon para sa buhay namin."---Nagsimulang magliwanag ang sistema.---KEY IDENTIFIEDRHYLLE VALERIANO ROXWELL---Agad na lumapit si Tina."Rhylle, huwag."---Ngunit tumingin siya sa kanya.---"Kung may pipiliin man..."Huminto siya.---"Ako na."

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 132

    Chapter 132Ang Dalawang Huling SusiThird Person POVHindi gumalaw si Tina.Hindi siya makahinga nang maayos.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nakita sa screen.---SECOND FINAL SUBJECT: TINA MONTEVERDE---Parang gumuho ang lahat ng alam niya tungkol sa sarili.---"Impossible..."Mahina niyang sabi.---Tumingin siya kay Lucia."Sabihin mong hindi totoo."---Ngunit ang katahimikan ng matanda...Ang siyang pinakamasakit na sagot.---"Lola."Nanginginig ang boses ni Tina.---"Ano ang ginawa ninyo sa akin?"---Hindi agad sumagot si Lucia.Sa halip, tumingin siya kay Rhylle.---"Alam mo na ngayon kung bakit kayo nagkita."---Nanigas si Rhylle.---"Hindi."Malamig niyang sabi.

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 131

    Chapter 131Ang Pagbabalik sa Monteverde EstateThird Person POVHindi na naging pareho ang hangin matapos ang mensahe ni Lucia Monteverde.Ang lugar na dati nilang pinupuntahan bilang tahanan...Ay naging lugar na ngayon ng mga lihim.Ang Monteverde Estate.---Tahimik ang lahat habang naghahanda silang umalis mula sa Genesis Facility.Ngunit ang katahimikan ni Tina ang pinaka-napapansin.---"Tina."Tawag ni Rhylle.Hindi siya sumagot.Nakatayo lamang siya sa harap ng malaking salamin ng pasilidad habang nakatingin sa kanyang sariling repleksyon.---"Buong buhay ko..."Mahina niyang sabi."Akala ko alam ko kung sino ako."---Lumapit si Rhylle.---"Pero ngayon..."Napangiti siya nang mapait."Lahat ng bagay na pinaniwalaan ko tungkol sa pamilya ko...""Paran

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 130

    Chapter 130Ang Katotohanan ng Pamilyang MonteverdeThird Person POVTahimik ang buong Genesis Facility.Ang katawan ni Adrian ay nakahiga sa sahig.Wala nang liwanag.Wala nang tunog.Tanging ang mahinang paghinga ni Rhylle ang maririnig.---Dahil sa loob ng kanyang isip...May isang mundong hindi niya inaasahan.---Mga alaala.Libo-libong alaala.Mga mukha.Mga pangalan.Mga pangyayari na hindi niya naranasan ngunit tila kanya.---Ang mga alaala ng Project Genesis.---Napahawak si Rhylle sa kanyang ulo."Rhylle!"Agad siyang nilapitan ni Tina."Anong nangyayari sa'yo?"---Hindi siya agad sumagot.Dahil sa loob ng kanyang isip...May isang batang lalaki siyang nakita.---Si Lucian.Si Kael.Si Gabriel.

  • Mahal na Kita, Señorito   Chapter 129

    Chapter 129Ang Huling Alaala ni AdrianThird Person POVVESSEL ACCEPTEDAng dalawang salitang iyon ang nagpatigil sa buong Genesis Facility.Hindi si Rhylle.Hindi si Kael.Hindi si Tina.Kundi si Adrian Valeriano.---"Adrian!"Sigaw ni Gabriel.Ngunit hindi na siya makalapit.Isang pader ng enerhiya ang humarang sa kanila.---Sa loob ng liwanag...Nanatiling nakatayo si Adrian.Tahimik.Ngunit sa kanyang mukha...Makikita ang isang emosyon na hindi nila inaasahan.Pagsuko.---"Alam ko na."Mahina niyang sabi.---Napatingin si Rhylle."Ano?"---Ngumiti nang mapait si Adrian."Matagal ko nang alam na darating ang araw na ito."---"Ang Genesis Core ay hindi lamang sistema."Huminga siya nang mal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status