Share

Chapter 7

Nakakagulat ang mga nanyari sakin ngayon mula sa pagkakasampal sa akin hanggang sa pagpapaganti sa akin ni Sir Drei. Hindi ko rin akalain na ipagtatanggol niya ako sa babaeng yon kaya lang ganun ba talaga siya may nangyari na sa kanila tapos ni hindi niya manlang tanda ang pangalan ng babae. Kawawang babae. Dumirecho ako sa kusina para ilagay sa tupper ware ang niluto kong ulam sayang kase baka mapanis kaya ilalagay ko na lamang sa ref para iinitin ko na lang bukas. Pagkatapos ay pumasok na ako ng aking silid para matulog ala una na din pala ng madaling araw.

Nagising ako ng alas singko ng madaling araw . Ilang oras lang ako nakatulog. Kailangan ko pa rin gumising ng maaga para maipaghanda ko ng agahan ang aking boss. Matapos ang aking morning routine ay dumirecho ako sa kusina ang ginawa ko ay sinangag ko muna yung tirang kanin kagabi tapos ay ininit ko ang natirang ulam. Nagluto na rin ako ng bacon at itlog dahil ito ang madalas na iulam ni sir Drei sa mansion tuwing agahan. Nang matapos ako sa pagluluto ay kumain muna ako para makapagsimula na ako sa paglilinis. Habang kumakain ako ay siyang labas naman ni sir Drei ng kanyang kwarto. " Good morning po sir " bati ko sa kanya " Ipagtimpla mo ako ng kape Anna " sungit wala manlang.good morning din ang ginawa ko ay iniwan ko muna ang aking pag kain at nagtimpla muna ng kape ni sir Drei. ".Sir ito na po kape niyo" ipinatong ko sa lamesita sa kanyang tapat ang kape niya at bumalik ako sa kusina para tapusin ang aking pagkain.. "Pininyahan ba iyang ulam mo? " muntik pa akong mabulunan dahil sa gulat ng biglang magsalita si sir Drei " oh eto tubig " sabay abot niya sa akin ng isang basong tubig. ininom ko agad ang tubig na ibinigay niya " salamat po sir . opo sir ito po ung ulam kagabi" bakit naman kase bigla bigla na lang siyang sumusulpot. " Gusto ko ng kumain ipaghain mo ako. Yan din ang gusto kong ulam" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at dumirecho sa dining. Binilisan ko ng tapusin ang aking pagkain pagkatapos ay dinala ko na sa kanya ang kanyang pagkain.

DREI'S P.O.V

Hindi ko alam kung tama bang dinala ko dito si Anna. Mukhang tama si Mommy na pumili na lang ng iba. Pansin ko kase na parang lutang siya at malalim lagi ang iniisip. Pinagpilitan ko lang naman na siya ang isama dahil nagustuhan ko ang paglilinis niya. Mamaya nga ay tatawagan ko at kakausapin si Mommy para magpadala na lang ng ibang katulong dito dahil kargo de konsensya ko pa kung mapahamak ang isang to sa poder ko. " Sir eto na po ang agahan mo. " isa isa niyan inilapag ang laman ng tray n dala niya. Sinangag na kanin, bacon and egg at yung pininyahang manok pagkatapos niya maghain ay nagpaalam ito na maglilinis ng aking kwarto. Una kong tinikman ang fried rice na niluto niya masarap ito kumpara sa luto ni Nanay Manda sa mansion tapos ay sinunod ko ang pininyahang manok at napakasarap din nito kalasa ng luto ng aking lola Leonora kaya paborito ko ang pininyahang manok na luto ng lola ko. Hindi ko na pinansin pa ang bacon and egg na nakahain. Naubos ko ang niluto niya maliban sa dalawang hindi ko na nakain dahil mas gusto ko ang niluto niyang ulam kagabi.

