Share

Maid For Me
Maid For Me
Author: Misty22

Chapter 1 : Mag isa na lang

Ingay mula sa mga nagsusugal ang maririnig sa paligid, mga kantyawan ng mga kalalakihan na nagsusugal sa lamay. Hindi maiwasan ni Lianna ang muling mapahikbi ng maalalang nag iisa na lamang siya sa buhay. Namatay ang kanyang ama tatlong taon pa lamang ang nakakalipas dahil sa aksidenteng nabangga ang sinasakyan nitong bus ng kasalubong na truck at ngayon naman ay huling lamay na ng kanyang ina. Kamamatay lamang nito dahil sa sakit . Alam ni Lianna na hindi na magtatagal ang buhay ng kanyang ina dahil sa araw araw niya itong nakikita ay walang siyang makita na pagbabago sa kondisyon nito. Na stroke ang kanyang ina ilang araw pa lang ang nakakalipas. Lubhang naapektuhan nito ang utak ng kanyang ina kung kaya't matapos ang tatlong araw ay binawian din ito ng buhay. Halos ubos na rin ang ipon nilang mag ina dahil sa gastos sa ospital at ngayon naman para sa libing ng kanyang ina. Hindi mapigilan ni Lianna na isipin kung paano na siya ngayong mag isa na lang siya. Walang siyang kapatid o kakilalang kamag anak na maaari niyang lapitan. Ang tanging natitira na lamang sa kanya ay ang bahay na naipundar ng kanyang mga magulang. Kakatapos pa lamang niya ng highschool at wala siyang maisip na trabaho na maari niyang pasukan dahil sa disesyete pa lamang siya. Sa katunayan ay ang kapitan nila na nagkataong kapitbahay nila ang nag asikaso ng lamay ng kanyang ina. Mabuti na lang din at may mabuti siyang kapitbahay na umaalalay sa kanya ngayon dahil kung wala ay pihadong hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ngayon. "Lianna tahan na. Wag kang mag alala at nandito kami pag may kailangan ka. Magsabi ka lang samin ng ate Lucy mo". Maliit na ngiti ang naging sukli ni Lianna sa sinabi sa kanya ng kanilang kapitan na si Mang Ernesto. "Maraming salamat po sa inyo Mang Ernesto. Tatanawin ko pong malaking utang na loob itong tulong na binibigay ninyo sakin akin ngayon". "wala iyon iha kung tutuusin ay binabalik lang namin ang kabutihang binigay samin ng yumao mong magulang. wag mong iisipin na mag isa ka na lang ngayon. Nandito kami para na rin namang anak ang turing ko sayo." Muling pumatak ang masaganang luha ni Lianna matapos ang winika sa kanya ni Mang Ernesto. Sadyang may mabubuting tao pa rin sa mundo na handang tumulong tulad na lang nila Mang Ernesto na bagamat hindi niya kadugo ay itinuturing naman siyang tunay na pamilya. " Tama na ang pag iyak Lianna." muli ngiti lamang ang naging tugon ni Lianna sa sinabi ni Mang Ernesto. " Lianna aasikasuhin ko lang muna ang paglilibingan ng iyong ina bukas, makabubuti kung magpapahinga ka muna siguradong dadagsa ang makikiramay mamayang gabi at kakailanganin mo ng lakas upang maasikaso sila. Ang ate Lucy mo na lang muna ang bahala dito." " Sige po . Salamat ulit".

Malakas na iyak mula sa labas ang gumising kay Lianna kung kaya't dali dali syang lumabas upang makita kung kaninong boses ang kanyang naririnig. " Rita !! mahal kong kapatid bakit mo ko iniwan !! ni hindi manlang tayo nakapag usap muli... " wika ng umiiyak na babaeng nakayakap sa kabaong ng nanay ni Lianna. "Sino po kayo? " nagtatakang tanong ni Lianna sa may edad na babae. Humarap sa kanya ang babae "Ikaw ba ang nag iisang anak ni Rita? Ako ang tiya Tina mo nakatatandang kapatid ako ng iyong ina. " Wika ng babae sa kanya. "Ngunit wala naman pong nabanggit sa akin si Mama tungkol sa inyo. Ni minsan ay wala siyang nabanggit na may kapatid siya." " Maaring dahil hindi pa niya kami napapatawad. " ang umiiyak na tugon ng nagpakilala niyang tiyahin. " Mabuti po sigurong maupo po muna kayo sa loob " alok ni Lianna sa babae. " Sige iha para na rin makapagkilala ako sayo ng maayos"

