Share

Chapter 6

"Pasensya na mister nagulat lamang ako sa iyo, bakit naman kase ganun kalapit ang mukha mo sa akin. " ang hinging paumanhin ko sa lalaking kaharap ko. Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig at napilitan ng ngiti ang nakasimangot nitong mukha kanina. "I'm sorry if I scared you. I just got curious kaya lumapit ako sayo , by the way ano pala ang ginagawa mo dito ng ganitong oras ? You know it's kinda not safe especially for a beautiful women like you to be here at this time alone." ang nakangiti niyang turan sa akin. " Gusto ko lang sanang magpahangin dito hindi pa kase ako dalawin ng antok kaya naisip ko munang lumabas. " paliwanag ko sa kanya. "Hmm I see. By the way my name is Wayde and you are? " sabay lahad ng kanyang kamay sakin " ako si Lianna . "" bago ka lang ba dito ? first time ko lang kase na makita ka dito" tanong ni Wayde sakin . "Kanina lang ako lumipat dito. Kasambahay ako ni Sir Drei." "You mean Alexandrei Zanders? That jerk pano naman siya nagkaroon ng kasambahay na kasing ganda mo.?" ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa lantarang papuri sa akin ni Wayde. " Kilala mo pala ang aking amo? " pag iiba ko sa aming usapan . " Well yeah we're actually good friends" "Hmm magkaibigan pala kayo." "ikaw gaano ka na katagal na nagtatrabaho sa kanya? " " Unang araw ko ngayon bilang personal maid niya pero limang taon na akong naninilbihan sa masyon. " " Really? that long ? how come I have never seen you before? Ilang beses na rin naman akong nakarating sa mansion ng mga Zanders especially during their special occassions. ". " Maaring hindi mo lang ako napansin noon Sir Wayde ". " oh crap drop that sir hindi mo naman ako amo" " pasensya na po pero kung kaibigan ka ng aking amo marapat lang na tawagin din kitang sir hindi ba. " paliwanag ko sa kanya. " You don't have too si Drei ang amo mo at hindi ako and besides I wanna know more about you so pwede ba kitang maging kaibigan muna para mas makilala mo rin ako" nakangiting turan sa akin ni Wayde " Kaibigan muna? "nagtatakang tanong ko sa kanya " Well yeah kaibigan muna Co' z maybe we could turn it to the next level co'z I honesty like you now. " nagulat ako sa naging turan ni Wayde . Wala talagang paligoy ligoy ang taong ito. " Pasensya na pero wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon kung iyon ang tinutukoy mo isa pa sigurado akong mayaman ka , malayo ang agwat ng estado nating dalawa. " paliwanag ko kay Wayde. Hindi ko kase ugali na mag paasa ng mga lalaki kaya hanggat maaari ay nagsasabi agad ako upang wala ng umasa. " Ouch basted agad ako hindi pa man ako nangliligaw" hinawakan pa niya ang kanyang dibdib at umarte pa na parang may masakit sa parteng iyon kaya hindi ko napigilan ang matawa. " Haha nakakatawa ka naman Wayde mabuti na lang at hindi pala kayo pareho ng ugali ni sir Drei" natatawang turan ko . " Pano mo naman nasabi na hindi kami magka ugali ni Drei? ano bang klaseng amo ang kaibigan kong iyon " tanong pa ni Wayde sa akin. " Hmm baka isumbong mo ako kung sasabihin ko sayo"

" Pangako hindi makakarating sa kanya " " Masungit kase yon hindi tulad mo na pala ngiti. " "Kung ganon mas gwapo ba ako sa kanya" nagtaas baba pa ang kanyang kilay habang sinasabi iyon. " Pano naman napunta sa pagwapuhan ang usapan. " nakanguso kong sabi sa kanya pero ang totoo ay ayokong sagutin ang kanyang tanong

dahil baka sumama ang kanyang loob kung sasabihin ko ang totoo. Mas gwapo kase si Sir Drei kahit saang anggulo mo tignan. Gwapo din naman si Wayde matangkad na chinito. May kamukha nga siyang artista pero iba pa rin talaga ang dating ni Sir Drei lalaking lalaki at parang may lahing rusian . Mapagkakamalan ngang foreigner si sir Drei kung hindi mo ito maririnig na magsalita ng tagalog speaking of sir Drei tapos na kaya sila gumawa ng milagro nung kasama niya.Hayss sana naman para makatulog na ako. Anong oras na din kase. "Ano Lianna hindi ka na nakasagot. Natatakot ka ba na baka sabihin ko kay Drei na mas nagagwapuhan ka sa akin kaysa sa kanya" nakangiting turan ni Wayde sa akin. "Oo na Wayde mas gwapo ka na, siya babalik na ako sa unit ni sir Drei. Paalam" ngumiti pa ako bago tumalikod at tumuloy na sa elevator. Inaantok na talaga ako. Nang bumukas ang elevator ay diredirecho na akong naglakad papunta sa pinto ng unit ni Sir Drei ngunit laking gulat ko ng bigla itong bumukas at iniluwa ang babaeng kasama kanina ni sir Drei. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa sa paraang nanghahamak at biglang nagsalita" who the hell are you huh. are you Drei's women. how cheap." hindi agad ako nakahuma sa sinabi ng babae sakin " naku nagkakamali ka po. kasambahay ako ni sir Drei" paliwanag ko sa kanya ngunit sampal ang naging sagot niya sa akin bumaling sa kabila ang aking mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. "WHAT THE HELL SAVANIA" dumagundong ang nakakatakot na boses ni Sir Drei. " Fuck you Drei I'M NOT SAVANIA WHO THE HELL IS SAVANIA IM CASSIDY YOU JERK" ang galit na sigaw pabalik ng babae kay sir Drei. ang sakit ng pisngi ko dahil sa sampal sakin ng babaeng to. " I dont care what ever your name is we're done so just leave!! " sagot ni sir Drei . tatalikod na sana ang babae ng pigilan siya ni sir Drei at hawakan ang dalawang braso nito " What the Heck DREI LET GO OF ME . I THOUGHT YOU WANT ME TO LEAVE . " Halata sa muka ng babae ang kaba dahil sa ginawa ni sir Drei halata ang higpit ng kanyang pagkakapit sa babae dahil namumuti ang parteng hawak nito. " I change my mind. Lianna " nagulat ako ng banggitin ni sir Drei ang pangalan ko " Slap her too. Kasing lakas ng pagkakasampal niya sayo. DO IT NOW!" "pero s-sir " nahihintakutan kong sagot " choose you do what I say or I' ll be the one to do it. ". " Pero " natakot ako sa uri ng tingin sa akin ni sir Drei kaya pikit mata kong ginawa ang sinabi niya . Sinampal ko ng malakas ang babae kung kaya naman bigla na lang itong napaiyak . Matapos kong itong sampalin ay binitawan ito ni Sir Drei at tinulak palabas ng pinto tapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob. Ng makapasok ako ay malakas niyang isinara ang pinto. " Next time don't ever let someone treat you like that" yun lang at tinalikuran na niya ako. Pumasok na siya sa kanyang kwarto siguro ay matutulog na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status