共有

CHAPTER 7

last update 最終更新日: 2025-05-26 12:55:54

UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa.

"Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas.

"Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin.

"Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?"

"Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.

Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!

Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?

"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa kanya. Hindi ko kayang sikmuraing pati siya ay nakuhang magsinungaling sa akin.

"Pe-pero-- kakarating ko lang," tugon niya habang napatingin siya kina mommy at Cathy.

"Umuwi ka na!" madiin kong saad sa kanya.

"Anak," awat sa akin ni mommy, "anong ginagawa mo? bakit mo siya itinataboy?"

"Ayokong marinig niya kung ano ang  pag uusapan natin, "sabi ko, "ito ay sa pagitan lang natin."

"Hindi. Mananatili siya dito. Parang miyembro na ng pamilya natin si Astraia, kaya kung ano ang nais mong sabihin, maaari niya itong marinig." pagmamatigas ng aking ina.

Parang inaabot na ng pagtaas ng dugo ang aking ulo. Huminga ako ng malalim, saka lumapit sa kanilang mga pinamili. Inisa isa ko yun, saka inilagay ko sa sofa.

"Saan galing ang ipinambili ninyo nito?" ulit ko sa aking katanungan. Hinihintay kong magsabi sila ng totoo.

"Amin nga yan. Naipon namin yan ng kapatid mo," sagot ni mommy sa akin. Iba talaga siya, may paninindigan!

"Sa huling pagkakataon, magsasabi kayo ng totoo, o susunugin ko ang mga bagay na yan?" pamimilit ko sa kanila. Hindi ako makakapayag na hindi nila aminin mismo sa harapan ko na kay LJ na pera ang ginastos nila.

"Mommy.." humawak pa si Cathy sa braso ni mommy.

Naningkit ang mga mata ng mommy ko, habang nakatinguin siya ng masama sa akin, "aba naman, Dwayne. Ano namang katarantaduhan ang nais mong palabasin? anong p[alagay mo sa amin ng kapatid mo, walang pera?"

"Nasaan ang card ni LJ?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sina mommy at Cathy, bago nagsalita si Cathy, "aba, malay ko sa card niya!"

"Ilabas niyo!" nagtaas na talaga ako ng boses.

"Dwayne, bakit ba hindi ka naniniwala sa amin ng kapatid mo? sinabi ko na sayo, mukhang pera ang babaeng yun. Kita mo ba, matapos niyang makakuha ng pera sayo, lumayas na siya?" pagmamalaki pa ng mommy ko.

"Sunod sunod na nagmessage sa akin ang banko ngayong araw, tungkol sa mga nababawas sa account ni LJ. At nagkita kami sa mall!"

"Oh, malamang, siya ang gumastos non!" sabi pa ni mommy sa akin, "nasa mall siya, namimili, kaya sunod sunod ang message ng banko na nadating sayo."

"Malalaman ko rin yan," sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si Alexis. "Nasaan ka? hanapin mo nga ang mga transaction na ipapadala ko sayo kung saan saan iyon ginamit? nais ko lang malaman, kung may nagnakaw ng card ng asawa ko."

"Sure, sir."

Naguguluhang nagkatinginan sina Cathy at mommy, saka sila tumingin sa akin,.

"Malalaman ko ngayon, kung sino ang gumastos ng pera.' sabi ko sa kanila.

Marahil, hindi na nakayanan ni mommy ang stress.

"Na--nahihilo ako.." saka siya dahan dahang natumba sa sahig.

"Kuya!!! si mommy!!" tawag ni Cathy sa akin. Katulong niya si Astraia na umaalalay kay mommy.

"Shit!" agad ko silang dinaluhan, saka binuhat ko si mommy patungo sa kotse, "Manong Reming, sa ospital tayo!"

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 25

    Pag-upo ko muli, naramdaman kong ibang klase na talaga ang LJ ngayon. Hindi na ako 'yung dati—‘yung palaging nag-aabang, palaging nag-a-adjust, palaging naghahanap ng dahilan para manatili ang isang taong matagal na palang wala. Tahimik si Kuya. Hindi niya ako tinanong kung okay lang ako sa ginawa kong pagpunit ng card. Sa halip, ngumiti lang siya—parang sinasabi niyang “tama ‘yan.” Napatingin ako sa paligid. Ang daming ilaw, ang daming tao. Pero sa gitna ng dami, nahanap ko ‘yung sarili kong tahimik, pero buo. Isang bagay na matagal ko nang pinangarap maramdaman. Bigla kong naalala ang mga gabing umiiyak ako sa bintana, tinatanong ang sarili kung saan ako nagkulang. Kung may mali ba sa akin, kung bakit kahit anong pagpupursige, hindi sapat. Pero ngayon, alam ko na—hindi ako kulang. Mali lang talaga ang taong pinili ko noon. Bahagya akong natulala.. “Lj?” mahinang tanong niya. Ngumiti ako. “Kuya… hindi pa rin siya para sa akin. Kahit pa may dahilan siya, hindi na kami pareho. H