Pumasok sila sa loob at doon nga ay kinuwento ng kanyang tiya Tina ang dahilan kung bakit hindi siya kinilalang kapatid ng kanyang ina at kung bakit ito nagalit sa sariling pamilya. Ngayon ay naiintindihan na ni Lianna kung bakit kahit minsan ay hindi manlang nabanggit ng kanyang ina sa kanya kung nasaan ang kanyang pamilya."Ano ang plano mo ngayon iha? ". " Sa totoo lang po ay hindi ko po alam ang gagawin ko pgkatapos nito" nahihiyang tugon ni Lianna. "Kung gusto mo sumama ka na lang sakin sa manila tutal wala na din naman akong kasama sa bahay dahil ang mga pinsan mo ay may kanya kanya na ding pamilya. " "Kung maaari po ay pag iisipan ko muna Tiya. Sa ngayon po nais ko munang maging maayos ang libing ng aking ina." "Naiintindihan ko Lianna, basta kung ano man ang maging desisyon mo ay nandito lang ako, susuportahan kita basta wag ka lang mahihiyang magsabi sa akin." "Salamat po Tiya Tina."

Ngayong araw na ang libing ng aking ina, walang patid ang pagtulo ng aking mga luha. Kahit anong pilit ko ay hindi kumakalma ang aking puso na parang pinipiga sa sobrang sakit. Mag isa na lang ako. Yan ang katotohanang hindi ko na mababago. Wala ako kahit na kapatid man lang na magiging karamay ko sa lahat ng oras. Habang ipinapasok na ang kabaong ng aking ina sa magiging puntod niya ay mas lalong lumalakas ang aking pag iyak gayun din ang paghagulgol ng nagpakilala kong tiyahin na si tiya Tina. Ang bawat hinagpis niya ay larawan ng isang kapatid na hindi nabigyan ng pagkakataon upang itama ang kanyang pagkakamaling nagawa. At ako hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas pagkatapos nito. Wala na akong kasama sa bahay. Wala na akong uuwian. Wala ng dahilan nag pag gising ko sa umaga . Wala na akong ipagluluto at mayayakap sa tuwing nakakaramdam ako ng pangungulila sa aking ama. Ngayon pareho na silang wala. Naiwan na akong mag isa.

Pagkatapos ng libing ng aking ina ay hindi muna ako umalis ng kanyang puntod. Pakiramdam ko hindi ko kayang umalis. Nakatulala lang ako sa kanyang libingan habang wala pa rin patid ang pagtulo ng aking luha. Mayamaya mahinang tapik sa balikat ang nagpaangat ng aking paningin, nilingon ko ang taong tumabi sa akin si Charles ang anak ni Mang Ernesto. " Anna tara na dumudilim na baka biglang bumuhos ang ulan" ang malumanay niyang pag aaya sakin " "Umuna na lang kayo sa pag uwi Charles dito na muna ako. Ayoko pang iwan si Mama dito" "Hindi pwede Anna baka kung mapano ka dito. Babalik na lang tayo dito bukas sasamahan kita. Tara na naghihintay na din sayo ang iyong tiya Tina."Hinawakan ni Charles ang aking kamay at inakay na ako paalis. Isinakay niya ako sa dala niyang motor at direcho ng umuwi sa bahay. Naabutan ko si tiya Tina na nakaupo sa pang isahang upuan sa aming sala , nakayuko at patuloy pa rin sa pag iyak. Napatingin siya sa akin pag pasok ko sa pinto." Iha ayos ka lang ba ? " ang lumuluhang tanong sa akin ng aking tiyahin "Ayos lang po ako. Gusto ko po sanang magpahinga muna . kumatok ka na lamang kung may kailangan ka . Maari niyo pong gamitin ang kwarto ni Mama kung nais niyo din magpahinga."Sige iha salamat" Dumirecho na ako sa aking kwarto at doon muling pumatak ang masagana kong luha. "

Nakatulugan ko na ang pag iyak nagising lang ako ng kumatok ang tiya Tina sa aking pinto. "Lianna handa na ang hapunan kumain na muna tayo." pag aaya ni tiya tina sakin para kumain. "sige po Tiya lalabas na po ako." bago lumabas ay dumirecho muna ako sa c.r sa loob ng aking kwarto para maghilamos. Tumingin ako sa salamin pansin pa rin ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa walang tigil na pag iyak. "Kaya mo ito Lianna kailangan mong magpakatatag para kay mama. Hindi siya matutuwa na makita akong nalulugmok. " kausap ko sa aking sarili bago ako lumabas para kausapin si Tiya Tina tungkol sa aking desisyon kung sasama ba ako sa kanya o hindi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status