Share

Chapter 2

"Magandang umaga Lianna" masiglang bati sa kanya ni Beth isa sa mga kaibigan niya dito sa mansyon ng mga Zanders. Sadyang napakabilis na lumipas ang mga araw at taon para kay Lianna, ngayon limang taon na siyang nagtatrabaho sa mansyon ng mga Zanders. Matapos ang libing ng kanyang ina ay sumama siya sa kanyang tiyahin sa maynila nagkataon naman na saktong naghahanap ng dagdag na katulong ang amo ng kaibigan ng tiyahin niya at dahil ayaw ni Lianna na maging pasanin ng kanyang tiyahin ay nag apply siya at agad din namang tinanggap ng pamilyang Zanders bilang katulong. "Magandang umaga din sayo Beth, mukang napakasaya mo naman yata ngayong umaga mas nakakasilaw pa iyang ngiti mo kaysa sa sikat ng araw". pabirong bati ni Lianna kay Beth. "Hay naku Lian sino ba namang hindi sisigla ng ganyan kung ang taong hinahangaan niya ang bubungad sa kanya sa umaga" sabat naman ni Crisa isa ding katulong na malapit sa kanya . " Taong hinahangaan? ibig mo bang sabihin ay may crush si Beth? sino naman? " takang tanong ni Lianna" naku kang babaita ka limang taon na tayong magkakasama dito ay hindi mo pa rin napapansin na ngumingiti lang naman ng ganyan kaganda itong kaibigan nating si Beth kapag nandito si sir Drei". ah kung ganun pala ay nandito ang arogante nilang amo na ubod ng sungit, sa tatlong magkakapatid ay bukod tangi itong napakadamot sa ngiti. Minsanan lamang kung umuwi ng mansyon ang sir Drei nila dahil may sarili itong condo sa makati at kapag sinabing minsanan ay talaga naman minsanan lang sa loob yata ng limang taon niyang pagtatrabaho sa mansyon ay mabibilang lamang sa daliri ang mga araw na umuuwi ito sa mansyon at sa mga pagkakataong iyon ay palagi na lang itong may nasisigawan na kasambahay. Bukod tanging si Beth lamang ang masaya tuwing narito ang amo nilang iyon. Ewan ba niya sa kaibigan kung anong hinahangaan niya sa kanilang amo eh sobrang sama naman ng ugali. " Make me a cup of coffee" isang baritonong tinig ang gumulat sa kanilang tatlo sa kusina, natulala pa silang tatlo bago sila nakakilos ng may pagkataranta . Paano ba namang hindi sila matataranta ay ang pinag uusapan nila kanina lang ang dumating at ngayon nga ay humihingi ng kape. "What are you three doing? didn't you hear me? " "y-yes s-sir g-gagawa na p0" sagot naman ni Beth sa kanilang amo, ewan ba niya kung nauutal ito sa takot o sa kilig dahil may pagtingin ito sa kanilang amo. "Just bring it outside. I will be in the garden." dagdag pa nito sabay talikod na at naglakad palabas ng kusina. " Narinig kaya niya ang usapan natin?" nag aalalang tanong ni Crisa. "Tingin ko naman ay hindi" mahinang sagot ni Lianna kay Crisa. Napatingin silang dalawa sa kasama nilang si Beth, sabay pa silang natawa ng makita kung gaano kapula ang mukha ng kaibigan . "Jusko ko tayo'y takot na takot kanina tapos itong isang ito ay kilig na kilig pala. Hala ipagtimpla mo na ng kape ang iyong prince charming bago pa iyon mainip at baka pagbalik dito ay maging dragon na " natatawang wika ni Lianna kay Beth na namumula nga ang muka.

