"So, ikaw pala.. ikaw pala ang nakakuha ng bag na iyon sa ibaba!" panimula ni Cathy, "akin ang bag na iyon.""Ha? kailan pa?" natatawa kong tanong sa kanya, "ang bag na iyon ay akin, nauna ako sayo. Kung nauna ka, eh di sayo.""No," sabi pa niya sa akin, "kahit ikaw ang nauna, that's mine!" mayabang niyang sagot sa akin."Walang sayo, at wala akong paki kung gusto mo ang bag na iyon. Akin yun. Amin.." wala akong paki sa pagtatantrums niya.Noon, kapag may nagustuhan siya sa mga gamit ko, ibinibigay ko agad, pero nagyon, hindi na iyon mangyayari."Ma'am.." dumating na ang staff na may dalang sapatos, "ito na po ang order niyo.""Wag mong ibigay yan sa kanya!" awat ni Cathy."Ma'am Cathy.. kumusta po kayo? narito pala kayo.." bati ng babae."Wag mong ibigay ang order nila, wala namang pambayad ang mga yan. Mga gold digger sila at mga pokpok. Kumakapit sa mayamang mga lalaki para lang magkasalapi!" sabi ni Cathy.Nagkatawanan kami ni Jill."Anong sinasabi mo diyan?" sabi ni Jill kay Cath
"JILL!" masaya kong sigaw sa aking kaibigan habang naglalakad ako sa kahabaan ng street na iyon ng mga luxury brand. Tanging mayayamang tao lamang ang pinapapasok sa lugar na iyon."Liza!!" tumatakbo siyang sinalubong ako ng yakap, "bruha ka, isang linggo ako sa Singapore, hindi ka man lang nagparamdam kahit tawagan ako!" may himig pagtatampo siya sa akin, "paano kung hindi ko naisipang kontakin ka? paano na ang pagkakaibigan natin? mauuwi na lang ba ang lahat sa wala?""Ang arte mo," hinampas ko ang braso niya, "nakabalik na ko sa unit ko.. pinayagan ako ng daddy. Pero kailangan, umuwi uwi pa rin ako sa mansiyon kasi daw malulungkot sita," humawak ako sa kanyang braso at nag umpisa na kaming maglakad."Oh, nakabalik ka na sa unit mo? babalik na rin ako sa unit ko. Kaya ako umalis doon kasi wala ka eh.." nakangiting sabi ni Jill sa akin."Ano ba kasing ginawa mo sa SG? bigla kasi yung alis mo, sana, sumama ako.." sabi ko sa kanya habang inililinga ko ang aking mga mata."May conferenc
"Hi, baby sis!" bati ni Kuya Zalm sa akin. Halos mapangiwi naman ako ng makita siya."Ano naman ang hitsura mong yan? naka disguised ka pa? ang feeling sikat mo ata?" nakanguso kong tanong, "anag aga mo namang magpunta dito.""Papasukin mo kaya ako," sabi niya sa akin. Doon ko lang napansin ang dala niyang maleta."Anong kalokohan to? bakit may dala kang maleta?" tanong ko sa kanya, binukasan ng malaki ang pinto saka siya pinapasok."Hindi ito kalokohan," naglakad siya papasok sa loob, "naisip ko na baka namimiss mo na ako, kaya mananatili ako sa tabi mo ng isang linggo.""Isang linggo?" napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi, "isang linggo ka lang pero ang gamit mo parang pinalayas ka sa bahay?""Sino namang magpapalayas sa akin? talaga lang namiss ko ang aking baby sister. Baka naiinip ka dito na wala kang kasama eh. Anong inoffer sayo ni Kuya Zyd?" nag de kwatro pa siya habang nakaupo sa sofa. Iniunat ang mga braso sa sandalan na parang nagrerelax.Muling tumunog ang door bell.
Pagkalabas namin ng restaurant, agad akong nakahinga nang maluwag. Pero ang dibdib ko ay tila pinipiga pa rin ng damdaming kanina pa nag-uumapaw. Galit. Inis. Lungkot. Lahat na yata ng emosyon ay naghahalo sa utak ko.Ang pagtatagpo naming iyon ni Dwayne ay ayaw ko na sanang mangyari pang muli, subalit sa lipunang ginagalawan namin, malamang na madalas magtagpo ang aming landas.Tahimik lang si Kuya Zyd habang naglalakad kami sa parking lot. Ngunit alam kong pakikiramay at pag-aalala ang laman ng kanyang mga mata. Nang makapasok kami sa sasakyan, siya na rin ang unang bumasag ng katahimikan.“Pasensya ka na, Liza. Kung hindi kita iniwan, hindi sila makakalapit sayo."Napangiti ako, mahina, pero taos sa loob. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Kuya. Kung tutuusin, ikaw ang may karapatang sabihing ‘I told you so’.”“Hindi ko gagawin ‘yon,” sabay alok niya ng tissue. “Ang gusto ko lang ay makita kang muling ngumiti nang totoo. At mamuhay ng gaya ng dati. Hindi ka namin inaruga par
Tahimik kaming umalis ni Kuya Zyd palayo sa gulo. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, parang bawat mata sa restaurant ay nakasunod sa amin. Hindi ko mapigilang mag-exhale nang malalim—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa panghihinayang. Panghihinayang na sa kabila ng lahat, hindi pa rin natuto ang mga dating naging bahagi ng buhay ko.Ang mapagmataas na mag inang iyon ay talagang may lakas pa ng loob na ipahiya ako.Nang makarating kami sa mesa namin, agad na dumating ang waiter, tila nahihiya sa nasaksihan. "Pasensya na po, Sir, Ma'am. Nais ko lang pong sabihing may complimentary wine si Sir Vann de Madrid mula sa management."Ngumiti si Kuya Zyd. "Thank you. Pakidalhan na rin kami ng steak medium rare at grilled salmon for the lady."Ngumiti ako. "You still remember my favorite.""Of course," sabi niya habang binubuksan ang napkin. "Sa dami ng pinagdaanan mo, Liza, you deserve to eat well and live better. Simula ngayon, wala ng mang aapi muli sayo, at ikaw na ulit ang prinsesa sa
POV: LJKUMAKAIN sina Astraia at Cathy sa isang restaurant, ng mapadako ang mga mata nila sa pinto kung saan kami naglalakadNaging kaabang abang ang pagpasok namin na kinukuhanan ng larawan ng mga paparazzi.Ang mga tao doon ay napatunganga sa aming dalawa ni Kuya Zyd. Nakahawak ako sa kanyang braso, habang dala dala niya ang aking bag.Napansin ko agad ang pagngisi ni Cathy, saka kinalabit ang kanyang ina upang tingnan ako.Tinaasan ko sila ng kilay, saka nilagpasan ng hindi man lang binabati. Ayoko silang makita, nagkataon lang na nakareserved na ang isang table dito para sa amin.Subalit ang dati kong biyenan at hipag ay talagang naghahanap ng gulo. Agad nila akong pinaringgan ng kung anu ano."Waiter! akala ko ba, ang restaurant na ito ay para sa matataas na uri ng tao lamang? bakit nagpapasok kayo dito ng basura?" tanong ng aking dating biyenan. Rinig na rinig ko iyon, masakit sa tainga pakinggan.Wala na talagang pinipiling lugar ang mga ipokritang ito. Pati sa mga class na re