Share

Chapter 4

Pagbalik ko sa kusina ay ang nakasimangot na mukha ni Crisa ang sumalubong sa akin.", Lian totoo ba ng sinabi ni Beth, isasama ka daw ni Sir Drei. Hindi ka na namin makakasama dito? " ang nalulungkot na litanya ni Crisa " Oo Cris nagustuhan daw kase ni sir Drei ang pagkakalinis ko ng kanyang kwarto" "Bakit hindi na lang kaya siya kumuha ng kasambahay sa mga agency? Teka hindi kaya ay na love at first sight sayo si Sir Drei!!" ang kinikilig na wika ni Crisa. " Ano ba naman iyang sinasabi mo , nagustuhan lang niya ang paglilinis ko kaya ganun. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Crisa baka may makarinig sayo o baka mamaya niyan sumulpot na naman dito si sir ay naku ikaw talaga ang pasasamahin ko doon." "Hehe nagbibiro lang naman ako Lian pero malay mo naman di ba .. sa ganda mong iyan ay posible talaga na magustuhan ka din ni Sir" "Naku Crisa nanaginip ka yata , ang isang tulad ng amo nating iyon ay hindi pipili ng babaeng maganda lang siguradong ang gusto noon ay tulad nilang may sinasabi sa buhay .. Mabuti pa ay sabayan mo na lang ako kumain baka nagugutom ka lang kaya kung ano ano na ang pumapasok sa isip mo"

Pagkatapos namin kumain ni Crisa ay dumirecho na ako sa kwarto , si Crisa na lamang daw ang maghuhugas ng aming pinagkainan. Kasalukuyan na akong ngbibihis ng may kumatok " Lian anak pinapasabi ni Sir Drei na hihintayin ka na lang daw niya sa kanyang sasakyan. " si nanay Manda pala , hindi pa nga pala ako nakakapag paalam sa kanya "Okay po nay , patapos na din naman po ako" nagmamadali na ang aking kilos natatakot ako na baka mainip ang aming amo at kagalitan pa ako isa pa ay gusto kong makapag paalam muna ng maaayos sa aking mga kasamahan dito lalo na kay nanay Manda.

Matapos ang aming paalaman at ang mahabang bilin ni Nanay Manda ay umalis din kami agad ni sir Drei. Mabuti na lang din at hindi nagalit si sir Drei kahit medyo natagalan kami bago nakaalis.

DREI' S P.O.V

Pansamantalang nakatigil ang minamaneho kong sasakyan dahil sa traffic. Ito ang iniiwasan ko kaya gusto ko sanang umalis ng maaga pero natagalan pa kami bago nakaalis dahil kung makapag paalaman naman itong kasambahay namin akala mo ay mag aabroad , nag iiyakan pa sila ng maabutan ko sa kusina. "Fuck this traffic " nayayamot na wika ko. Nagulat pa yata itong katabi ko dahil napaangat siya sa kanyang inuupuan. I just look at her and not even bother to say sorry after all it's her fault why we're stock in this heavy traffic. "will you stop staring Anna!" pagalit na wika ko sa kanya ,pano ba naman kase ay titig na titig sa akin, baka mamaya niyan ay mainlove pa sa akin ang babaeng ito. Hindi naman sa nangmamaliit ako ng tao dahil wala naman pinipiling estado sa buhay ang pag ibig pero hindi siya ang tipo ko. Ibinaling ko na lang sa pagmamaneho ang atensyon ko dahil kahit papano ay umuusad naman na ang mga sasakyan.

Matapos ang matagal na byahe ay nakarating din kami sa aking condo, matapos kong ipark ang aking kotse sa parking space na sadyang nakalaan para sakin ay sumakay na kami ng elevator ni hindi ko na sinubukan na tulungang magbitbit ng kanyang mga gamit si Anna dahil ewan ko ba naman kung bakit napakarami din niyang dala samantalang pansamantala lang naman ang pagtira nya sa condo ko. Nagpaalam kase sakin ang regular na tagalinis ng condo ko dahil nagkasakit ang kanyang asawa at kailangan niya itong alagaan , babalik din naman daw siya kapag gumaling na ang kanyang asawa. 'TING' hudyat na narito na kami sa aming floor na bababaan. diredirecho akong naglakad hanggang sa marating ko ang aking unit sa dulo nitong pasilyo. Binuksan ko ang pinto at hinintay na makarating sa aking kinaroroonan si Anna na hirap na hirap sa kanyang mga gamit.

LIANNA'S P.O.V

Grabe talaga sa sama ng ugali itong boss ko, nakita ng hirap na hirap ako sa aking bitbitin ay hindi man lang ako nagawang tulungan tapos ngayon mukang inip na inip pa habang naghihintay sa akin sa labas ng pinto ng kanyang unit. Nagmadali na ako sa paglalakad dahil baka sa unang araw ko dito ay mabugahan na agad ako ng apoy ng dragon na ito. Kanina pa naman sa sasakyan ay muntik ng umusok ang kanyang ilong dahil lang sa nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Binabantayan ko lang naman kung bubuka ba ang kanyang bibig dahil baka magulat na naman ako pag bigla siyang nagsalita. Nang makarating ako sa kanyang pwesto ay pinauna niya akong pinapasok sa loob. Napaka ganda pala ng kanyang unit. Nakakamangha na kahit lalaking lalaki ang dating niya ay napakalinis at maayos ng kanyang tirahan hindi kagaya ng iba na sadyang makalat. Inikot ko ang aking paningin sa paligid habang dahan dahan ng naglalakad papasok , sa bandang kaliwa makikita ang kusina na kumpleto sa gamit sa kanan naman ay dining table na napakasimple lamang samantalang saking harapan ay ang kanya sala sa pader ay may naka dikit na napaka laking flat screen t.v kulay berde ang mga sofa na bumagay sa kulay ng pader na kulay krema. Simple pero masarap sa mata. " Are you done checking my place " baritonong tinig ni sir Drei ang nagpabalik sakin mula sa pagkakamangha. " You see that door on the left side " sabay itinuro ang pintuan sa kaliwa "that would be your room and the other one was mine . I want you to maintain the cleanliness of my place do you understand Anna" " yes sir " "okay for now ayusin mo muna ang mga gamit mo at magpahinga ka muna " yun lang at iniwan na niya ako. lumabas siya ng kanyang condo at hindi ko alam kung saan sya pupunta. Ginawa ko ang kanyang sinabi dumirecho ako sa aking magiging kwarto . Pagpasok ko ay namangha na naman ako dahil malaki ito at may malaki din na malambot na kama hindi katulad ng kwarto na tinutuluyan ko sa masyon, binuksan ko ang isa pang pinto na nakita ko at napag alaman na isa ito banyo. Inayos ko muna ang aking mga gamit sa nakita kong aparador at pagkatapos ay nahiga ako sa kama. Napaka lambot talaga at ang sarap higaan. Ipinikit ko ang aking mata at umusal ng maikling panalangin. " Lord gabayan niyo po ako sa panibagong lugar na ito" yun lang at hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakaidlip dahil sa pagod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status