Pagkatapos mag agahan ng tatlo ay kanya kanya na silang punta sa mga nakatoka sa kanilang gawain.Ngayong araw ay nakatoka si Lianna para maglinis ng mga kwarto ng kanilang amo, inuna niyang linisan ang kwarto ng kanyang sir Drei dahil sa magkakapatid niyang amo ay ito pa lamang ang gising at hindi sila maaring maglinis ng kwarto ng mga ito hangga't nasa loob pa sila ng kanilang mga silid. Sigurado naman si Lianna na nasa labas ang kanilang sir Drei dahil kanina lamang ay nagpahatid pa ito ng agahan sa garden matapos nitong mahatiran ng kape. Mabusising paglilinis ang ginawa ni Lianna sa kwarto ng masungit na amo dahil ayaw niyang mapabilang sa mga katulong na nasigawan at napagalitan nito dahil masyado itong maselan lalo na pagdating sa kalinisan ng kwarto nito.Kakatapos lamang ng paglilinis ni Lianna at palabas na sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drei. "Are you done cleaning my room Anna". tanong ng amo nya sa kanya " yes sir tapos na po " magalang na sagot ni Lianna" how about my bathroom did you clean it too?" "opo sir " "let me check it before you go out" at nilagpasan na siya ng amo at diredirechong pumasok sa banyo , mayamaya ay lumabas din ito at umupo sa kama nito. " okay sa tingin ko mas maayos kang maglinis kaysa sa iba pang mga katulong dito" lihim na napangiti si Lianna sa sinabi ng kanilang sir Drei sa isip nya ay mukhang hindi siya mapapabilang sa mga masisigawan nito habang nandito ito,"and because of that I will personally ask my mom so I could bring you in my condo. " napaangat ng tingin si Lianna sa kanyang amo matapos ang sinabi nito"Po?!?" gulat na tanong nito sa kanyang amo. "I badly needed a personal maid, oh wait do i really have to explain it to you. Just get out now and prepare your things co'z you'll be staying in my condo from now on. " Naguguluhan man ay nagmamadaling lumabas si Lianna ng kwarto ng amo. "bakit naman ako pa ang napili nitong gawing katulong sa condo nito, parang hindi ko yata kakayanin ito ayaw ko pa naman sa lahat ay masigawan niya dahil sadyang nakakatakot ang boses nito lalo na pag galit" sabi ni Lianna sa sarili.. "Huy ganda tulala ka jan" napatalon pa sa gulat si Lianna ng marinig ang boses ng isa pang amo niya na si Sir Alex ang bunso sa magkapatid . Ganda talaga ang tawag nito sa kanya simula pa ng pumasok sya sa kanila bilang katulong kaya't hindi na rin siya naiilang bukod tanging si Sir Drei lamang nya ang natawag sa kanya ng Anna. Ang sir Alex at isa pa nitong kapatid na si Maam Valerie ay ganda ang tawag sa kanya samantalang ang mga magulang nila ay Lian naman ang tawag sa kanya."Wala po sir may iniisip lang ako" " Ganun ba, teka maglilinis ka na ba ng kwarto ko?" "Opo sir " yun lang at dumirecho na siya pag pasok sa kwarto ng sir Alex niya sa tapat lang naman ito ng Kwarto ni Sir Drei niya. Doon ay naging abala muli si Lianna sa paglilinis. Ang kwarto ni Sir Alex nila ang pinakamakalat sa lahat kabaliktaran ng kwarto ng kanyang kuya Drei. Marahil siguro ay ito ang bunso at lalaki kaya walang pakialam sa kwarto kung malinis ba o hindi. Si Sir Alex din nila ang kaedaran niya at madalas na kabiruan sa masion. Dahil siguro nandito ngayon ang panganay kaya ngayon ay nabawasan ang pagka pilyo ng huli pero kung wala ay siguradong nandito ito ngayon at kinukulit siya habang naglilinis. Nang matapos siya sa paglilinis sa kwarto ni Alex ay ang kwarto naman ng kanyang Maam Valerie ang kanyang sunod na nilinis . Maganda at malawak ang kwarto nito. Malinis at babaeng babae talaga halos wala nga siyang dapat linisin dahil sadya na itong malinis kaya naman konting walis at punas lang ay natapos na siya agad. Tapos ay sinunod na niya ang iba pang mga kwarto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status