Share

Chapter 3: Personal Maid

Lianna's P.O.V

Kakatapos ko lang maglinis ng kwarto ng aming mga amo at ngayon nga ay kakabalik ko lang sa kusina, balak kong tulungan si nanay Amanda ang mayordoma ng mansyon na ito Siya rin ang kaibigan ng aking tiya Tina at siya ang nagpasok sakin dito sa mansion ng mga Zanders kung kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. " Nay Manda tapos na po ako sa paglilinis ng mga kwarto, may maitutulong po ba ako dito sa kusina." " Naku anak mamaya na magpahinga ka muna tutal naman ay maaga pa. Ihahanda ko lang muna itong mga gagamitin kong mga rekados tatawagin na lang kita kung kailangan ko ng tulong dito isa pa nanjan naman si Beth siya naman ang nakatoka ngayon dito sa kusina." " Ganun po ba Nay sige po pupunta muna ako sa kwarto para po magpahinga saglit babalik po ako mamaya pag maghahanda na para sa tanghalian ng amo natin".wika ko kay nanay Manda at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa maid quarters na nasa likod lang naman ng kusina. Kung mapapansin ay paiba iba kami ng nakatokang gawain sa araw araw, yun kase ang gusto ni Maam Amelia Zanders ang Mama nila sir Drei. Gusto niya kase ay lahat ng katulong nila sa bahay masanay sa lahat ng gawain para kung halimbawa may magkasakit man sa amin ay may papalit agad. Kung tutuusin ay hindi naman mahirap ang trabaho namin dito sa mansion dahil na rin sa mababait ang mga amo namin syempre pag sinabi kong mabait hindi kasali dun ang dragon ng pamilya nila na si sir Drei. Hindi ko nga maintindihan kung kanino siya nagmana pareho namang mabait ang mga magulang niya at ubod din naman ng bait ang mga kapatid niya hindi mo naman masasabi na ampon siya dahil tulad ng kanyang mga kapatid ay napaka gwapo niya... hindi lang basta gwapo kundi sobrang gwapo sa totoo lang noong una ko siyang makita ay natulala talaga ako dahil iyon ang unang beses na nakakita ako ng ganun kakisig na lalaki. Gwapo din naman si sir Alex pero iba ang dating ng mukha ni sir Drei. Aaminin ko isa ako sa naging tagahanga niya pero syempre noon yun, panahong hindi ko pa nalalaman ang kasamaan ng ugali niya. Nawala ang paghanga ko sa kanya ng isang beses ay natoka si Crisa sa paglilinis ng mga kwarto. Nalimutan ni Crisa na palitan ng cover ang kama niya at ng makita iyon ni Sir Drei ay kulang na lang lumabas ang usok at apoy sa bunganga niya, kung ano anong masakit na salita ang lumabas sa bunganga ni sir Drei akala mo naman ikamamatay niya ang paghiga sa kama na hindi napalitan ng cover. Sobrang takot din ang naramdaman ko para kay Crisa , takot na baka bigla na lang siyang tanggalin sa trabaho ni sir Drei. Siya pa naman ang bread winner ng kanilang pamilya, paano na lamang ang mga kapatid niya na pinapag aral kung mawawalan siya ng trabaho mabuti na lang at dumating si Maam Valerie ang nakababatang kapatid ni sir Drei napakalma nya ang dragon. Matapos ng pangyayaring yun ay napalitan ng inis ang dating paghanga ko kay sir Drei.Tunay talaga na don't judge the book by it's cover dahil kung anong kinagwapo niya ay kinasama naman ng kanyang ugali . Pilit kong inalis sa aking isipan si sir Drei , nahiga ako sa aking kama para naman maipahinga ko ang aking katawan na napagod sa paglilinis ng mga kwarto, sampung kwarto din ang aking nilinis kasama ang mga guest room.Ang maganda lang dito ay kung anong nakatoka sayo na trabaho ay yun lang talaga ang gagawin mo kaya pag mabilis kang matapos ay mabilis ka din makakapagpahinga. Nasa sayo na kung gusto mong tulungan ang kapwa mo kasambahay. Maiidlip na sana ako ng maalala ko ang sinabi ni Sir Drei sa akin kanina" Naku naman bakit ba ako pa ang napili niya na maging personal maid. Baka imbes na hindi pa ako nabubulyawan dito ay doon ko naman iyon maranasan dahil lagi ko na siyang makakasama"kausap ko sa aking sarili. Imbes na magpahinga ay nagsimula na lang ako na mag impake ng aking mga gamit dahil hindi ko din alam kung anong oras kami aalis. Patapos na ako sa aking ginagawa ng biglang bumukas ng pinto at pumasok si Beth" Lianna pinapatawag ka ni nanay Manda" gulat na napatingin sa ginagawa ko si Beth" teka Lianna bakit nag iimpake ka ? nakagalitan ka ba ni sir Drei kanina? " nag aalalang tanong ni Beth sa akin" Hindi Beth ang totoo niyan nagustuhan ni sir Drei ang trabaho ko kanina kung kaya naman nagdesisyon siya na gawin akong personal maid niya"malungkot kong saad kay Beth. "Talaga Lianna ?!? kung ganun ay napakaswerte mo naman pala" nakangiting turan ni Beth, hay ganito ba talaga pag umiibig ? nabubulag din " Ano bang swerte ang sinasabi mo Beth ? hindi ba't kamalasang maituturing ang makasama sa iisang bubong ang isang dragon ? paano na lang kung pagdating doon ay puro kapalpakan na ang magawa ko ?" nag aalalang sagot ko kay Beth" Ano bang kamalasan ang sinasabi mo, kung ako ang nasa posisyon mo ngayon ay baka nagtatalon na ako sa tuwa biruin mo araw araw kang makakakita ng gwapo" nagniningning pa ang mga mata ni Beth habang sinasabi sa akin yun. "Beth Ikaw na lang kaya ang sumama kay sir Drei " nakangiti ng saad ko kay Beth, sa tingin ko naman ay papayag siya dahil malaki ang pagkakagusto niya kay sir Drei " Kung pwede lang Lian ay ako na lang pero kilala natin si sir Drei kung ano ang kanyang gusto ay iyon ang masusunod " hay naku wala na talaga akong lusot nakakalungkot naman , bukod kase sa natatakot ako kay sir Drei ay may isa pa akong dahilan kung bakit ayoko sanang sumama kay sir Drei. Ang totoo ayokong malayo kila nanay Manda ,Beth at Crisa, sa kanila kase nagkaroon ako ng panibagong pamilya.. hindi ko nararamdaman na mag isa na lang ako. Hindi nila ako itinuring na iba parang nagkaroon ako ng bagong nanay at may bonus pang mga kapatid. Unti unti nakabangon ako mula sa lungkot na lumukob sa akin simula ng mawalan ako ng mga magulang at dahil iyon sa kanila. Mahinang katok ang nagbalik sa akin mula sa malalim na pag iisip. "Beth! Hindi ba at pinapatawag ko lang sa iyo si Lianna. Bakit maging ikaw ay hindi na nakabalik sa kusina. Hala lumabas na kayo diyan at maghahain na tayo para sa tanghalian ng pamilya at Lianna anak pumunta ka sa library nais kang makausap ni Madam Amelia" Tinig ni Nanay Manda mula sa labas ng kwarto namin. "Hala oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa iyo iyon Lianna pasensya. " hinging paumanhin sa akin ni Beth " wala iyon Beth mabuti pa ay lumabas na tayo tapos n din naman akong mag impake " nakangiting baling ko kay Beth. Sabay kaming lumabas ni Beth sa kusina na kami naghiwalay ng landas dahil gaya ng sinabi ni nanay Manda ay dumirecho na ako sa Library ng mga Zanders.

