“WELCOME home, my darling!!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Daddy.. Garalgal ang kanyang boses habang pinupunasan niya ang kanyang luha.
“Dad… wag ka ng umiyak,” iniharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, at pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak doon mula sa kanyang mga mata, “ masaya akong nakabalik na ako sa piling niyo.” “Miss na miss ka na ni daddy “ umiiyak siya sa aking harapan na parang isang bata. “Akala ko hindi ka na babalik.” “Siguro, kung naging maayos kami ni Dwayne, baka hindi na nga ako makabalik. Subalit ang Diyos ang gumawa ng pagkakataon upang ibalik ako sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pinipigilan kong lumuha, subalit hindi ko na iyon napigilan. Bago ako umuwi sa aming mansiyon, nanatili muna ako ng isang linggo kay Jill, upang umiyak, magmukmok at maglabas ng sama ng loob, upang hindi ko na iyon madala sa bahay. Tuwang tuwa siya noong dinala ako doon ni kuya. Dahil kahit si Jill ay hindi ko pinahintulutang lumapit sa akin. Malaki ang utang ko sa kanya at kailangang bayaran ko siya ng shopping for free.. Hindi naman sa wala siyang pambayad, dahil anak mayaman naman siya, kundi dahil sa may kakuriputan talaga siyang taglay. Dahil sa mga rants ko kay Jill, hindi ko na nadala ang aking saloobin sa aming tahanan. “Salamat ,Jill, at inihatid mo ang aking prinsesa dito,” nakangiting sabi ng daddy ko sa aking kaibigan. Nakaupo si Jill at kumakain ng mansanas na kinuha niya sa aming lamesa, “okay lang po iyon tito.. isa pa. Napapagod na rin po ako pakikinig sa anak niyo, hindi naman niya natikman yung pinapangarap niyang lalaki..” Nangunot ang noo ni Denmark sa narinig, “hindi natikman?” “Di ba, tito, napakaganda naman ng katawan ng Dwayne na iyon,” itinaas pa ni Jill ang kanyang kamay na parang iginuguhit ang lalaki, “tapos, olats naman yang si Liza..” “You mean..” parang doon pa lang pumasok sa isipan ni daddy ang sinasabi ni Jill. “Jill!!” Saway ko sa aking kaibigan, “malanding madaldal ka talaga! Magtigil ka nga!” “Naikwento ko lang naman kay tito, anong masama dun?” Nagkibit balikat pa siya habang nakanguso. Napakadaldal talaga ng kaibigan ko. Hanggang hindi sinasabing huwag ipagsasabi, talagang patuloy siyang nagsasalita. “Totoo ba yun?” Nakatingin ang daddy ko sa akin na parang inaasar ako. “Daddy naman eh, pati ba naman kayo? Si kuya Zyd, inaasar din ako eh. Baka kapag nalaman ni kuya Zalm ang tungkol diyan, pati siya, buskahin ako,” nakanguso kong sabi kay daddy. Nasa lahi talaga namin ang mapambuska. Marahil, kung buhay ang mommy ko, iba ang naging pagpapalaki sa amin ng daddy. Pero namatay siya matapos akong ipanganak, kaya hindi ko na nasilayan ang kanyang pag aalaga. Labing apat na taon ang pagitan namin ni kuya Zyd, sampung taon naman sa amin ni kuya Zalm. At si kuya Lei na may sariling mundo, pitong taon naman. Kaya lumaki akong isang prinsesa sa aming tahanan. Lahat ng gusto ko ay nasusunod. Sabi nga, ako ang boss. Subalit ang pagkakakilanlan naming magkakapatid ay hindi masyadong alam ng publiko. Si kuya Zyd at kuya Zalm, ay hindi rin alam ng karamihan na magkapatid, kahit pa pareho silang expose sa mga tao. Bigla akong niyakap ni daddy, saka hinalikan sa ulo, “anak.. basta, masaya si daddy na nakabalik ka na. Tamang tama ang pagbabalik mo, madamingbpupuntahang party ang kuya Zyd mo tungkol sa negosyo. Maaari siguro na umpisahan mo ng iexpose ang sarili mo sa lahat, hindi ba?” “Pero.. ayoko munang ipakilalang anak niyo ako,” pakiusap ko sa kanya, “sa gaganapin niyo na lang sanang kaarawan.” Iyon ay tatlong buwan mula ngayon. “Kung ano ang nais mo, anak, iyon ang masusunod,” ngumiti siya sa aking kahilingan. "Plano kong maghiganti ng tahimik, dad.. gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ako basura at hindi ako mukhang pera!" naaalala ko pa rin kung paano ako inapi ng mag inang iyon. At kung paano balewalain ni Dwayne ang lahat. Ang labing limang taon ko sa mundo, ay ginugol ko, para mahalin lang siya. Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanya. Ayokong mahalin niya ako, dahil lang sa kayamanang meron ako, kundi mahalin ako ng totoo at walang pag iimbot. Subalit nangyari na ang lahat, at wala na akong magagawa sa bagay na iyon. Tatanggapin ko na lang, na talagang pinagtagpo kami, ngunit hindi itinadhana. Pinilit kong maging ibang tao, para lang mapalapit ako sa kanya. Binago ko ang lahat, itinapon ko ang aking estado! subalit sa huli, isa lang akong basahan ng nakaraan, isang walang silbing nilalang sa kanilang harapan.POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re
"TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?""Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog."Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?""Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h
UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa."Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas."Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin."Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila."Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?""Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa ka
POV: DWAYNE"LJ?" nakakunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa isang babaeng nagtitingin ng damit sa isang kilalang botique.Huminga ako ng malalim. Malamang, makakabili siya ng mga bagay na naroroon sa loob ng mamahaling tindahang iyon. Umalis siyang tangay ang aking ATM na iniregalo sa kanya. At halos araw araw, nababawasan ang laman ng ATM na iyon. Malaking pera ang naipon doon, at nag iipon lang pala siya, bago ako layasan.Ang kabuuang sampung milyon na naipon doon, ay naging tatlong milyon na lang sa loob lamang ng mahigit isang linggo niyang paglayas sa aming tahanan!Napalunok ako.. kailangan ko siyang iuwi sa aming bahay, upang makapag usap. Masama ang loob ko sa kanya, subalit kailangan ko siyang masolo, at yayaing magsimula kaming dalawang muli. Isang taon na lang sana ang hinihintay ko upang ganap na baguhin ang rel;asyon naming dalawa, base na rin sa usapan namin ng aking lolo.."KUNG hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyan ngayon, bibigyan kita ng isa pang taon, para pat
“WELCOME home, my darling!!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Daddy.. Garalgal ang kanyang boses habang pinupunasan niya ang kanyang luha.“Dad… wag ka ng umiyak,” iniharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, at pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak doon mula sa kanyang mga mata, “ masaya akong nakabalik na ako sa piling niyo.”“Miss na miss ka na ni daddy “ umiiyak siya sa aking harapan na parang isang bata. “Akala ko hindi ka na babalik.”“Siguro, kung naging maayos kami ni Dwayne, baka hindi na nga ako makabalik. Subalit ang Diyos ang gumawa ng pagkakataon upang ibalik ako sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pinipigilan kong lumuha, subalit hindi ko na iyon napigilan.Bago ako umuwi sa aming mansiyon, nanatili muna ako ng isang linggo kay Jill, upang umiyak, magmukmok at maglabas ng sama ng loob, upang hindi ko na iyon madala sa bahay.Tuwang tuwa siya noong dinala ako doon ni kuya. Dahil kahit si Jill ay hindi ko pinahintulutang lumapit sa akin. Malaki an
LJ:Ipinagdrive siya ni Jill patungo sa dati nilang bahay ng kanyang asawa. Naroon na naman sa labas niyon ang sasakyan ng kanyang biyenan.“Ito ba ang bahay mo dati? ang ganda ha,” sabi niya sa akin, “kaninong kotse yan?”“Sa ex biyenan ko,” sagot ko sa kanya, “baka kung anu ano na naman ang kinukuha niya diyan sa loob.”Pagpasok namin, napansin ko ang aking mga damit na nasa sofa na. Marami na doon ay nakalagay sa isang box. Nagtatawanan pa ang aking biyenan at ang aking hipag, kasama si Astraia. Natigilan sila nang makita nila ako.“At bumalik pala ang makating babae dito sa bahay, anong ginagawa mo dito?” tanong ng aking dating biyenan, saka sila dahan dahang bumaba ng hagdan.“May naiwan lang akong gamit,” sagot niya. Subalit hinarangan ako ng mga ito noong aakyat na ako ng hagdan.“Kung ano man ang naiwan mong gamit dito sa pamamahay ng anak ko, hindi mo na iyon makukuha!” asik nito sa akin, “wala ka ng karapatan dito!” iniabot nila ang annulment papers namin ni Dwayne na may l