Share

Chapter 5

Nagising ako ng alas singko ng hapon, mahaba haba din ang naitulog ko. Bago ako lumabas ng aking silid ay dumirecho muna ako sa banyo para maghilamos at umihi na din pagkatapos ay lumabas na ako. Tahimik ang paligid mukhang hindi pa yata nakakauwi si Sir Drei kaya ang ginawa ko na lang ay dumirecho sa kusina para tignan kung ano ang maaring kong lutuin para sa hapunan. Binuksan ko ang double door refrigarator na nasa kusina , nakakatuwa dahil puno ito ng mga laman. May gulay , karne ng baka , baboy at manok. Naisip kong magluto na lang ng pininyahang manok dahil kanina sa mansion ay karneng baboy ang ulam. Hinanda ko na ang mga sangkap na aking gagamitin para sa pagluluto tulad ng patatas at carrots sakto at may pineapple chunks din akong nakita sa cabinet dito sa kusina na puro mga de lata ang laman kaya tamang tama ito para sa aking iluluto. Nagsalang muna ako ng bigas sa rice cooker bago ko simulan ang pagluluto ng ulam ng sa ganon ay sabay na maluto ang kanin at ulam para kahit na anong oras man dumating si Sir Drei ay handa na ang kanyang hapunan. Pakanta kanta pa ako habang naghihiwa ng mga rekado na aking gagamitin. Sabi kase ni Nanay Manda ay mas sumasarap daw ang ano mang niluluto kung ginagawa mo ito ng masaya kung kaya naman hanggat maaari ay ayokong mag isip ng kahit na anong magpapalungkot sa akin. Idinadaan ko na lang sa pagkanta para kahit naman papano ay mabasag naman ang katahimikan sa lugar na ito. Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng tao ba itong amo ko napansin ko kase na bukod sa obsess siya sa kalinisan tingin ko ay mahilig din siguro siya magluto, halata kase ito sa kanyang kusina na kumpleto sa rekado para sa pagluluto.Kadalasan kase sa mga kilala kong lalaki ay walang kahilig hilig sa pagluluto tulad na lang ng kababata kong si Charles. Naiisip ko tuloy na napakaswerte siguro ng mapapangasawa ni Sir Drei pag nagkataon dahil sa maasahan naman pala ito sa kusina bukod pa sa siguradong laging malinis ang bahay nila yun nga lang bagsak si Sir Drei sa ugali niyang napakasungit ni hindi nga yata marunong magbiro ang isang yon. 'Hay sana naman makatagpo siya ng babaeng babago sa kanyang ugali' kausap ko sa aking sarili.

Kanina pa ako tapos magluto. 7: 30 na rin ng gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Sir Drei at nagugutom na talaga ako. Iniisip ko kung hihintayin ko pa ba siya o mauuna na akong kumain. " Bahala na nga , mauuna na lang ako kumain baka mamaya pa siya dumating". Hindi na ako nag abalang pumunta sa dining table para doon kumain sa kusina na lang ako kumain tutal naman ay may high stool naman akong maaring upuan. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na din ang aking pinagkainan.