Nasa labas na ako ng library ng mga Zanders , tatlong mahihinang katok ang aking ginawa bago ko narinig ang tinig ni Madam Amelia sa loob ng library pagkatapos noon ay binuksan ko na ang pinto at pumasok ako sa loob.

" Magandang araw po Maam Amelia , nais niyo daw po akong makausap? " nakayukong turan ko sa kanya, kahit napakabait ni Maam Amelia ay hindi ko pa rin maiwasan na mahiya sa kanya. " Oo Lian kinausap kasi ako ni Drei tungkol sa iyo. Nais ka daw kunin bilang personal maid niya sa kanyang condo mukhang nagustuhan ng anak kong iyon ang iyong pagtatrabaho. Sinubukan kong bigyan siya ng ibang opsyon ngunit ikaw daw ang gusto nyang maging kasambahay. Alam mo naman ang batang iyon kung ano ang naisin ay siyang masusunod kaya nais kong humingi sa iyo ng pasensya Lian dahil alam kong malulungkot ka dahil malalayo ka kila Amanda. huwag kang mag alala dahil binilinan ko naman si Drei na wag kang masyadong pahirapan pagdating doon." ang mahabang litanya ni Maam Amelia sakin."Ayos lang po Maam Amelia naiintindihan ko po, pagbubutihin ko na lamang ang aking trabaho para hindi po ako mapagalitan ni sir Drei."nginitian ko si maam Amelia hanbang sinasabi ko iyon upang mabawasan ang kanyang pag aalala. "Siya sige iha maari ka ng lumabas para maayos mo na ang iyong mga gamit at pagkatapos kumain ka na rin ng tanghalian mo baka mayamaya lamang ay umalis na kayo ni Drei." tango lang ang naging tugon ko kay Maam Amelia at nagmadali na akong lumabas. Tamang tama lang pala na inasikaso ko na ang aking mga gamit, ang gagawin ko na lang ay kumain ng tanghalian at para makaligo man lang ako bago kami umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status