Lianna's P.O.V

Kakatapos ko lang maglinis ng kwarto ni sir Drei. Paglabas ko ay naabutan ko siyang nagliligpit ng kanyang kinainan. " Sir ako na po diyan. tapos na po ako maglinis sa kwarto niyo. " "Okay" yun lang at pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto. Dinala ko na sa lababo ang pinagkainan niya at hinugasan na ito. Pagkatapos ko sa lababo ay kinuha ko ang vaccuum para maglinis ng sala.Patapos na ako maglinis ng tumunog ang doorbell kaya naman pinatay ko na ang vaccuum at pumunta sa pinto upang pagbuksan ko sino man ang nasa labas. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Wayde ang bumungad sa akin. " Good morning Lianna" nakangiting bati ni Wayde. " Anna sinong nanjan ? ". Tanong ni Sir Drei na kakalabas lang ng kanyang kwarto. Nakaligo na ito at nakasuot ng simpleng puting t-shirt at sweat pants. "Bro!" hindi na ako nakasagot dahil dumirecho na pagpasok sa loob si Wayde " ikaw pala anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ." " Wala naman. Masama bang bumisita sa isang kaibigan" mapanghusgang tingin ang ginanti ni Sir Drei kay Wayde. "Stop fooling around Wayde I know what you are up too at ngayon pa lang sinasabi ko na sayo she's off limit". seryosong pahayag ni sir Drei. Teka sino bang pinag uusapan ng dalawang ito. Para naman hindi ako mag mukang chismosa ay naisipan ko na lang na pumunta naman sa laundry area ni sir Drei para tignan kung may labahin ba siya. Iniwan ko sila sa sala. Pagdating ay wala naman akong nakita na labahin kaya lumabas na lang ako doon at bumalik sa kusina.

Drei' P.O.V

This man iba ang tingin niya kay Anna kanina kaya alam kong hindi ako ang sadya niya dito pero hindi pwede dahil.. dahil basta. Nasa poder ko siya kaya kargo ko siya at ayokong nagpapa ligaw siya basta basta kahit pa kaibigan ko itong siraulong ito. "Drei ang higpit mo naman kay Anna. Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya. Gusto ko lang siya ipasyal pagkatapos ng trabaho niya dito para ka naman niyang tatay nyan. " nagpapaawa pa ang itsura niya pero hindi ako naaawa dahil ilang taon na kaming magkaibigan , simula pa nung elementary kami at alam na alam ko kung ano ang reputasyon nito pagdating sa babae. Kung babaero man ako ay mas malala ang isang ito at kanina pa ako nakukulitan dito dahil pinipilit niya akong payagan siya na idate si Anna . " I already told you Wayde She's off limit. wag mo na siyang isali sa mga babaeng papaiyakin mo. " " Pare I promise I wont be a jerk this time believe it or not I really like her. " Muntik ko pang maibuga ang juice na iniinom ko dahil sa sinabi niya. " Teka nga . Kailan mo ba nakilala si Anna at nasasabi mo ang mga kalokohang iyan ngayon. "Just last night Pare pero Can you belive it Pare sa tanang buhay ko kagabi lang tumibok ng ganun kabilis ang puso ko. Nag slowmo ang paligid ko habang nakatingin ako sa kanya. Sobrang ganda niya pare. " Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ni Wayde ngayon . Ano siya !? na love at first sight!?? Wth ? meron ba talaga nun. "You know what Wayde just go home and get a Cold shower. Libog lang yang nararamdaman mo. " "Hell no Im serious Drei . Palibhasa kase cold hearted ka at hindi mo pa nararanasan ang mainlove" "Love your Ass Wayde ." umiiling na sagot ko sa kanya.

"Ehemm" sabay kaming napatingin ni Wayde sa tumikhim na si Anna tinaas ko ang dalawa kong kilay bago sumagot sa kanya" What is it ? " "Ahm sir itatanong ko lang kung anong gustong mong ulam for lunch" " Just cook what ever you want Anna ,aalis ako mamaya hindi ako dito mag lalunch." " Ganun po ba okay po sir" sagot nito saakin. " Then just don't cook Anna . Pumunta talaga ako dito para iinvite ko for a lunch date " nakangiting sabi ni Wayde kay Anna. Napangiwi naman ang huli dahil sa sinabi niya waring hindi din gusto ni Anna na sumama kay Wayde.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status