Pagkalabas namin ng restaurant, agad akong nakahinga nang maluwag. Pero ang dibdib ko ay tila pinipiga pa rin ng damdaming kanina pa nag-uumapaw. Galit. Inis. Lungkot. Lahat na yata ng emosyon ay naghahalo sa utak ko.Ang pagtatagpo naming iyon ni Dwayne ay ayaw ko na sanang mangyari pang muli, subalit sa lipunang ginagalawan namin, malamang na madalas magtagpo ang aming landas.Tahimik lang si Kuya Zyd habang naglalakad kami sa parking lot. Ngunit alam kong pakikiramay at pag-aalala ang laman ng kanyang mga mata. Nang makapasok kami sa sasakyan, siya na rin ang unang bumasag ng katahimikan.“Pasensya ka na, Liza. Kung hindi kita iniwan, hindi sila makakalapit sayo."Napangiti ako, mahina, pero taos sa loob. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Kuya. Kung tutuusin, ikaw ang may karapatang sabihing ‘I told you so’.”“Hindi ko gagawin ‘yon,” sabay alok niya ng tissue. “Ang gusto ko lang ay makita kang muling ngumiti nang totoo. At mamuhay ng gaya ng dati. Hindi ka namin inaruga par
Tahimik kaming umalis ni Kuya Zyd palayo sa gulo. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, parang bawat mata sa restaurant ay nakasunod sa amin. Hindi ko mapigilang mag-exhale nang malalim—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa panghihinayang. Panghihinayang na sa kabila ng lahat, hindi pa rin natuto ang mga dating naging bahagi ng buhay ko.Ang mapagmataas na mag inang iyon ay talagang may lakas pa ng loob na ipahiya ako.Nang makarating kami sa mesa namin, agad na dumating ang waiter, tila nahihiya sa nasaksihan. "Pasensya na po, Sir, Ma'am. Nais ko lang pong sabihing may complimentary wine si Sir Vann de Madrid mula sa management."Ngumiti si Kuya Zyd. "Thank you. Pakidalhan na rin kami ng steak medium rare at grilled salmon for the lady."Ngumiti ako. "You still remember my favorite.""Of course," sabi niya habang binubuksan ang napkin. "Sa dami ng pinagdaanan mo, Liza, you deserve to eat well and live better. Simula ngayon, wala ng mang aapi muli sayo, at ikaw na ulit ang prinsesa sa
POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re
"TUMAAS lang ang BP ni tita, pero so far naman, maayos siya," dala ni Ric ang record ni mommy habang tinitingnan ang vitals niya. "Magiging maayos din siya. Ano ba kasi ang nangyari?""Wala, " mahina kong sagot, "Diyan ka muna, may kakausapin lang ako," hindi ko na hinintay ang kanyang kasagutan saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina Astraia at ang kapatid kong si Cathy.Hinawakan ko ang aking kapatid sa magkabilang balikat saka bahagya ko siyang niyugyog."Kailan niyo pa pinapirmahan sa akin ang annulment papers namin ni LJ?" matigas kong tanong, "kailan niyo pa naguha ang atm niya?""Kuya, nas-nasasaktan ako!" sagot niya habang pinipilit kumawala sa akin.Napahinto ako. Doon ko lang napansin na masyado ko na palang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Mabilis akong napaurong, agad na kumalas at napatingin sa paligid. Naglalaro sa mga mata ni Astraia ang pagkagulat, habang hawak-hawak ni Cathy ang kanyang balikat na tila naiiyak sa sakit—h
UMUWI ako sa bahay ng aking Lolo, at nakita ko, na naroon si Cathy at ang aking ina, pati si Astraia. Madami silang pinamili. Nakahilera iyon sa aming sofa."Anak, narito ka na pala," tumayo si mommy at sinalubong ako.Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kakaibang tingin ko sa mga paper bag ng mga branded na gamit na nakakalat sa salas."Ah.. anak.. pinasaya lang namin ng kapatid mo ang mga sarili namin. Nai-stress na kasi kami.." naglalambing na sabi ni mommy sa akin."Saan naman galing ang perang ginastos niyo?" tanong ko sa kanila."Ah, sa ipon namin, anak.." sagot ni mommy, saka lumingon siya kay Astraia, " hindi ba, Astraia?""Ah, opo.. opo mommy.." nakangiting sagot ni Astraia.Naningkit ang aking mga mata, matapos marinig ang kanilang mga kasinungalingan. Hindi ako makapaniwalang naaatim nilang magsinungaling sa mismong harapan ko!Ganoon ba ako nagtitiwala sa aking pamilya at hindi ko man lang napapansin ang kanilang mga ginagawa?"Umuwi ka na, Astraia.." pagtataboy ko sa ka
POV: DWAYNE"LJ?" nakakunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa isang babaeng nagtitingin ng damit sa isang kilalang botique.Huminga ako ng malalim. Malamang, makakabili siya ng mga bagay na naroroon sa loob ng mamahaling tindahang iyon. Umalis siyang tangay ang aking ATM na iniregalo sa kanya. At halos araw araw, nababawasan ang laman ng ATM na iyon. Malaking pera ang naipon doon, at nag iipon lang pala siya, bago ako layasan.Ang kabuuang sampung milyon na naipon doon, ay naging tatlong milyon na lang sa loob lamang ng mahigit isang linggo niyang paglayas sa aming tahanan!Napalunok ako.. kailangan ko siyang iuwi sa aming bahay, upang makapag usap. Masama ang loob ko sa kanya, subalit kailangan ko siyang masolo, at yayaing magsimula kaming dalawang muli. Isang taon na lang sana ang hinihintay ko upang ganap na baguhin ang rel;asyon naming dalawa, base na rin sa usapan namin ng aking lolo.."KUNG hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyan ngayon, bibigyan kita ng isa pang taon, para pat