Share

CHAPTER 8

last update Last Updated: 2025-05-26 21:04:38

"TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?"

"Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.

Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog.

"Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?"

"Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.

Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 9

    POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 8

    "TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?""Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog."Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?""Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 7

    UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa."Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas."Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin."Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila."Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?""Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa ka

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 6

    POV: DWAYNE"LJ?" nakakunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa isang babaeng nagtitingin ng damit sa isang kilalang botique.Huminga ako ng malalim. Malamang, makakabili siya ng mga bagay na naroroon sa loob ng mamahaling tindahang iyon. Umalis siyang tangay ang aking ATM na iniregalo sa kanya. At halos araw araw, nababawasan ang laman ng ATM na iyon. Malaking pera ang naipon doon, at nag iipon lang pala siya, bago ako layasan.Ang kabuuang sampung milyon na naipon doon, ay naging tatlong milyon na lang sa loob lamang ng mahigit isang linggo niyang paglayas sa aming tahanan!Napalunok ako.. kailangan ko siyang iuwi sa aming bahay, upang makapag usap. Masama ang loob ko sa kanya, subalit kailangan ko siyang masolo, at yayaing magsimula kaming dalawang muli. Isang taon na lang sana ang hinihintay ko upang ganap na baguhin ang rel;asyon naming dalawa, base na rin sa usapan namin ng aking lolo.."KUNG hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyan ngayon, bibigyan kita ng isa pang taon, para pat

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 5

    “WELCOME home, my darling!!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Daddy.. Garalgal ang kanyang boses habang pinupunasan niya ang kanyang luha.“Dad… wag ka ng umiyak,” iniharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, at pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak doon mula sa kanyang mga mata, “ masaya akong nakabalik na ako sa piling niyo.”“Miss na miss ka na ni daddy “ umiiyak siya sa aking harapan na parang isang bata. “Akala ko hindi ka na babalik.”“Siguro, kung naging maayos kami ni Dwayne, baka hindi na nga ako makabalik. Subalit ang Diyos ang gumawa ng pagkakataon upang ibalik ako sa inyo,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pinipigilan kong lumuha, subalit hindi ko na iyon napigilan.Bago ako umuwi sa aming mansiyon, nanatili muna ako ng isang linggo kay Jill, upang umiyak, magmukmok at maglabas ng sama ng loob, upang hindi ko na iyon madala sa bahay.Tuwang tuwa siya noong dinala ako doon ni kuya. Dahil kahit si Jill ay hindi ko pinahintulutang lumapit sa akin. Malaki an

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 4

    LJ:Ipinagdrive siya ni Jill patungo sa dati nilang bahay ng kanyang asawa. Naroon na naman sa labas niyon ang sasakyan ng kanyang biyenan.“Ito ba ang bahay mo dati? ang ganda ha,” sabi niya sa akin, “kaninong kotse yan?”“Sa ex biyenan ko,” sagot ko sa kanya, “baka kung anu ano na naman ang kinukuha niya diyan sa loob.”Pagpasok namin, napansin ko ang aking mga damit na nasa sofa na. Marami na doon ay nakalagay sa isang box. Nagtatawanan pa ang aking biyenan at ang aking hipag, kasama si Astraia. Natigilan sila nang makita nila ako.“At bumalik pala ang makating babae dito sa bahay, anong ginagawa mo dito?” tanong ng aking dating biyenan, saka sila dahan dahang bumaba ng hagdan.“May naiwan lang akong gamit,” sagot niya. Subalit hinarangan ako ng mga ito noong aakyat na ako ng hagdan.“Kung ano man ang naiwan mong gamit dito sa pamamahay ng anak ko, hindi mo na iyon makukuha!” asik nito sa akin, “wala ka ng karapatan dito!” iniabot nila ang annulment papers namin ni Dwayne na may l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status