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 24

    Sa bawat hakbang ni Dwayne palayo, tila unti-unting nawawala ang bigat na matagal nang nakapatong sa dibdib ko. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang talunan—hindi dahil natalo siya sa argumento, kundi dahil wala na siyang kapangyarihang hawakan ang emosyon ko.Dapat malaman na ni Dwayne kung saan siya lulugar. Wala na siyang lugar sa puso ko, at ngayon pa lang, mas uunahin ko na ang aking sarili kumpara sa lahat.“Bunso…” mahinang tawag ni Kuya Zyd, “okay ka lang ba?”Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Okay lang ako, Kuya. At kung hindi pa man ako buo ngayon, alam kong papunta na ako ro’n.”Umupo kami muli sa mesa. Tumingin ako sa paligid—mga ilaw, mga taong nagkakasiyahan, mga alaalang pilit kong kinokonekta sa kasalukuyan. Ngayon, naririto ako. Buo. Malaya.“Alam mo,” bulong ni Kuya habang umiinom ng alak, “akala ko noon mahihirapan kang bumangon pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, tingnan mo sarili mo.” Kumindat siya sa akin. “You’re glowing.”Napatawa ako. “Hindi siguro ‘to

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 23

    Hindi ko alam kung sinadya ko ba talagang gawin 'yon para saktan siya—o kung sadyang iyon ang tanging paraan para protektahan ang sarili kong puso. Minsan, ang pagiging malamig ay mas madali kaysa muling masaktan.Tahimik si Dwayne. Ilang segundo rin siyang hindi gumalaw sa kinatatayuan niya. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, pero mas pinili kong huwag magpatinag.“LJ…” muli niyang tawag, mas mahina na ngayon. Parang wala na ang dati niyang kompiyansa, parang siya ang nangangapa kung paano makalapit.Pero hindi na ako ang LJ na kayang bulagin ng dating pagmamahal.Tumayo si Kuya Zyd mula sa upuan at humarap sa kanya. “I think malinaw na, Lopez. Ayaw ka na niyang kausapin. So unless may importanteng bagay kang dapat iparating, you better walk away now.”Nag-angat ng tingin si Dwayne kay Kuya Zyd. Nakita ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Noon pa man ay hindi boto si Kuya sa kanya, at ngayong may lakas na ako para manindigan, tila mas determinado si Kuya Zyd na hindi na

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 22

    Napalingon ako sa entrance, at sa gitna ng flash ng mga kamera at tila orchestrated na pagbungad ng spotlight, tumambad ang pamilyar na presensya—Dwayne Lopez, naka-black suit na halatang custom-tailored, may aura ng isang taong hindi basta nagpapakita pero siguradong mapapansin kapag dumating.Hindi ko maiwasang mapatigil sa paghinga. Matagal ko na siyang hindi nakita mula noong huli naming banggaan—literal at emosyonal—sa isa sa mga show na ginulantang ng sariling pamilya niya.Napakunot ang noo ni Kuya Zyd. “What’s he doing here?”“Akala ko rin hindi siya invited,” sagot ko. “Lalo’t after everything that happened.”Lumapit si Dwayne sa gitna ng event hall na tila walang pakialam sa bulung-bulungan, deretso ang lakad, hindi umiwas sa mga tingin. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, biglang bumagal ang mundo.Marami akong tanong. Marami rin akong hindi pa tapos sa kanya.At base sa ekspresyon sa mukha niya—marami rin siyang gustong sabihin.Hindi man lang ako naisama ng dati kong a

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 21

    Pagkaupo namin sa front row muli, ramdam kong bumigat ang hangin. Hindi dahil sa tensyon, kundi sa dami ng damdaming biglang dumaloy sa puso ko—ligaya, pag-amin sa sariling tagumpay, at marahil, kaunting awa sa mga taong dati’y gustong pabagsakin ako.Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong naglakad palapit si Cathy. Nakasuot siya ng pearl white gold na gown, at hawak ang kanyang phone na parang handa siyang mag-kwento o mag-record. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong inaasahan ko sa kanya—basta’t tahimik lang akong naghintay sa paglapit niya.Nagpaalam naman si kuya Zyd sa akin na may kakausapin saglit, kaya naiwan ako mag isa.."Wow.. flavor of the month ka pala ngayon ni Zyd Vann de Mdrid," mapanuyang sabi niya sa akin, "kaya pala may kalakasan ang loob mong pagsabihan kami ng kung anu ano.. may ipinagmamalaki ka naman palang sugar daddy.."Hindi ko kaagad sinagot si Cathy. Tinitigan ko muna siya—hindi dahil gusto kong patulan ang insulto niya, kundi para iparamdam sa kanya n

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 20

    “Actually,” sabay sabing may biro si Kuya Zyd, “she’s not just my date tonight. She’s the future of fashion in this country.”Natawa ang buong table, pero halatang may halong paghanga sa tono nila. Napakagaan ng atmosphere, kahit na ramdam kong may mga matang pilit akong binabasa mula sa malayo—at hindi iyon galing sa admiration, kundi sa puot.Lumingon ako. Sina Mercedes at Cathy, halatang hindi mapakali. Nakita kong binulungan ni Mercedes ang anak niya, sabay irap sa direksyon ko. Hindi ko na lang pinansin. I have no time for petty energy tonight. I’m here to shine—hindi para patulan ang mga naiwan sa dilim.Maya-maya, lumapit ang event organizer sa amin.“Hi Sir Zyd, and to your lovely date. You’ve been requested to join the front-row reserved section for the awarding and highlight segment. May special seating po kayo doon.”“Oh wow,” bulong ko kay Kuya. “Front row?”“Of course,” sagot niya. “I made sure of that.”Habang nilalakad namin ang carpet patungo sa bagong mesa, mas lumaka

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status