Alas diyes na ng gabi at hanggang ngayon ay wala pa rin si sir Drei. Nais ko mang matulog na lang ay hindi ko magawa dahil baka nakakahiya naman sa aking amo kung pag uwi niya ay maabutan niya akong natutulog. Kailangan ko siyang pagsilbihan mamaya kapag maghahapunan na siya. Mayamaya nga ay napansin ko ang pag galaw ng door knob , bumukas ang pinto at inuluwa ang dalawang taong naghahalikan. Jusko sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng naghahalikan sa personal. Parang wala silang pakiaalam at diredirechong pumasok sa kwarto ni Sir Drei. Hindi man lang ba nila ako napansin ? o nakalimutan ni sir Drei na nandito ako. Imbes na hintayin si sir Drei na lumabas ay pumasok na lang ako ng aking silid pero isang pagkakamali pala ang aking ginawa. Dahil Saktong pagsara ko ng pinto ng aking silid ay ang pag ungol ng dalawa sa kabila ang bumungad sa akin .Rinig na rinig ko ang paghalinghing ng babaeng kasama ni sir Drei ganun din ang pagdaing ni sir Drei na may halong sarap sa kung anong mang ginagawa nila" ahh babe faster... ohhh " sabi nung babae . Grabe hindi ba nila pwedeng gawin ang bagay na iyon ng tahimik. Hindi naman ako ganun kainosente para hindi malaman ang kanilang ginagawa, virgin pa ako at never been kiss . Totoong first time ko din makakita ng naghahalikan ng live tanging sa mga napapanood ko lamang sa mga teleserye ako nakakita ng ganun pero hindi naman ako ganun ka inosente para hindi malaman ang kanilang ginagawa. Dahil sa hindi ako komportable sa nangyayari ay naisip ko na lang na lumabas ng unit ni sir Drei kahit mejo malalim na ang gabi . Pupunta na lang ako sa rooftop nitong building para magpalipas ng oras. Kumuha ako sa cabinet ng jacket at ipinatong ko ito sa suot kong pantulog na sponge bob ang design pagkatapos ay diredirecho na akong lumabas binaliwala ko na lang ang mga naririnig kong halinghing at ungol mula sa kabilang kwarto. Paglabas ko ng unit ni sir Drei ay tinungo ko ang elevator sakto naman na may palabas kaya dumirecho na rin ako pagpasok at pinindot ang botton pa top floor. Pagdating ko sa top floor ay katahimikan ang bumungad sa akin walang katao tao dito. Umupo ako sa lounge chair na nakita ko. Marahil ay sadyang pinalagay ito ng may ari ng building para sa mga gustong tumambay dito. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha. Napakasarap sa pakiramdam habang tinatangay ng hangin ang mejo may kahabaan kong wavy na buhok. Natural na wavy ang aking buhok itim na itim ito na namana ko sa aking ina. Samantalang namana ko naman sa aking ama ang morena kong balat. Hindi rin ako mababa sa taas kong 5'4 . Madaming nagsasabi na maganda ako kahit noong nandoon pa ako sa aming probinsya sa Laguna.Madalas ay inaalok ako na sumali sa mga pageant sa probinsya na lagi kong tinatanggihan dahil mahiyain ako . Ewan ko ba pero hindi ako komportable na rumampa sa harap ng maraming tao. Tumingala ako upang tignan ang mga bituin, buti pa sila marami silang kasama samantalang ako heto at nag iisa. Iniisip ko na lang na ngayon isa na sa mga bituing iyon ang aking mga magulang. Nakatingin sa akin at pinapanood ako habang pinagpapatuloy ko ang aking buhay. " Mama ,Papa miss na miss ko na po kayo " naluluha kong sabi sa kawalan . Ganito ako pag nag iisa hindi ko maiwasan na isipin ang aking mga magulang minsan nga ay naabutan ako nila Beth na umiiyak sa kwarto kaya simula non ay hindi na nila hinahayaan na mag isa lang ako. Laging may isa sa kanila na kasakasama ko para libangin ako. Sa limang taon namin na magkakasama ay alam na nila ang kwento ng aking buhay . Ipinikit kong muli ang aking mga mata para pakalmahin ang aking sarili. Ilang segundo na siguro akong nakapikit ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya naman sa takot ko ay idinilat ko ang aking mga mata. Ganun na lamang ang aking gulat ng sa pagmulat ko ay mukha ng isang lalaki ang bumungad sa akin. Konti na lang at magdidikit na ang aming mga ilong. Nagkandaduling duling pa yata ang aking mga mata dahil sa sobrang lapit na ng aming mga mukha. Bigla akong nataranta kaya naman ay naitulak ko ang lalaki na nasa aking harapan kaya naman bumugsak siya sa sahig.

"Fuck ang sakit ng pwet ko" nakasimangot na d***g ng lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status